You are on page 1of 3

Bereka Praise A.

Amoroso 9-22-19

X -Andromeda Filipino

Isang Suring Pelikula

“Love, Simon”

Ang Love, Simon ay isang romantikong-komedya at dramang pelikula na idinirekta ni


Greg Berlanti mula sa nobelang Simon vs. the Homo Sapiens Agenda na isinulat ni
Becky Albertalli. Ipinalabas ang pelikula noong February 27, 2018 na pinagbibidahan
nina Nick Robinson bilang si Simon Spier, Katherine Langford bilang si Leah Burke,
Alexandra Shipp bilang si Abby Susso, Jorge Lendeborg Jr. Bilang si Nick Eisner, at
Keiynan Lonsdale bilang si Abraham ‘Bram’ Greenfeld. Tinatayang umabot sa $66.3
milyon ang kinikita itong worldwide box office hit.

Sa suburb ng Atlanta, Georgia, ipinakilala ang bida na si Simon Spier, isang ‘closeted
gay’ na binata. Siya ay may malapit at mapagmahal na pamilya-mga magulang na sina
Emily at Jack at nakababatang kapatid na babae na si Nora-pati na rin ang kanyang
tatlong matalik na kaibigan na sina Nick at Leah na kilala halos buong buhay niya, at si
Abby, na bago lang niya nakilala. Isang araw, ipinagbigay-alam ni Leah kay Simon ang
tungkol sa pagtatapat ng isang closet gay student sa isang online blog ng kanilang high
school, na kilala lamang sa pamamagitan ng pangalang "Blue". Sinimulan ni Simon na
makipag-usap kay Blue sa pamamagitan ng email gamit ang alias na "Jacques".
Ipinagtapat ng dalawa ang mga personal na detalye at nakabuo ng isang malalim na
koneksyon. Gayunpaman, ang kanilang mga email ay hindi sinasadyang natuklasan ng
isa pang mag-aaral, si Martin, na may gusto ni Abby.

Matapos malaman ang kanyang lihim, itinutukso ni Martin si Simon sa pamamagitan ng


pagbabanta sa kanya na ipakita at ikalat sa publiko ang kanyang mga email kung hindi
siya pumayag na tulungan si Martin para magkagusto rin si Abby sa kanya.
Naghinala si Simon na ang kanyang kaklaseng si Bram ay si Blue. Sa isang pagdiriwang
ng Halloween, tinangka ni Simon na kumonekta kay Bram, ngunit kalaunan ay nakasaksi
na may kasama siyang babae sa kanyang kwarto. Sa panahon ng pagdiriwang,
ikinukumpisal ni Nick kay Simon ang kanyang damdamin para kay Abby. Naalala niya
ang tungo nila ni Martin kaya’t nagsinungaling si Simon kay Nick at sinabihan na si
Abby ay may kasintahan sa kolehiyo. Sinamahan ni Leah si Simon pauwi, kung saan
halos nagsasalita siya tungkol sa kung ano ang naramdaman niya na nasiyahan siya na
mahalin ang isang tao nang labis; Naisip naman ni Simon na ang tinutukoy ni Leah ay si
Nick pero sa totoo, siya ang gusto ni Leah.

Sa isang larong football sa kailang paaralan, inihinto ni Martin ang pagkanta ng national
anthem at idineklara ang kayang naramdaman para kay Abby. Nang inamin ni Abby na
hindi niya maibalik ang naramdaman ni Martin sa kanya, nahiya si Martin at ito’y naging
resulta ng pampublikong pangungutya. Dahil dito, naging galit si Martin at kinalat niya
ang emails nina Simon at Blue.

Naging mahirap ang lahat para kay Simon at nalungkot rin si Blue sa nangyari na
nagbunga sa paghinto sa kanilang pag-uusap at napilitan rin siyang umamin sa kanyag
pamilya sa tunay niyang pagkatao ngunit, tinanggap rin naman siya. Sa huli ay nalutas
naman ang lahat. Sinabihan ni Simon na makipagkita siya kay Blue sa ferris wheel sa
carnival at hinintay siya doon. Tinapukan siya ng maraming tao kasama ang kaniyang
mga kaibigan at mga kaklase. Nang naubos ang tickets ni Simon, inilayan siya ni Martin,
isang aksyon na nagpapakita na mali ang kaniyang ginawa kay Simon. Bago man
magsimula ang ferris wheel, sumakay si Bram at umupo sa tabi ni Simon, ibinunyag niya
na siya talaga si Blue at ang nakita niya sa party ay isang lasing na pagkakamali lamang.
Sabay silang sumakay sa ferris wheel at hinalikan ang isa’t-isa habang pinalakpakan at
natuwa ang kanilang mga kaibigan na suportang-suporta sa kanila.
Katulad ng karamihan sa mga nobelang ginwang pelikula, may mga pagbabago din ang
Simon vs. The Homo Sapiens Agenda at ang Love, Simon. Isa na rito ang pagbabago sa
buhok ni Simon na orihinal na blonde sa nobela at naging brunette sa pelikula, sa nobela
naman, inilarawan si Simon na isang hayskul na junior, sa pelikula siya ay isang hayskul
senior. Sumusuot din ng glasses si Simon sa orihinal na iskrip sa nobela pero hindi ito
pinakita sa pelikula. Sa nobela naman, may nakatandang babeae na kapatid si Simon
pero tinanggal ito sa pelikula. May gusto si Leah kay Nick sa nobela pero sa pelikula ay
si Simon ang nagustuhan niya. Ilan lamang ito sa nakararaming pagbabago sa nobela at
sa pelikula.
Sa kabuuan, ang pelikulang Love, Simon ay isang napakagandang pelikula. Sa
pamamagitan ng pelikulang ito, makukunan ng inspirasyon ang mga batang nais na
umamin sa kanilang tunay na sekswalidad sa tamang panahon at sa tamang mga tao dahil
sa huli, ang pag-ibig ang dadaig. Kahit anumang hugis o anyo, basta’t ang importante ay
kung marunong kang magmahal, babalik rin ito sa iyo.

You might also like