You are on page 1of 35

Aside

Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/46512715.

Rating: General Audiences


Archive Warning: No Archive Warnings Apply
Category: M/M
Fandom: SHINee
Relationship: Kim Kibum | Key/Lee Jinki | Onew, Choi Minho/Kim Kibum | Key, Choi
Minho/Kim Jonghyun/Kim Kibum | Key/Lee Jinki | Onew/Lee Taemin
Character: Choi Minho, Kim Kibum | Key, Lee Jinki | Onew, Lee Taemin, Kim
Jonghyun (SHINee)
Additional Tags: Friendship/Love, Alternate Universe - College/University, shinee college
au, shinee shs, shinee shs au, minkey, Jinkibum - Freeform, shunga sila
both, hulaan niyo na lang kung sino, saet mo na, Childhood Friends,
bestfriends, taglish, Tagalog, Angst(?), ewan ko kung angst, Growing
Up Together, minkey and jinkibum focus, OnKey, inspired by Aside,
Basta huhu first au ko 'to rito so thank you sa'yo kung sino ka man,
Complete
Language: Filipino
Stats: Published: 2023-04-15 Words: 7545

Aside
by dkyungsO__O

Summary

This au is based from Aside by SHINee.

But someday, I want to put my heart into it


And tell you this long-time story as I hold your hand

DISCLAIMER:
This is purely fictional.

Notes

Hello!

Hindi ko 'to nabasa ulit and hindi ko rin siya napabasa sa ibang mga nilalang. I'm sorry if
may typo or mali ang grammar or--- *nag-overthink, hindi na tinuloy 'yung pagsusulat*
cheret!

Friendly reminder!~ May pagka-shunga sila both (or shunga talaga?) ALAMIN!
Enjoy reading!

-elle

See the end of the work for more notes

November 25,2005

“ Ang cute talaga ng bebi na ito!” Nakatawang sabi ng babae habang pinapaarawan ang kaniyang
inaalagaan na sanggol. Dalawang buwan pa lamang ito kaya kailangan nito ng Vitamin D na
nagmumula sa araw. Habang inaaliw ang sanggol, bigla namang napagtanto ng babae na ikakasal
na siya sa susunod na linggo kaya huling araw na niya sa Pamilya Kim .

Maayos naman ang pakikitungo ng kaniyang amo na head nurse at businessman ngunit gusto ng
kaniyang mapapangasawa na tumigil na siya sa paninilbihan dito at mag-alaga na lamang ng
kanilang magiging supling.

Natigil sa malalim na pag-iisip ang babae noong may narinig siyang malakas na tunog at iyak ng
bata. Kaagad siyang napatingin sa direksyon kung saan ito nagmula dahil sa pag-aakala na iyak
iyon ng kaniyang binabantayan. Napawi naman ang kaniyang kaba noong nalaman niya na apo
pala iyon ng kapitbahay ng amo niya. Kilala niya ang lola nito dahil ito ang inabutan niya ng
kimchi noong bagong lipat pa lamang sila rito sa village na tinitirhan nila.

Kaagad siyang lumapit sa matanda habang tinutulak ang stroller kung nasaan ang sanggol na
inaalagaan niya.

“ Magandang araw po! Ano pong nangyari kay Kier?” tanong ng babae sa lola ni Kieran.

“ Ay naku hija! Itong apo ko, hindi pa nga diretso maglakad pero pinipilit talagang pumunta kay
Rome. ”
Natawa na lamang ang dalawang nakatatanda habang nagkuwekuwentuhan.

Samantalang ang batang si Kieran naman ay malapad ang ngiti habang nakatingin sa sanggol na
nagngangalang Rome.

—-------------------------------------------

Mula noong nagkamalay si Rome sa mundo ay si Kieran na ang kasama niya. Madalas silang
tawaging “kambal” ng kanilang mga magulang at mga kalaro kaya ito na rin ang kanilang naging
tawagan.

Marami ang nakapagsasabing tila raw silang pinagbiyak na bunga at hindi mapaghiwalay sa isa’t
isa. May pagkakahawig din kasi silang dalawa kung minsan lalo na kapag bumubungisngis. Mas
tahimik nga lang si Kieran kung ikukumpara kay Rome.

Pero isa lang ang sigurado, kung nasaan si Rome ay automatic na alam mong naroon din si Kieran.

—-------------------------------------------
September 23,2010

“ Haaaaappyyyy birthdaaaay, Kambaaaay ” kanta ni Kieran kay Rome dahil kaarawan nito
ngayon. Limang taong gulang na ang batang si Rome, samantalang ang isa ay anim na taong
gulang na.

“ Hahaha! Bungi naman ikaw kabal eh! ”

Imbis na magpasalamat ay tumatawa si Rome dahil lumilitaw ang bungi ni Kieran habang
kumakanta. Napa-nguso naman si Kieran dahil sa pang-aasar ni Rome sa bungi niya.

“ Buyoy ka naman kambay! Kammmmmmmmmbay kasi dapat, hindi kabay.” bawi ni Kieran
habang binibigyang diin ang “m” na tunog sa kambal.

Pero ang totoo ay pareho lang naman silang bulol pa. Si Kieran ay mas nahihirapan sa “ L sound ”
at si Rome naman sa “ M sound ” kaya kadalasan ay inaalis niya na lamang ang letrang m sa salita
at umaasang hindi ito mapansin ng kaniyang kausap.

—-------------------------------------------
Buntot ni Rome si Kieran at buntot din naman ni Kieran si Rome. Kaya sa tuwing nagbabakasyon
si Kieran sa probinsiya ng lola niya ay malungkot silang dalawa dahil magkakahiwalay na naman
sila ng dalawang buwan.

Sa dalawang buwan na wala si Kierran ay palaging nasa loob lang ng bahay si Rome. Wala kasi
ang kaniyang palaging tagapagtanggol mula sa mga bata sa lugar nila na palagi siyang inaaway.
Nakalalabas lamang siya kapag andyan ang pinsan niyang si Dale.

—-------------------------------------------

Pagkalipas ng tatlong taon,

ang dating tawagan na “kambal”

na nagiging

“kabal” at “kambay”
tuwing nabubulol ang dalawa

ay naging “bal”

Salamat sa “ bright idea” ni Rome dahil mas masasanay raw sa “ L sound ” si Kieran kapag “bal”
na lamang ang tawagan nila. Pero ang totoo ay tumatakas lamang siya sa tila mortal niyang kaaway
na “ M sound. ”

Syempre, kaagad na napapayag si Kieran sa “ bright idea” ni Rome.

Infairness, naging effective ito sa kaniya. Goodbye buyoy na siya. Noong tumagal ay naging
maayos na rin ang bigkas ni Rome sa “ M sound ” dahil inasar siya ni Dale na “Roe” ang bigkas sa
pangalan niya imbis na Rome.

—-------------------------------------------

March 31,2017

Iisa lang ang paaralan nila Dale, Kieran at Rome mula nursery, kinder at elementary. Ahead lang
ng isang taon sina Dale at Kieran kay Rome kaya hindi pa rin naaalis ang closeness nila. Palagi
namang inaasar ni Dale si Rome na hindi siya makakapasok sa paaralan na kung saan sila
kasalukuyang nag-aaral ni Kieran ng Junior High School dahil mataas daw ang standard nito. Kaya
para ma-motivate si Rome ay nagpustahan sila ni Kieran na kapag nakapasok siya sa paaralan nito,
bibilhan siya ni Kieran ng bag.
Katatapos lang ni Rome sa Elementarya kahapon pero imbis na magpahinga ay babad na kaagad
siya sa mga aaralin. Naghahanda kasi siya para sa entrance exam niya.

“ Ang hirap naman nito! Hindi naman ‘to tinuro sa’min!” angal ni Rome habang binabasa ang
mga reviewer na hiniram niya kay Dale.

“ Aray !” biglang tinamaan si Rome ng maliit na bato na galing sa binatana na nasa likuran niya.

Alam na niya kaagad kung sino ito dahil iisang tao lang naman ang may hilig na gumawa nito sa
kaniya. Tumakbo siya papunta sa pintuan nila at tama nga ang hinala niya, si Kieran ang nandoon
at tumatawa pa ito dahil sa reaksyon niya.

“ Bal, alam mo ba na inimbento ang doorbell para gamitin at hindi para gawing display? ”
pagtataray ni Rome sa kababata.

“ Alam ko ” confident na sagot ni Kieran, “ pero hindi ka bumababa para buksan ‘yung gate kaya
binato na lang kita hahaha! ”

Inirapan na lamang ni Rome si Kieran at naglakad papasok sa loob ng bahay dahil alam niya na
wala rin namang patutunguhan ang usapan nila. Kaagad naman na sumunod si Kieran.
“ Umagang umaga bal pero ang sungit mo. Nahihirapan ka sa Math ‘no? ” hula ni Kieran.

“ Bingo! ” mabilis na tugon ni Rome habang nakaturo ang daliri sa kaibigan.

Kilalang kilala na ni Kieran si Rome mula ulo hanggang paa kaya madali lang niya nahuhulaan ang
rason kung bakit mainit ang ulo nito.

“ Sure ka ba talaga na ayaw mong turuan kita? ” Ito kasi ang unang beses na hindi tuturuan ni
Kieran si Rome sa Math .

Mula noon pa man ay ganito na ang ginagawa nila. Palaging si Rome ang bahala sa pagtuturo sa
English at si Kieran naman sa Mathematics . Ngunit, ngayon na mayroon silang pustahan, pinilit ni
Dale na mapapayag si Kieran na hayaan si Rome na mag-aral mag-isa dahil 500 pesos ang presyo
ng bag na gusto ni Rome.

“ Parang ewan kasi ‘tong si Dale eh! Napaka-kiki .” inis na sabi ni Rome.

“ Kiki? Do you love me? ” kanta ni Kieran kahit na naguguluhan kung ano ‘yung kahulugan nito.

Natawa naman si Rome sa hula ni Kieran at sinagot ito ng “ Shunge! Kiki short for nakikisali kasi
hahaha! ”

Sa huli ay napapayag na rin ni Kieran si Rome na tulungan niya ito sa pagrereview.


Napagdesisyunan nila na isisikreto na lang nila ito kay Dale. Pambawi na lang din ni Rome sa mga
pang-aasar sa kaniya ng pinsan niya.

Makalipas ang ilang oras ay biglang tumunog ang tiyan ni Rome. Hudyat na gutom na siya kaya
natawa si Kieran sa kaibigan. Inaya naman siya nito na kumain na sila. Nag-iwan naman naman ng
sinigang na hipon ang tatay ni Rome bago ito pumunta sa tindahan nila.

Rinig na rinig ang tawa ni Rome sa buong dining area nila dahil bukod sa dalawa lang sila ni
Kieran na nasa bahay ay tawang tawa siya sa mga kuwento ni Kieran. Noong akmang hahampasin
ni Rome ang braso ni Kieran ay bigla niyang natabig ang tinidor na nasa pinggan niya, rason para
mahulog ang tinidor sa lapag.

Nagkasabay sila sa pagkuha kaya nagtama ang mga kamay nilang dalawa.

dug dug dug dug dug

Mabilis na tumibok ang puso ni Kieran kaya kaagad siyang tumayo at umupo sa kaniyang upuan.

“ Bal mainit ba sa baba? Ang pula mo sobra hahaha parang kang kamatis” tukso sa kaniya ni
Rome.

Imbis na asarin pabalik si Rome ay tumawa na lamang na may halong kaba si Kieran.
Alam niya na hindi nararamdaman sa normal na pagkakaibigan ang naramdaman niya kanina.
Matalino at hindi naman siya manhid para hindi malaman kung ano ‘yun.

Unang beses pa lamang ito naramdaman ni Kieran sa buong buhay niya. Pero alam niya na katulad
sa mga pelikula na pinanonood ng lola niya noong bata pa siya ay ito na ang parte kung saan na-
realize na ng bida na

finally, nahulog na siya.

—-------------------------------------------

Pumasa si Rome sa paaralan na pinapasukan nila Dale at Kieran. Mula noong nag Junior High
School sila ay madami na ang nanunukso kila Rome at Kieran na bagay sila. Hindi naman lingid sa
kaalaman ng ibang tao na hindi talaga straight si Rome. Tumatak sa utak niya ang sinabi sa kaniya
ng magulang niya na

“ hindi mo na kailangan ipilit sa ibang tao na tanggapin ka dahil kami mismo ay tanggap ka.”

Mula noon ay naging malaya na rin siyang napapakita sa ibang tao kung sino at ano siya.
Ang dating palaging inaaway ng mga bata na si Rome ay naging kaibigan na ng lahat sa campus.
Palagi rin siyang nananalo sa supreme student council bilang presidente dahil sa angking nitong
leadership skills at alam na alam niya ang kiliti ng mga chikiting na nasa lower grade.

Kabaliktaran naman siya ni Kieran. Umiikot lamang ang mundo nito sa pag-aaral at musika.
Madalas naman siyang pambato sa mga quiz bee na sinasalihan ng paaralan nila at sa mga battle of
the bands kasama si Dale. Sikat din si Kieran bilang matalinong estudyante ngunit madami nga
lang ang nahihiyang kausapin siya dahil palagi siyang mukhang seryoso. Hindi rin siya
kumakausap ng mga tao unless iyon ang unang kakausap sa kaniya. Tanging si Dale at Rome lang
talaga ang tinuturing niyang kaibigan sa campus pero masaya naman siya roon.

—-------------------------------------------

Mabilis na lumipas ang mga taon.

Doon na rin sila nag- Senior High School. HUMSS ang strand ni Rome at STEM naman pareho
sina Dale at Kieran.

Kung usapang pag-ibig naman, pareho silang hindi pa nakakaranas na magkaroon ng kasintahan
ngunit sa magkaibang rason. Si Rome ay takot sa commitment kaya madalas lang siyang may ka-
situationship . Si Kieran naman ay si Rome lang talaga ang gusto kaso typical na istorya na takot
siyang umamin sa bestfriend niya hanggang sa magkakaroon na naman si Rome ng bagong ka-
situationship .
Si Dale lang ang tanging tao na nakakaalam na gusto ni Kieran si Rome. Suportado niya naman ito.
Palagi niyang tinatanong si Kieran kung kailan ba nito babaliktarin ang tawagan nila ni Rome na
“bal” para maging “lab”

Tanging tawa lamang ang isinasagot ni Kieran dahil siya mismo ay hindi niya alam kung kailan ba
niya aaminin o darating pa ba ang araw na aamin siya sa kaibigan niya.

—-------------------------------------------

July 27,2023

Nagtapos na with highest honor si Kieran at siya rin ang first honor ng batch nila. Kahit na Grade
11 pa lang si Rome ay talagang siniguro niya na present siya sa mahalagang araw sa buhay ng
bestfriend at pinsan niya.

Katabi ni Rome sa upuan ang nakababatang kapatid ni Kieran na si Ace. Grade 9 pa lang si Ace
pero kahit na hindi ito nag-aaral sa paaralan nila ay malapit siya rito. Magkaiba sila ng paaralan
dahil sinasabi ni Ace na ikukumpara lamang siya sa kuya niya ng mga magiging guro niya.
Kabaliktaran kasi ni Kieran si Ace at hilig nito ang pagsayaw. Miyembro siya ng dance crew
kasama ang tropa niyang si Xalvie.

Habang nagsasalita si Kieran para sa speech of gratitude niya, mahinang siniko ni Ace si Rome
para kunin ang atensiyon nito.

Masamang tinignan ni Rome si Ace, rason para kaagad na mag- peace sign si Ace sa kaniya.
Napansin niya kasi na kaya pala naasar si Rome dahil kasalukuyan itong nag vivideo sa kuya niya.
“ Oh anong trip ng abunjing namin?” pabulong na tanong ni Rome.

“ Kuya naman eh!” sagot ni Ace dahil ayaw niyang naririnig ang ganitong tawag. Para sa kaniya,
binata na siya.

“ Hahaha naniniko ka kasi diyan! Ano ba sasabi…” napatigil si Rome sa kaniyang sasabihin
noong narinig niya bigla ang pangalan niya sa speech of gratitude ni Kieran. Diretsong nakatingin
sa kaniya ang binata kaya ningitian niya ito at tumango.

Pangalawang beses na siyang sinasama ni Kieran sa speech of gratitude nito. Natuwa naman si
Rome dahil kahit na literal na magkaibigan sila ni Kieran mula pa noong diaper pa lang ang suot
nila ay hindi pa rin ito nawawala sa buhay niya.

Inirapan ni Rome si Ace noong nakita niya na nakatingin ito sa kaniya habang may nakakalokong
ngiti. Nagpalakpakan naman ang lahat noong natapos na ang talumpati ni Kieran. Lumapit ang
tatay ni Kieran kila Rome at Ace para bigyan sila ng orange juice at biscuit dahil matagal tagal pa
ang graduation ceremony .

Habang umiinom si Rome ng juice bigla siyang tinanong ni Ace.

“ Kuya umamin ka, kayo na ni Kuya Kier ‘no?” pag-uusisa nito.

Halos mabuga naman ni Rome ang orange juice na iniinom niya.


“ Saan mo naman napulot ‘yan?” tanong ni Rome.

“ Wala lang naman kuya. Pansin ko lang. Daig niyo pa nga mag-jowa eh .” sagot naman ni Ace.

Nagsisinungaling ba ito? Hindi. Kung tutuusin, kapag titignan mo ang dalawa ay tila
magkasintahan na nasa honeymoon stage palagi. Ganoon ka- understanding si Kieran sa ugali ni
Rome. Sa kabilang banda, Rome naman ay palaging sinisigurado na kasama niya si Kieran kahit
saan siya pupunta. Dahil pakiramdam niya, hindi siya ligtas kapag wala ito sa tabi niya.

Kadalasan ang mga nakaka- situationship ni Rome ay nagseselos kay Kieran. Kasi kahit na sa
kuwarto ni Rome ay puro mga picture nila ni Kieran ang nakadikit. Ilang taon na ring nakalagay
ang baby picture nilang dalawa sa picture frame . Kuha ito noong pinagsabay ang binyag ni Rome
at birthday party ni Kieran.

Ganito sila kalapit ni Kieran sa isa’t isa kaya sa tuwing may gustong magpalayo sa kaniya mula
kay Kieran, kaagad na niyang tinatapos ang situationship na mayroon siya.

Rason niya, kakabit na ng pangalang Rome ang Kieran kaya hindi niya ito ipagpapalit at hindi niya
lalayuan si Kieran dahil lang sa tao na saglit niya pa lang na nakikilala.

Noong natapos na ang graduation ceremony , kaagad na nilapitan ni Rome si Kieran.

“ Congratulations bal!!!” masayang bati ni Rome kay Kieran habang niyuyugyog pa ang kaibigan
dahil sa galak.

“ Salamat bal! ” sagot naman ni Kieran at bahagyang ginulo ang buhok ng kaibigan.

“ Kuya! Picture naman kayo!” biglang sabi ni Ace at ginatungan naman ni Dale, “ Oo nga! Tama!
Dali pose na kayo!” kaagad naman na sumunod ang dalawa.

Pagkatapos ng dalawang pose ay inalis ni Kieran ang suot na graduation cap . Ipinatong niya ito sa
ulo ni Rome tsaka ngumiti sa harap ng camera ni Ace.

“ Hanglalandeeeeeeeeeeee! ” sigaw ni Dale kaya natawa ang lahat.

—-------------------------------------------

August 28,2023

Nakatambay si Dale sa bahay nila Rome. Mag-o- overnight kasi siya sa bahay ng pinsan niya para
sa party kinabukasan dahil nakapasa sila ni Kieran sa UP Diliman. Bachelor of Music ‘yung kurso
na kukunin nila at pareho nilang first choice ‘yon.

Kababalik lang ni Rome sa kuwarto niya nang madatnan niyang nakahiga si Dale sa kama niya.
Inutusan kasi siya nito na kumuha ng chichirya at softdrinks sa kusina.
“ Ayan na ho, kamahalan. ” sabi ni Rome kay Dale habang padabog na pinapatong ang baso, bote
ng softdrinks at chichirya .

“ Ay ang bagal naman ng alipin na ‘to. ” sagot naman ni Dale kaya inirapan siya ni Rome bago ito
tumabi sa kaniya sa kama.

“ Grabe! Magka-college na kayo next month” sabi ni Rome kay Dale. Bahagya namang natawa si
Dale dahil napaka- random ng pinsan niya.

“ Oo nga eh. College na kami next month pero hindi mo pa rin binibigyan ng label si Kieran.”
pang-aasar nito.

“ Alam mo siguro nasasamid na ngayon si Kier kasi panay banggit mo sa pangalan niya mula pa
kanina. Sige ha, isipin mo, paano ko bibigyan ng label eh hindi naman ako gusto noong tao?”
sagot ni Rome.

Kaagad na napa-upo si Dale at humarap kay Rome.

“ So kung aamin siya sa’yo na gusto ka niya….” tahimik lang si Rome habang hinihintay ang
kasunod na sasabihin ni Dale, “ ...bibigyan mo siya ng label?” seryosong tanong nito.

Napa-isip si Rome sa tanong ng pinsan bago niya ito sagutin.


“ Hmmmm hindi naman mahirap mahalin si Kier. Minsan nga ang assuming ko na na gusto niya
ako eh…dahil sa mga pinapakita niya sa’kin.” sagot ni Rome sabay subo sa Nachos na hawak niya
mula pa kanina.

“ Hindi mo naman sinasagot ‘yung tanong ko eh.” iritang sabi ni Dale habang nilalagyan ng yelo
‘yung baso nilang dalawa.

Nilunok muna ni Rome ang kinakain na Nachos bago niya ito sagutin. “ Bali ayun na nga, kung
may gusto man ako na maging official talaga na boyfriend, si Kier ‘yun. Walang duda. As in. Kasi
kilalang kilala na talaga niya ako tsaka sobrang tinaas na ni Kier ‘yung standard ko sa lalaki.
Hindi rin nagwowork ‘yung mga nakakalandian ko lang dati kasi nga palagi kong naiisip na
sobrang bare minimum ‘yung ginagawa nila compared sa ginagawa ni Kier. Eh partida si Kier
bestfriend ko lang.”

Napatingin si Rome sa mga bula ng softdrinks na tila nagkakarera sa pag-angat bago siya muling
magsalita.

“Kung ituring ako ni Kier parang akong babasagin eh. Ganoon siya ka-ingat sa’kin kaya kung
mabibigyan talaga ng chance, ganoon din ‘yung gagawin ko kay Kier. Kasi never pa kami
nagkakaroon ng ka-relasyon talaga. Lalo na siya hahaha! Parang ngang papasok ng seminaryo
‘yun kasi never nagkuwento about sa crush or what. Bato ba ‘yun? Hahaha!” mahabang sagot ni
Rome.

Gustong gusto ibalik ni Dale kay Rome ang tanong na bato ba siya pero pinigilan niya ang sarili
kasi baka madulas pa siya at ibunyag pa ang sikreto ni Kieran.

“ Paano kung natatakot lang siya na masira friendship niyo? Tapos paano kung bigla siyang
maglakas loob na umamin sa’yo?” tanong ni Dale.

“Dati ka pa puro ‘paano kung’ pero wala namang ganun na nangyayari. Ilang taon na rin pero
walang Kier na umaamin kahit na naka-ilang situationship na ako. And do you know why?”
umiling naman si Dale kaya tinuloy ni Rome ang sinasabi, “Because he doesn’t like me. I mean,
maybe he does like me but as a bestfriend lang and not like what you’re trying to say. Ang taas
kaya nung standard ni Kier! Hahaha!” imbis na sabayan ang pagtawa ng pinsan ay iritang
tinungga ni Dale ang bote ng softdrinks na hawak niya.

Naiirita si Dale. Hindi lang kay Rome kundi pati na rin kay Kieran. Napaka- negative kasi mag-isip
ni Kieran kaya ayaw nito umamin sa pinsan niya. Ilang beses na rin niyang sinasabi kay Kieran na
okay lang umamin dahil hindi naman masisira ang pagkakaibigan nila pero talagang dinadaga lang
si Kieran sa tuwing pag-amin ang pag-uusapan.

—-------------------------------------------

September 23,2023

18th Birthday ngayon ni Rome. Ito pa lang ang unang beses na hindi niya makakasama si Kieran sa
kaarawan niya. Palagi kasi itong present mula pa noong first birthday niya. Wala si Kieran dahil
first day nito bilang college student at nag- dorm ito kasama ni Dale. Nag celebrate naman sila
kahapon ng birthday niya bago ito umalis pero malungkot pa rin si Rome.

Ginanap ang birthday party ni Rome sa malawak na bakuran nila. Tanging mga kaklase at kaibigan
niya sa school ang nakadalo. Rinig na rinig ang malakas na music at mga tawanan. Nilabas na rin
ang alak pero napagdesisyunan ni Rome na hindi siya iinom. Wala kasi si Kieran kaya hindi siya
kampante kahit na nasa bahay lang siya. Pinagmamasdan niya na lang na magkasiyahan ang mga
kaklase niya at nakikitawa na lang siya kung minsan dahil wala talaga siya sa wisyo na magsaya.

Natigil ang pagmumuni niya noong naramdaman niyang mag- vibrate ang cellphone niya.
Pagtingin niya ay lumapad ang ngiti niya dahil nag- message na si Kieran.
[From: bal ^▽^]

Hello baaaaal! Happy 18th birthday! Kakauwi ko lang dito sa dorm habang tina-type ko ‘to.
Kumusta ka? Masaya ka ba ngayon? Sana bal masaya ka kasama ang mga friends mo. Feeling ko
mamaya mo pa ‘to mababasa kasi siguro umiinom ka ngayon hahaha! Ingatan mo ang sarili mo
ha? Wala kami ni Dale diyan para bantayan ka.

Maraming salamat bal kasi palagi kang andyan para sa’kin. Sobrang blessed at happy ko na ikaw
‘yung bestfriend ko. Sorry bal kasi wala ako diyan ngayon. Pero sana nagustuhan mo ‘yung
surprise ko sa’yo kahapon at ‘yung regalo ko. Gamitin mo ‘yun haaaa! Kahit wala ako riyan,
galingan mo lalo ngayong Grade 12 ka na ha? Proud ako sa’yo palagi! Alam kong kakayanin mo
‘yan. Nandito lang ako palagi for you. Mahal kita at mahalaga ka sa’kin! :)

Naisip ni Rome na kahit na wala si Kieran sa birthday party niya ay hindi pa rin nito nakalimutan
na batiin siya. Hilig kasi ni Kieran na magnobela tuwing birthday niya dahil hindi talaga ito
mahilig na maglahad kung ano ang nararamdaman nito tuwing normal na araw. Pakiramdam kasi
niya na masyado na itong madrama.

Pero ayun ang akala ni Rome.

Ang totoo ay palaging hinihintay ni Kieran na sumapit ang kaarawan niya dahil doon lamang niya
nasasabi ang mga bagay na gusto niyang sabihin. Natatakot kasi si Kieran na kapag sinabi niya ang
mga bagay na ‘to sa normal na araw ay mahahalata ni Rome na gusto niya ito.

—-------------------------------------------

Kalaunan ay nakapag- adjust na naman si Rome sa school niya kahit na wala na roon ang pinsan
niya at si Kieran. Palagi pa rin namang nakikipag-usap sa kaniya ang bestfriend niya kaya feeling
niya ay wala naman nagbago sa pagkakaibigan nila.

Doble na ang pagod na nararamdaman ni Rome sa school ngayon dahil bukod sa siya ang
presidente ng Supreme Student Council (SSC), siya rin ang Editor-In-Chief ( EIC) ng official
publication ng school niya. Masaya naman siya sa ginagawa niya pero talagang may pagkakataon
lang na gusto niya na lang iyakan ang lahat pero hindi pwede. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya
magiging productive kapag iniyakan niya ang acads at eca.

Maagang pumasok si Rome ngayon dahil Foundation Week ng school nila. Sobrang dami niyang
ginagawa mula pa noong nakaraang linggo dahil sila rin ang naka-assign para sa mga decorations
at mga mangyayari sa tatlong araw. Halos kaladkarin na niya ang sarili habang naglalakad papunta
sa SSC Office. Napuyat kasi siya kagabi para ipasa ang mga documents na kailangan para sa SSC
at school publication.

Akmang uupo pa lang sana siya sa swivel chair niya kaso pinigilan niya kaagad ang sarili noong
bigla niyang maalala na nakalimutan niya bumili ng isa pang cake para sa cake raffle nila mamaya.
Dalawa lang kasi ang nabili nila kahapon dahil walang malaking cake . Ayun kasi ang premyo nila
para sa grand prize.

“Kapag naman umalis ako ngayon baka next week pa ako makarating dahil sa sobrang traffic”
iritang sabi ni Rome sa sarili. Hindi niya napansin na may kasama na pala siya sa SSC office.
Kasama na niya si Erika, SSC Secretary.

“ Sino kausap mo pres?” tanong ni Erika na habang nagsisimulang i- double check kung kompleto
na ba ang mga kagamitan nila para sa mga palaro mamaya.
Nagulat naman si Rome habang hawak ang dibdib, “ Teh natakot ako sa’yo! Obviously, wala
akong kausap hahaha! ”

“ Eh anong problema? ” naguguluhang tanong ni Erika kaya sinabi naman ni Rome na


nakalimutan niya bumili ng cake. “Pres! 6:30 AM pa lang ngayon. 8:00 pa naman simula tsaka 10
AM pa ‘yung sa cake raffle. Hmmmm… What if utusan mo na lang si Marcus na bumili? ”
suggestion ni Erika at pumayag naman si Rome kaya kinuha niya ang cellphone niya para i- chat
ito.

[To: Marcus]

Hi Marcucuuus! Good morning! Otw ka na ba?

[From: Marcus]

Good morning, Romeeeey! Yep! Why?

[To: Marcus]

Favor!!! Padaanan ‘yung cake na pina-reserve natin kahapon?

Nakalimutan ko kasi eh huhu

[From: Marcus]

Sure sure! Don’t worry, ako na bahala. Anything else?

[To: Marcus]

Nothing na. Thank youuuu, marcucuuuuus! Ingats!

Si Marcus ang kilala bilang campus crush sa school nila Rome kahit na bagong lipat pa lang nito
ngayong academic year. Bukod sa pogi nitong mukha ay kilala rin ito sa pagiging competitive. Sa
kasalukuyan, siya ang Vice President ng SSC at team captain ng basketball team ng school nila.
Ito rin ang naging daan para maging ka- close siya ni Rome dahil madalas siyang sumama sa mga
laban ng school para sa mga article na sinusulat niya. Si Marcus din ang kasama ni Rome na mag-
review center para sa college entrance exam kaya palagi niya itong kausap at kasama ngayon.
Pagdating ni Marcus ay tila nabunutan na ng tinik sa dibdib si Rome dahil sa wakas ay tapos na ang
problema niya. Kaagad na nilagay ni Marcus sa lamesa ang cake at dali daling tumakbo papunta
kay Rome. Napatingin sa kaniya ang mga kasama nilang officers noong biglang abutan ni Marcus
ng iced caramel macchiato at blueberry cheesecake si Rome. Kaagad silang tinukso ng iba pang
officers na nakakita sa ginawa ni Marcus at panay sabi na bakit sila walang breakfast na natanggap
mula rito.

“ Hoy Marcucus! Wala akong pambayad dito.” sabi ni Rome.

“ Edi gamitin mo ‘yung fund ng SSC” natatawang sagot ni Marcus.

Kaagad naman siyang mahinang hinampas ni Rome sa braso sabay sabing, “ Nyeta ka talaga!
Kakarampot na lang nga ‘yung fund ng SSC tapos nanakawan ko pa hahaha!”

“ Eh alam mo naman pala Romey eh. Edi syempre, libre na ‘yan. ‘Wag mo lang ako tatarayan
ha?” sagot ni Marcus sabay kindat. Bago pa man makapag- react si Rome ay umalis na kaagad sa
harap niya si Marcus para tumulong sa iba pang officers. “ Anong trip nun?” tanong ni Rome sa
sarili.

—-------------------------------------------

Naging successful ang 3 araw na Foundation Week nila Rome kaya inaya niya ang mga SSC
officers na mag- celebrate. Kasalukuyan silang nasa isang fast food chain. Si Rome ang naatasang
mag- order para sa lahat at noong narinig ito ni Marcus ay nagpresenta ito na samahan siya. “ Ang
OA mo Marcucus! Akala mo naman sobrang layo noong counter” sabi ni Rome pero hinayaan na
niya ito na samahan siya.

Habang nasa harap sila ng counter at naghihintay noong mga inorder nila. Madami ito at niluluto
pa ‘yung peach mango pie for 15 minutes . Babalik na sana si Rome sa pwesto nila kaso pinigilan
siya ni Marcus. Kaya ngayon, nakatayo lang muna pagkatapos siya nitong makumbinsi na may
importanteng sasabihin ito sa kaniya.

“Romey, may sasabihin sana ako” panimula nito. Napansin ni Rome na parang kinakabahan ito
kaya para mapagaan ang pakiramdam ni Marcus ay biniro niya ito, “ Na ano? Crush mo’ko?”

Nanlaki naman kaagad ang mata ni Marcus sa sinabi ni Rome. “ Omsim! Ang galing mo talaga!”
sagot ni Marcus kaya napataas ang kilay ni Rome.

“ Hoy! Pinagsasabi mo diyan? Ano nga?” tanong ni Rome dahil naguguluhan na siya sa sinasabi
ni Marcus.

“ Ang cute mo. Gusto kita, Rome. Tama nga sila Erica na manhid ka ‘no? Hahaha!” matagal na
talagang alam nila Erica na may gusto si Marcus kay Rome kaya ganoon na lang ang suporta nila
rito noong sinabi ni Marcus na aamin na siya pagkatapos ng Foundation Week.

“ Alam nila? Kailan pa?” tila hindi pa rin talaga maproseso ni Rome ang mga nangyayari at
sinagot naman siya ni Marcus.

Hindi kasi talaga hilig ni Rome ang unahan ang feelings ng isang tao kaya madalas siyang sabihan
na manhid. Gusto niya kasi na diretsa sa kaniya na sinasabi dahil para sa kaniya, doon niya
nasisigurado na totoo ang nararamdaman sa kaniya ng isang tao.
“ So dahil nasagot ko na ‘yung mga tanong mo, pwede ba na ligawan kita Rome?” seryosong
tanong ni Marcus habang nakatingin ito sa mga mata ni Rome. “ Kung sabihin kong hindi, may
magagawa ka ba?” tanong ni Rome.

“ Hmmmm wala hahaha! Pero kahit na ano naman ‘yung sagot mo Rome, walang magbabago
sa’tin. Promise! Hindi kita tratrashtalkin sa rant account ko hahaha!” sabi ni Marcus kaya natawa
si Rome.

“ Sige na nga, pwede.” nakangiting sabi ni Rome kaya nawala ang nakalolokong ngiti ni Marcus at
napalitan kaagad ng ngiti na akala mo nanalo sa Lotto.

Nagpasalamat si Marcus sa pagpayag ni Rome. Pagbalik nila sa pwesto nila ay nakahalata na ang
mga officers dahil pasimple silang nakikinig sa usapan ng dalawa.

“Ayan! Puro talaga kayo chismis!” sabi ni Rome habang hinahalo ang float niya.

“ Syempre! Doon na lang ata ako nabubuhay eh .” sang-ayon naman ni Changs.

Pakiramdam naman ni Rome na tama ang desisyon niya kaya excited na siyang ipaalam ito kila
Kieran at Dale. Hindi rin alam ni Rome kung bakit siya pumayag sa gusto ni Marcus. Ito pa lang
kasi ang unang tao na pinayagan niyang ligawan siya. Siguro ay naramdaman niya ang sinseridad
ni Marcus sa mga sinabi at ginagawa nito sa kaniya kaya mabilis lang siyang napapayag nito.

—-------------------------------------------

Si Kieran naman ay malaki ang pinagbago. Marunong na siya makahalubilo sa mga tao. Sobrang
active na rin niya sa org na sinalihan niya. Napagtanto niya kasi na wala namang mawawala kung
susubukan niyang makipagkaibigan sa ibang tao.
Kasalukuyang nagpapahangin sa Sunken Garden si Kieran. Dito nila napili na tumambay
pagkatapos nilang kumain nila Dale sa Crazy Chicken. Niyaya kasi siya ng mga kaibigan nila
ngayong college dahil limang oras pa ang hihintayin nila bago ang kasunod nilang klase.

Hindi naman sila lasing pero hindi maintindihan ni Kieran kung bakit mula sa mga chords at alien
na pinag-uusapan nila kanina ay napunta ang topic nila sa pag-ibig.

May mga kaibigan siya na nagkuwento na pangit pala ang naging huling relationship. Mayroon din
na napaamin nila na may crush na blockmate nila. Panay tawanan lang nila at gatungan hanggang
sa nabaling ang atensiyon nila kay Kieran.

“ Ikaw Kier? Sino bebe mo ngayon?” tanong ni Francis na nagsisilbing bangka sa kuwentuhan
kasama ni Max. Natahimik naman ang lahat at naghihintay sa isasagot ni Kieran. Sa lahat kasi, dito
sila pinaka-interesado dahil palagi lamang ito nakikinig sa mga kuwento nila ngunit hindi naman
ito pala-kuwento tungkol sa buhay nito.

“ Ay naku! Wala akong panahon para sa ganyan” sagot ni Kieran kay Francis. Bakas sa mukha
nito na hindi ito naniwala sa sagot ng kaklase.

Sumingit na sa usapan si Max, “ Ito naman parang kilala naman namin kapag sinabi mo ‘yung
pangalan.”

“ Gago Max! What if ang twist pala rito ay dundundunduuuuun si Dale pala ang bebe ni Kier? ”
pang-aasar ni Francis.

“Hayup kayo! Dinamay niyo pa ako hahaha!” sabi ni Dale at mahina nitong hinampas kay Francis
ang plastic bottle niya na walang laman.
“ Hindi, realtalk na” pagseseryoso ni Francis, “ may bebe ka na nga Kier?”

Umiling si Kier bago sumagot, “ Pero may gusto akong tao”

“ Hala weh? Akala ko pa naman magpapari ka ” pang-aasar ni Max.

“ Paano magpapari ‘yan eh mas martyr pa ‘yan kaysa kay St. Stephen? Dapat diyan maging santo
eh .” panglalaglag ni Dale. Mas lalo tuloy naging interesado ang lahat sa buhay pag-ibig ni Kieran
kaya wala na itong nagawa kundi magkuwento.

“ Teka! Nawindang ako! ” sigaw ni Francis pagkatapos marinig ang mga kwinento ni Kieran.

“ Ikaw naman kasi Dale! Bakit hindi mo nilaglag ‘yang si Kier sa pinsan mo?” asar na tanong ni
Max at sumang-ayon naman ang iba pa nilang mga kaklase.

“ Eh? Bakit ako? Bahala siya diyan! Buhay niya ‘yan. Masyadong dakila eh.” sagot ni Dale. “
Gusto niya atang paabutin pa ng 10th anniversary ‘yung feelings niya sa pinsan kong kahit
kayurin mo ‘yung balat eh sobrang manhid pa rin” dagdag pa nito.

“ Pero seryoso Kier? Wala kang plano umamin?” tanong ni Max at umiling naman si Kieran
bilang sagot.

Isang malalim na buntong hininga naman ang binitawan ni Francis bago ito magsalita. “ Isipin mo
kasi Kier ha? Hindi ka ba lalong nasasaktan na hinahayaan mo ‘yung Rome na ‘yun na masaktan
palagi dahil sa ibang tao? Eh kung nandyan ka naman na willing na mahalin siya?” napapalakpak
naman si Max sa tanong ni Francis sabay sabi ng “ Ayan! Isipin mo ‘yan Kier!” sabay turo nito kay
Kieran.

“ Ayoko lang kasi na masira ‘yung pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko. Paano
kung halimbawa nga, tama kayo na mutual nararamdaman namin o may pag-asa nga ako pero
paano kung sa huli…” napatigil saglit si Kieran dahil nagiging maingat ito sa mga salitang
binibitawan. “ ...sa huli, masaktan ko lang siya? Ayoko naman mangyari ‘yun. Edi mas okay na ako
na ako lang ‘yung nasasaktan kaysa pati siya” dagdag nito.

Nilapitan ni Francis si Kieran at inakbayan, “ Alam mo ba pre na ang love para ‘yan sa dalawang
tao na matatapang para mahalin ang isa’t isa kahit na sa huli ay may posibilidad na saktan lang
sila noong tao na minamahal nila.”

“Alam ko.” sagot ni Kieran kaya kaagad na umikot ng 360 degrees ang mata ni Dale.

“ Alam mo naman pala eh. Mahal mo si Rome ‘diba?” tanong ni Francis at kaagad namang
sumagot si Kieran, “ Oo. Sobra. Kung alam mo lang talaga kung gaano kalala nitong
nararamdaman ko. Kaya sobra akong takot na masaktan ko lang siya.”

“Oh ayun mahal mo. Sabi mo rin kanina na siya unang tao mong nagustuhan at unang tao na
mahal mo ‘diba? Paalala ko lang sa’yo na hindi ka mangga para iburo mo ‘yang nararamdaman
mo para kay Rome ha?”

Tahimik lang na nakikinig si Kieran at unti-unti na niyang nauunawaan ang mga nangyayari at
kung ano ang dapat niyang gawin… na matagal na niyang dapat ginawa.

”Kahit ‘wag mo gawin para sa sarili mo ‘yung pag-amin kay Rome. Gawin mo ‘yun para sa
kaniya. Para sagipin siya mula sa heartaches at heartbreaks na maaari niya pa lang maranasan.
Huwag kang matakot na baka masaktan mo siya dahil darating talaga ang araw na masasaktan
mo siya. Pero ang isipin mo, kapag dumating ang araw na nasaktan mo siya, piliin mo pa rin na
mahalin siya kahit na mahirap na ang lahat. Huwag mo siya pababayaan. Alam kong alam mo
naman ang sinasabi ko kasi matalino ka namang tao.” sabay tapik ni Francis sa balikat ni Kieran.
Kinuha naman ito na pagkakataon ni Dale para magsalita, “ Hindi naman ako magiging boto sa’yo
for 6 years dahil sa trip ko lang ‘diba? Sa lahat Kier, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko para sa
pinsan ko. Oras na Kier para hayaan mo naman ang sarili mo na sumaya sa pinsan ko. Tutal
single naman kayo pero tsaka wala pa namang nagpaparamdam kay Rome. Naniniwala ako na
ikaw lang ang makapagmamahal sa kaniya sa paraan na kung paano siya dapat mahalin.”

Ngumiti naman si Kieran at naging desidido na ito na aamin na siya sa susunod na uwi niya sa
kanila.

Finally .

—-------------------------------------------

Pagkalipas ang ilang buwan ay masyado na naging busy si Kieran dahil sa dami noong mga
kailangan niyang aralin at ipasa araw-araw. Ang tanging nagiging motivation niya na lang ay ang
pag-uwi niya sa December dahil ito rin ang buwan na aamin na siya kay Rome.

At dahil marami siyang inaaral palagi, madalas ay sobrang late reply siya sa mga tanong ni Rome
tungkol sa Math at Science . Sa tuwing rereplyan na niya ito ay sasabihin nitong may nakatulong
na sa kaniya. Katulad ni Kieran ay marami rin ginagawa si Dale kaya madalang na lang nitong
makausap si Rome.

Hinihintay ngayon ni Kieran na pumasok ‘yung professor nila sa UNDSELF. Imbis na mag-aral ay
tinawagan niya si Rome dahil alam niya na nagtatampo na ito. Pagkalipas ng tatlong ring ay
sinagot na nito ang tawag niya.

“ Hello baaaal! Ang kyot mo naman hahaha” sabi ni Kieran. Mukha kasing nagising si Rome sa
tawag niya. Sabado ngayon kaya sigurado si Kieran na walang pasok si Rome.

“ Hi bal! Buhay ka pa pala? ” sabi ni Rome habang kinukusot ang mata nito.

“ Bal sorry na hehe sobrang busy lang talaga lately” pagpapaliwanag ni Kieran.

“ Ano pa nga ba magagawa ko?” sabi naman ni Rome at narinig ito ni Dale. “ Hangtaray ng
pinsan ko akala mo naman nagtoothbrush na” kaya inirapan siya ni Rome.

“ Hayaan mo ‘yang si Dale, ‘di natin siya bati. Bal bawi na lang ako sa’yo pag-uwi ko. Ano gusto
mo?” pagsuyo ni Kieran kay Rome.

Kaagad naman na umayos ang itsura ni Rome, “ Amusement park tayo sa birthday mo bal!”
masayang sabi niya.

“ Sige ba!” kaagad na pagpayag ni Kieran kaya tuluyan na talagang nawala ang tampo sa kaniya ni
Rome.

Bigla namang naalala ni Rome na ngayon na ang pagkakataon para i-kuwento kila Kieran ang
tungkol kay Marcus.

“ Ay bal…” bago pa matapos ni Rome ang sasabihin niya ay nagulat siya noong makita ang “
Videocall ended” sa screen ng cellphone niya. Kaagad naman na kumunot ang noo niya dahil
binabaan siya bigla ni Kieran kaya sinendan niya ito ng message.
[To: bal ^▽^]

Bal?

Nawala ka bigla

[From: bal ^▽^]

Sorry bal, dmating kasi bgl., prof,

Nagsisinungaling si Rome kung sasabihin niya na hindi siya nainis sa nangyari pero wala naman
siyang magagawa. Si Kieran naman ay patagong sumagot sa message ni Rome kaya sobrang dami
niyang typo. Muntik pa nga siya mahuli ng prof niya na gumagamit ng cellphone. Pwede naman na
gumamit nito sa UPD pero nataon lang na traditional ang guro nila rito.

Noong natapos na ang klase ni Kieran, malungkot niyang nilalagay ang notebook niya sa loob ng
bag niya. Nag -text kasi ang mama niya na sa Disyembre, dapat sa probinsya siya dumeretso imbis
na sa bahay nila dahil doon sila magbabakasyon. Kaagad niya itong pinaalam kay Rome pero
nangako siya na pipilitin niya na daanan si Rome sa December 30 para roon na lang sila mag- a-
amusement park.

—-------------------------------------------

Hanggang sa sumapit na ang Disyembre . Hindi pa rin napapakilala ni Rome si Marcus sa dalawa.
Ngunit si Marcus naman ay kilala na niya sina Kieran at Dale dahil sa mga kuwento ni Rome.
Binantaan pa siya ni Rome na kung papalayuin lang din siya ni Marcus kay Kieran ay mabuti pang
tumigil na ito sa pangliligaw sa kaniya. Tinawanan lamang siya ni Marcus at sinabi nito na wala
naman siyang balak gawin ‘yon dahil kapag ginawa niya ‘yun, parang ginawa na niyang robot si
Rome.
Nahulog na rin si Rome kay Marcus dahil araw-araw nitong napaparamdam at napapakita na
seryoso siya rito. Si Marcus na rin ang tumutulong sa kaniya sa tuwing may hindi siya
maintindihan sa Math at Science para sa college entrance exam. Nagpakilala na rin ito sa mga
magulang ni Rome at botong boto ang lahat ng tao sa paligid nila kay Marcus. Minsan pa nga ay
niloloko pa ni Rome kung magkano ba ang binayad ni Marcus sa pamilya at mga kaibigan niya.
Ang pabirong sagot lang ni Marcus ay, “ pogi kasi ako eh.”

Kaya dumating na rin ang araw na desidido na si Rome na tuldukan na ang pagiging no boyfriend
since birth niya. Naisip niya na sasagutin na niya si Marcus sa ika-9 ng Disyembre, sa mismong
kaarawan nito.

—-------------------------------------------

December 30,2023

“ Ganda gising mo bal ha?” pang-aasar ni Kieran kay Rome dahil hindi maalis ang ngiti ni Rome
sa labi mula noong makita niya ito kanina. Nasa amusement park kasi sila ngayon kagaya noong
napangako ni Kieran. Kasama rin nila si Dale dahil kararating lang din nito kahapon galing Baguio.

“ Heh! Ikaw nga rin kanina ka pa masaya diyan ” pambabaliktad naman ni Rome kaya tumawa
naman si Kieran at ginulo ang buhok ni Rome. Natutuwa siya dahil hindi pa rin nagbabago si
Rome. Ito pa rin ang Rome na una niyang minahal at patuloy na minamahal.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagpaalam na si Dale dahil pinapauwi na siya ng mama niya.
Pinipigilan pa siya ni Rome noong una dahil akala niya tumatakas lang ito noong sinabi ni Rome
na gusto niyang sumakay silang tatlo sa Vikings.

Hindi naman talaga pinapauwi pa si Dale ng mama niya pero ito na kasi ang sign nila ni Kieran.
Ngayon din ang nakatakdang araw na sasabihin na ni Kieran ang nararamdaman sa kaibigan.

Ang hindi niya alam ay ngayon din ang napiling araw ni Rome para sabihin sa kanilang dalawa ni
Dale na boyfriend na nito si Marcus. Naiinis nga ito dahil uulitin pa nito kay Dale ang kuwento
niya dahil si Kieran ang unang makakaalam na may boyfriend na siya. Ngunit naisip niya na mas
mabuti na rin ‘to dahil matutulungan siya ni Kieran sa pagkuwento sa pinsan niya.

Natigil sa malalim na pag-iisip si Rome noong magsalita si Kieran. “ Ay oo nga pala bal, may
sasabihin ako.” hindi napansin ni Rome ang pagiging seryoso ng mukha ni Kieran dahil nakaharap
si Rome sa cellphone niya dahil nireplyan niya ang kasintahan.

Noong tapos na niyang sagutin ang kasintahan, masaya niyang tinignan ang kaibigan at sinabing “
Kambal talaga tayo! May gusto rin akong sabihin sa’yo eh. Matagal na hahaha”

Nagtaka naman si Kieran kung ano ito kaya hinayaan niya na mauna si Rome na magsalita.

Nagsimula na magkuwento si Rome tungkol sa kung paano niya nakilala at naging kaibigan si
Marcus. Kwinento niya rin na ito na ang tumutulong sa kaniya sa Math at Science ngayon para sa
college entrance exam. “ Sure na sure na sure talaga ako bal na magkakasundo kayo.” pahabol pa
ni Rome.

Habang nagkuwekuwento si Rome ay pilit na iniisip ni Kieran na another situationship lang ito sa
buhay ni Rome. Pero kailangan niyang makasigurado kaya naglakas loob na siyang itanong ito kay
Rome. Malakas naman na tumawa si Rome at sinabing, “ Ikaw talaga bal! Grabe ka! This time
bal, hindi na. Boyfriend ko na si Marcus. Sinagot ko siya last December 9 lang” maligayang sagot
ni Rome habang nagniningning pa ang mga mata nito dahil sa galak.
Kabaliktaran naman ito sa nararamdaman ni Kieran. Tila paulit ulit na tinutusok ng karayom ang
puso niya dahil sa mga narinig at nalaman. Hindi naman niya masisi si Marcus at Rome dahil sa
huli, siya naman ang may mali. Siya ang natakot. Kabaliktaran siya ni Marcus na naging matapang
para umamin kay Rome.

Hindi na tinuloy ni Kieran ang sasabihin nito kay Rome. Nagpalusot na lang siya rito na
pagtritripan niya lang dapat ito at wala naman talaga siyang sasabihin.

Noong kinagabihan ay sinundo ni Marcus si Rome kaya nagkakilala na rin sila ni Kieran. Nakita
niya kung paano nito tignan si Rome at pinipigilan ni Kieran na may makahalata na nagseselos at
naiinggit siya rito.

“ Nice meeting you, pre! Ayaw mo talaga sumabay sa’min?” tanong ni Marcus at umiling naman
si Kieran.

“ Sige bal, una na kami ha? May dadaanan pa kasi kami eh. ” pagpapaalam ni Rome at nagpaalam
din si Kieran sa dalawa.

Habang naglalakad sina Marcus at Rome ay muling humarap si Rome kay Kieran at sumigaw. “
Bal! Belated happy birthday ulit! Sana maging masaya ka! Mahal kita!” sabay heart sign nito kay
Kieran.

Mas lalong nadurog si Kieran dahil sa ginawa ni Rome. Pilit niyang tinatago ito kaya inasar niya
na lang si Rome na baka sapakin siya ni Marcus dahil nagselos ito sa sinabi niya. Muling
nagpaalam sa kaniya sila Rome at tuluyan nang umalis.
Malungkot na umuwi si Kieran. Sinarili lamang ni Kieran ang sakit na nararamdaman. Kahit na si
Dale ay walang kahit na anong ideya sa kung ano nga ba ang nangyari sa naging usapan ng dalawa.

Napili ni Kieran na sa balcony nila mamalagi muna. Doon kasi siya pumupunta sa tuwing hindi
siya okay. Kinuha niya ang binili niyang bote ng alak at ininom kaagad ito kahit na walang yelo.
Kaagad na humagod ito sa kaniyang lalamunan pero tiniis niya ito dahil iniisip niya na baka ito
ang makakapawi noong sakit na nararamdaman niya.

Alam niya at tanggap niya na kasalanan niya naman ang lahat. Tama nga si Francis na ang
pagmamahal ay para lang sa mga taong matatapang na handang masaktan. Iniisip niya na kung
maaga niya lang sanang hinayaan ang sarili na harapin ang takot na nararamdaman niya ay kamay
niya kaya ang hawak ni Rome ngayon?

Ang tagal hinintay ni Kieran na dumating ang araw na ‘to. Napailing siya noong napagtanto niya
na ang pinakahihintay niyang araw ay ang araw rin pala na dudurog sa kaniya.

“ Wrong timing lang ba talaga o hindi talaga kami para sa isa’t isa?” tanong ni Kieran sa sarili
habang tumutulo ang luha nito.

Naiisip niya na kung may nakita siyang mali kay Marcus ay baka mas mabilis pang tanggapin ang
lahat pero wala wala siyang mahanap dahil matino talaga ito kausap. Nakita niya rin na kung paano
tignan ni Marcus si Rome ay ganoon niya rin tignan si Rome. Ang tanging kamalian lang na
nakikita niya rito ay pareho pa sila ng tao na mahal.

Hindi niya masisi ang tadhana at ang kalangitan dahil napagtanto niya na ilang pagkakataon na ang
binigay sa kaniya para umamin pero mas pinili niyang ilihim ang nararamdaman. Habang umiiyak
si Kieran ay napatingin siya sa kalangitan. Biglang may dumaan na eroplano. Natatawa at naaawa
siya sa sarili dahil sa naisip niya pero sa tingin niya ito na lamang ang makakapagpagaan sa
nararamdaman niya kahit papaano. “ Sige magwiwish na lang ako rito kahit hindi naman ‘to
shooting star haha” sabi nito habang nakapikit at sinasabi ang kahilingan nito sa eroplano.

“ Kung sakali man na dumating na ang araw na pabor na sa’min ni Rome ang tadhana na ‘yan,”
tumigil saglit si Kieran para punasan ang luha niya at muli itong nagsalita, “ umaasa ako na kapag
dumating ang araw na ‘yon, sana hawak ko na ang kamay ni Rome habang kwinekwento sa
kaniya lahat noong mga nangayari. Hinihiling ko rin na sana sa araw na ‘yon ay masaya
kaming dalawa sa piling ng isa’t isa. ” bulong ni Kieran sa kalangitan na tila bata na umaasang
susundin ng eroplano ang hinihiling niya. Kahit gaano pa ito katagal. Kahit walang kasiguraduhan.

End Notes

Kung umabot ka rito, sobra akong nagpapasalamat sa pagbabasa mo ng first SHINee au ko.
Ito na ang sign para pakinggan ang Aside after mo basahin 'to. (Mando 'yan?)

Please let me know your thoughts about sa story na 'to. You can comment here or QRT sa
Tweet ko (if sa twitter mo man 'to nakita). Let's be moots na rin sa twitter (daming
sinasabi!!!) @/dkyungsO__O

Ingat ka palagi!

See you on my ongoing au and future aus!!

-elle

Please drop by the archive and comment to let the author know if you enjoyed their work!

You might also like