You are on page 1of 20

Balik-Aral

Ibigay ang kahulugan ng mga salita


Mapalisya Natalos

Liyag Umugin
Pangkatang Gawain
Pictionary
Layunin:
1. Natutukoy ang mga suliraning
nakapaloob sa nabasang akda.
2. Nakapagbibigay ng mga mungkahing
solusyon mula sa suliraning narinig
mula sa akda.
3. Nabibigyan ng halaga ang
pagmumungkahi sa pang araw-araw na
buhay.
Pagmumungkahi – ay ginagamit kung may ideya ang isang
tao na nais sabihin sa iba. Ito ay nagbibigay ng sariling
palagay upang makatulong o makapag-ambag sa ibang
sitwasyon. Tinatawag din itong payo, palagay o ideya.

Suliranin – tumutukoy sa problema o sitwasyong hindi


kaaya-aya, hindi kasiya-siya o hindi kanais-nais na
kailangang malutas o maitama.
Suliranin
Pagmumungkahi
Panuto: Magbigay ng inyong mungkahi upang
masolusyunan ang sumusunod na suliranin

Pagkasira ng ozone layer

Bullying

Pagbabadyet sa baon na Php50 na


may maitatabing pera sa araw-araw
Ang Bunga ng Inggit
( Saknong 232- 317 )
Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa ibong Adarna. Nang kanyang
mahuli ay dinala ito sa ermitanyo.Iniutos ng ermitanyo na punuin ng
tubig ang
banga at ibuhos sa mga kapatid niya na naging bato. Nang manauli
ang pagiging
tao ng magkapatid, sila’y nagyakap.Pinaghanda sila ng pagkain ng
ermitanyo sa
tagumpay na kanyang nakamit. Pagkatapos kumain, sila ay
binendisyunan upang
makarating na sa amang naghihintay sa kanila.
Naging masaya sana ang tatlong magkakapatid, kaya lang ay pinag-isipan
ng masama si Don Juan ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid.
Ayaw
sanang pumayag ni Don Diego pero dahil sa takot kay Don Pedro ay
napasunod na
rin siya.Inggit ang dahilan kung bakit binugbog si Don Juan.
Nang makarating na sa kaharian ang dalawa, ibinigay na ang ibon.
Pinaawit
subalit ayaw,sa halip ay ipinakita ang kanyang pangit na anyo.Nais naman
ng ibon
na makatulong kaya lang ay hihintayin niya si Don Juan.
Ang sinumang makakikita kay Don Juan ay tiyak na maaawa sa labis na
pasang tinamo ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot tumawag sa
Poong
Maykapal. Hindi niya maubos-maisip kung bakit siya’y pinagtaksilan ng
kanyang
mga kapatid. Dumating ang isang matanda, siya ay tinulungan at pinagpala.
Nagpasalamat siya sa pagtulong na ginawa sa kanya. Naitanong niya kung
paano
siya makakabayad. Nawika ng matanda na ang pagtulong ay may layon,
hindi
nangangailangan ng kabayaran.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang naisipang gawin ni Don Pedro upang makaligtas sa
kahihiyang dala ng pagbabalik sa Berbanya nang talunan, laban
kay Don Juan?
2. Bakit hindi agad pumayag si Don Diego sa balak o plano ni
Don Pedro?
3. Ano ang ibinunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don
Pedro kay Don Juan?
4. Kung ikaw si Don Juan, mapapatawad mo ba ang iyong mga
kapatid sa pagtataksil at pananakit na ginawa sa iyo?
5.Kanino tumawag si Don Juan sa kaawa-awa niyang
kalagayan?
Panuto: Tukuyin ang mga suliranin na nakapaloob sa akda.
Magbigay ng mga mungkahing solusyon sa sumusunod na
suliranin. Ipakita ang mga mugkahing solusyon ayon sa hinihingi sa
bawat grupo.

Group 1. Ang mungkahing solusyon ay ipapakita sa pamamagitan


ng pagkanta.
Group 2. Ang mungkahing solusyon ay ipapakita sa pamamagitan
ng slogan.
Group 3. Ang mungkahing solusyon ay ipapakita sa pamamagitan
ng pagbabalita.
1. Bakit mahalaga ang pagmumungkahi?
2. Ano ang kaugnayan ng pagmumungkahi sa
suliranin? Pangatuwiranan.
3. Ano kaya ang maimumungkahi mong gawin sa
dalawang kapatid ni Don Juan sa kanilang
masamang pag-uugali.
ISAISIP
Mahalaga ang pagmumungkahi upang
maging mapanuri at makialam sa mga
nangyayari sa ating lugar o maging sa ibang
bansa. Nakatutulong din ito sapagkat
naipahahayag natin ang ating sariling
palagay at ideya hinggil sa mga
napapanahong pangyayari sa lipunan.
Dagdag pa rito, maaaring mailahad ang ating
payo o mungkahi.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit pinag-isipan ng masama ng dalawang
nakatatandang kapatid ni Don Juan na bugbugin
siya?
a. Dahil sa takot kay Don Pedro
b. Dahil sa inggit sa tagumpay ni Don Juan
c. Dahil sa utos ng ibong Adarna
d. Dahil galit sila sa kanilang ama
2. Paano nakabalik sina Don Pedro at Don
Diego sa pagiging tao
a. binuhusan ng tubig
b. sinibak ang dalawang bato
c. hinampas ng sanga ng puno
d. ginapos ng lubid
3. “Ginamot ng ermitanyo ang sugat ni Don
Juan.” Ang pahayag ay may ideyang . . .
a. mapagkumbaba c. matulungin
b. masayahin d. mabait
4. Kung ikaw si Don Diego, ano ang gagawin mo kung mayroong
nagsabi saiyong saktan ang iyong sariling kapatid para sa
pansariling kapakanan?
a. Susunod lamang ako kapag mayroong perang kapalit nito.
b. Hindi ako magdadalawang-isip na sundin ito para sa sariling
kapakanan.
c. Susundin ko ito dahil gusto kong umangat ang aking buhay
upangkaiinggitan ng lahat.
d. Hindi ko ito susundin dahil ang magkapatid ay kinakailangang
magmahalanat magtulungan.
5. Dapat laging manalangin sa Panginoon sa lahat
ng pagkakataon nang sa gayon, mapalapit ang
loob mo sa Kaniya.” Ang pahayag na ito ay…
a. Nag-uutos
b. Nagmumungkahi
c. Naglalahad
d. Nanganatuwiran
Pangkatang Gawain
Isadula “Ang Bunga ng Inggit” at
kuhanan ito ng video at ipasa sa guro.

You might also like