You are on page 1of 19

FILIPINO 7

Kwarter 4, Linggo 2
ROSEMARIE N. NANQUIL
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
F7PD-IVC-d-18
Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na
may pagkakatulad sa akdang tinalakay
F7PS-IVc-d-19
Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na maiuugnay sa
kasalukuyan
F7PB-IVC-d-21
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon
F7PU-IVc-d-29
Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan na may
kaugnayan sa kabataan
F7PT-IVc-d-19
Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa akda
ARALIN 2: Ang Pagkahuli sa Ibong
Adarna at ang Pagtataksil kay Don
Juan
Paano nahahawig o nagkakapareho ang mga kapatid ni Don Juan
sa mga kapatid ni Jose?
MALAYANG TALAKAYAN

Iba pang mga pangyayari na napanood o nabalitaan na may


pagkakahawig sa mga pangyayari sa akda
Pagsagot sa mga Tanong sa
Pag-usapan Natin
p.471
1. Sino ang tumulong para maligtas si Don Juan sa tiyak na kamatayan pagkatapos siyang bugbugin
at iwan ng mga kapatid sa kaparangan?
2. Sa paanong paraan siya agad na gumaling mula sa kalagayang halos panawan na ng lakas at
buhay?
3. Ano kaya ang nadama nina Don Pedro at Don Diego nang makitang bumalik sa kaharian ang
kapatid na ginawan nila nang masama?
4. Paano nalaman ng hari ang lahat ng kabukturang ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa kapatid
na si Don Juan? Anong parusa ang iginawad ng hari sa kanila?
5. Bakit kaya si Don Juan pa ang nakiusap sa ama upang patawarin ang kanyang kapatid nong
nagkasala nang labis sa iyo?
6. Bakit sinasabing walang lihim na hindi nabubunyag? Paano mo ito maiuugnay sa mga tunay na
pangyayari sa buhay mo o sa buhay ng iyong mga kakilala o kapamilya?
Pagsulat ng Journal:

Paano mo dapat pakitunguhan ang iyong


kapatid o mga kapatid? Bakit nararapat
magtulungan at magmahalan ang
magkakapatid sa halip na mag-away at
magkasakitan?
1.Mapagmahal sa mga kapatid
2. Hindi nakakalimot manalangin
3. Marunong magpasalamat sa mga biyayang tinanggap
4. Maganda ang kalooban
CONCEPT MAP
Magbigay ng kasingkahulugan ng salitang KATAKSILAN

KATAKSILAN
IPALIWANAG

Ang kataksilan ay di nagbubunga ng


mabuti
Gawain C. P. 473 (Pinagyamang Pluma)
Pagtukoy sa mga pangyayari sa akda na nagpapakitta ng mga
suliraning panlipunan na dapat mabigyang-solusyon
Ang mga bahagi ng akdang binasa ay nagtataglay ng mga suliraning
panlipunang nararapat maihanap o mabigyang-solusyon. Lagyan ng
tsek (/) ang mga kahon kung ang mga suliraning ito ay nakita sa
binasa. Ekis (x) naman ang ilagay kung hindi.
1. Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa
kapwa
2. Ang pagiging sunod-sunuran sa iba kahit pa ang iniuutos ay
nakasasama na
3. Ang paggawa nang masama para lang mapagtakpan
ang isang kabiguan o kahihiyan
4. Ang malabis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi
5. Ang pagsasamantala ng isang pinuno o lider sa
kanyang nasasakupan
6. Ang pagiging traydor o lihim na kaaway na tumitira
kapag ang kalaban ay nakatalikod at walang kalaban-
laban
Magagawa Natin p.474
Magmungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga inilahad na suliraning panlipunan

Pangyayaring Nagpapakita ng Suliraning Panlipunan Mungkahing Solusyon Para sa mga Suliraning ito
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salitang may salungguhit sa
pangungusap na ginamit sa akda. Isulat ang sagot sa patlang.
busilak malalaman katatanong matitiis pagtataksil

_____1. Anumang lihim ay tiyak namang mabubunyag din.

_____2. Sa kauukilkil ng ibang tao ay nagbibigay na rin ng impormasyon ang kaharian.

_____3. Ang ginawang paglililo ng mga kapatid ay higit na masakit kaysa sa kanyang mga sugat.

_____4. Mababata ni Don Juan ang hapdi ng mga sugat subalit hindi ang sakit ng pagtataksil ng
mga kapatid.

5. Ang matimyas na pagmamahal ng magulang ay muling nadama ni Don Juan nang makabalik
siya sa kaharian.
Ang pagdamay sa kapwa ay
hindi tumatanggap ng kabayaran.
Huwag manghawak sa ugaling
kaya lamang dumaramay ay
upang damayan din.
PAGPAPALAWAK

Tangkilikin ang
nangangailangan
Sumulat ng reaksyon tungkol sa paksang “Ang nangyari kay Don
Juan ay isang himalang di kapani-paniwala.”
Alin sa mga katangian ni Don Juan ang naibigan
mo?
PASALITA. Pumili ng limang mag-aaral. Gawing monologo ang
panambitan ni Don Juan.

You might also like