You are on page 1of 12

Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF ICE

7
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 7:
Pagsulat ng Iskrip ng Dula
Gamit ang Angkop na mga Salita

May-akda: Ed Genesis DP. Tan


Maru U. Panganiban
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin : Pagsulat ng Iskrip ng Dula Gamit ang Angkop
na mga Salita

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang iskrip ng isang dula;
B. naiisa-isa ang mga bahagi ng iskrip ng isang dula;
C. napahahalagahan ang paggamit ng angkop na salita sa pagsulat ng
iskrip ng dula; at
D. nakasusulat ng isang iskrip ng dula gamit ang mga angkop na salita

Subukin

Bago ka magpatuloy sa iyong aralin, muli mong balikan ang nakaraang


pangyayari sa koridong Ibong Adarna. Mula rito ay subukan mong bumuo ng isang
iskrip na naglalaman ng tig-isang pahayag mula sa piling tauhan.

(Tauhan 1) _________________:
_________________________________________________________________________________

(Tauhan 2) _________________:
_________________________________________________________________________________

Pagsulat ng Iskrip ng Dula


Aralin
Gamit ang Angkop na mga Salita
Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagsulat ng isang iskrip ng dula
gamit ang mga angkop na salita. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin
nang matapat ang mga gawain.

Balikan

Iyong balikan ang ilan sa mga katangian ng mga tauhang ating nakilala.
Bigyan mo ang bawat tauhan ng mga simbolo na maaari nilang katawanin na

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
maaaring isang bagay o bahagi ng ating kalikasan at ipaliwang ito sa kasunod na
kolum.

Mga Tauhan Simbolo Paliwanag


Don Juan
Don Diego
Don Pedro
Haring Salermo
Donya Maria
Donya Leonora
Donya Valeriana

Tuklasin

A. Panimula
Bago ka magpatuloy sa ating paksang aralin, basahin ang isang awit sa
ibaba at sagutin nang pasalita ang mga tanong.

Maaari mo rin itong mapakinggan at mapanood sa link na ito :


https://www.youtube.com/watch?v=X_-7PzKYjdY

Selos - The Vowels They Orbit

Binabaliw ako ng selos


'Di ko man aminin Magpapalipas ako ng oras
Kung ano-anong iniisip Para lang magtanggal ng galit at inis
Nagbibintang nang alanganin Ipapaanod na ba sa alak?
Baka sakaling magpakita ng ngiti
Magpapalipas ako ng oras
Para lang magtanggal ng galit at inis Selos, selosa
Ipapaanod na ba sa alak? Selos, selosa
Baka sakaling magpakita ng ngiti Selos, selosa
Selos, selosa
Selos, selosa Hindi ako
Selos, selosa Hindi ikaw
Hindi alam ang dahilan
Umaapoy na damdamin 'Di mo ako masisisi
Nalalagay sa alanganin Sa aking inaasta
Hinihintay mong sabihin Selos, selos, selos
Na walang alalahanin

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Tanong:

1. Ano ang nais ipahiwatig ng awit na iyong nabasa?


2. Bakit nararamdaman ng isang tao ang selos?
3. Anong dahilan ang maaaring maging sanhi ng pagseselos?
4. Sa iyong palagay, ano ang simbolo ng umaapoy na damdamin?
5. Paano kaya ito mabibigyang solusyon kung nakaharap natin ang ganitong
uri ng problema?

B. Pakikinig/ Panonood/ Pagbasa

Ngayon ay pag-uusapan natin ang paksang aralin. Handa ka na ba?


Umpisahan natin sa pamamagitan ng pagbabasa/panonood/pakikinig, at
pagsagot nang pasalita sa mga gabay na tanong.

Maaari mong matunghayan ang nilalaman ng bawat saknong sa link na


ito: https://www.youtube.com/watch?v=75YujvDGiWk

Ang Pagtakas at ang Pagwawakas


(Buod na muling isinalaysay ni Mup Panganiban)

Napagtagumpayan ni Don Juan ang huling pagsubok mula kay Haring


Salermo nang kaniyang mapili si Donya Maria Blanca na tunay niyang minamahal.
Hindi pabor si Haring Salermo na mapunta ang kaniyang anak kay Don Juan kaya
gumawa ito ng paraan. Nabatid ito ni Donya Maria kaya agad na nakipagtanan kay
Don Juan. Pinilit silang habulin ni Haring Salermo ngunit dahil sa taglay na
mahika ni Donya Maria ay nakatakas sila sa palasyo. Bunga ng matinding galit ay
isinumpa niya ang dalawa.

Bago magtungo sa kaharian ng Berbanya ay pinili niyang iwan si Donya


Maria sa nayon upang mapaghandaang ng palasyo ang pagsalubong sa kanila. Sa
kaniyang pagbabalik ay agad na sumalubong si Donya Leonora na anim na taong
naghintay sa kaniya. Inihayag niya ang kaniyang saloobin tungkol sa pagmamahal
niya sa prinsipe. Kasabay nito ang pagsisiwalat niya ng katotohanan mula sa
kasinungalingang gawa-gawa lamang nina Don Pedro at Don Diego. Dahil sa taglay
na kabutihan ng hari ay agad niyang napatawad ang dalawang anak.

Marahil sa sumpa na iginawad ni Haring Salermo, tila nakalimot na nga si


Don Juan at nakalimutang may Donya Maria na naghihintay sa kaniya mula sa
nayon.

Sa palasyo, naghanda ang lahat para sa pag-iisang dibdib nina Don Juan at
Donya Leonora. Nalaman ito ni Donya Maria Blanca at agad na nagtungo sa
kaharian ng Berbanya. Mula sa prasko, inihayag ng mga negrito sa pamamagitan
ng isang dula ang pag-iibigan nina Don Juan at Donya Maria Blanca at kung
paano nila nalagpasan ang mga pagsubok mula kay Haring Salermo na ama ni
Maria Blanca. Gamit ang suplina ay hinahampas ng negrito ang kapwa negrito sa
City of Good Character 3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
tuwing nakalilimot ito sa kaniyang alaala na direktang si Don Juan ang
nakararamdaman ng kirot mula rito. Dahil sa hindi pa rin nakaaalala, nagpakilala
na si Donya Maria Blanca kay Don Juan. Sa aktong babasagin ang prasko na
magiging mitsa ng pagkawasak ng kaharian ay biglang bumalik ang mga alala kay
Don Juan kasama si Donya Maria Blanca na tunay niyang iniibig. Inihayag niya na
si Donya Maria Blanca ang kaniyang pakakasalan. Samantala, sa panganay na
kapatid na si Don Pedro naman pakakasal si Donya Leonora.

Sa pagwawakas, itinanghal na bagong hari si Don Pedro at bagong reyna si


Donya Leonora sa kaharian ng Berbanya. Bumalik sa Reyno de los Cristales si
Donya Maria Blanca kasama si Don Juan kung saan sila ay masayang nanirahan
at itinanghal na bagong hari at reyna sa kaharian. Masaya silang tinanggap ng
mga mamamayan bilang kapalit ng kaniyang yumaong ama at mga kapatid.

C. Pag-unawa sa Pinakinggan at/o Binasa

1. Anong pangyayari ang ipinakita sa akdang iyong binasa?


2. Nangyayari ba ito sa ating lipunan sa kasalukuyan? Bigyang diin ang
iyong sagot.
3. Tama bang panghimasukan ng magulang ang buhay pag-ibig ng
kaniyang anak? Ipaliwanag.
4. Kung ikaw si Maria Blanca, gagawin mo rin ba ang makipagtanan kung
sakaling hindi gusto ng iyong ama ang iyong minamahal? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay, bakit nagagawa ng mga kabataan sa kasalukuyan ang
pakikipagtanan?
6. Ano ang saloobin at opinyon mo sa wakas ng koridong Ibong Adarna?
Ipaliwanag.
7. Ano-anong aral ang natutuhan mo na maaari mong maibahagi sa iyong
kapwa?
8. Ano-anong mga positibong katangian ng mga tauhan sa kuwento ang
iyong hinangaan? Bakit?
9. Paano mo maisasabuhay ang mga natutuhan mo sa koridong Ibong
Adarna?

D. Paglinang ng Talasalitaan
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang
salita sa pangungusap na sa iyong palagay ay kasingkahulugan sa mga salitang
nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

a. namatay c. isang uri ng bote e. malupit na hangad na magdusa ang kapwa


b. pamalo d. di-karaniwang kapangyarihan

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____1. Pinilit silang habulin ni Haring Salermo ngunit dahil sa taglay na mahika
ni Donya Maria ay nakatakas sila sa palasyo.
_____2. Marahil sa sumpa na iginawad ni Haring Salermo, tila nakalimot na nga si
Don Juan.
_____3. Mula sa prasko, inihayag ng mga negrito sa pamamagitan ng isang dula
ang pag-iibigan nina Don Juan at Donya Maria Blanca.
_____4. Gamit ang suplina ay hinahampas ng negrito ang kapwa negrito sa tuwing
nakalilimot ito sa kaniyang alaala.
_____5. Masaya silang tinanggap ng mga mamamayan bilang kapalit ng kaniyang
yumaong ama at mga kapatid.

Ang iskrip ang isang pinakamahalagang sangkap ng isang dula. Ito ang
nagsisilbing bayatan ng mga aktor sa kanilang magiging pagganap sa kuwento.

Sa pagbuo ng iskrip, kailangang maging malinaw ang banghay, tauhan,


tagpuan at ang mahahalagang kaisipan na tatatak sa isipan ng mga manonood.

Ayon kay Ricky Lee, sa kaniyang aklat na Trip to Quiapo, mayroong tatlong
bahagi ang pagbuo ng iskrip: ang pre-writing stage, writing stage, at ang rewriting
stage.

1. Pre-writing – Ito ang hakbang ng pag-iisip at pagpaplano. Binubuo rito ang


konsepto ng istorya tulad ng kung sino ang bida at kontrabida, lugar ng kwento,
banghay, mga simbolo at ang paksa. Mainam na bigyang pansin kung ito ba ay
malinaw at makatotohanan.

2. Writing stage – Mahalaga ang sentence outline sa bahaging ito. Ito ay isang de
numerong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa istorya. Nakasulat dito ang
mga eksensa ng dula.

Halimbawa ng sentence outline:

a. Tumakas sina Maria Blanca at Don Juan sa Reino de los Cristales.


b. Isinalaysay ng mga negrito ang nakaraan nina Don Juan at Donya Maria
Blanca.
c. Nanumbalik ang alaala ni Don Juan at pinili si Donya Maria Blanca bilang
kaniyang asawa.

3. Rewriting Stage – ito ang pagsa-finale ng mga plano sa bawat elemento ng


isang dula. Isa-isahin ang mga puna at pansin ng iyong mga kinapanayam at
sukatin-timbangin ang mga ito upang maging balanse ang bubuoing iskrip.

Mahalaga ang usaping gramatika at retorika sa pagsulat ng iskrip upang


maging mabisa, makatotohanan, at malinaw ang daloy ng mga pangyayari.
Makatutulong ang pananaliksik upang makapagbigay ng tamang impormasyon at

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
nilalaman na maaaring may kaugnayan sa kasaysayan at makatotohanang
pangyayari.

Dapat ding bigyan ng pansin ang paggamit ng mga angkop na salita sa


bawat diyalogo batay sa uri ng mga tauhan, konteksto ng kultura at mga
pangyayari sa akda at iba pa. Sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga
salita, lalong mapalulutang ang katotohanan sa iskrip ng isang dula.

Ipagpalagay na mga reyna at hari ang mga tauhan, nararapat lamang na


pormal ang mga salitang gagamitin para sa kanilang mga diyalogo. Halimbawa
naman ang tauhan sa dula ay kabilang sa mataong lugar o informal settler,
nararapat lamang na ang kaniyang gamit na salita ay batay sa kaniyang
kapaligiran tulad ng mga salitang pangkanto o balbal.

Sa ganitong paraan, nabibigyang hustisya sa gamit ng mga salita ang


karakter ng mga tauhan sa dula.

Pagyamanin
Ngayon naman ay pagyamanin natin ang iyong natutuhan sa araling ito.
Isagawa mo ang mga sumusunod na gawain.

Gamit ang tsart sa ibaba ay isa-isahin mo ang mga impormasyon na iyong


kakailanganin para sa pagbuo ng isang iskrip. Mahalagang isaalang-alang ang mga
natutuhan sa bahaging Suriin. Gamitin mo ang mga impormasyon mula sa iyong
binasang buod ng koridong Ibong Adarna.

Pamagat

Tauhan

Tagpuan

Simula

Banghay

(Sentence Gitna
Outline)

Wakas

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Pansinin ang mga salita na nasa loob ng kahon. Isaayos mo ito batay sa
pagkakasunod-sunod nito at ipaliwanag.

Writing - Pre-writing - Rewriting

Wastong Pagkakasunod-sunod: ________________________________________________


Paliwanag: ______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Ipagpalagay na ikaw ay isang manunulat ng iskrip, kinakailangan ng


iyong direktor ang isang makabuluhang iskrip na naglalaman ng aral mula sa
huling yugto ng koridong Ibong Adarna.

Narito ang mga hakbang upang maging gabay sa gawaing ito:

1. Pumili ng Kabanatang iyong nais bigyang buhay sa iskrip na gagawin.


 Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria
(Mga Saknong 1286 – 1381)
 Ang Muling Pagbabalik sa Berbanya
(Mga Saknong 1382 – 1428)
 Poot ng Naunsyaming Pag-ibig
(Mga Saknong 1429 – 1573)
 Ang Pagwawakas
(Mga Saknong 1575 – 1717)
2. Gamitin ang pormat sa ibaba para sa pagsulat ng iskrip.

Narito ang isang halimbawa bilang iyong gabay.

Malikhaing Iskrip
Pamagat ng Dula: Pag-ibig nga naman…
Hango mula sa Poot ng Naunsyaming Pag-ibig
Kabanata: Mga Saknong 1429 0 1573
Papasikat ang araw sa silangan, maliwanag na ang
Tagpuan: paligid. Sa isang nayon, kung saan iniwan ni Don
Juan si Donya Maria.
Mga Tauhan: Donya Maria- Isang makapangyarihang babae, may

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
taglay na katalinuhan at isang napakagandang
prinsesa
Aral: Maingat na paghuhusga at Katatagan ng loob
(Lights on)
Maraming mga puno sa paligid at ipapakita ang
munting tahanang yari sa bao sa kaniyang likuran.

Makikita ng mga manunuod si Donya Maria suot


ang isang magandang damit habang malungkot na
nakatingin sa sing-sing.

Donya Maria: Don Juan, aking sinta, akoý talagang


iyo nang nalimot. Para tuloy akong isang
destinasyon na gusto mong puntahan, pagkatapos
kitang pasiyahin, iiwan mo lang din. Paano na ang
Iskrip: puso ng iyong mahal na prinsesa kung ikaw ay
magpapakasal kay Donya Leonora?

Pagmamasdan ang sing-sing, ilalapit sa kaniyang


dibdib na parang humihiling nang may pag-iyak

Donya Maria: Sing-sing, sing-sing, akoý iyong


dinggin, hiling ng puso koý iyong talimahin. Sing-
sing! Bigyan mo ako ng isang magandang karosa!

Lalabas ang isang puting karosa na may


labindalawang kabayo at labindalawang makikisig
na kalalakihan sakaý sakaý sa bawat kabayo.

Pamantayan sa pagmamarka:

Puntos
Puntos
Mga Pamantayan ng
sa Sarili
Guro
Naisagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa mga
impormasyong kailangan sa pagsasagawa ng iskrip
Angkop at nakaugnay sa kabanatang napili ang iskrip.

Nakagamit ng angkop na mga salita sa pagsulat ng iskrip.


Nakagamit ng mga salita at pangungusap nang may
kaisahan, kalinawan at pagkakaugnay-ugnay
Kabuoang Puntos

10 – Napakahusay 4- Kailangan pang paghusayan


8 – Mahusay 2- Magsanay upang humusay
6 – Katamtamang Husay

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa paksang tinalakay. Basahin at unawain ang sumusunod na tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat ito sa iyong sagutang
papel.

1. Ito ay isang uri ng panitikan na isinasagawa sa pamamagitan ng kilos o galaw,


ano ito?
a. dula
b. tula
c. talumpati
2. Isa sa mga hakbang ng Pagsulat ng Iskript ang;
a. Pagsasatao
b. Pagsusuri
c. Pagsasabuhay
3. Batay sa iyong natutuhan, anong uri ng Panitikan ang Ibong Adarna
a. Korido
b. Awit
c. Dula
4. Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng iskrip
a. Pre-writing stage
b. Writing stage
c. Rewriting stage
5. Ito ang ginagamit upang maisa-isa ang mga eksena sa bubuoing iskrip.
a. burador
b. writing stage
c. sentence outline

Makatatanggap ka ng karagdagang puntos kung sakaling maisasagawa mo


ang gawain na ito.

Itanghal o isadula ang nabuong iskrip, sa pamamagitan ng pagbi-video nito.


Bigyang buhay ang iyong iskrip. Ipasa ito sa iyong guro. Ilalahad ng iyong guro ang
rubrik para sa gawain ito.

Hindi matutumbasan ang iyong kahusayan at kasipagan


sa pagsagot ng iyong modyul.
Pinalaya mo ang Ibong Adarna sa kaniyang tanikala
sa pamamagitan ng masusing pagbasa ng akda.
Mabuhay ka!

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

 Lee, Ricky. Trip to Quiapo. Scripwriting Manual ni Ricky Lee

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ed Genesis DP. Tan (Guro, CISSL)


Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)
Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Maru U. Panganiban (Guro, JDNHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like