You are on page 1of 2

Ikatlong linggo Pag-asa National High School

4Q FILIPINO 7
Ikaapat na Markahan
Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksiyon: _____________________
Contact Nos.: __________________________ Pangalan sa Facebook: __________________

I Alamin natin

Layunin:
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa (MELCs 49

Suriin Natin
Aralin 3-Ang Pakikipagsapalaran at Ang Unang Kataksilan (Saknong 30-399)
Gawain 3.1: Talasalitaan, Ipakahulugan Mo!
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng
nasalungguhitang salita.
____________1. Nagpahuli kay Don Jua’t kay Don Diego umagapay (sumabay, umalalay).
____________2. Pagkat ipaglihim nama’y mabubunyag (malalantad, maitatago) din ang tunay.
____________3. Ayaw man sa sama’y nalihis (natuwid, naliko) sa katwiran.
____________4. Pikitmata (napatango, napasunod) nang kinagat ni Don Diegong nagpabulag.
____________5. Bakit ngayo’y tinitikis (tinitiis, tinitimbang) yaring dusa?
____________6. Lumuluhang nanambitang (nakiusap, nanawagan) tangkiliking mamatay.
____________7. Naayos ang butong linsad (bali, durog), kiyas niya’y walang bawas.
____________8. Ang papuring palamara (taksil, tapat) ay pagsuyong lason pala.
____________9. Matagal ding nag-apuhap (nag-isip, naghanap) ng panagot na marapat.
____________10. Maiiwan siya ritong nag-iisa’t lunung-luno (gulong-gulo, hinang-hina).
Gawain 3.2 Panonood/Pagbabasa
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang kinahinatnan ng hari pagkatapos niyang managinip?
2. Anong solusyon ang iminungkahi sa kalagayan ng hari?
3. Isalaysay ang naging kapalaran ng tatlong prinsipe sa paghahanap ng lunas.
4. Ilahad ang malupit na sinapit ng bunsong prinsipe. Bakit kaya niya sinapit ang ganitong
kapalaran?

BUOD NG SAKNONG 30-399


Tatlong maginoo ang naging prinsipe ng Berbanya sapagkat pinili nila ang maghari kaysa magpari. Isang araw, nagkasakit
nang malubha ang hari dahil sa masamang panaginip. Ipinahayag ng manggagamot na manunumbalik lamang ang lakas ng hari kapag narinig
ang mahiwagang awit ng Ibong Adarna. Inatasan ng amang hari ang panganay na anak kaya noon din ay nagtungo si Don Pedro upang hanapin
ang lunas. Tatlong buwang naglakbay si Don Pedro sa Bundok Tabor. Labis ang pagkamangha niya sa ganda ng kapaligiran hanggang sa
makita niya ang gintong punongkahoy ngunit wala namang kahit isang ibong dumadapo sa mga sanga nito. Dito na namahinga ang prinsipe at
napaidlip sa sobrang pagod. Nataon namang dumating ang ibong Adarna. Umawit ito ng pitong beses at pitong beses din itong nagpalit ng kulay
ng balahibo. Dahil ugali na ng ibong ito ang magbawas pagkatapos umawit, napatakan nito si Don Pedro na nahihimbing at naging bato. Ganito
rin ang sinapit ni Don Diego. Labis na nag-alala ang hari dahil tatlong taon nang hindi umuuwi ang dalawang anak. Napagpasyahan ni Don
Juan, ang bunsong prinsipe, na siya naman ang maghahanap at huhuli sa ibon. Hahanapin na rin niya ang kanyang mga kapatid. Bagaman
masakit sa kalooban, pumayag ang mahal na hari. Naglakbay si Don Juan na taglay ang dasal at patnubay ng Mahal na Birhen na palagi niyang
hinihingian ng tulong.
Sa kanyang paglalakbay, isang matandang ketongin ang humingi ng limos sa kanya. Buong-puso niyang ibinigay rito ang natitirang
baong isang tinapay. Bilang kapalit, itinuro nito ang bahay ng ermitanyong magtuturo sa kanya kung paano mahuhuli ang kanyang pakay.
Matiwasay ngang nahuli ni Don Juan ang ibon sa tulong ng matandang ermitanyo. Iniligtas din niya mula sa pagiging batong-buhay ang dalawang
kapatid sa pamamagitan ng
pagbuhos ng tubig na mula sa banga ng ermitanyo.
Habang naglalakbay pabalik sa Berbanya, hindi akalaing may balak pala si Don Pedro sa bunsong kapatid dahil sa nadarama nitong
inggit. Hinikayat pa niya si Don Diego na pumayag sa kanyang balak. Napilitan namang pumayag si Don Diego nang sabihin ng kapatid na
imbes na patayin ay bubugbugin na lamang nila ang bunsong prinsipe upang sa kanila mapunta ang karangalan ng pagkakahuli sa ibong
Adarna.
Gayon nga ang nangyari. Pinagkaisahan nilang bugbugin si Don Juan, pinagtatadyakan at pinagsusuntok nila ito hanggang
mapasubsob sa lupa. Inagaw nila ang ibong Adarna at iniwan nilang hinang-hina ang bunsong prinsipe habang nasa puso ang kagalakan sa
katuparan ng kanilang balak. Sa kasamang palad, pagdating nila sa kaharian ay ayaw umawit ng ibon sa harapan ng hari at naging pangit ang
hitsura nito.
Sa gitna ng pasakit na dinanas ni Don Juan, taos-puso siyang nanalangin sa mahabaging Diyos na siya ay pagalingin kaagad upang
makabalik sa kaharian ng Berbanya. Kaagad umawit ang ibong Adarna nang dumating si Don Juan sa kaharian. Inilahad ng ibon sa kanyang
awit ang naging kapalaran ni Don Juan sa kamay ng kanyang mga kapatid. Nanumbalik ang lakas ng hari ngunit nagliliyab naman sa galit ang
kanyang kalooban nang malaman ang kasamaan nina Don Pedro at Don Diego. Sa kabila niyon, hiniling ni Don Juan sa amang mahal na
patawarin ang mga kapatid. Pinatawad sila ng hari sa kondisyon na hindi na muling gagawa ng masama.
Gawain 3.3 Mga Damdamin sa Korido, Unawain Mo!
Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig sa bawat saknong tungkol sa karanasan ng
mga tauhan. Tukuyin din ang dahilan ng gayong damdamin.
1. Saknong 35 -Haring Fernando 3. Saknong 206 -Don Juan

Lamang ngumiti sa balat


Mula noo’y nahapis na kumain
pinigaan pa ng dayap, sa
man ay ano pa! Luha at
hapdi’y halos maiyak nag-
buntong-hininga ang aliw sa
ibayo pa ang antak
pag-iisa!
Damdamin:
Damdamin:
Dahilan:
Dahilan:

4. Saknong 235-Don Pedro


2. Saknong 131 -Don Juan

At makita ang kapatid na “Mabuti pang dili hamak si


taon nang nawawaglit Don Juan,” anyang saad, “at
anupaman ang nasapit sa ama nating liyag ay
marangal na haharap.”
Nawa’y ligtas sa panganib. Damdamin:
Damdamin:
Dahilan:
Dahilan:

E Pagyamanin Natin

EGawain 3.4 Karanasan Mo, Ihambing Mo


Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa akda na kahawig sa iyong karanasan at isulat ito sa grapikong organayser. Sa kanang kahon,
isalaysay mo ang iyong karanasang nahahawig dito.
Pamantayan sa Pagmamarka
Naipakita ang pagkakatulad ng karanasan ng tauhan at sarili 15 Puntos
Gumamit ng wastong hudyat sa paghahambing
T(ulad ng gaya ng, pareho/kapareho, at tulad ng/ni ) 15 Puntos
Malinis at malinaw ang pagkakasulat 10 puntos
Pagpasa sa takdang oras 10 puntos
Kabuuan 50 puntos
KARANASAN KARANASAN
NG TAUHAN KO

Pagkakaiba

A Paglalapat
Gawain 3.5 Panuto: Sagutin ang tanong sa kahon gamit ang tatlong pangungusap. Ilagay mo ang sagot sa scroll.
“Makatwiran bang mainggit at gawan ng kasamaan ang isang kapatid dahil sa inggit na nadarama?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like