You are on page 1of 5

Meycauayan College

City of Meycauayan, Bulacan, 3020


KAGAWARAN NG PAARALANG PANGGRADWADO
Taong Panuruan 2019-2020, Ikalawang Trimestre

Pangalan: JULIE Z. CADIZ


Propesor: SABINA L. BELENZO ED.D.

TEORYANG ROMANTISISMO
I. INTRODUKSIYON
Natuklasang ang Romantisismo ay umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng ika-
18 ikodaantaon, na ipinalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran ng klasismo. Ito ay
itinuturing na isang kilusang sumabay sa paglaganap ng agham at pilosopiya.
II. KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA
A. Kumbensyunal – Makabagong paraan ng pagsulat ng akdang nasa anyong romantisimo,
ang mga paksa at paraan ng pagsulat ng akda ay hindi sumusunod sa batayang istandard.
B. Romantiko – Katangian ng mga akdang nasa teoryang romantisismo, ang mga panitikan ay
pumapaksa sa pag-ibig.
C. Romantisismo – Isang dulog sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.
D. Tradisyunal - Makalumang paraan ng pagsulat ng akdang nasa anyong romantisimo,
ang mga paksa at paraan ng pagsulat ng akda ay sumusunod sa batayang istandard
III. NILALAMAN
Teoryang Romantisismo
 Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan.
 Pinaiiral dito ang sentimentalismo at ideyalismo.
 Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal .
 Karaniwang naglalararawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang araw-araw na
buhay.
 Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti
ang inilalarawan.
Dalawang uri ng Romantisismo
1. TRADISYUNAL- Hindi dumarakila sa halagang pantao
2. REBOLUSYUNARYO- lumulutang ang pagkamakasariling karakter ng isang tauhan
Teoryang Romantisismo
1. Pagpapahalaga sa Damdamin
2. Pag-ibig sa kalikasan
3. Pagmamahal sa Kalayaan
4. Kasiyahan at kahandaang magmahal
5. Paghahangad ng espiritwalidad
6. Pagpapahalaga sa dignidad
7. Paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao
Romantiko ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa panahon
ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula at maikling kwento na naisulat nang panahong
iyon ay may pagkaromantiko ang paksa, tema at istilo. Naniniwala ang mga romantiko sa
lipunan na makato, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.

pahina 1
Meycauayan College
City of Meycauayan, Bulacan, 3020
KAGAWARAN NG PAARALANG PANGGRADWADO
Taong Panuruan 2019-2020, Ikalawang Trimestre

Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantiko para mabatid ang


nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at
imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda.
Itinuturing na bago at radikal ang romantisismo dahil pinagagalaw nito ang diwa at
isip ng tao upang makalikha ng sining at panitikan.

Inspirasyon, imahinasyon at paglikha. Kapangyarihang rebolusyunaryo.


Makapangyarihang damdamin. Kalikasang personal. Kahalagahang kumbensyunal.
Katotohanan, kabutihan at kagandahan. Ang mga ito ang nakakapit sa romantisismo.

MGA MAKATANG PILIPINO

Tulang Romantiko

1. Jose Corazon de Jesus

2. Lope K. Santos

3. Ildefonso Santos

4. Florentino Collantes

5. Iñigo Ed. Regalado

6. Teodoro Gener

Maikling Kwento

1. Macario Pineda

2. Jose Esperanza Cruz

3. Fausto Galuran

Mga Akdang Romantisismo

Pag-ibig

pahina 2
Meycauayan College
City of Meycauayan, Bulacan, 3020
KAGAWARAN NG PAARALANG PANGGRADWADO
Taong Panuruan 2019-2020, Ikalawang Trimestre

Ni : Jose Corazon de Jesus

“Ang pag-ibig, isipin mo, pag naisip, nasa-puso!

Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’t naglalaho,

Layuan mo at kaylungkot, mananaghoy ang pagsuyo!”

Pag-ibig

Ni: Teodoro Gener

“Umiibig ako’t sumisintang tunay,

Di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman. . .

Ako’y umiibig, sapagkat may buhay

Na di nagtitikim ng kaligayahan”

Sa Tabi ng Dagat

Ni: Ildefonso Santos

Marahang-marahang

manaog ka, Irog at kata’y lalakad

maglulunoy katang

payapang-payapa sa tahi ng dagat,

di na kailangang

sapnan pa ang paang binalat sibuyas,

ang daliring garing

pahina 3
Meycauayan College
City of Meycauayan, Bulacan, 3020
KAGAWARAN NG PAARALANG PANGGRADWADO
Taong Panuruan 2019-2020, Ikalawang Trimestre

at sakong na waring kinuyom na rosas!

Sa Krus na Daan

Ni: Ruben Vega

Oh! Aking lumipas

Na sa alaala’y ayaw na maglaho –

O labing may sutla,

At lambot ng dibdib sa tapat ng puso!

Natatandaan kong

Ako’y paruparong laging nagdarapo

Sa pamumulaklak

Ng dilag ng ating mabangong pagsuyo!

Ay, tanging kahapon

Na nagtampong aliw sa luhang tumulo,

Oh! Tinik sa dibdib,

Habang nililimot lalong tumitimo!

Hiwaga

Ni: Cirio H. Panganiban

Ang tuwang sa dibdib dinurog ng hirap

Sugat na sa puso’y nagnaknak na sugat;

Ngiti na sa labi’y nalaing na rosas

pahina 4
Meycauayan College
City of Meycauayan, Bulacan, 3020
KAGAWARAN NG PAARALANG PANGGRADWADO
Taong Panuruan 2019-2020, Ikalawang Trimestre

Kumislap sa matang bubog na nabasag.

IV. KONGKLUSYON

Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan at


sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad
at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at
paimbabaw na kasiyahan at kahandaang magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-
puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

Sa pagsusuri ng isang akda sa teoryang romantisismo ay napalulutang nito ang


kagandahan at kabutihan ng isang akda. Napalulutang nito ang emosyong nakapaloob sa
akdang sinusuri. Nabibigyang-halaga nito ang kabutihang taglay ng mga tauhang ibinibida ng
may akda.

V. SANGGUNIAN

Casanova, Arthur P. et.al. Panitikang Pilipino. Manila Philippines. Rex Bookstore.

Panganiban, Jose Villa et.al. Panitikan ng Pilipinas. Manila Philippines. Rex Bookstore.

Ramos, Maria S. et. al. Panitikang Pilipino (Pangalawang Edisyon)

Sauco, Consolacion P., Nenita P. Papa at Narcisa Sta. Ana. Panitikang Pilipino

(Pandalubhasaan)

pahina 5

You might also like