Professional Documents
Culture Documents
___________________________________________________________________________________
SENIOR HIGH SCHOOL - Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Filipino 11)
A. BUNGA NG PAGKATUTO:
Sa katapusan ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pagunlad
ng wikang pambansa. F11PS- Ig-88
2. Nakapagbigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang
pambansa. F11PN- If-87
3. Nasusuri ang mga pananaw ng iba't ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika.
F11PBIf-95
4. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng
wikang pambansa. F11PU-Ig-86
5. Natiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng
wikang pambansa. F11WG-Ih-86
PAGHAWAN NG SAGABAL
Abeccedario - ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
Baybayin – ay itinuturing na sinaunang pamamaraan ng pagsulat ng mga katutubong Tagalog. Binubuo
ito ng 17 simbolo na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig.
ABAKADA - ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na
alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa. Ito ay naglalaman ng 20 titik.
1|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
labing-apat na katinig. Binibigkas ang mga katinig na may kasamang tunog na /a/. Kung tunog /e/ o /i/
ang kasama ng katinig, nilalagyan ng tuldok sa itaas ng titik. Ngunit kung ang nais naman ay tunog /o/ o
/u/, sa ibaba ng titik ang tuldok.
Kung ating susuriing maigi ang anyo ng mga simbolong kabilang sa ating Baybayin, tila ito ay
Arabik. Maaari nating masabi na ito ay bunga ng impluwensya ng mga Arabong nasa bansa dulot ng
kalakalan.
Wala pa mang pormal na mga paaralan sa mga panahong ito upang matutunan ng mga katutubo ang
sistema ng pagsulat, mahalagang itatak sa isipan na may anyong pasulat na ang mga wikang umiiral sa
bansa sa mga panahong ito bagama’t wala pang tuwirang maituturong wikang panlahat o pambansa.
Ang Baybayin
2|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
Sa mga wikang umiiral sa bansa sa mga panahong ito, higit na namayani ang wikang
Tagalog. Patunay rito ay ang mas maraming bilang ng mga aklat na nalimbag sa wikang ito na bunga
ng mga pag-aaral ng mga Kastila sa ating mga wika (Salazar, 2012).
Tagalog ang wikang ginagamit sa kalakhang Maynila na siyang itinuturing na sentro di
lamang ng pamumuno kundi maging ng kalakalan at maging ng edukasyon. Sinasabi na noon pa
man na ang wikang Tagalog ay mayaman sa leksikon na nakasasapat upang mailahad ng isang
Pilipino ang kanyang kaisipan.
Bagama’t mayaman sa katutubong wika ang bansa, wala pang itinuturing na wikang
pambansa sa mga panahong ito dahil ang wika ng mga mananakop ang siyang namayani. Hindi
pinahintulutan ng mga Kastila ang pakiusap ng mga katutubo na matutunan ang wikang Kastila.
Ang di pagpahintulot ay bunga na rin ng pagsisikap ng mga prayle sa panahong iyon na hadlangan
ito dahil sa kanilang pagnanais na manatiling mangmang ang mga katutubo sa mga nagaganap sa
kanilang paligid. Ang paghadlang din sa pagkatuto ng mga katutubo ng wikang Kastila ay magiging
isang adbentahe sa mga prayle dahil sila ang mananatiling tagapamagitan ng mga Kastilang buhat
sa Espanya at ng mga katutubo. Natatakot din ang mga prayle na ang pagkatuto ng mga katutubo ng
wikang Kastila ay maaaring maging simulain ng kanilang pag-aalsa dahil sa lumalaganap na
kaisipang liberalismo sa Europa na unti-‐unting nakapapasok sa bansa. Ngunit ang
pinakapangunahing dahilan ng mga prayle ay ang paniniwalang ang mga katutubo ay hindi na
nararapat na matuto pa ng Kastila at mas mainam pang manatiling mangmang dahil ang kailangan
lamang nilang matutunan ay ang magdasal, magsaka at maging masunurin sa mga pari. Sa halip,
sinubukang matutunan ng mga prayle ang mga katutubong wika (Francisco, Medellin, Empaynado,
Escoto, Rosales at Carreon, 2007).
Ang pinakamahalagang pagbabagong naganap kaugnay ng usaping wika ay ang
pagkakapalit ng ating Baybayin sa Alpabetong Romano na tinawag na Abeccedario.
Mula sa labimpitong titik ay naging 30 ito dahil sa pagdaragdag ng mga digraph tulad
ng CH at LL.
3|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
A B C CH D E F G H I
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/
J K L LL M N Ñ O P Q
/hota/ /ke/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/
R RR S T U V W X Y Z
/ere/ erre/ /ese/ /te/ /u/ /ve/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/
4|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
anong wika ang mainam upang maging wikang panturo sa mga paaralan. May naniniwalang ang
wikang Ingles ang siyang makabubuti dahil higit na magiging mabilis ang pagkatuto ng mga
Pilipino. Ngunit mayroon ding naniniwalang higit na matututo ang mga Pilipino kung ang wikang
katutubo ang gagamitin.
Nabigyan ng kaliwanagan ang isyung ito nang taong 1935 ay pinasimulan ng pambansang
kapulungan ang usapin tungkol sa pambansang wika.
Taong 1935 nang unang mapabilang sa pambansang usapin ang isyu ng pambansang wika.
Nang mabuo ang Konstitusyon ng 1935, nakasaad sa Saligang Batas, Artikulo 14, seksyon 3 ang
probisyong pangwika na nagsasaad na:
- Ang pambansang kapulungan ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.
Sa taong ding ito ay nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa na siyang namuno sa
pagsasagawa ng mga hakbangin tungo sa katuparan ng nakasaad sa batas. Ang binuong surian ay
nagsagawa ng mga pag-aaral sa mga umiiral na wika sa bansa at matapos ang dalawang taong
masusing pag-aaral, kanilang napagkasunduan na ang wikang Tagalog ang siyang magiging
batayan/basehan ng wikang kikilalaning wikang pambansa.
Ang desisyon ay nakabatay sa paniniwala ng surian na ang wikang Tagalog ay may
mayamang bokabularyo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng mga Pilipino. Sa
pamamagitan ni Pangulong Manuel L. Quezon ay kanyang dineklara ang Tagalog bilang siyang
pagbabatayan ng wikang pambansa. Ito ang dahilan kung bakit siya ang kinikilalang ama ng wikang
pambansa.
Taong 1940 naman nang simulang ituro ang Tagalog‐based na pambansang wika sa mga
paaralan kasabay ng pagkakalimbag ng unang Diksyunaryo sa wikang Tagalog at ang
pagkakalimbag din ng aklat sa gramatika ng wikang Tagalog na pinamunuan ni Lope K. Santos na
kinilalang ama ng balarilang Tagalog. Kalaun sa bisa ng Batas Komonwelt 570, ang Tagalog-based
na Pambansang Wika ay itinalaga na rin bilang Opisyal na Wika ng bansa.
5|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
6|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
Taong 1935 nang unang mapabilang sa pambansang usapin ang isyu ng pambansang wika. Nang
mabuo ang Konstitusyon ng 1935, nakasaad sa Saligang Batas, Artikulo 14, seksyon 3 ang probisyong
pangwika na nagsasaad na:
Sa taong ding ito ay nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa na siyang namuno sa pagsasagawa ng
mga hakbangin tungo sa katuparan ng nakasaad sa batas. Ang binuong surian ay nagsagawa ng mga pag--
aaral sa mga umiiral na wika sa bansa at matapos ang dalawang taong masusing pag-aaral, kanilang
napagkasunduan na ang wikang Tagalog ang siyang magiging batayan/basehan ng wikang kikilalaning
wikang pambansa.
Ang desisyon ay nakabatay sa paniniwala ng surian na ang wikang Tagalog ay may mayamang
bokabularyo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ni
Pangulong Manuel L. Quezon ay kanyang dineklara ang Tagalog bilang siyang pagbabatayan ng wikang
pambansa. Ito ang dahilan kung bakit siya ang kinikilalang ama ng wikang pambansa.
Taong 1940 naman nang simulang ituro ang Tagalog‐based na pambansang wika sa mga paaralan
kasabay ng pagkakalimbag ng unang Diksyunaryo sa wikang Tagalog at ang pagkakalimbag din ng aklat
sa gramatika ng wikang Tagalog na pinamunuan ni Lope K. Santos na kinilalang ama ng balarilang Tagalog.
Kalaunan, sa bisa ng Batas Komonwelt 570, ang Tagalog-based na Pambansang Wika ay itinalaga
na rin bilang Opisyal na Wika ng bansa.
SEK 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
7|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon
ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.
SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay
at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Sa ilalim ni Pangulong Fidel V. Ramos, ipinatupad niya ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda
na ang buwan ng Agosto taon-taon ay gagawing Buwan ng Wikang Filipino. Sa kasalukuyan ay patuloy
nating ipinagdiriwang ang okasyong ito.
Nang sinimulang maipatupad ang Saligang Batas ng 1987, kalauna’y ipinalabas din ang
tuntunin ng binagong ortograpiyang Filipino. Mula sa ABAKADA na siyang naging anyo ng ating
alpabeto nang pormal na itinuro ang pambansang wikang Tagalog-based taong 1940 ay naging
Alfabetong Filipino. Mula sa 20 titik ng ABAKADA ay naging 28 ang titik ng Alfabetong Filipino. Ito ay
alinsunod sa alpabetong Ingles na idinagdag ang Ñ na dulot ng impluwensya ng wikang Kastila at NG na
8|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
dati pa’y bahagi ng ating ortograpiya. Ang pagbigkas ng mga titik ay ayon sa alfabetong Ingles liban sa Ñ
na /enye/ at NG na /enji/. Sa naturang tuntunin nakasaad kung sa papaanong paraan gagamitin ang mga
karagdagang titik ng alfabetong Filipino. Ang naturang rebisyon ay hakbang upang higit na mapaunlad
ang wika alinsunod sa mga probisyong nakasaad sa Konstitusyong 1987. Kalaunan, inilabas ng KWF ang
rebisyon sa Ortografiyang Filipino sa taong 2001. Nabanggit nina De Castro, Ampil, Cabrera, Marquez at
Supnet (2007) na may dalawang mahalagang batayan na siyang naging tuon ng rebisyon: simplisidad at
ekonomiya at ang fleksibilid. Ang simplisidad at ekonomiya ay tumutukoy sa isa-sa-isa o tiyak na
tumbasan, samantala ang fleksibilidad ay tumutukoy sa kakayahan ng wikang tumanggap ng mga
linggwistikong pagbabago bunga ng kontak sa iba’t ibang wika (De Castro et al., 2007). Makailang beses
na nagkaroon ng mga pagbabago sa ortograpiya. Sa taong 2006 ay sinuspende ito ng komisyon at ibinalik
ang paggamit ng 1987 Rebisyon sa Ortorapiya. Sa taong 2010 ay naglabas na naman ng rebisyon sa
ortograpiyang Filipino bilang gabay sa mga gumagamit nito. Ang patuloy na paggawa ng iba’t ibang
hakbangin sa wikang Filipino ay bahagi ng prosesong istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang
pambansa. Nagkaroon man ng pagbabago sa bilang ng titik, hindi naman nagbago ang pangkalahatang
tuntunin: tiyak na tumbasan – kung ano ang sulat siyang bigkas. Kung anong bigkas, siyang sulat.
Alfabetong Filipino
A B C D E F G H I J
K L M N Ñ NG O P Q R
S T U V W X Y Z
Sa kasalukuyan, hindi pa rin natatapos ang paglalakbay ng ating wikang pambansa. Sa kasalukuyan,
matinding hamon ang hinaharap nito tungkol sa isyu ng intelektwalisasyon. Maraming nagsasabing ang
wikang Filipino ay walang kakayahan para sa mga usaping intelektwal dahil hindi ito intelektwalisado. Para
sa kanila ay angkop lamang ang wikang Filipino sa mga pang-araw-araw na usapin ngunit Ingles pa rin ang
nararapat na mamayani sa mga usaping intelektwal. Ngunit ito ay tinututulan ng mga tagasuporta ng wika.
Anila, ang tanging paraan upang maiangat ang antas ng wika ay sa patuloy na paggamit nito dahil sa
paggamit lamang nito malalaman kung ano ang mga kahinaan at kakulangan upang magawan ng paraan at
patuloy na mapaunlad.
9|Pahina
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
E. Jacinto St., 8016 Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221.2411 local
6200 E-Mail: shs@addu.edu.ph *
www.addu.edu.ph
___________________________________________________________________________________
Sanggunian:
Arrogante, J. A., Ayuyao, N. G., Lancale, V. M. (2004). Panitikang Filipino. National Book Store.
Bernales, R.A., Bernardino, E.C., Cantillon, A. A., Eugenio, G.E., Ramirez, N.G., Yap, R.G., Gonzales,
D.N., Pilongo, E.M. & Alonzo, M.S. (2014). Wika at komunikayon sa nagbabagong panahon.
Mutya Publishing House, Inc.
Bernardino, E.C., Belida, M.E., Cuevas, A., Dela Salde, M., Limpot, M., Napil, M. at Palconit, J. (2016).
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Malabaon Mutya Publishing House,
Inc.
De Castro, I., Ampil, R., Cabrera, H., Marquez, F., & Supnet, A. (2007) Filipino 1: Wikang Filipino sa
akademikong komunikasyon. Mutya Publishing House, Inc.
Francisco, C.G., Medellin, J.P., Empaynado, J. I., Escoto, M. A. C., Rosales, G., & Carreon, M.B. (2007).
Komunikasyon sa akademikong Filipino. Mutya Publishing House, Inc.
Gonzalez, A. B., Llamzon, T. & Otanes, F. (Eds.) (1973). Readings in Philippine linguistics. Linguistics
Society of the Philippines.
10 | P a h i n a