You are on page 1of 5

MODULE 5– ANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG

PANITIKAN

II. PRE-COMPETENCY CHECKLIST


Pangalan: VANESSA E. TRINIDAD Petsa: 10-13-20
Kurso/Taon/Seksyon: BSED 3-FILIPINO Marka:_____________
Araw at Oras ng Klase: TTH, 7:30 – 9:00 AM
Guro: FRANCIS D. AGUILAR
Magsanay Tayo:
PANUTO: Magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa mga sumusunod.
1. Panitikan
- Ang panitikan ay sinasabing nagpapahayag ng mga kaisipan, karanasan,
damdamin o diwa ng bawat tao. Ito rin ay ang mga katipunan ng mga
akdang nasusulat na maaaring makilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag at kawalang-maliw.

2. Tuluyan o Prosa
- Ito ay ang maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa isang
pangungusap. Ito ay nasusulat sa patalatang paraan. Nasusulat din ito sa
karaniwang takbo ng pagpapahayag.

3. Malikhain o Patula
- Ito ay isang uri ng panitikan na binubuo-buo ng pangungusap o parirala sa
pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa bawat taludtod na
pinagtutugma-tugma.
III. EXPLORE
Pangalan: VANESSA E. TRINIDAD Petsa: 10-13-20
Kurso/Taon/Seksyon: BSED 3-FILIPINO Marka:_____________
Araw at Oras ng Klase: TTH, 7:30 – 9:00 AM
Guro: FRANCIS D. AGUILAR

Gawain 1: Magtala Tayo!


PANUTO: Sumulat ng isang tula patungkol sa kasalukuyang nadaranas na problema ng
mundo. Ang tulang gagawin ay binubo ng 6-8 saknong. Ang tula ay maaaring malayang
taludturan o tulang may sukat at tugma.
PAMANTAYAN:
 Orihinalidad --------------------15 pts
 Nilalaman -----------------------10 pts
 Mensahe/pagkakalahad --------5 pts
 Kabuuan ------------------------30 pts

Paghihintay ng Wakas
ni Vanessa E. Trinidad
Ang panggagambala ni Corona,
Sa pagtigil ng oras
Tila ba nakakulong tayo sa rehas Sakit na di mo makita
Sa mundong mapangahas Face mask, faceshield at alcohol ang
Kaganapang di pa natin nararanas. dapat na sandata.

Sa kanyang pagparito Ayuda ng gobyerno’y inaabangan,


Kay daming nagbago, Para sa tubig at pagkain na kailangan.
Tao , trabaho pati na negosyo Kapwa Pilipino’y nagbabangayan,
Lahat ay apektado. Di magkaisa at laging magkalaban.

Nais na matapos na Pinalala ng pandemya ang


nararamdaman,
Depresyon na isa pa sa kalaban, Covid-19 kung ito’y tawagin
Ito’y pilit na nilalalabanan, Kalabang di mo nais kalabanin,
Sa apat na sulok ng tahanan. Sandata’y dapat na may panalangin
At tayo’y ililigtas at pagpapalain.
Labis na hirap na dinaranas
Hindi alam kung kailan magwawakas. Pananampalataya’y patibayin,
Salamat sa lahat ng nagsakripsiyo, Sapagkat ito’y matatapusin din.
Frontliners na nagbuwis ng buhay sa Sa Diyos lamang tayo umaasa,
Pilipino. At tayo’y lalagakan ng pag-asa.

IV. POST-COMPETENCY CHECKLIST


Pangalan: VANESSA E. TRINIDAD Petsa: 10-13-20
Kurso/Taon/Seksyon: BSED 3-FILIPINO Marka:_____________
Araw at Oras ng Klase: TTH, 7:30 – 9:00 AM
Guro: FRANCIS D. AGUILAR

Gawain 1: Magtala Tayo!

PANUTO: Mula sa inyong nabasang kuwento o nobela, gumawa ng Maikling


panunuring pampanitikan gamit ang pormat na ito:

Pamagat: Impeng Negro

May akda: Rogelio R. Sikat

Mga tauhan:

1. Impeng Negro – ang laging tinutukso ni Ogor

2. Ogor – ang mahigpit na kaaway ni Impen; palatukso


3. Boy- bunsong kapatid ni Ogor

4. Ang ina ni Impen

5. Mga agwador

Lugar: Sa Gripo (lugar kung saan nag-iigib ng tubig ang mga agwador)

Pinaikling Buod:

Sa isang iskwater nakatira ang pamilya ni Impen. Bago pa man umalis si Impen
para magtrabaho bilang agwador, palagi siyang pinapaalalahanan ng kanyang ina na
umiwas sa pakikipag-away kay Ogor. Si Ogor ay kilala sa kanila bilang sigang agwador.
Siya ang laging bida sa kanilang lugar. Palagi nilang tinutukso si Impen dahil sa
kanyang panlabas na anyo. Si Impen ay mayroong kulot na buhok, maitim na kulay ng
balat, at sarat na ilong. Anak siya ng kanyang ina sa isang Negrong Amerikano.
Mayroon din siyang kapatid na anak ng kanyang ina sa Amerikanong puti, kaya ganoon
na lamang ang pagtukso sa kanya ng mga tao lalo na ni Ogor.

Isang araw sa kanyang pag-iigib ay muli na naman siyang sinubukan at tuksuhin


ni Ogor. Pilit na isiningit ni Ogor ang kanyang balde kahit na nauna na si Impen sa pila.
Pinakiusapan ni Impen si Ogor na patapusin muna niyang mapuno ang balde at
matapos siya ngunit hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi. Subalit sa
kanyang paglalakad ay bigla siyang pinatid ni Ogor dahilan upang tumama ang
kanyang pisngi sa nabitawang baldeng may tubig. Dahil sa dugong dumadaloy sa
kanyang pisngi ay agad nitong tiningala ang kaaway na sabay naman na pagsipa sa
kanya nito. Hindi na napigilan ni Impen na di lumaban. Nagpambuno ang dalawa.
Suntok dito, suntok doon. Subalit naramdaman ni Impen ang paglakas ng kanyang
katawan. Biglaan ang pagkalas niya kay Ogor. Sinuntok-suntok niya ito hanggang sa
natalo at napasuko niya si Ogor. Pinagtitinginan siya ng mga kapwa agwador, ganoon
na lamang ang paghanga sa kanya ng mga tao. Sa pagkakataon ding iyon,
pinangingilagan na siyang tuksuhin lalong-lalo na ni Ogor.

Bisa sa isip:
Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat, nabuksan ang aking kaisipan
at nagbigyang-linaw sa aking kaisipan na magdaan pa ang mga maraming taon o
dekada, makikita pa rin kahit saang lugar sa Pilipinas na kapag naiiba ka sa panlabas
na anyo, lalo na kapag itim ang kulay ng balat, hindi maiiwasan ang panunukso,
diskriminasyon, pagkokompara o pangungutya.

Bisa sa sa asal:
Sa kwentong ito, nalinawan ako na kapag napupuno na ang isang tao, nababalot
ng poot at galit ay bigla nalang itong sasabog at di na mapipigilan. Sa ipinakita ni Impen
sa kwento, marahil ay sumabog na ang kanyang poot kay Ogor kaya naman nagawa
niya iyon. Sa tinagal-tagal na pagtitimpi ni Impen, sa pagkakataong iyon ay pinaglaban
niya lamang ang kanyang sarili sa pang-aabuso sa kanya. Dahil din sa asal na ipinakita
ni Impen, hindi na muli siyang tinukso pa nila Ogor. Sa kabilang banda, mali pa rin ang
gumanti pero nagawa lamang iyon ni Impen upang iligtas ang kanyang sarili.

Bisang
pandamdamin:

Humanga ako sa katapangan na ipinakita ni Impen. Hinangaan ko rin siya sa


tagal ng panahon ng panunukso ni Ogor ay nakapagtitimpi pa rin siya. Nakakaawa ang
sitwasyon ni Impen dahil sa hirap ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya, at nagawa
pa rin siyang kutyain ng kapwa niya agwador.

You might also like