You are on page 1of 60

Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas

KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
1

⌐ ¬
Kabanata 1

Panimula ng Pag-aaral

Limang bahagi ang napapaloob sa Kabanata 1: (1) Banghay ng Pag-aaral, (2) Layunin
ng Pag-aaral at Ipotesis, (3) Kahalagahan ng Pag-aaral, (4) Katuturan ng mga Katawagan, at
Saklaw ng Pag-aaral.

Ang unang bahagi, Banghay ng Pag-aaral, ay naglalahad ng mga dahilan ng pag-aaral


at dahilan sa pagsagawa ng pananaliksik na ito.

Ang ikalawang bahagi, Layunin ng Pag-aaral at Ipotesis, ay naglalahad ng mga layunin


sa pagsasagawa ng pananaliksik at ang ipotesis na susubukin sa pag-aaral na ito.

Ang ikatlong bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, ay nagpapaliwanag sa mga


kapakinabangang matatamo mula sa resulta ng pananaliksik na ito.

Ang ikaapat na bahagi, Katuturan ng Katawagan, ay nagbibigay ng kahulugan sa


mahahalagang salitang ginamit sa pag-aaral.

Sa ikalimang bahagi, Saklaw ng Pag-aaral, ay tumatalakay sa sakop at limitasyon ng


pag-aaral.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
2

⌐ ¬
Banghay ng Pag-aaral

Ang wika ay behikulo ng komunikasyon at sa pagtuturo ng iba't ibang kaalaman.

Ito ay isa sa pinakadakilang biyaya na ipinagkaloob sa tao. Sa pamamagitan ng wika,


nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili, at
nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba.

Ang lawak at tayog ng matatamong karunungan ay nakasalalay sa mabisa at wastong


paggamit ng isang wika, maging pasalita man o pasulat.

Ang wika ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng isang lahi. Ang adhikain ng isang lahi
ay naipahahayag sa pamamagitan ng wika. Alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas, Filipino
ang wikang pambansa. Ang Filipino, bilang wikang pambansa ay instrumento sa
pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin at lunggatiin ng mga Pilipino.

Ang wikang Filipino, sa kabila ng pagkakatadhana nito bilang wikang pambansa at


wikang panturo sa ilang asignatura, ay kinikilalang ikalawang wika ng mga di-Tagalog katulad
ng mga Ilonggo sa Kanlurang Bisayas (Borja, 1995). Isa sa mga wikang ginagamit sa kapuluan
ay ang wikang Hiligaynon. Ang wikang Hiligaynon ay ginagamit ng humigit-kumulang 11
milyong katao at 7 milyon sa kanila ang gumagamit nito bilang unang wika (NSO, 2000
Census). Sinasalita ito ng mga mamamayan sa probinsya ng Iloilo at Negros Occidental at
ginagamit din ito sa mga probinsya ng Capiz, Antique, Aklan at Guimaras.

Sa kabila ng pagpapatupad ng Bilingual Education Policy sa paggamit ng Ingles at


Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa ilang piling asignatura, hindi maikakaila na ang wikang
lokal ay magagamit din bilang wikang pantulong sa paglinang ng mga kasanayan ng mga

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
3

⌐ ¬
mag-aaral sa iba't ibang asignatura lalong-lalo na sa Filipino. Maituturing na wikang pantulong
para sa mga taga-Kanlurang Bisayas ang wikang Hiligaynon at Kinaray-a na may iba't ibang
baryasyon depende sa lugar na gumagamit nito.

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng 7,107 mga pulo. Ang pagkakaibang
kultural at linggwistika ng bansa ay isang malaking isyu sa patakarang pangwika olanguage
policy sa edukasyon (Lewis, Simons, at Fenning, 2013). Isang malaking hamon ang lokasyon
ng Pilipinas sa pagpapatupad ng patakarang pangwika olanguage policy sa edukasyon. Dahil
dito, ang patakarang pangwika para sa mga paaralan sa Pilipinas ay dumaan sa maraming
pagbabago sa loob ng huling sandaang taon. Hanggang sa naipatupad ang 1974 at 1987
Bilingual Education Policies na nagtakda sa wikang Filipino at Ingles bilang midyum ng
instruksyon sa mga paaralan sa magkaibang asignatura. Ito ay sa kabila ng katotohanang
80% ng populasyon ay hindi Ingles at Filipino ang unang wikang sinasalita.

Sa loob ng 400 taon na pananakop ng mga Espanyol at Amerikano, ang pagkamit ng


kalayaan ng Pilipinas noong 1946 ay nagbunga sa matibay na kaisipan sa pagtatalo tungkol sa
wikang panturo na gagamitin sa mga paaralan. Ang patakarang pangwika o language policy sa
edukasyon ng Pilipinas ay dumaan sa iba't ibang malaking pagbabago sa loob ng mahabang
panahon, at ang bansa ay patuloy na naghahanap ng mabisang dulog para sa ganap na
pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung kaya't mahalagang pagtuunan ng pansin ang historikal at
lokal na konteksto ng patakarang ipatutupad. Ipinahayag ni Taylor, Rizvi, Lingard at Henry
(1997) na hindi imposibleng maunawaan ang mga patakarang pangwika na ipinatupad
sapagkat ito ay may pinagbatayan at pinanggalingan.

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol (1565-1898) wikang Espanyol ang


pangunahing wika subalit ito'y hindi tahasang sinasalita sa buong bansa. Sa ilalim ng

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
4

⌐ ¬
Deklarasyon Blg. 1863, ang pagsisimula ng pormal na sistema ng edukasyon, isinasaad na ang
wikang Espanyol ang gagamitin bilang wika sa mga paaralan. Sa panahon naman ng
pananakop ng mga Amerikano, wikang Ingles ang nangibabaw na wika sa buong kapuluan. Si
Pangulong WilliamMcKinley ay nagpalabas ng kautusan na ang wikang katutubo ay gagamitin
sa pagtuturo subalit sa kalaunan ay binawi niya ang kautusang ito para ipatupad ang
monolinggwal na sistema ng pagtuturo sa mga paaralan.

Dahil ang diin ng pagtuturo ng wika ay nasa aspektong pasalita, may mga Filipinong
pinanday ng sistema ng edukasyong pinalaganap ng mga Amerikano na naniniwalang ang
wikang Ingles ay hindi isang hiram at dayuhang wika kundi isa nang wika ng Pilipinas. Para
naman sa hindi talaga ganap na natutuhan ang wikang ito, ang wikang Ingles ay naging isang
wikang minimithi sa pag-aakalang ang pagtatamo ng kasanayan sa wikang ito ay katumbas ng
pagtatamo ng isang mataas na antas ng pamumuhay (Pefianco 233).

Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral at


guro ng malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng barayti at baryasyon ng wika. Sa gayon,
makikita ng mga mag-aaral na bawat grupo, komunidad at rehiyon na gumagamit ng wika ay
hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura. Mawawala ang
mababang pagtingin sa mga wika ng mga taong hindi kapangkat o karehiyon. Makikita rin ang
kontribusyon ng iba’t ibang wika sa bansa sa pagpapaunlad ng Filipino. Mayamang balon na
mapagkukunan ang mga rehiyunal na wika ng mga kaalaman at datos mula sa kanilang
etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na kinabibilangan. Dala-dala ito ng mga mag-aaral sa
kanilang pagpasok sa klase. At ibinabahagi nila ito sa mga interaksyon na nagaganap sa klase.
Nabibigyang halaga rin nila ang kanilang sari-sariling wika at kultura bilang bahagi ng
pambansang wika at kultura (Liwanag, 2000)

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
5

⌐ ¬
Ang multilingwalismo ay ang paggamit ng higit sa isang wika sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang edukasyong multilingwal na paggamit ng dalawa o higit pang wika- unang
wika, wikang rehiyunal o wikang pambansa at internasyunal na wika bilang midyum ng
pagtuturo o wikang pang-edukasyon (United Nations Educational Scientific and Cultural
Organization o UNESCO,1999).

Ang edukasyon sa maraming bansa sa mundo, kasama ang Pilipinas, ay nagaganap sa


kapaligirang multilingwal. Mula sa pananaw ng mga lipunang ito at ng mga pangkat pangwika,
ang multilingwalismo ay paraan ng pamumuhay at hindi suliraning lulutasin. Isang hamon sa
sistemang pang-edukasyon ang maiangkop sa ganitong komplikadong kalagayan at magbigay
ng de-kalidad na edukasyon na isinasaalang-alang ang pangangailangan ng mga mag-aaral
habang binabalanse ito sa opisyal, kultural, ekonomikal at pulitikal na pangangailangan. Ang
multilingwalismo ay nagbibigay ng isang solusyon sa magkaibang lipunang ipinagwalang
bahala ang panganib sa natamong kaalaman at pagkawala ng pagkakaiba-ibang linggwistika o
kultura (UNESCO, 2003).

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malinang ang kakayahan sa pagsasalita ng mga


mag-aaral gamit ang multilingwalismo. Ito ay nakabatay sa teoryang pangwikang “nurturist” ni
Lev Semenovich Vygotsky – ang Zone of Proximal Development Theory. Ang teoryang ito ay
naniniwalang ang pakikipagkapwa-tao o social interaction ay may napakahalagang tungkulin
sa proseso ng pagkatuto. Binibigyang diin ang tungkulin ng “shared knowledge”sa paglinang
ng isip at wika. Dagdag pa, ibinatay din ang pag-aaral na ito sa teoryang “Innatism” ni Noam
Chomsky na ang lahat ng bata ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagtuturo ng wika.
Ipinaliwanag sa teoryang ito na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong
nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Si Krashen

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
6

⌐ ¬
ay may iminungkahing modelo sa pagtatamo ng pagkatuto ng mag-aaral sa wika. Ang
modelong ito ay binubuo ng limang ipotesis na nagpapaliwanag kung papaano natatamo ng
mga mag-aaral ang pagkatuto ng wika. Dalawa sa limang ipotesis ay may kaugnayan sa
pagtatamo ng mga mag-aaral ng pagkatuto gamit ang multilingwalismo.

Una, ang natural order hypothesisna naglalahad na mahalaga ang paghahantad ng


mga bata sa mga pang-araw-araw na usapan kung saan ay malaya silang nakalalahok. Sa
ganitong paraan, dumarating ang bata sa yugto na napamamahalaan nila ang istruktura ng
wika na kanilang sinasalita. Ang paggamit ng mag-aaral ng kanyang unang wika sa
pagpapaliwanag ng kanyang ideya sa loob ng silid-aralan ay makatutulong sa pagkakatamo
nito ng mabisang pagkatuto sa wikang Filipino.

Ikalawa, ang monitor ipotesisna malinaw na isinasaad ang ugnayan ng pagtatamo at


pagkatuto ng wika. Ang proseso ng pagtatamo ang tagapanguna sa pagsasalita tungo sa
katatasan sa paggamit ng wika (Krashen, 1981, 1982).

Ang banghay ng pag-aaral na ito ay makikita sa Larawan 1.

Pagtuturo Gamit ang


Wikang Filipino
Kasanayan saPagsa-
salita ng Mag-aaral
Pagkatapos ng
Interbensyun.
Pagtuturo Gamit ang
Multilingwalismo

Larawan 1: Ang pagkakaugnay ng paggamit ng wikang Filipino at multilingwalisno sa

¬
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral.

sa
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
7

⌐ ¬
Layunin ng Pag-aaral at Ipotesis

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tiyakin at sukatin ang antas ng kakayahan sa


pagsasalita ng mga mag-aaral sa sekundarya gamit ang multilingwalismo na kumukuha ng
Filipino 9 (Panitikang Asyano)sa taong panuruan 2017-2018 sa Iloilo City National High School.

Bilang pagtitiyak, ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga katangian:

1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral na gumagamit ng


Filipino at multilingwalismo bilang midyum sa pagkatuto?

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng


mga mag-aaral na gumagamitng multilingwalismo at Filipino bilang midyum ng
pagtuturo?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng


mga mag-aaral na gumagamitng Filipino bilang midyum ng pagtuturo?

4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng


mga mag-aaral na gumagamitng multilingwalismo bilang midyum ng pagtuturo?

Batay sa inilahad na mga suliranin, ang mga ipotesis ng pag-aaral na ito ay ang
sumusunod:

1. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga


mag-aaral na gumagamitng multilingwalismo at Filipino bilang midyum ng pagtuturo.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
8

⌐ ¬
2. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral na gumagamitng Filipino bilang midyum ng pagtuturo.

3. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga


mag-aaral na gumagamitng multilingwalismo bilang midyum ng pagtuturo.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
9

⌐ ¬
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang magiging kalalabasan ng pag-aaral na ito sa mga guro ng wika at


panitikan, tagapagtupad ng programang pang-edukasyon, mga mag-aaral na may iba't ibang
antas ng kasanayan sa pagsasalita at pagpapahayag ng mga ideya, at sa mga mananaliksik.

Magiging gabay ang pag-aaral na ito para sa mga guro ng wika, panitikan at
humanidades upang kanilang magamit ang multilingwalismo sa kanilang pagtuturo upang
lalong malinang ang kasanayan ng kanilang mga mag-aaral. Maaari ring maging batayan ang
pag-aaral na ito sa pagbuo ng mga angkop na gawaing pangklasrum sa paglinang ng
kasanayan sa pagsasalita.

Sa mga tagapagtupad ngprogramang pang-edukasyon, ang kalalabasan ng pag-aaral


na ito ay magsisilbing gabay sa paggawa ng banghay-aralin, pagbuo ng mga gawain sa
pagsasalita tulad ng pagtatalumpati,sabayang pagbigkas, pagkukwento at iba pang kaugnay
na gawain. Ito ay magsisisilbing batayan din sa anumang pagbabago at pagpapaunlad ng
kurikulum sa edukasyon, sa mga estratehiyang maaaring gamitin ng guro at sa mga gawain
na maaaring ipagawa sa mga mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan.

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing hanguan ng mga mag-aaral para


sa kanilang pagtatamo ng mabisang pagkatuto sa pamamagitan ng pagpapahayag at
pagbabahagi ng kanilang mga ideya sa wikang kanilang lubos na nauunawaan. Higit na
malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan at sa pagiging mabisang
komyunikeytor sa wikang kanyang ginagamit.

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng kakailanganing datos sa mga


mananaliksik na nagnanais mag-aral tungkol sa multilingwalismo.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
10

⌐ ¬
Katuturan ng mga Katawagan

Sa lalong madaling ikauunawa ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na katawagan


ay binigyan ng konseptwal at operasyunal na kahulugan.

Edukasyong Bilingwal o Bilingwalismo.Ang magkahiwalay na paggamit ng wikang Inges


at Filipino sa pagtuturo ng mga asignatura.

Edukasyong Multilingwal o Multilingwalismo. Ito ay ang paggamit ng dalawa o higit


pang wika – unang wika, wikang rehiyunal o wikang pambansa at internasyunal na wika
bilang midyum ng pagtuturo o wikang pang-edukasyon (UNESCO,1999).

Sa pag-aaral na ito, ang multilingwalismo o edukasyong multilingwal ay tumutukoy sa


paggamit ng Hiligaynon, Filipino, Ingles at iba pang mga wika sa mga talakayan sa silid-
aralan.

Hiligaynon.Ito ay wikang sinasalita ng mga taga-Kanlurang Bisayas


(wikipedia.org/wiki/hiligaynon, Retrieved August 25, 2008).

Sa pag-aaral na ito, Hiligaynon ang tinutukoy na unang wika ng mga mag-aaral na


kalahok sa pag-aaral na ito.

Kasanayan.Kahusayan sa paggawa o pagganap; pagkabihasa ng sinumang tao o sa


anumang gawain (Diksyunaryo ng Wikang Filipino,1998).

Sa pag-aaral na ito tumutukoy ang kasanayan sa kahusayan ng mga mag-aaral sa


pagsasalita.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
11

⌐ ¬
Pagsasalita. Pagbibigay,pagbabahagi ng kaisipan o mensahe sa pamamagitan ng berbal
na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw
na maipaliliwanag ang damdamin at kaisipan.

Sa pag-aaral na ito, ginamit ang magkatulad na kahulugan.

Paglinang.Pagpapabuti o pagpapaunlad ng anuman gaya ng wika, hilig, kakayahan,


sining at iba pa (Diksyunaryo ng Wikang Filipino, 1998).

Sa pag-aaral na ito ang paglinang ay tumutukoy sa pagpapaunlad ng kasanayan sa


pagsasalita ng mga m ag-aaral gamit ang multilingwalismo.

Wikang Filipino. Ito ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (KWF Resolusyon 96-1) at kinikilalang wikang
pambansa ng Pilipinas (Saligang Batas ng Pilipinas, Art. XIV, Sec. 6).

Ang wikang Filipino ay pangalawang wika ng mga mag-aaral sa pananaliksik.

Language Policy. Walang umiiral na batayang pamantayan na kahulugan ang


languange policy, subalit ito'y nagkakaiba-iba depende sa konteksto nito. Ayon kay Tollefson
(2008), ang language policy ay ang pinagsamang pagsisikap na nakakaapekto sa istruktura,
tungkulin at pagtatamo sa wika. Ito'y kaugnay sa tatlong karaniwang konsepto ng language
policy na corpus planning (Kloss,1969), status planning (Kloss, 1969), at acquisition planning
(Cooper, 1989).Ang corpus planning ay tumutukoy sa napahintulutang istruktura ng wika, gaya
ng baybay, terminolohiya, o panuntunang panggramatika. Ang status planning naman ay
tumutukoy sa kaangkupan ng isang tiyak na wika sa isang sitwasyon. Halimbawa,
pagdedeklara ng pambansang wika. At ang acquisition planning naman ay nagtatakda ng mga

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
12

⌐ ¬
pamantayan para sa pagkatuto ng wika gaya ng pagtukoy ng kurikulum para sa pagtuturo ng
pambansang wika.

Sa pag-aaral na ito ang language policy ang tumutukoy sa patakarang multilingwalismo


na ginamit bilang midyum sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Language of Instruction.Angwikang ginagamit na midyum ng pagtuturo sa mga


paaralan.

Ang language of instructionsa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa paggamit ng Filipino,


Ingles at Hiligaynon bilang midyum sa pagtuturo.

Multiingual competence. Ito ay isang konsepto sa pagtamo ng pangalawang wika na


binuo ni Vivian Cook na tumutukoy sa kaalaman sa mahigit sa isa pang wika sa isipan ng isang
tao.

Ang pagtataglay ng multilingual competence ay nangangahulugan ring pagiging


pamilyar sadalawa o higit pang wika batay sa kung paano giinagamit ang mga ito sa iba’t
ibang konteksto.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
13

⌐ ¬
Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pananaliksik ay naglalayong matiyak ang antas ng kasanayan sa


pagsasalita ng mga mag-aaral ng Baitang 9-Nobel ng Iloilo City National High School.

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng paglalarawang pananaliksik. Sa pag-aaral na ito,


ang inter-rater ay naatasan para tiyakin at sukatin ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral
sa pagsasalita.

Ang magiging kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Baitang 9-Nobel
na kumukuha ng Filipino 9 ng taong panuruan 2017-2018 ng Iloilo City National High School.
Ang mga mag-aaral na ito ay bumuo ng pangkat na eksperimental at controlled.

Ang mga kinailangang datos ay ang resulta ng inter-rater at ang pagtaya gamit ang
tseklist. Ginawang gabay sa pagtuturo ang inihandang banghay-aralin. Ang mga gawain ay
nagbibigay-tuon sa paglinang ng mga kasanayan sa pagsasalita gaya ng pagbigkas ng
talumpati, interbyu, pagsasatao, pagtatalo o debate, monologo, pagkukuwento, pagbasa at
iba pa.

Para sa istadistikal na pagsusuri ng mga datos, ginamit ang katampatang tuos at


standard deviation. Ang antas ng kabuluhan ay itinakda sa .05.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
14

⌐ ¬
Kabanata 2

Mga Kaugnay na Babasahin at Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matiyak ang bisa ng multilingwalismo bilang


midyum ng pagtuturo sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita sa pagtuturo ng Filipino 9
(Panitikang Asyano) sa antas sekundarya, baitang 9 taong panuruan 2017-2018 ng Iloilo City
National High School.

Upang mabigyang linaw ang pag-aaral na ito, inilahad sa Kabanata 2 ang mga
sumusunod na paksa: (1) Ang Multilingwalismo, (2) Ang mga Patakarang Pangwika sa
Pilipinas at ang mga Kaugnay na Pag-aaral, (3) Ang Pagtuturo ng Panitikan: Katayuan at
Layunin, at (4) Ang Pagsasalita at mga Kasanayan sa Pagsasalita.

Ang Multilingwalismo

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,


damdamin at mithiin (Edward Sapir).

Bawat wika ay may kakayahang mag-ugnayan sa mga kaalaman at karunungang


nilinang ng gumagamit nito. Ang bansa ay makikinabang kung ang mga tao mula sa iba’t
ibang kultura na nagsasalita ng iba’t ibang wika at mayroong iba’t ibang pananaw, ay
nakikibahagi ng mga ideya at magkasamang bumabalak para sa kinabukasan(Waiko, 1997).

Ang wika ay susi sa komunikasyon. Nagbibigay ito ng mga bagong oportunidad o


bumubuo sa pagpapatibay ng pagkakapantay-pantay at pagkakaunawaan ng mga tao sa

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
15

⌐ ¬
lipunang kanilang ginagalawan. Lumilikha ito ng pagkakaisa at maaari ring maging dahilan ng
pagkakaroon ng suliranin. Kung ating pagninilayan, ang wika ay sangkap ng pagbubuklod-
buklod subalit ito ay hindi madaling gawain dahilan na rin sa pagkakaiba-iba ng ideolohiya at
paniniwala (4th International Conference on Language and Education,2013).

Bilang paglalarawanni Diane Trekker (2010), ang multilingwalismo ay higit pa sa


paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral upang ipaliwanag ang nilalaman ng kurikulum.
Binibigyang-tuon nito ang kahalagahan ng kurikulum sa kaugnayan nito sa lokal na
kulturakasama na rin ang mga metodolohiya sa pagtuturo na naglulunsad ng paghubog sa
kognitibong aspeto ng mag-aaral at higher order thinking skills.

Ayon kay Stavenhagen (1990)na nasa Tanaleon (2009), iilang bansa lamang sa buong
mundo ang monolinggwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang multilingwal kung
hindi man ay bilinggwal.

Upang tugunan ang suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon para sa iilan,


kailangang buuin ang isang uri ng edukasyong may mataas ang kalidad at may
pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mag-aaral (UNESCO, 2003).

Katulad ng alinmang bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ay mayroon ding sariling
wika ngunit hindi ito katulad ng ibang bansa na may tiyak at iisang wikang ginagamit. Ayon
kay Kaplan at Baldauf (1998) sa kay Young (2002), ang Pilipinas ay may maraming iba’t ibang
wika. Nagkakasalungatan ang mga datos ng mga mananaliksik tungkol sa paggamit ng wika.
Ayon kay Belvez (1984), mayroong humigit-kumulang 86 na wikang ginagamit sa kapuluan,
samantala, ayon kay Grimes (1996), 168 ang buhay na wika sa buong bansa. Pinaniniwalaan
ni Macfarland (1981) na 120 na wika ang sinasalita sa bansa. Sa mga wikang ito, 171 na wika

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
16

⌐ ¬
ang ginagamit bilang unang wika at 13 na wika ang ginagamit bilang unang wika na humigit-
kumulang isang milyong tao kabilang dito ang Wikang Hiligaynon.

Gayunpaman, may mga hakbang na ginagawa ang kahit anong programa ng


edukasyong multilingwal. Ito ay ang probisyon ng pagtuturo gamit ang pangalawa o
pangatlong wika- mga wika sa mataas na antas ng edukasyon (Walter, 1999) na nasa
(Tanaleon, 2009).

Noong Mayo 16, 2007, inihayag ni G. Koichiro Matsura, Direktor-Heneral ng UNESCO,


sa United Nations General Assembly, ang taong 2008 bilang International Year of Languages
upang pahalagahan ang bawat wika sa mundo. Dagdag dito, inihayag din ang petsang
Pebrero 21, 2008 bilang International Mother Language Day upang kilalanin sa antas
rehiyunal, nasyunal at internasyunal ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba ng wika at
bilinggwalismo o multilingwalismo sa sistemang pang-edukasyon at sa iba pang pangkat ng
lipunan (Matsura, 2007) na nasa (Tanaleon, 2009).

Binanggit ni Baker (1996) na nasa (Tanaleon, 2009)ang maraming makabuluhang salik


na nakaiimpluwensiya sa edukasyong multilingwal. Kalakip dito ang kahalagahan at katayuang
ibinibigay sa kultura at unang wika ng mga mag-aaral, ang mga inaasahan ng mga mag-aaral
sa kanilang sarili at ng ibang tao, at ang prayoridad na ibinibigay sa unang wika pang-
edukasyon ng mga namumuno ng paaralan.

Sinabi ni Acuna (1994)na nasa (Tanaleon, 2009) na ang wika, maliban sa pagiging
kritikal sa paglinang ng kakayahang komunikatibo ay gumaganap ng napakahalagang papel sa
paglinang ng kasanayan sa kritikal na pag-iisip at sa pansariling regulasyon. Ito ay sang-ayon
din sa paniniwala ni Nolasco (2000) na ang wika ay mahalaga sa pagkakakilanlan ng pangkat

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
17

⌐ ¬
at bansa tungo sa mapayapang pamumuhay. Ito ay nakadagdag sa respeto sa sarili ng isang
tagapagsalita o ng isang pamayanan kung ang kanilang wika ay tinatanggap sa paaralan at sa
pamahalaan. Ngunit ayon kay Malone (2004)na nasa (Tanaleon, 2009), isang malungkot na
katotohanan kung ang pangunahing wika ang siya lamang ginagamit sa loob ng silid-aralan at
mga aralin ay nakapokus lamang sa pangunahing lipunan. Maaaring makalimutan ng mga
mag-aaral na minorya ang sariling wika at mawala ang kanilang kaalaman, pagmamahal sa
kanilang kultura at pamayanan.

Ayon kay (Edwards, 1994), ang individual multilingualism ay karaniwang hinihikayat sa


mga matataas na uri o miyembro ng lipunan maging sa mga monolinggwal na komunidad
bilang tatak ng mataas na estado o kalagayan.

Kaugnay nito, si (Cook, 1992) ay nagmungkahi ng nosyon ng “multi-competence”


upang magkaroon ng natatanging anyo ang language competencena hindi kailangang
ihambing sa mga nagsasalita lamang ng iisang wika. Ayon sa kanya, ang mga nagsasalita ng
pangalawang wika ay hindi dapat tingnan bilang mga manggagaya ng pangalawang wika,
bagkus ay dapat silang tingan bilang mga nilalang na nagtataglay ng natatanging anyo ng
competence sa ganang sarili.

Natuklasan ni (Cenoz, 1992) na nahigitan ng mga nagsasalita ng higit sa dalawang


wika ang mga nagsasalita lamang ng iisang wika sa iba’t ibang English language test;ipinakita
niya ang bilinggwal na bentahe sa kognitibong aspeto na may asosasyon sa kanilang
bilinggwalismo. Sinasabi ng iba pang pag-aaral na ang paggamit ng unang wika bilang wikang
instruksyon sa loob ng silid-aralan ay naglulundo sa kapaki-pakinabang na epekto. Halimbawa,
sa paggamit ng Italian sa instruksyunal na layunin sa Foyer project (Jaspaert & Lemmen,
1990) ay nagkaroon ng positibong epekto sa pagkatuto ng multingwal (Italian-French-Dutch)

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
18

⌐ ¬
sa kaso naman ng mga imigrante Italian sa Belgium. Dagdag pa, pormal na instruksyon
(Thomas, 1988) o ang pagtamo ng literasi sa unang wika ay kakikitaan din ng additive
multingwalism sa United States at Canada (Swain et. al., 1990)

Naiulat din ng iba pang pag-aaral ang bentahe ng mga multilingwalsa paggamit ng
mga tiyak na proseso at estratehiya sa pagkatuto. Sa pag-aaral na isinagawa nina Mclaughlin
at Nayak (1989), nagbigay sila ng mga suhestiyon na ang “eksperto” na mga mag-aaral sa
wika ay nakagagamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto at mas maingat sila sa pagtingin
sa magiging epekto ng iba’t ibang estratehiya sa kanilang pagkatuto kaysa sa mga “novice” na
mga mag-aaral.

Ayon sa 4th International Conference on Language and Education, ‘Multilingual


Education for All in Asia and the Pacific: Policies, Practices and Processes’, na ginanap sa
Bangkok, Thailand noong Nobyembre 2013, naniniwala ang mga mananaliksik na 2/3 ng mga
kabataan sa mundo ay lumaki sa konteksto kung saan mahigit isang wika ang sinasalita. Ang
multilingwalismo ay hindi hadlang, bagkus ito ay isang tungtungang bato na maaaring maging
batayan sa ganap na pagkatuto ng wika. Ngunit nakalulungkot na kapalaran, halos karamihan
sa mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan ay pinipilit na tumalikod sa kanilang unang wika
at sinusubok na matutuhan ang wika na hindi nila masyadong alam.

Ang pagdedebelop ng unang wika ng isang bata kasama ang kaugnay nitong pag-
unlad pangkaisipan ay mas mahalaga kaysa haba ng paglantad sa pangalawang wika.
Pinananiniwalaan na ang unang wika ay mahalaga sa pag-unlad ng kasipan at ito ay batayan
sa pagkatuto ng pangawalang wika (Tucker, 1997). Sa K to 12 kurikulum, ang mother tongue
ay ginagamit bilang midyum ng pagtuturo mula sa kindergarten hanggang baitang tatlo at
mula baitang apat hanggang anim ay mas pinagtuunan pansin ang pagtuturo ng Filipino at

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
19

⌐ ¬
Ingles. Sang ayon sa pahayag ng dating Pangulong Aquino sa kanyang SONA (2010), “Learn
English well and connect to the world”, Learn Filipino well and connect to your country”,
“Retain your mother tongue and connect to your heritage.” Kung ang unang wika ay hindi
nalinang nang maayos, ang pangalawang wika ay hindi magagamit nang maayos dahil sa
kakulangan ng kakayahang pangkaisipang kinakailangan upang magamit nang maayos ang
iba pang mga wika. Ang paglinang at pangangalaga ng unang wika ay tumutulong sa paglipat
ng kaalaman mula sa isang wika patungo sa ibang wika. Ito ay lalong mahalaga sa Pilipinas
dahil ang mga mag-aaral ay pumapasok sa paaralan na walang anumang kaalaman sa
magiging midyum ng pagtuturo. Ang pinakaepektibong anyo ng edukasyong bilinggwal o
multilingwal ay paglinang ng kakayahan sa pagsasalita o pakikipagtalastasan nang may tatas
sa unang wika na sinusundan ng paglipat ng kasanayang ito sa pangalawang wika.

Kaugnay nito, natuklasan nina Mclaughlin (1986), Mclaughlin atNayak (1989)at Nayak
et. al. (1990) na ang asignaturang gumagamit ng multilingwal sa pagtuturo ay mas superyor
sa mga monolinggwal sa maraming dahilan; una ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng mas
higit na flexibilitysa pag-iiba-iba ng estratehiya ayon sa katangian ng mga gawain; ikalawa’y
nagagawa nilang i-modify ang mga estratehiyang sa tingin nila ay hindi epektibo sa
pagkakatuto ng wika; huli’y mas epektibo ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng iba’t ibang
estratehiya sa pagkatuto.

Ang pagiging superyor ng multingwalismo ay dahilan na rin ng mayamang karanasan


ng mga mag-aaral sa wika na siyang nakatutulong sa kanila sa pagpili ng mga angkop na
estratehiya at gamitin ang mga ito tungo sa ganap na pagkatuto ng wika.

Ayon sa mga neuroscience researches ang pagiging matatas sa paggamit ng una at


pangalawang wika ay may positibong epekto sa pag-iisip ng kabataan, ang mga mag-aaral na

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
20

⌐ ¬
nakagagamit ng dalawang wika ay mas epektibo sa pag mu-multi-tasking, sa paglilimita ng
pagkakamali sa pagsasalita at nakatutulong din upang maiwasan ang sakit na Alzheimer’s
disease. Kaugnay nito, isang pag-aaral na nailathala noong nakaraang taon sa Journal
Neurology na sumabaybay sa 211 na pasyente na mayroong Alzheimers’ at natuklasan na ang
mga pasyente na nagsasalita lamang ng isang wika ay kakikitaan na ng sintomas ay mas
maaga ng apat hanggang limang taon kaysa sa mga pasyenteng nagsasalita ng higit sa
dalawang wika.

Maliban sa kognitibong bentahe, naitala ang bilinggwalismo at multingwalismo na


nakapagpapataas ng kasanayang komunikatibo. Ayon kina Ben-Zeev, 1997 at Genesse et al.,
(1975) ang mga batang bilinggwal ay mas sensitibo at mas nakatutugon sa mga
pangangailangan ng kanilang interlocutors kaysa sa mga batang monolinggwal. Sang-ayon
kay Thomas (1992) natuklasan niya na ang batang bilinggwal na nag-uumpisang matuto ng
ikatlong wika ay mas nakagagamit ng iba’t ibang estratehiya sa komunikasyon kung
ihahambing sa mga monolinggwal na mas nababahala sa kanilang gramatika at bokabularyo.
Natuklasan din nina Swain et. al.(1990) na ang mga batang bilinggwal na matatas na sa
pagsasalita ng kanilang una at pangalawang wika ay mas madaling natututo ng pangatlong
wika kaysa sa mag-aaral na matatas lamang sa kanilang pangalawang wika.

Ang World Bank ay nagkomisyon kina Dutcher at Tucker (1996)na nasa (Tanaleon,
2009) ng isang pag-aaral upang suriin ang pandaigdigang karanasan sa paggamit ng una at
pangalawang wika sa edukasyon. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga bata ay
nangangailangan ng hindi lalampas sa 12 na taon upang matutunan ang kanilang unang wika.
Ang mga bata ay natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis at madali kaysa
matatanda. Ang may-edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
21

⌐ ¬
wika. Ang debelopment ng unang wika ng bata na may kaugnayan sa kognitibong
debelopment ay higit na mahalaga kaysa paghantad sa pangalawang wika. Tumutugon ito sa
isa sa mga prinsipyo ng Mother Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE) na mas
madaling natututo ang isang bata ng pangalawang wika kung taglay na niya ang kapaki-
pakinabang na literasi sa kanyang unang wika. Maaari ring pinagbubulaanan ng pahayag na
ito na hangga’t maaga ay turuan na ng pangalawang wika o bigyan ng mahabang oras ang
pagkatuto ng pangalawang wika ang mga bata. Sa mga sitwasyon sa paaralan, ang mga bata
ay dapat matuto ng pang-akademikong kasanayan sa wika gayundin ng mga kasanayan sa
sosyal na komunikasyon at matatamo lamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
unang wika. Ang mga bata ay natututo ng pangalawang wika sa iba’t ibang paraan batay sa
kanilang kultura, sa kanilang pangkat, at sa kanilang indibidwal na katauhan.

Ang mga nakatakdang wikang panturo sa Pilipinas noon, Ingles at Filipino, ay kapwa
banyaga sa mga Pilipinong mag-aaral. Maaaring ito ay naging sanhi ng kakulangan sa pag-
unawa ng mga aralin. Ngunit kung ang mag-aaral ay sanay sa kanilang unang wika, ang
paggamit nito ng mga mag-aaral ay hindi lamang nagpapatibay ng kanilang mga
pagpapahalaga at ng kanilang minanang kultura kundi nakakatulong pa sa mas madali na
pagkatuto sa mga aralin habang unti-unting natututo sa pag-alam ng wikang Ingles at Filipino.
Sang-ayon sa DepEd Order No. 74, s. 2009“Institutionalizing Mother-Tongue Based
Multilingual Education (MTB-MLE) at DepEd Order No. 16, s. 2012 “Guidelines on the
Implementation of MTB-MLE” ay nabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na
mapatibay ang kanilang pundasyon sa unang wika at mas masanay ang kanilang sarili sa
pagdebelop ng kasanayan sa pagsasalita gamit ang unang wika sa pagpapayahag ng kanilang
naiisip o nadarama. Mas nahihikayat silang maging aktibo sa loob ng paaralan sapagkat kung

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
22

⌐ ¬
ang unang wika ay ginagamit sa loob ng silid-aralan, ang kasanayan sa kritikal na pag-iisip ay
nalilinang upang mailipat ang kaalaman sa ibang wika kung ito ay kapaki-pakinabang.

Sang-ayon sa K to 12 kurikulum, isa sa mga layunin nito ay mabawasan ang linguistic


discrimination na nangyayari sa pagtuturo ng Ingles lamang sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng Mother-Tongue Based, Multilingual Education (MTB-MLE). Ibig sabihin,
ituturo ang mga aralin sa unang wika ng mag-aaral mula unang baitang hanggang ikatlong
baitang upang maihanda sila sa pagyakap ng Filipino at Ingles pagtungtong nila sa ikaapat na
baitang. Ang mga advocateng dulog na ito nagkaroon ng pilot programs sa Pilipinas na naging
matagumpay sa pagtulong sa mga mag-aaral na makamit ang kapaki-pakinabang na literasi
sa mother tongue, sa Filipino at Ingles. Sinuportahan ito ng United Nations (UN) sa kanilang
“Education for All Program”. Itinaguyod nila ito sa paniniwalang kailangan ng nasyunal na
pagkilala sa mga linguistic minorities. Sa pamamagitan ng paggamit ng unang wika, mas
lalong nauunawaan ng mag-aaral ang kurikulum.

Bilang suporta sa pag-aaral nina Dutcher at Tucker, isinagawa nina Thomas at Colliers
(1997) na nasa (Tanaleon, 2009) ang isang longhitudinal na pag-aaral. Natuklasan na mas
mababa ang performance ng mga mag-aaral na hindi Ingles ang unang wika ngunit
tinuturuan na gamit ang Ingles. Sa pag-aaral na ito, sinundan ang humigit-kumulang 42,000
na mga mag-aaral sa Amerika na papasok sa paaralan. Ang mga mag-aaral na ito ay
isinailalim sa maraming programa na nagkakaiba sa kung paano sila isasailalim sa wikang
Ingles bilang wikang panturo.

Sa isang programang ito, ang mga mag-aaral na hindi Ingles ang unang wika ay
inilagay sa silid-aralan kung saan ang wikang Ingles ang midyum ng pagtuturo. Sa iba pang
programa, ang mga mag-aaral ay tumanggap ng tatlong taong inisyal na pag-aaral gamit ang

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
23

⌐ ¬
kanilang unang wika bago ilipat sa pangkat na gumgamit ng Ingles bilang midyum ng
pagtuturo. Sa isa pang programa, ang mga mag-aaral ay tumanggap ng anim na taong
pagtuturo gamit ang unang wika habang may pangkat din na gumagamit ng Ingles bilang
midyum ng pagtuturo bago inilipat sa silid-aralang Ingles lamang ang midyum ng pagtuturo.

Sa Europa, aktibong isinusulong at pinopondohan ang anumang proyektong pabor sa


multilingwalismo. Sa katunayan, may bukod na European Commissioner sila para sa
pagtataguyod ng multilingwalismo. Inilahad ni Orban (sa San Juan, 2008, p. 55) ang legal na
batayan ng multilingwalismo sa Europa. “The European Union is founded on the principle of
unity in diversity: embracing a wide variety of cultures, customs, beliefs, and languages. The
Charter of Fundamental Rights of the European Union respects cultural, religious and linguistic
diversity.” Ipinagmamalaki niya ang pagkakaroon ng tuloy-tuloy na multilingwalismong
reporma sa Europa. Tahasan din niyang binanggit na ang multilingwalismo ng mga Europeo
ay isang malaking bentahe sa pandaigdigang kalakalan. Mas nakaaakit na
makipagtransaksyon ang ibang bansa kanila kung nagsasalita sila ng wika ng mga bansang
iyon. Tumatagos sa mga mamamayang Europeo ang ganitong pananalig sa mga bentahe ng
multilingwalismo. Ayon sa isang masaklaw na konsultasyong publiko na isinagawa sa mga
bansang sakop ng European Commission, mayorya ng mga Europeo ang naniniwalang isang di
matatawarang assetatpagkakaiba sa wika di lamang dahil sa mga konsiderasyong ekonomiko
kundi dahil din sa mga kultural na aspekto.

Kaugnay sa isyu tungkol sa edukasyong multilingwal dito sa Pilipinas noong 1948, ang
Kawanihan ng Edukasyon ay nagsagawa ng mga eksperimento sa pagtuturo sa wikang
bernakular. Simula noon, nagkaroon na ng mga pagtatangka at pagsisikap sa paggamit ng
isang wikang bernakular sa kurikulum ng edukasyong elementarya. Noong 1998,ang Philippine

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
24

⌐ ¬
Sector Study National Plan (World Bank at ADB)ay binigyang pansin ang paggamit ng
bernakular bilang midyum sa pagtuturo. Ang Presidential Commission on Education Reform
(2000) ay nagbigay ng mga rekomendasyon tungkol sa paggamit ng lingua franca at mga
bernakular. Ayon sa papel na ito, maraming pag-aaral ang sumusuporta sa paggamit ng
bernakular bilang midyum ng pagtuturo at nagpapakita na mas nanatili sa paaralan ang mga
mag-aaral kaysa mag-drop-out, mas mabilis silang matuto, at mas permanente ang kanilang
paggamit ng unang wika bilang tulay tungo sa mabuting pagkatuto ng wikang Ingles at
Filipino, at nakatutulong ito sa debelopment ng kanilang kakayahang kognitibo.

Ayon sathreshold hypothesis ni Skutnabb-Kangas and Toukama (1976) na


nagmungkahi na kung ang maabot ng isang bata ang threshold ng kasanayan sa unang wika
ay doon lamang masasabi na matagumpay siyang matututo ng kanyang pangalawang wika.
Ginawa ang ipotesis na ito bilang resulta ng pananaliksik sa mga batang Finnish na lumipat sa
Sweden. Natuklasan na ang mga bata na lumipat bago pa nila matamo ang kapaki-
pakinabang na literasi sa unang wika ay hindi nakadebelop ng literasi na kasingtagumpay ng
mga batang lumipat na nakadebelop na kapaki-pakinabang na literasi sa kanilang unang wika.

Ayon sainterdependency hypothesis ni Cummins (1984), ang kognitibong epekto ng


bilinggwalismo ay nakabatay sa antas ng kahusayan ng bata sa dalawang wikang kanyang
sinasalita. Ang Mataas na Kahusayan o High Level Proficiencysa dalawang wika ay
nagpapakita ng positibong epekto sa kognitibong aspeto ng mag-aaral at kabaliktaran naman
kung ito ay Mababang Kahusayan o Low Level Proficiency na may negatibong epekto. Dagdag
niya, ang kasanayang literasi sa unang wika ay nakalilinang sa pagtamo ng multilingwalismo
sa paniniwalang may karaniwang batayan ng kahusayan o proficiency sa wika pagdating sa
debelopment ng kasanayang literasi.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
25

⌐ ¬
Sa ipotesis na ito, ibinukod niya ang dalawang uri ng literasi: interpersonal
communication at cognitive academic proficiency (CALP). Ang Interpersonal Communication
ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na gamitin ang wika sa isang conversational setting.
Samantala, ang CALP ay nagbigay-diin sa kahalagahan kung saan ang isang tao ay
nakagagamit ng wika sa di-kontekstwalisadong paraan. Bilang paglalahat, sinabi ni Cummins
na ang kompetensi sa unang wika ay mas madaling mailipat patungo sa kompetensi ng
pangalawang wika kung namaster na niya ang CALP.

Isang proyekto ang isinagawa ni Gonzales (1999) na nasa (Tanaleon, 2009) kaugnay
sa lingua franca education. Sa 16 na rehiyon sa bansa, nagkaroon ng eksperimental class sa
unang baitang na gumamit ng lingua franca bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng
asignatura at sa control class ay bilingual education.

Kaugnay pa rin sa isyu ng multilingwalismo, mababanggit din sa resulta ng 2006 NAT


Grade 3 reading test sa debisyon ng Kalinga, Apayao. Sa sampung distrito, tanging Lubuagan
lamang ang may first language component. Unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo
sa lahat ng asignatura maging sa Agham at Matematika. Ang natitirang siyam na distrito ay
sumailalim sa regular na edukasyong bilinggwal.

Ipinakita sa resulta ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng


pinakamataas na marka sa Ingles (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pagsubok sa Matematika
ay ibinigay sa mga mag-aaral na tinuruan gamit ang kanilang unang wika at mga mag-aaral
na tinuruan ng wikang Ingles at Filipino. Ang resulta ng pagsubok ay nagpapakita na mas
matagumpay ang mga mag-aaral na sinimulang turuan ng mga komplikadong aralin gamit ang
kanilang unang wika. Ipinapakita rin na mas mataas ang nakuhang iskor ng mga mag-aaral na
ito sa pagsubok sa matematika.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
26

⌐ ¬
Bilang karagdagan, sa Pilipinas, isang pangmatagalang pag-aaral ang isinagawa mula
sa una hanggang ikatlong baitang na mag-aaral sa Lubuagan, isang komunidad sa
Kabundukan ng Cordillera. Inumpisahan ang proyektong ito sa isang paaralan noong 1999 at
pormal na inilunsad noong 2005 sa tatlong paaralan bilang experimental group at tatlo pa
bilangcontrol group. Tatlong taon matapos ang pag-aaral, konsistent na mga bentahe ang
naiulat sa mga mag-aaral na nag-aaral sa mga paaralan na gumagamit ng unang wika. Mas
mataas ang mga iskor nila kaysa sa mga mag-aaral sa kontroladong paaralan sa Matematika,
Pagbasa, Filipino at Ingles (Walter at Dekker, 2011).

Inilahad ninaThomas at Collier(1997), na ang mga kabataan na maagang nakapag-aral


ng wika mula sa kanilang tahanan ay sinasabing nagiging mahusay sa pagpapatuloy ng
kanilang edukasyon.

Sinabi ni Gonzales (1996) na kapag hindi nauunawaan ng mga mag-aaral ang midyum
ng pagtuturo, ang wika na kapwa nila naiintindihan ay dapat pansamantalang gagamitin
hanggang ang bagong midyum ay maaaring gamitin ng may pag-unawa sa loob ng silid-
aralan. Ang pakikipagtalastasan sa pagitan ng mag-aaral at guro ay magaganap sa wikang
kapwa nila nauunawaan. Sa Pilipinas, ang isyu tungkol sa kung anong wika ang gagamitin sa
pagtuturo sa basic education ay kinokontrol ng relihiyon, ekonomiks, pulitikal at kakaunti
lamang ang kontrol ng sistemang pang-edukasyon. Ngunit sa maagang bahagi ng kasaysayan
ng mga bansang may iba-ibang wika, kung anong wika ang gagamiting midyum sa pagtuturo
ay siyang isyu sa sistema ng edukasyon.

Sa penomenolohikal na kwalitatibong pananaliksik ni Diaz (2005), tiniyak niya ang


papel ng wika sa pag-unawa ng mga mag-aaral ng ilang piling akdang pampanitikan ng
Pilipinas. Binigyang-tugon nito ang persepsyon, personal na preferens at relasyong sosyal ng

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
27

⌐ ¬
mga mag-aaral habang tinatalakay ang mga akdang pampanitikan gamit ang wikang Ingles,
Filipino, at Hiligaynon.

Napatunayan sa pag-aaral sa pamamagitan ng journal entry ng mga panayam na mas


pinili ng mga mag-aaral ang Wikang Filipino para sa mga akdang pampanitikang nakasulat sa
Wikang Filipino; Wikang Hiligaynon para sa mga akdang pampanitikang nasulat sa mga
akdang pampanitikang nakasulat sa Wikang Filipino; Wikang Hiligaynon para sa mga akdang
pampanitikang nasulat sa Hiligaynon; at Wikang Ingles at Hiligaynon para sa mga akdang
nasulat sa Wikang Ingles. Dagdag dito, napatunayan ding dalubhasa ang mga mag-aaral sa
paggamit ng Wikang Filipino at Hiligaynon ngunit hindi dalubhasa sa Wikang Ingles.

Sa mataas na paaralan, ang unang wika ay maaaring gamiting pantulong na wika o


hiwalay na asignatura (Nolasco, 2005). Ang pantulong na wika ay tumutukoy sa anumang
wika maliban sa itinakdang midyum ng pagtuturo na maaaring magpayaman at magpadali sa
pag-unawa ng pangnilalaman at pang-akademikong bahagi ng wika.

Ang tunay na suliranin kaugnay sa wika ay ang pag-aayos sa magkasalungat na


kahilingan ng bawat lipi na napapaloob sa unang wika ng bawat indibidwal, pagkamakabayan
na nakikita sa pagpapalaganap ng wikang pambansa at modernisasyon na kasingkahulugan
ng paggamit ng internasyunal na wika (Bautista, 1999)na nasa (Tanaleon, 2009).

Ang Wikang Filipino ang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino, at nangingibabaw pa


ring de facto na wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon. Katuwang ng Filipino,
malaganap din ang paggamit ng mga dayalekto lalo na sa elementarya sapagkat nananatiling
unang wika ng marami-raming bata ang mga wikain sa Pilipinas. Samakatuwid, kapwa Filipino
at mga katutubong dayalekto ang mas mabisang pangunahing wikang panturo kaysa Ingles

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
28

⌐ ¬
sapagkat umiiral at nakaugat na sa lipunang Pilipino ang mga ito. Ang pagkatuto ay mabilis at
epektibo kung direktang gumigising ito sa maraming pandama at sensibilidad ng mga mag-
aaral at wala nang iba pang wikang kakatawan dito kundi ang wika nila sa araw-araw at
wikang magbibigay sa kanilang higit ng tiwala at pagkakakilanlan.

Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang patuloy na pagkilos tungo sa tinatawag na globalisasyon at habang umuunlad ang


isang global language ay lalong pinahahalagahan ng bawat bansa ang kani-kanilang ethnicity
o sariling pagkakakilanlan partikular na ang wika at kultural na pagkakilanlan. Lalo din namang
pinahahalagahan at kinilala ng mga ahensyang pang-internasyunal tulad ng UNESCO ang
tinatawag nacultural and linguistic diversity.

Sa kabila ng pagiging linguistically diverse ng Pilipinas, mula pa 1974, ang edukasyon


ay nakatututok sa patakarang bilinggwal, ang magkahiwalay na paggamit ng dalawang wika
sa pakikipagtalastasan. Sa Pilipinas, ang bilingwalismo ay nangangahulugan ng magkahiwalay
na paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa mga tiyak na asignatura
(Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974).

Ipinatupad ang patakarang bilinggwalismo sa mga paaralan upang makalinang ng


isang bansang bilinggwal na may sapat na kakayahan sa paggamit ng Ingles at Filipino (1987
Saligang Batas ng Pilipinas). Dagdag dito, ang 1987 Bilingual Education Policy ay
naghahangad na malinang ang Wikang Filipino bilang simbolong pangwika ng pambansang
pagkakaisa (Quisumbing, 1987). Ngunit tila nararamdaman ng ordinaryong Pilipino na ang
nasyonalismo ay walang kaugnayan sa itinakdang wika ng pagtuturo.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
29

⌐ ¬
Ayon sa Saligang Batas, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Dapat na
magsagawa ng hakbang ang pamahalaan upang ilunsad at sustentihin ang Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon;
at para sa layunin ng komunikasyon at instruksiyon, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles (1987 Saligang Batas ng Republika
ng Pilipinas, Art XIV Sek 6,7).

Sa sektor ng pamahalaan, noon pang panahon ni Dating Pangulong Marcos, hinikayat


na ang paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensiya
at nagkaroon ng mga pagsasanay para dito. Sinundan ito ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
335 noong 1988 na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng mga
hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensiya.

Subalit noong 2003, ang Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ay nag-atas na ibalik ang
Ingles bilang pangunahing wikang panturo. Ito ay kaugnay sa pakikilahok ng Pilipinas sa
pandaigdigang pamilihan na Ingles ang dominanteng wika ng pandaigdigang ekonomiya at
komersyo.

Kasunod nito, noong Mayo 2003, nagpalabas ang Malacañang ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 210 na pinamagatang “Establishing the Policy to Strengthen the Use of
English Language as a Medium of Instruction in the Educational System”. Ayon sa kautusang
ito, ituturo ang Ingles simula sa unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa Ingles,
Matematika at Agham. Ingles ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng
paaralang pampubliko o pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa 70% ng kabuuang
panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time allotment para sa paggamit
nito. Sa mga institusyong pantersyarya, Ingles din ang pangunahing wikang panturo. Bunga

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
30

⌐ ¬
nito, nalimitahan ang gamit ng Filipino at itinakda lamang ito bilang wikang panturo ng
asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Pinagtibay ng House Bill 4701 na pinamagatang
“An Act Prescribing English as the Medium of Instruction in Philippines Schools at kamakailan
lamang ang Executive No. 210 “The use of English as a Medium of Instruction”.

Ang kauna-unahang eksperimento sa Iloilo ay isinagawa mula 1948-1954 na


pinamunuan Jose D. Aguilar na siyang unang sumubok sa paggamit ng Hiligaynon bilang
midyum ng instruksyon sa unang baitang hanggang ikalawang baitang. Ang resulta ng
pagsusulit ay nagpakita na ang mga batang tinuruan sa Hiligaynon ay nadaig ang mga batang
tinuruan ng Ingles sa pagbasa, Matematika at Araling Panlipunan. Natuklasan din na mga
mag-aaral na nagsasalita ng kanilang unang wika ay mas mabilis na natututo at nakahahabol
sa mag mag-aaral na nagsasalita na ng pangalawang wika sa kanilang kaalaman sa Ingles sa
loob ng anim na buwan lamang pagkatapos na mailantad sila sa Ingles bilang midyum ng
pagtuturo.

Noong Marso 6, 2008, isang bill ang ipinasa ni Magtanggol Gunigundo na


pinamagatang “The Multilingual Education Act of 2008”, na nagsasaad na gagamitin ang
unang wika bilang midyum ng pagtuturo mula pre-school hanggang ikaanim na baitang.
Naisama rin ang pagtuturo ng Ingles at Filipino sa elementarya bilang magkahiwalay na
asignatura at hindi bilang midyum ng pagtuturo o instruksyon.

Ipinaliwanag ni Gunigundo na ang estratehiyang ito ay ginawa upang madebelop ang


kognitib, akademik at linggwistik na kakayahan ng mag-aaral sa kanilang unang wika at unti-
unti itong ilipat sa nasyunal na wika, ang Ingles at Filipino. Alinsunod dito, nagpasa si Senador
Roxas ng Senate Bill No. 2294 na sumasang-ayon sa rasyonale at probisyon ni

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
31

⌐ ¬
Gunigundomaliban na lamang na ang unang wika ay gagamitin bilang midyum ng pagtuturo
hanggang sa ikatlong baitang lamang.

Mula noon ay marami nang mga ahensya ang sumusuporta upang maipasa ang billsa
Senado hanggang sa ito’y maaprobahan ng Presidente. Kabilang na dito ang mga sumusunod;
Kagawarang ng Wikang Filipino (KWF), National Economic Developement Authority (NEDA),
Department of Education (DepEd), Philippine Education for All 2015 Plan at Updated Medium-
Term Philippine Education for All (MTPDP, 2004-2010) at ang Linguistic Society of the
Philippines (LSP).

Kaugnay nito, isang pag-aaral ang isinagawa sa Zambia, ang positibong resulta ng
literasi sa mother tongue ay talagang nailantad sa kanilang programa na inilunsad sa 800 na
paaralan sa Zambia. Ang mga bata ay natututong magbasa sa kanilang lokal na wika habang
natututo na magsalita ng Ingles. Ang determinasyon nila sa pagsulong ng ganitong programa
sa paggamit ng instructionaltime at sa pagsulong ng interaktib na student-centered methods
ay naging matagumpay. Dahil sa resulta ng pag-aaral, ang programang ito ay ipinakilala at
inilunsad sa lahat ng paaralan sa bansang Zambia.

Noong 1974, nagsimulang ipatupad ang patakaran sa edukasyong bilinggwal bilang


pagsuporta sa paglinang ng isang bilinggwal na bansa. Nang mapagtibay ang 1987
Konstitusyon ng Pilipinas, nirebisa ito ng Kagawaran ng Edukasyon at ipinalabas ang 1987
Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal. Halos magkatulad ang nilalaman ng dalawang patakaran
maliban sa ilang idinagdag na probisyon gaya ng pagbibigay sa antas tersyarya ng gampaning
pangunahan ang intelektuwalisasyon ng Filipino at ang regular na ebalwasyon ng patakarang
ito. Alinsunod dito, isinagawa ng isang pangkat ng Linguistic Society of the Philippines ang

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
32

⌐ ¬
unang ebalwasyon sa pagpapatupad ng patakaran ng edukasyong bilinggwal sa antas
tersyarya (Sibayan at Gonzales, 1987).

Lumabas sa pag-aaral nina Sibayan at Gonzales (1998) na hindi seryosong ipinatupad


ng mga paaralan ang programang edukasyong bilinggwal. Negatibo ang mga paaralan sa
paggamit ng Filipino sa mga paaralanngunit hindi sa Filipino bilang wikang pambansa. Inilahad
din ng resulta ng pag-aaral na napakahina ng performans ng mga mag-aaral sa buong bansa
sa mga paaralang pampubliko o pribado, magagaling o mahihina mang paaralan. Ang dahilan
ng malungkot na sitwasyon ito ay ang mga guro mismo na walang sapat na kaalaman sa
asignaturang kanilang itinuturo.

Ipinakita sa kinalabasan ng ebalwasyon na ang edukasyong bilinggwal ay hindi


prayoridad sa antas tersyarya. Karamihan sa mga institusyong pantersyarya, ang
pagpapatupad ng edukasyong bilinggwal ay walang masusing disenyo. Ang pag-aaral na ito ay
nagkakaroon ng kongklusyon na ang pagbaba ng achievement scores ng mga mag-aaral sa
elementarya at sekundarya ay hindi dapat isisi sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal kundi
sa kakulangan ng kakayahan ng mga guro, mahinang pamamahala ng mga paaralan, at
kakulangan ng mga aklat at iba pang kagamitang pampagkatuto, mga salik na iniugnay sa
mababang sosyo-ekonomikong antas at kakulangan ng suportang pinansyal.

Kaugnay nito, nagsagawa rin ng pag-aaral si Fuentes (2000) sa istatus ng


pagpapatupad ng 1987 Patakarang Edukasyong Bilinggwal, ngunit limitado lamang sa mga
institusyong pangtersyarya ng Cebuano at Hiligaynon. Ayon sa pag-aaral na ito, bigo ang
implementasyon ng patakarang bilinggwal sa mga institusyong pangtersyarya ng Cebuano at
Hiligaynon. Ang pagpapaunlad sa kakayahan sa wikang Ingles ang pangunahing layuin ng

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
33

⌐ ¬
mga institusyong pantersyarya sa mga nabanggit na lugar at ang edukasyong bilinggwal ay
itinuturing na hadlang sa hindi pagtatamo ng layuning ito.

Ang pag-aaral ding ito ay nagpapatunay na ang Wikang Filipino ay tanggap na bilang
wika ng pagkakaisa at simbolo ng pambansang pagkakakilanlan maging ng mga Cebuano na
noon pa ay nagpakita nang matinding pagtutol. Gayunpaman, naniniwala ang karamihan na
ang pagiging angkop ng wikang Filipino bilang wikang pambansa ay hindi nangangahulugang
angkop din itong wikang panturo sa mga asignaturang Agham at Matematika.

Ipinaliwanag ng pag-aaral na ito na mas kilala ang Filipino bilang isang simbolo kaysa
pagka-functional nito sa buhay ng mga Pilipino. Idinagdag pa na naniniwala ang karamihan na
sila ay makabansa sa kabila ng kanilang kakulangan ng kakayahan sa wikang pambansa. Ayon
pa sa resulta ng pag-aaral na sa isang multilingwal na pamayanang tulad ng Pilipinas, ang
damdaming makabansa ay nakakabit sa kanilang unang wika kung kaya’t ang kahinaan sa
pambansang wika ay hindi nangangahulugang nababawasan ang kanilang pagiging
makabansa. Sa kabilang banda, ang kakayahan sa wikang Ingles ay pangunahing kailangan sa
pagtatamo ng pang-ekonomikong tagumpay dahil nananatili itong wika ng mahahalagang
larangan partikular na ng pamahalaan, negosyo at mataas na edukasyon. Mahalagang
banggitin na ang pinakamadalas sabihing dahilan ng hindi pagtupad ng patakaran ay ang
kakulangan ng suporta ng pamahalaan.

Sa kabilang dako, mahalagang banggitin ang resulta ng Trends in International


Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginawa noong 1999. Ang Pilipinas ay
pangtatlumpu’t walo sa Matematika at pang-apatnapu’t isang kalahok na bansa. Ito ay sa
kabila ng pagtuturo ng Agham at Matematika sa wikang Ingles sa mahigit na isang daang
taon. Nangangahulugan kaya ito na maaaring walang kinalaman sa wika o hindi lamang

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
34

⌐ ¬
tungkol sa wika ang dahilan kung bakit mahina ang mga Pilipino sa Matematika at Agham?
Kung wika man ang dahilan, hindi kaya dahil sa wikang Ingles ang ginagamit bilang midyum
ng pagtuturo sa mga asignaturang Agham at Matematika?

Ang karanasan ng Tsina, Hapon at Russia, ang tatlong bansang nanatiling


monolinggwal at ginagamit ang unang wika sa pagtuturo, ay sapat na patunay na maaaring
magiging mahusay ang mga mag-aaral sa Agham at Matematika kahit hindi itinuturo ang mga
ito sa Ingles.

Inilarawan ni Dr. Taufeulungaki (2004), Direktor ng Institute of Education sa


Unibersidad ng South Pacific, ang iba’t ibang konteksto ng mga wika sa rehiyong Pasipiko.
Tinalakay din niya ang mga karaniwang dahilan ng pagpili ng wika at nagmungkahi siya ng
mga hakbang na maaaring isaalang-alang ng mga tagapaghanda ng patakaran at sistema ng
edukasyon.

Ayon kay Dr. Taufeulungaki, ang pasipiko ay sinasabing most linguistically complex
regionsa mundo na may mahigit sa isang libong natatanging wikang bernakular na sinasalita
ng halos 10 milyong naninirahan dito. Maliban pa ito sa mga wikang dayuhan na dala ng mga
misyonaryo negosyante at mga mananakop na naninirahan sa rehiyong Pasipiko, tulad ng
Ingles, Kastila at iba pa.

Bagama’t kinikilala ng mga bansang Pasipiko ang kahalagahan ng unang wika bilang
midyum ng pagtuturo, iba-ibang mga patakaran at kaugalian ang matatagpuan dito.Sa
nakararaming bansa, ang unang wika ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa unang anim
na taon sa edukasyong primarya. Natutunan lamang ng mag-aaral ang pangalawang wika
bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Bunga ng ganitong sitwasyon, nagkaroon ng

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
35

⌐ ¬
suliranin dahil ang unang wika ay hindi pa matatag kaya ang mga mag-aaral ay nahihirapan
sa pag-aaral ng pangalawang wika at nagkakaroon ng negatibong epekto sa kanilang
pagkatuto at natamong pang-edukasyon. Ang wika ay hindi natututunan nang nag-iisa.
Kasabay ito ng pagpapahalagang pangkultural, paniniwala, mga tuntunin at kalakaran ng
pamayanang gumagamit nito.

Ipinaliwanag pa ni Dr. Taufeulungaki na ang mga mag-aaral ay dapat matuto hindi


lamang ng kanilang wika kundi maging sa kultura ng wikang iyon. Idinagdag pa niya na
kadalasan ang mga paaralan ay gumagaya sa kanluraning edukasyon, na may ibang sistema
ng pagpapahalaga, may ibang sistema ng komunikasyon at nagtataguyod ng ibang istratehiya
sa pagtuturo at pagkatuto na naiiba sa kontekstong sosyo-kultural ng karamihan ng mga mag-
aaral sa Pasipiko. Ang resulta nito ay ang paghina ng mga pamayanan sa Pasipiko na
maaaring dumanas ng pagkalipol.

Samakatuwid, ang pagpili at desisyon ng mga bansang Pasipiko na magtatakda ng


mga patakarang pangwika at mga kaugaliang pang-edukasyon ay ayon sa kanilang sariling
mga bisyon at mga debelopmental na mithiin, internal na pagkakaisa, at eksternal na
partisipasyon sa modernong global na pamayanan. Magiging malinawna ang dalawang ito ay
hindi diametrical na magkasalungat.

Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakarang pangwika sa


bansa ay patuloy na nababahiran ng pulitika. Kayang-kayang dalhin ito ng nakapangyayaring
uri ng wika sa direksyong naaayon sa presensya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa
adyendang nais isulong para sa bansa. Sa sitwasyong waring higit ang pagkiling sa wikang
Ingles dahil sa tinatawag na globalisasyon, higit din namang lumalakas ang tawag sa
lokalisasyon para sa lokal na panlasa at kapakinabangan. Batay sa inilahad na mga pag-aaral

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
36

⌐ ¬
ang globalisasyon at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na maisakatuparan sa
pamamagitan ng maayos, tama at angkop na patakarang pangwika sa bansa.

Ang Pagtuturo ng Panitikan: Katayuan, Kahalagahan at Layunin

Maraming manunulat, kritiko at linggwista ang nalilito kung ano ba ang panitikan.
Isang masaklaw na paliwanag tungkol dito ay nagsasabing ang mga akdang pampanitikan ay
produkto na sumasalamin ng iba’t ibang sangkap ng lipunan. Ang mga ito ay dokumentong
pangkultura na nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa isang bansa o mga bansa
(Clandfield, 1994). Ayon naman sa ibang linggwista, walang likas na katangian ang isang akda
para maituring na akdang pampanitikan kundi sa interpretasyon na ibinibigay ng mambabasa
sa akda.

Maraming dahilan ang paggamit ng mga akdang pampanitikan sa silid-aralan. Ang mga
akdang pampanitikan ay awtentikong materyal na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-
aaral na makita ang orihinal na wika nito. Pumupukaw ito ng interaksyon dahil nagtataglay ito
ng maraming kahulugan at maaaring epektibong batayan ito ng mga talakayan,
pagpapayahag ng damdamin, at pagbibigay ng opinyon. Ang mga akdang pampanitikan ay
naglilinang ng buong pagkatao ng isang indibidwalsa pamamagitan ng pagsuri sa mga
pagpapahalagang makikita sa mga akda. Nakagaganyak ang mga akdang pampanitikan dahil
maraming kultura ng iba’t ibang bansa o lugar ang nasasalamin dito. (Lazar, 1993)

Sa Pilipinas, ang pagtuturo ng panitikan ay binibigyan lamang ng kakaunting pansin ng


pamahalaan at ng ahensyang dapat ay nagtataguyod nito. Nakaligtaan nila na bago pa man
maganap ang mga pag-unlad sa siyensiya at bagong tuklas na teknolohiya, kailangan munang

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
37

⌐ ¬
pagyabungin ang imahinasyon ng mga mag-aaral at ito ay mabibigay ng panitikan (Sugbo,
1998)

Kahit ang mga nagbabalak ng kurikulum at tagapagpatupad nito ay parang hindi


nagbibigay ng halaga sa pagtuturo ng panitikan sa paniniwalang ang panitikan ay hindi
kailanman nakakaambag sa pagtupad sa mga layunin ng edukasyong pangtersyarya
(Simmons and Deluzain, 1992).

Ang nakakaawang paningin sa panitikan lalo na sa panitikan ng Pilipinas ay


mapapansin. Isang maaaring sanhi nito ay dahil ang mga sinaunang akda ay walang gaanong
kahalagahang pampanitikan kundi nagtatala lamang ng mga detalye ng kasaysayan (Reyes,
1996).

Noong dekada 60 at 70, ang mga akda ay nagpakita ng iba’t ibang penomenang
panlipunan gaya ng kawalan ng trabaho, gutom, kahirapan at iba pang uri ng pang-aapi. Sa
loob ng ilang dekada, ang mga akdang pampanitikan ay nakatuon sa hinaing ng mga api at
kalagayang pulitikal (Dela Torre, 1998)

Ang panitikan ng Pilipinas ay nasusulat sa iba’t ibang wika gaya ng Ingles, Kastila,
Filipino at bernakular (Sugbo, 1998). Sa mga wikang ito, ang akdang nasusulat sa Ingles ay
nagkaroon nang higit na impak kaysa sa ibang nasusulat sa ibang wika. Binaggit ni Castillo
(1999) na nagugustuhan ang wikang Ingles dahil ito ang wika ng mga maykapangyarihan, ng
sa matataas na antas ng lipunan, at pag-unlad pang ekonomiko.

Ang kawalan ng pag-unawa sa tunay na panitikan ng isang bansa ay nagdudulot ng


pagwalang bahala sa halaga ng mga akdang pampanitikan. Nakalulungkot na marami sa mga
Pilipino ang walang alam o kakaunti ang nalalaman sa sariling panitikan. Marami sa mga

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
38

⌐ ¬
edukadong tao ang mas nakakikilala sa kanluraning manunulat kaysa mga Pilipinong
manunulat. Sa katunayan, maraming Pilipino ang walang pagpapahalaga sa panitikang Filipino
(Maramba, 1990).

Kahit maraming pagpupunyagi upang palakasin ang mga programang pampanitikan at


kurikulum, napapansin ang mabagal na pag-unlad ng panitikang Filipino at ang kawalan ng
pagpapahalaga sa panig ng mga mag-aaral (Maramba, 1990).

Ang pangarap na pag-unlad ng panitikang Filipino ay nangangailangan ng


pinagsamang pagsisikap ng manunulat sa kanilang akda, suporta ng mga mambabasa, ng
gawain ng mga manunuring pampanitikan, ng tagalimbag, at ng ekonomiya (Reyes, 1996).

Sa pagsulat, paglimbag at pagtuturo ng panitikan, kailangang isaisip na ang panitikan


ay pagpapahayag ng buhay, ang tunay na buhay (Ibsen, 1990). Ito ay ang paglalarawan at
interpretasyon ng pamumuhay ng isang sosyodad. Ito ay isang paraan upang buksan ang mga
mata ng tao sa katunayan ng kanilang mga kondisyon (Reyes, 1996). Nagpapatalas ito ng
pananaw at kaalaman, nagpapalawak ng simpatiya at karanasan, at tumutulong sa pagbuo ng
mga lalaki at babaeng may kakayahan upang humarap nang tama sa buhay (Maramba, 1990).
Nabubuhay ang panitikan upang pagyamanin ang mga paniniwala at pagpapahalaga. Higit sa
lahat, ang panitikan ay tumutulong sa pagkakaroon ng pambansang pag-unlad at pagsulong
(Reyes, 1996).

Ang edukasyon ay may tungkulin na linangin ang simbolong kultural gaya ng wika.
Ayon sasocio-linguist, ang wika ng isang bansa ay nangangahulugan ng pag-aaral ng kultura
ng isang bansa. Sa paaralan nagiging operasyunal ang reproduksyon ng kaalaman sa
pamamagitan ng mga paksang aralin na itinuturo sa bawat asignatura.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
39

⌐ ¬
Sa Pilipinas, katulad ng ibang bansa sa mundo, ang paaralan ang pangunahing
institusyon sa paglinang ng panitikan. Ang paaralan ang sentro ng pag-aaral at pagtuturo ng
wika, at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan. Ito ay naglalayong mapukaw ang
kawilihan ng mga mag-aaral, buhayin ang kanilang imahinasyon, at patalasin at pagyamanin
ang kanilang karanasan (Gonzales, 1999).

Dahil sa ganitong tungkulin na tinanggap ng mga paaralan, kinakailangang maglikha


ang mga ito ng mga programa upang matamo ang nasabing mga layunin na hindi
naisasakripisyo ang pangangailangan at pagkakaiba ng bawat mag-aaral.

Ang paaralan ay binubuo ng iba’t ibang indibidwal kasama ang kanilang personalidad,
paniniwala, at pagpapahalaga ng kanilang kultura at kasaysayan (Kooy and Chiu, 1998).Ang
sistemang pampaaralan ay dapat magbalak ng mga programa upang matugunan ang iba’t
ibang pangangailangan ng pamayanang Pilipino (Gonzales, 1999).

Ipinapakita ni Gotangco (1999) na ang pagkatuto ay pinakamataas kapag ang


karanasan ay nagpapaisip, pumupukaw o kahawig ng tunay na kapaligiran, proseso at mga
gawain. Ang pangangailagang matukoy kung anong paraan ng pagtuturo ang gagamitin ay
nanatiling suliranin hindi lamang sa paglinang ng kasanayan sa pag-unawa kundi sa lahat ng
antas ng pagtuturo.

Bilang sagot sa pangangailangang ito ng programang multi-dimensional, si Tiempo at


ang mga kasama (1977) ay naniniwalang lahat ng mga gawain ay masusubok sa pag-aaral ng
panitikan. Dahil maraming pagpapahalagang taglay nito, ang panitikan ay maaaring maging
paraan sa pagkuha ng kasalimuutan, katiyakan at pagkakaugnay-ugnay ng mga penomenang
maaaring harapin ng mga guro.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
40

⌐ ¬
Nakalulungkot na sa mga nakaraang dekada, ang pag-aaral ng panitikan ay nanatiling
nasa likuran ng anumang programang pangwika. Ang panitikan ay itinuturing na libangan,
pamalit sa nakababagot na gawain, lunsaran ng mga aralin sa wika, at batayan ng mga
sarbey na panghistorikal (Simmons and Deluzain, 1992). Ang saloobing ito tungkol sa
panitikan ay maaaring magdulot ng pagkawala ng pagkakatangi nito bilang isang artifact
(Reyes, 1996).

Iminungkahi si Sugbo (1998) na ang panitikan ay ituturo sa tamang paraan para


mapahalagahan ito at mapapayaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kahalagahang
estetiko, at pagmamahal sa wika.

Mahalaga ang pagpili ng mga akdang pampanitikan sa pagtuturo nito. Ang


pagpapakilala ng mga akda na kinawiwilihan ng mga mag-aaral ay kasinghalaga ng kung
paano ito ituturo. Ang pagpili ng angkop na mga akdang pampanitikan sa pangangailangan ng
mga mag-aaral ay dapat maayos na binabalak at maingat na pinaplanuhan. May mga
mungkahi sa pagsagawa nito.

Una, ang mga paksa ng akdang pampanitikan ay dapat pangkalahatan.Maaaring


inilarawan nito ang ibang tao, ibang lugar o ibang panahon ngunit nakikilala ang
kahalagahang pampersonal at pangkultural. Pangalawa, ang mga tauhang pampanitikan o
paksa ay dapat malapit sa edad at kawilihan ng mga mag-aaral (Simmons and Deluzain,
1992). Pangatlo, ang mga napiling akda ay dapat nagpapakita ng mga sangkap ng karanasan
ng mga tao (Ross, 1991). Dapat ang mga mambabasa ay makapag-uugnay sa mga
karanasang ipinahahayag sa akda. Dahil dito, ang mga guro ay dapat pumili ng mga akda na
magbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mag-isip nang malaya at malikhain. Pang-
apat, ang mga napiling akda ay dapat kontemporaryo. Ang mga akdang pampanitikang pag-

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
41

⌐ ¬
aaralan ay dapat napapanahon at ang wikang ginagamit ay hindi malayo sa kasalukuyang
wikang ginagamit (Basturkmen, 1990). Panglima, ang mga akdang pampanitikan ay
mapanghamon sa mga mag-aaral kahit ang materyal ay masalimuot na nangangailangan ng
masusing pag-aaral. Kailangang mabasa at kalugdan ito ng mga mag-aaral (Gwin, 1990).
Panghuli, ang panitikan ay may dating, kasiya-siya at nakikiisa sa malaking bahagi ng
kawilihan ng tao (Collie and Staler, 1987).

Marami ang pinaniniwalaang dahilan ng kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa


panitikan. Isa sa mga dahilang ito ay ang hindi mabuting pagpili ng mga guro ng mga akdang
angkop sa kawilihan ng mga mag-aaral at ang maling paniniwala na ang panitikan ay para
lamang sa mamamayan at sa mga taong napabilang sa mataas na antas ng lipunan o para
lamang sa paunang antas ng mag-aaral (Moody, 1987). May mga guro na naniniwala na ang
panitikan ay dapat aantig lamang sa isip ng mga mag-aaral. Nakaligtaan nila na ang mga
akdang pampanitikan ay dapat aantig sa isip at puso ng mga mag-aaral.

Hangga’t ang mga mambabasa ay may mabuting motibasyon at ang mga guro ay may
sapat na interes sa mga akdang pampanitikang pinag-aaralan, nagbibigay ng maayos na mga
gawain para magkaroon ng malikhaing kaugnayan sa pagitan ng mambabasa at teksto, ang
pag-aaral ng panitikan at ang pagpapahalaga nito ay magiging pinakamadaling bahagi ng
karanasan sa pagtuturo.

Ang kaangkupan ng akdang pampanitikan at ang pakikibaka ng mga mag-aaral sa mga


klaseng pampanitikan ay magiging simula at wakas ng kabuuang proseso ng pagtuturo ng
panitikan at pagpapatupad ng mga programang pampanitikan. Ang paraan ng pagpapakilala
ng akdang pampanitikan ay kasinghalagakung paano ito ituturo. Ang mga guro sa panitikan ay
nangangailangan ng napapanahong pagdulog na nagbibigay ng katumbas na kasiyahan

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
42

⌐ ¬
kasama ang personal na reaksyon at kakayahang kritikal at analitikal ng mga mag-aaral.
Dapat laging isinasaalang-alang ng mga guro kung paano inihahanda ang aralin sa panitikan.
Ang dahilan sa ganitong paniniwala ay ang kaisipang ang mga mag-aaral ay mga taong
napapagalaw sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain, iba’t ibang ekspektasyon at iba’t ibang
antas ng kasiyahan (Simmons and Seluzain, 1992). Ang mga guro ay dapat sensitibo sa mga
pangangailangan at kagustuhan ng kanilang mag-aaral sa klaseng pampanitikan.

Ayon kay Du Ruiquing (1996) ang panitikan ay produkto ng partikular na kultura at


nagsisilbing modelo ng nasabing kultura. Hindi lamang ito nagbibigay ng avenue para sa
paggamit ng wika kundi nagsisilbi ring mahalagang paraan ng pagkamit ng kaalamang
kultural. Sinuportahan ito ni Stern (1987) sa pagsabing ang panitikan ay bumubukas sa mga
mag-aaral sa kultura ng mga taong ang kanilang wika ay ginagamit at pinag-aaralan, at
nakatutulong ito sa mga mag-aaral na maunawaan at mapukaw ang damdamin at makilahok
sa target na kultura. Sa ganitong pananaw, ginagamit ang panitikan sa pag-alam kung ang
edukasyon, ang mga paaralan, ay humihikayat sa mga mag-aaral na magbulay-bulay at
magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga pagpapahalagang kultural na tinataguyod ng bansa
at ng buong mundo.

Ang pinakakaraniwang suliranin kung paano ituturo ang panitikan ay ginagabayan ng


paniniwalang ito ay dapat ituro upang linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral na
magpahalaga o magmahal sa mga akdang pampanitikan. Dahil dito bumabalik ang mga guro
sa iba’t ibang pagdulog/paraan sa pagtuturo nito tungo sa kaganapan ng layunin nito (Moody,
1987).

Ang panitikan ay isang sining na likha ng manunulat na nag-aangkin ng likas na


potensyalidad upang maipadama ang tunay na kaisipan at damdamin, kamalayan, kaisipan at

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
43

⌐ ¬
buong katauhan ng tao para magtaglay na ng higit na pinong panlasa ang kanyang
kamalayan. Ang kanyang sensibilidad ay kasasalaminan o kadadamhan ng higit na bisa ng
sangkap sa kabihasnan at kultura.

Ang guro sa panitikan ay kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng kanyang


mga mag-aaral at ang kulturang nasasalamin sa akdang pampanitikang pinag-aaralan. Siya ay
nakapag-aangat ng iba’t ibang isyung pangkultural at makapagtatalakay at makapagtataya ng
mga ito para matulungan ang mga mag-aaral na matukoy ang mga stereotype at
panghuhusga na ginawa ng mga manunulat. Makapagbabago o mapapabulaanan niya ang
mga maling ideya at maiayon niya ang itinuturo sa pangangailangan, interes at mga paunang
karanasan ng mga mag-aaral (Dicker,1989).

Ipinapalagay na ang mabisang pagtuturo ng panitikan ay yaong hakbang o estilo na


gumigising sa kaisipan at pandama ng mag-aaral. Isa sa mga mungkahing hakbang sa
pagtuturo ng panitikan ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na tumuklas sa
kahulugan ng akdang binasa. Sa ganitong paraan, nabibigyan ang guro ng pagkakataon na
mabasa ang kaisipan ng mga mag-aaral sa paggawa ng reaksiyon. Sa pagtuturo ng panitikan
mas napapaunlad at napapalawak ng mga mag-aaral ang kanilang imahinasyon at nagagawa
ng kanilang isipan na maglakbay sa isang partikular na lugar kahit hindi pa sila nakapupunta
doon. Sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, nalilinang ng isang tao ang kanyang
talasalitaan na may malaking impluwensiya sa kanyang kakayahang makisalamuha sa iba’t
ibang klase ng tao, maging sa pagpapa-unlad din ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at
pakikipag-usap sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan ng panitikan, ang mga guro ay
nakagagawa o nakabubuo ng mga gawain na may kaugnayan sa paglinang ng kasanayan sa
pagsasalita katulad ng pagsasatao, pagkukwento, deklamasyon, talumpati, sabayang

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
44

⌐ ¬
pagbigkas at iba pang kaugnay na gawain na siyang nakapagsasanay sa mga mag-aaral ng
tamang bigkas, diin at tono.

Iminumungkahi rin na likhain niya ang ugnayan ng panitikan at ng mag-aaral.


Magagawa ito sa pamamagitan ng galing o kahusayan, at motibasyon ng guro sa ugnayan ng
panitikan at ng mag-aaral o mambabasa. Magiging mahalaga lamang ang panitikan sa mag-
aaral kung maging matagumpay ang guro sa pagtatamo ng mabisang pagkatuto sa
pamamagitan ng mabuting pagpapahalaga na bunga ng proseso ng pagkatuto. Ganap lamang
ang pagkatuto ng mag-aaral sa panitikan kung talagang ito’y kanilang naunawaan at
naisasabuhay ang mga pagpapahalaga at aral na makukuha nila dito.

Ang paghikayat sa paggalugad sa panitikan sa pamamagitan ng pagbasa nang may


lalim sa simula pa lamang ng pag-aaral ay kailangan. Ito ay angkop sa lahat ng uri ng
panitikan tulad ng maikling kwento, sanaysay, tula at nobela bagamat sinasabing ang pag-
aaral ay mas mahirap sa kalahatan kaysa ibang anyo. Sa pagbabasa ng panitikan ay mas
mabuting sanayin muna ang mga-aaral na basahin ito ng malakas sa klase upang masukat o
mataya ang kakayahan nila sa pagsasalita bago tumuloy sa pagbabasa gamit lamang ang mga
mata. Isa rin sa pagsasanay sa pagsasalita na maaaring ipagawa ng guro ay ang dugtungan o
pagkukwento muli upang malaman niya kung talaga bang nagbasa ang mga mag-aaral,
mataya niya ang katatasan sa pagbigkas at ang kasanayan nila sa pagsasalaysay.

Maaaring sa unang pagbasa ay hindi pa nauunawaan ang akda. Nararapat lamang


isunod ang ikalawang pagbasa at kung kinakailangan ang ikatlo o ikaapat na pagbasa upang
matamo ang pag-unawa sa akda. Ang kahulugan ng mensahe ay mahirap mahuli bagama’t
ito’y nakapaloob sa akda. Hindi ito mawawala, naghihintay lamang ito na matuklasan at

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
45

⌐ ¬
mahuli ng bumabasa ang ningning ng kaisipan upang maitaas ang kanyang puso, ang
kanyang damdamin at ang kanyang isip.

Higit na mapapahalagahan ang panitikan kung ito ay nagagamit sa konteksto ng


pagsasalita na nakasasanay sa tao upang lalo niyang mauunawaan ang nais ipabatid ng isang
akda. Ang kasanayang ito, ay mas malilinang ng mag-aaral kung nakikilahok siya sa iba’t
ibang gawain sa pagsasalita sa loob at labas ng silid-aralan. Mahalagang isapuso natin ang
nilalaman ng panitikan upang maging konsistent tayosa pagtangkilik, pagpapanatili at
pagpapahalaga ng mga natatanging aral na makukuha natin sa mga akdang pampanitikan.

Ang Pagsasalita

Isa sa kakayahang ipinagkaloob ng Panginoon sa tao na nagbibigay sa kanya ng


kalamangan sa hayop ay ang pagsasalita. Ito ang isa sa mga una kung hindi man unang
kakayahang natutuhan niya.

Ang pagsasalita ay ang kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa


pamamagitan ng pagbigkas. Ito ay karaniwang nangangahulugang pag-uusap ng hindi
kukulangin sa dalawang tao. Ang wika bago basahin at sulatin ay sinasalita muna. Ang
kaisipang ito marahil ang magpapatunay ng kahalagahan ng pagkakarooon ng kasanayan sa
pagsasalita sa pagtatamo ng mabisang pakikipagtalastasan. Malaki ang pangangailangan,
samakatuwid na malinang ang kasanayang ito (Espina et. al., 2012).

Ayon sa Wikipedia, nakatinig na anyo ng komunikasyon ng tao ang pagsasalita.


Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita,

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
46

⌐ ¬
nabibigyan ng mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o ipahiwatig sa
iba. Nakatutulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Pinakagamiting pagpapahayag sa wika ang pagsasalita. Halos lahat ng bata ay may


taglay nang katatasan sa pagsasalita bago pa man sila pumasok sa paaralan. Dahil sa
ganitong kalagayan, inaakala ng maraming guro na hindi na dapat bigyan-pansin ang
paglinang ng kasanayang ito sa klasrum sa elementarya. Ngunit may mga pag-aaral na
nagsasabing malaki ang kapakinabangang matatamo ng mga mag-aaral sa kanilang mga
pakikilahok sa mga gawain sa pagsasalita maging ito ay pormal o impormal man (Badayos,
2008).

Ayon naman kay Cazden (1986) sa pagkakabanggit ni Badayos, ang pasalitang wika ay
mahalagang sangkap sa pagkatuto. Kadalasang ikinukwento muli nang pasalita ng mga bata
sa kapwa bata ang mga kwentong kanilang pinakinggan o binasa. Likas din sa mga bata ang
pakikipag-usap habang may binabalak silang mga kolaboratib na proyekto. Nagbibigay din sila
ng mga pasalitang ulat sa mga aralin nila sa Agham at Araling Panlipunan upang maibahagi
ang kanilang kaalaman.

Sa kalagayang tulad nating mga Pilipino na ang pakikipagtalastasan ay madalas na


nagaganap sa paraang pahiwatigan, pakiramdaman at pahulaan, lalong kailangan ang
pagbibigay-halaga sa pagsasanay sa mabisa at masining na pagsasalita upang malinang ang
kakayahang magsalita nang wasto at maayos (Espina et. al., 2012).

Ang paglinang sa kasanayang ito ay maaaring magbunga ng mga positibong


pagbabago sa buhay ng isang mag-aaral. Malaki ang impluwensya ng pagsasalita sa
epektibong proseso ng komunikasyon.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
47

⌐ ¬
Upang maging ganap na mabisa ang pakikipagtalastasan, mahalagang magkaroon ng
masining o maganda at maayos na pagbigkas. Kaugnay dito, may mga salik na dapat
isaalang-alang sa pagtatamo nito. Una, ang lakas ng pagbiglas. May kinalaman ito sa angkop
na lakas o paghina ng tinig. Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas.
Pangalawa, ang bilis ng pagbigkas.Ito naman ay may kinalaman sa bilis o bagal ng pagbigkas
na dapat iakma at ibatay din sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas.
Pangatlo, ang linaw ng pagbigkas. Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig,
bilis ng pagbigkas, tamang bigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang ng tamang diin (stress)
upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na rin dito ang malinaw na
pagbigkas ng bawat pantig ng mga salita.Pang-apat ay ang hinto. Upang lalong maging
mabisa ang pagbigkas dapat ding isaalang-alang ang paghinto na maaaring matagal sa bawat
tuldok o katapusan ng bawat pangungusap, samantalang kuwit sa loob ng pangungusap, ay
bahagya ang paghinto. Panlima naman ay ang kilos o kumpas. Angkop na kumpas ng kamay
at pagkilos ang kailangan upang ganap na maunawaan ang pagbigkas. Nakatutulong ito
upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at makulay ang pagbigkas (Espina et. al., 2012).

Isa ito sa apat na makrong kasanayan kung kaya maaari itong linangin. Una,
kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
Pangalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa
pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal. Pangatlo, kailangan
may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
48

⌐ ¬
Masusukat ang bisa ng isang tagapakinig sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang
tagapakinig o di kaya ay sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig
sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sa kanya.

Mga Pananaw o Teorya sa Pagsasalita

Teoryang Behaviorism

Ipinapahayag ng teoryang behaviorismna ang mga bata ay ipinanganak na may


kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan
ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay
mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay rito (Badayos,
2008).

Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist na kailangan


“alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.

Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit


na pagsasanay hanggang sa ma-master ang tamang anyo nito, at positibong pidbak. Ang
teoryang behaviorismsa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga
pamamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method (ALM) na naging
popular noong taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism. Binibigyang-diin ng
ALM ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita (Badayos, 2008).

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
49

⌐ ¬
Teoryang Innatism

Ang teoryang innatismsa pagkatuto ay batay sa paniniwala lahat ng bata ay


ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,
1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang
ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang
nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na
kapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito ay mabibigyang-kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.

Ayon pa kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng
wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang
tungkuling biyolohikal ng tao. Inilahad ni Chomsky na ang isipan ng bata ay hindi blangkong
papel na kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang
naririnig sa paligid. Sa halip, inihahayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad na
tuklasin sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang sistema ng wika.

Teoryang Makatao

Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik


na pandamdamin at emosyunal. Ito ay nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay
mangyayari lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may
positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon.

Pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa


anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral
sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
50

⌐ ¬
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang
paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw
na ipinahayag sa aklat ni B.F. Skinner na Verbal Behavior (1957). Samantala, noong 1959, sa
isang matinding rebyu na isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung
ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpapatibay, magiging mahirap para
sa isang taal na tagapagsalita na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga
pangungusap na hindi pa niya naririnig.

Monitor Model ni Krashen

May iminungkahing teorya si Krashen (1981, 1982) hinggil sa pagtatamo ng


pangalawang wika (W2) na naging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga
proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May limang haypotesis na nakapaloob
sa teoryang ito ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis, natural order hypothesis,
monitor hypothesis, input hypothesis at affective filter hypothesis.Subalit dalawa lamang ang
bibigyan namin ng tuon at iyon ay ang acquisition learning hypothesis at ang natural order
hypothesis.

Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng


pagtatamo at pagkatuto ng wika. Ang proseso ng pagtatamo ang tagapanguna sa pagsasaliita
tungo sa katatasan ng paggamit ng wika. Samantala ang pagkatuto ay tumatayong isang
monitor o editor (Krashen, 1981b, 1982). Ang monitor ay isang mekanismo sa pagtuklas ng
anumang pagkakamali sa pagsasalita; sinasala nito ang katatasan sa pagsasalita upang
makagawa ng kaukulang pagwawasto ng anumang kamalian. Magsisimula sa pagsasalita ang
isang tao at ang taong ito ang mag-e-edit- pagtitibayin o iwawasto – ang pagsasalita bago o
pagkatapos ng isang binalak na komunikasyon.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
51

⌐ ¬
Sa tulong ng haypotesis na ito, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo ng wika sa
pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich-environment na makapagpapadali sa
natural o likas na pagkatuto nito.

Sa kabilang dako, ayon naman sa natural order hypothesis, may mga tuntuning
pangwika na mas naunang natamo kaysa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na
sinusunod sa natural order ang bata sa pagtatamo ng wika. Mahalaga rin dito ang
paghahantad ng mga bata sa mga pang-araw-araw na usapan kung saan malaya silang
nakalalahok. Sa ganitong paraan, dumarating ang bata sa yugto na napapamahalaan nila ang
istruktura ng wika na kanilang sinasalita.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
52

⌐ ¬
Kabanata 3

Disenyo ng Pag-aaral at Pamamaraan

Layunin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral


na kumukuha ng Filipino 9 ng taong panuruang 2017-2018.

Tatlong bahagi ang bumubuo sa kabanatang ito: (1) Layunin at Disenyo ng Pag-aaral,
(2) Paraan ng Pag-aaral, at (3) Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos.

Ang Unang Bahagi, Layunin at Disenyo ng Pag-aaral, ay nagpapaliwanag ng layunin ng


pag-aaral at naglalarawan ng disenyong ginamit sa pananaliksik.

Ang Ikalawang Bahagi, Paraan ng Pag-aaral, ay naglalarawan ng mga kalahok sa pag-


aaral, ang interbensyong inilapat, mga instrumentong ginamit sa pagtipon ng mga datos at
mga paraang sinunod.

Ang Ikatlong Bahagi, Pang-istadistikang Pagtatalakay ng mga Datos, ay naglalahad ng


mga istadistikang ginamit sa pagtataya at pagtutuos sa mga datos sa pag-aaral.

Disenyo at Paraan ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na tiyakin ang bisa ng multilingwalismo sa paglinang ng


kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral na kumukuha ng Filipino 9 ng taong panuruang
2017-2018. Dagdag pa dito, ninanais din ng pag-aaral na matiyak kung may makabuluhang
pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng disenyong ex post facto. Ang disenyong ex post
facto ay isang pag-aaral ay naglalayong ihantad ang mga posibleng kaugnayan sa

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
53

⌐ ¬
pamamagitan ng pagmamasid ng mga umiiral na kalagayan at patuloy na naghahanap ng
mga tamang kondisyon na maaaring gamitin sa pananaliksik (Kerlinger at Rint, 1986).

Dalawang pangkat ng mga mag-aaral ang nakibahagi sa pag-aaral na ito. Ang unang
pangkat ay controlled na gumamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo at ang ikalawang
pangkat ay eksperimental na gumamit ng multilingwalismo bilang midyum sa pagtuturo.

Ang malayang salik sa pag-aaral na ito ay ang paggamit ng wikang Filipino at


paggamit ng multilingwalismo bilang midyum ng pagtuturo; ang di-malayang salik ay ang
antas ng kasanayan sa pagsasalita.

Ang mga Kalahok. Pagkatapos ng makahingi ng pahintulot sa punong-guro ng Iloilo


City National High School upang maisagawa ang pag-aaral na ito, naging mga kalahok ang
mga mag-aaral ng Baitang 9 pangkat Nobel at Dalton na kumukuha ng asignaturang Filipino 9
(Panitikang Asyano). Dito ay inaasahang magagamit na ng mga estudyante ang kanilang
natutuhan sa dalawang naunang asignatura sa Filipino (Baitang 7 – Panitikang Rehiyunal at
Baitang 8 – Panitikang Pilipino) na kanila nang napag-aralan.

Ang average ng pinal na grado ng mga estudyante sa dalawang batayang asignatura


(Filipino 7 - Panitikang Rehiyunal at Filipino 8 - Panitikang Pilipino) ay ginawan ng iskala:
mataas, katamtaman at mababa. Nagkaroon ng pagtutugma (matching) sa dalawang seksyon
upang higit na makita ang pagkakaiba o pagkakatulad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsasalita.

Mga kagamitan sa pagtitipon ng mga datos

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
54

⌐ ¬
Gawain sa pagsasalita. Pipili ang mananaliksik ng mga paksa mula sa silabus na
ginagamit sa Filipino 9 at lalapatan ng mga gawain sa pagsasalita. Hahatiin sa dalawang
kategorya ang gawain sa pagsasalita: pinaghandaan at daglian. Sa gawaing pinaghandaan,
bibigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral upang makahanda ng kanilang ipapakita
sa klase at sa daglian naman, pagkatapos na maibigay ang katanungan ay sasagot ang mag-
aaral. Ito ay upang malaman ng mananaliksik kung mayroong pagkakaiba sa antas ng
kasanayan sa pagsasalita kung halimbawang ang gawaing ibibigay ay pinaghandaan o
daglian. Tatayain ng mga inter-rater ang kasanayan sa pagsasalita ng mga kalahok gamit ang
rubric.

Ang mga gawain sa ibaba ay gagamitin para sa mga gawain sa pasalitang


pinaghandaan:

Bomba, gawing maganda.Dito magpapakita ang mananaliksik ng template ng isang


bomba sa mga mag-aaral. Ang bomba ay itinuturing na isang mapinsalang bagay. Base sa
larawan ng bomba, guguhitan ito ng mga mag-aaral at gagawing isang kapaki-pakinabang na
bagay na magpapalaganap ng kapayapaan sa mundo. Ipapaliwanag nila sa klase ang kanilang
ginawa.

Ooops! Tinamaan yata ako.Maghahanap ng mga larawan ang mga kalahok na sa


palagay nila ay nakaantig ng kanilang damdamin o di kaya’y nakapagpabago ng kanilang
pananaw sa buhay. Ito ay ibabahagi sa klase.

Para naman sa pasalitang daglian, narito ang mga gawain:

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
55

⌐ ¬
#IhugotMoPa.Pipili ang mananaliksik ng mga hugot lines na ipapaliwanag ng mga
kalahok. Bahagi ng kanilang pagpapaliwanag ang pagbibigay ng mga sitwasyon, halimbawa at
pag-aangkop nito sa kanilang mga karanasan.

Fashion show.Maghahanda ng isang “fashion show” ang mga mag-aaral (fashion


show upang higit na maging alerto ang mga estudyante sa kanilang gawain at maiangkop ang
sarili sa sitwasyon). Sa huli ay bubunot sila ng tanong para sagutin sa paraang dagliang
pagbigkas. Ang mga tanong ay ihahanda ng mga mananaliksik.

Tatayain ng mga inter-raters ang mga gawain sa pagsasalita at ang magiging iskor ay
ibabase sa sumusunod na pamantayan at kaukulang deskripsyon:

Sa Higit sa Inaasahan, ang pagpapahayag ay malinaw na malinaw ang pagkakalahad


sa paksa. Mahusay ng pagpapaliwanag at pagtalakay at walang sagabal sa pag-unawa kahit
hindi na ulitin ang pagbigkas. Sa pagbigkas ay malinaw na malinaw ang himig, tono, at
intonasyon sa pagsasalita. Kung may epekto sa nakikinig ay bahagya lamang at dala ng
puntong lokal (local accent) o puntong dayuhan (foreign accent). Ang organisasyon ng mga
ideya ay lohikal at mahusay ang pagkakasunod-sunod.Sa bahagi ng katatasan, matatas
magsalita sa Filipino, walang sagabal sa pakikipagtalastasan at parang taal ang tagapagsalita.
Sa gramatika, halos walang kamalian at nagkakaugnay ang mga salita kahit may iilang di
ganap na pagkontrol sa ilang hulwaran.

Sa Nakamit ang Inaasahan, ang pagpapahayag ng paksa ay malinaw at naipaliwanag


nang mabuti ang mga kaisipang nais ipabatid bagaman may mga pagkakataong inuulit ang
mga sinasabi ngunit hindi naman nakasasagabal upang maunawaan ang ideyang nais ilahad.
Sa pagbigkas, malinaw ang himig, tono, at intonasyon sa pagsasalita at kung may hindi

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
56

⌐ ¬
maunawaan ay bahagya lamang at hindi nakasasagabal sa pag-unawa ng nakikinig. Maayos
ang pagkakalahad ng mga ideya at malinaw ang daloy ng mga kaisipan, tuloy-tuloy ang
pagsasalita ngunit minsan ay napahihinto. Nag-iisip nang angkop na sasabihin. Maayos din
ang interaksyon sa kausap o talakayan, at may ilang kamaliang panggramatika ngunit
nakapagkontrol sa pangunahing hulwaran. Di nakapagpapanatili sa kaisahan ng mahalagang
pahayag ngunit hindi ito sagabal sa paghahatid ng mensahe.

Sa Bahagyang Nakamit ang Inaasahan, nakalahad ang kaisipan ngunit hindi sapat ang
pagpapaliwanag ng kaisipang nais ipabatid at may mga pagkakataong inuulit ang mga
sinasabi at minsa’y napatitigil upang mag-isip ng sasabihin. May ilang pahayag na walang
himig, intonasyon, at nangangailangan pang ulitin upang tuluyang maintindihan.
Nakapagpapahayag ng kaisipan bagama’t may ilang suliranin sa pagkakasunod-sunod nito,
laging napuputol ang pagsasalita at humahagilap ng angkop na salita at paraan sa pagbigkas.
May mga kamaliang panggramatika. Bagama’t nakapagkontrol sa pangunahing hulwaran, may
mga pagkakataong hindi napapanatili ang kaisahan ng mga pahayag. Kailangan pang ulitin
ang sinabi upang maipaliwanag nang mabuti ang ibig na ipahayag.

Sa Hindi Nakamit ang Inaasahan, hindi gaanong makaganap sa gawaing pagsasalita at


nag-aapuhap ng mga sabihin at kailangan pang ulitin ang sinasabi upang maintindihan. May
suliranin sa pagbigkas, may kalabuan ang mga ideyang inilahad dahil hindi halos nagbabago
ang tono, himig at intonasyon sa pagbigkas, hindi maayos ang pagkakalahad ng mga ideya.
May mga pagkakataong inuulit ang mga nasabi na, karaniwang atubili sa pagsasalita, lubhang
limitado ang kakayahan at estilong telegram ang pagpapahayag.

Sa Walang Napatunayan, hindi makapagpahayag nang maayos at hindi maintindihan


ang mga kaisipang inilahad. Matindi ang suliranin sa pagbigkas, hindi maunawaan, malabo

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
57

⌐ ¬
ang mga kaisipang ipinahayag, hindi makaganap sa pagsasalita, patigil-tigil at paputol-putol at
hindi maunawaan ang pagsasalita. Hindi maintindihan ang mga pahayag dahil sa
pagkakahaluhalo ng mga salitang ginamit.

Rubric.Sa pag-aaral na ito, gumamit ng isang rubric para sa gawain sa kasanayan sa


pagsasalita na napili ng inter-rater. Tatlong mga inter-rater ang nagtaya sa kasanayan sa
pagsasalita. Ang mga aytem sa rubric ay na nagtaya sa kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral ay binubuo ng limang iskala ayon sa sumusunod: (5) Higit sa Inaasahan, (4)
Nakamit ang Inaasahan, (3) Bahagyang Nakamit ang Inaasahan, (2) Hindi Nakamit ang
Inaasahan at (1) Walang Napatunayan.

Para sa pang-istadistikang pangangailangan, ang rubric ay binigyan ng kaukulang


iskala at interpretasyon para sa kasanayan sa pagsasalita sa kabuuan:

Iskala Deskripsyon

81.00 - 100.00 Napakataas

61.00 - 80.99 Mataas

41.00 - 60.99 Katamtaman

21.00 - 40.99 Mababa

0.00 - 20.99 Napakababa

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
58

⌐ ¬
Pamamaraan

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, isinagawa ng mananaliksik ang sumusunod na


mga proseso:

Una, humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong-guro ng Iloilo City


National High School at sa puno ng Departamento ng Filipino sa Iloilo City National High
School na magamit ang dalawang klase ng Baitang 9 (pangkat Nobel at Dalton) para maging
kalahok sa gagawing pananaliksik.

Ikalawa, siya ay pumili ng mga kalahok. Kinuha ang pinal na grado ng mga estudyante
sa dalawang batayang asignatura (Filipino 7 – Panitikang Rehiyunal at Filipino 8 – Panitikang
Pilipino) na nauna na nilang nakuha. Ang average ng pinal na grado ng mga estudyante sa
dalawang batayang asignatura ay ginawan ng iskala: mataas, katamtaman at mababa.
Nagkaroon ng pagtutugma o matchingsa dalawang seksyon upang higit na makita ang
pagkakaiba o pagkakatulad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita. Kumuha ng
labinlimang mag-aaral mula Baitang 9 pangkat Nobel at labinlimang mag-aaral din mula
Baitang 9 pangkat Dalton na maging kalahok sa pag-aaral na ito.

Ikatlo, gumawa ng isang tseklist o rating scale ang mga mananaliksik na naglalayong
tiyakin ang kasanayan ng mga kalahok sa pagsasalita. Ang tseklist ay mayroong 10 aytem na
binubuo ng mga deskriptors.

Ikaapat, ipinasuri ang ginawang tseklistsa isang eksperto sa wika.

Ikalima, isinagawa ang huling pagsasaayos sa nilalaman ng tseklist o rating scale ayon
sa rekomendasyon ng mga hurado.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
59

⌐ ¬
Ikaanim, ipina-pilot test ang tseklistsa isang seksyon sa Baitang 9 (pangkat Aluminum)
na hindi ginamit na kalahok sa pag-aaral na ito.

Ikapito, nirebisa ang ginawang tseklist at ang resulta ang naging batayan na siyang
naging pinal na kabuuan nito.

Ikawalo, pumili ang mga mananaliksik ng mga paksa mula sa Modyul ng mga Mag-
aaral sa Filipino 9 na ginawan ng mga gawain sa pagsasalita. Apat na aktibidad ang inihanda
sa gawain sa pagsasalita na hinati sa dalawang kategorya: daglian (2 gawain) at
pinaghandaan (2 gawain). Tatlong aktibidad din ang inihanda sa pagsulat ng malapit sa
gawain sa pagsasalita upang hindi magiging magkalayo ang paghahambing ng gagawin.
Tinaya ng mga inter-raters ang mga kasanayang pinag-aaralan gamit ang mga rubric.

Ikasiyam, isinagawa ang mga gawain para sa pagsasalita at pagsulat at ang pagtaya
ng mga ito ng mga inter-rater na napili. Tatlong inter-rater para sa kasanayan sa pagsasalita
Gumamit ng rubric para sa pagtataya.

Sa pagsasagawa ng mga gawain, ang guro na nakatalaga sa asignatura ang siyang


tumalakay sa paksang aralin. Sa bahaging pagbibigay ng gawain na pumasok sa klase ang
mga mananaliksik at sila ang nagbigay ng mga gawain sa pagsasalita at pagsulat. Ang mga
gawain sa pagsasalita ay idinokumento sa pamamagitan ng pagrerekord nito upang pwedeng
balikan ng mga inter-rater ang performans ng mga kalahok. Apat na araw ang klase sa bawat
asignatura sa sekondarya na may 60 minuto. Natapos ang gawain sa pagsulat sa loob ng apat
na araw at ang gawain sa pagsasalita sa loob ng apat na araw.

Ikasampu, pinag-ugnay ang kinalabasan ng pag-aaral. Pinag-ugnay ang kinalabasan


ng pagtataya ng mga inter-raters sa kasanayan sa pagsasalita.

¬ ⌐
Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas
KOLEHIYO NG EDUKASYON
La Paz, Lungsod ng Iloilo
60

⌐ ¬
Pang-istadistikang Pagtalakay

Ang mga natipong datos sa pag-aaral na ito ay tinuos sa pamamagitan ng sumusunod


na mga istadistikang talakay:

Katampatang-tuos.Ginamit ito sa pag-aaral upang mataya ang antas ng kasanayan


sa pagsasalita ng mga mag-aaral.

Standard Deviation. Ginamit upang matiyak ang kaisahan o kawalang kaisahan ng


mga mag-aaral ayon sa antas ng kanilang kasanayan sa pagsasalita.

¬ ⌐

You might also like