You are on page 1of 21

IKAAPAT NA MARKAHAN

1
MODYUL 6

Mga Pangyayaring may Suliraning Panlipunang Dapat


Mabigyang Solusyon

Layunin
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
mabigyang solusyon. (F7PB-IVc-d-21)
a.1 Natutukoy ang mga pangyayari sa akdang nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
mabigyang solusyon.

Alam mo ba kung ano ang ibig


sabihin ng suliraning
panlipunan?

Ang suliraning panlipunan ay mga problemang nangyayari ngayon sa lipunan o


sa isang bansa. Ito ay mga suliranin o isyung kinakaharap ng mga taong bahagi ng
isang lipunan.
Halimbawa nito ay kahirapan, krimen, pandaraya, diskriminasyon, pagsasamantala,
digmaan, at iba pa.

Ang Bunga ng Inggit


Bahagi ng Ibong Adarna

Nagsilakad na ang tatlo Inaaming may matuwid


katuwaa’y nag-ibayo; kay Don Juan ay mainggit,
ngunit itong si Don Pedro ngunit bakit naman, bakit
may masama palang tungo. aapihin ay kapatid?

Nagpahuli kay Don Jua’t Urong-sulong magsalita


kay Don Diego umagapay, tumutol ay di magawa
ito’y kanyang binulungan sa takot na mapalisya
ng balak na kataksilan. umayon nama’y masama.
“Mabuti pang hindi hamak Kaya’t kanyang pinag-isip
si Don Juan,” kanyang saad kung saang dako papanig;
“at sa ama nating liyag doo’t dito’y naririnig:
ay marangal na haharap. “Tayo ay magkakapatid!”

“Pagkat ipaglihim nama’y


mabubunyag din ang tunay Nakahambing ni Don Diego
ang Adarna’y kay Don Juan, yaong si Bernardo Carpio
ang sa ati’y kabiguan. nagpipilit na matalo
ang nag-uumpugang bato.

2
“Kaya ngayon ang magaling Datapwa nga sa dahilang
si Don Juan ay patayin; ang tao’y may kahinaan,
kung patay na’y iwan natin, ayaw man sa kasamaa’y
ang Adarna nama’y dalhin.” nalihis sa kabutihan.

Si Don Diego ay nasindak Kaya sa kauukilkil


sa mungkahing kahahayag, ni Don Pedro’y sumagot din
matagal ding nag-apuhap na kung ating lilimii’y
ng panagot na marapat. umiiwas sa sagutin.

“Iyang iyong panukala “Sino naman ang pupuwing


tila man din anong sama, ganito man ang sabihin,
alaming ang mawawala sa narito’t dala natin
kapatid nating dakila.” ang katunayang magaling?”

Malabo man yaong sagot Itong huling pangungusap


si Don Pedro ay nalugod ni Don Pedrong mapagsukab
pagkat para nang natalos pikit-mata nang kinagat
kataksila’y masusunod. ni Don Diegong napabulag.

“Kung tunay nga,” kanyang saysay Inumog na si Don Juan


“na masama ang pumatay, na di naman lumalaban
gawin nati’y pagtulungan suntok, tadyak sa katawan
na umugin ang katawan. kung dumapo’y walang patlang.

“Kung siya’y mahina na’t Itong abang inuumog


bali-baling mga paa, ang panlaban ay himutok
walang daang makasama sa tama ng mga dagok,
sa pag-uwi sa Berbanya. dumaraing, napalugmok.

“Maiiwan siya ritong Ano ang kasasapitan


nag-iisa’t lumpong-lumpo; ng isang pinagtulungan
walang kakanin mang ano di ang humantong nga lamang
maliban sa mga damo. sa tiyak na kasawian

“Sa gayon ay maligayang Nang makitang gulapay na’t


dadalhin ta ang Adarna, halos hindi humihinga,
pagharap sa ating ama hawla’t ibon ay kinuha’t
hiya natin ay wala na. nagsiuwi sa Berbanya.

“Taglay ta ang karangalang Sa palasyo nang dumating


magsabi na ng anoman, ang magkapatid na taksil,
sampung mga kahirapan sa ama’y agad nagturing:
sa ginawang paglalakbay. “Ang Adarna’y dala namin!”

Amang malubha ang lagay “Sinasabi ng mediko


nangiti sa napakinggan; na ito raw ibong ito
mga anak ay hinagka’t ay may pitong balahibo
Katawa’y gumaan-gaan. pawang likhang engkantado.

Ngunit nang kanyang mapunang “Kung ito raw ay kumanta,


si Don Jua’y di kasama maysakit ay giginhawa;
nag-usisa sa dalawa bakit ngayon ay para bang
sagot nito’y ewan nila. tinitikis yaring dusa?

“Ano kaya ang dahilan


Naghimutok ang hari ng sa ibong pamamanglaw?
katuwaan ay napawi kung ang ibong ito’y ganyan,
ibigin ma’y di mangiti, lalo ko lang kamatayan.”
ang hininga ay may tali.

3
Ang kangina’y kagaanan
sa laon ng karamdaman, Sa gayong pag-aakala
ngayo’y isang kabigatan si Don Jua’y nagunita,
tila ibig nang mamatay. sa daloy ng kanyang luha
may larawang napabadha.
Bakit ang ibong Adarna
sinasabing anong ganda,
ngayo’y ayaw nang kumanta, Yaong dating panaginip
nanlulugo’t pumapangit pa! na sanhi ng kanyang sakit
ang nakitang nakaguhit
sa larawang pagkalupit.
Hari’y lubhang nananabik
na ang ibon ay umawit; Kaya’t biglang pinag-agaw
sa paghintay, puyat, inip, ang buhay ng haring mahal,
ngunit wala kahit himig. salamat sa karununga’t
Naligtas sa kamatayan.
“Ito baga ang Adarna?”
naitanong sa dalawa; Ibo’y ayaw ring kumanta
“Kung ito nga’y ano baga’t pagkat dinaramdam niyang
pagkapangit pala niya! yaong may-ari sa kanya
sa palasyo ay wala pa.
Malaki ang kanyang nais
na ang kanyang mga awit Uuwi sa kaharian
sakali mang marinig sa pag-ibig sa magulang,
si Don Juan ay kaniig. may araw ring malaman
ang nangyaring kataksilan.
Labis ang kanyang pag-asa
ang prinsipe ay buhay pa,
kung tunay mang nasa dusa
gagaling ding walang sala.
(mula sa Pinagyamang Pluma 7, pp.450-455)

Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang naging plano ni Don Pedro upang madala nila ang ibong Adarna pabalik sa kahariang Berbanya?
a. Pagbantaan si Don Juan upang ibigay ang ibong Adarna sa kaniya.
b. Itali si Don Juan sa puno upang hindi nila makasama sa pag -uwi.
c. Ipakain si Don Juan sa mga mababangis na leon sa gubat.
d. Patayin at iwanan na lamang si Don Juan sa gubat.
2. Ano ang naging bunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro sa kanilang bunsong kapatid na si Don
Juan?
a. Napahamak si Don Juan at kumanta ang ibong Adarna.
b. Nagkasundo ang magkakapatid at gumaling ang kanilang ama.
c. Napahamak si Don Juan kaya hindi kumanta ang mahiwagang ibon.
d. Naging maayos ang relasyon ng magkakapatid na ikinatuwa ng kanilang mga magulang
3. Kung ikaw si Don Diego, ano ang gagawin mo kung mayroong nagsabi sa iyong saktan ang iyong sariling
kapatid para sa pansariling kapakanan?
a. Susunod lamang ako kapag mayroong perang kapalit nito.
b. Hindi ako magdadalawang-isip na sundin ito para sa pansariling kapakanan.
c. Susundin ko ito dahil gusto kung umangat ang aking buhay upang kaiinggitan ng lahat.
d. Hindi ko susundin dahil ang magkapatid ay kinakailangang magmahalan at magtulungan.

Gawain B
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na suliraning panlipunan ay nakita sa akdang binasa. Isulat ang
Oo kung nakita at Hindi naman kung hindi nakita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang pagiging traydor kapag ang kaaway ay nakatalikod at walang kalaban -laban.
2. Ang paggawa nang masama para lang matakpan ang isang kahihiyan.
3. Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa.
4. Ang pagiging sunod-sunuran sa iba kahit alam mong ito’y nakasasama.
5. Ang labis na pagsasamantala ng isang lider sa kaniyang kapangyarihan.

4
Panuto: Suriin ang mga suliraning panlipunan sa mga sumusunod na saknong na dapat mabigyang solusyon.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Saknong I Saknong II Saknong III


“Kaya ngayon ang magaling “Urong-sulong magsalita “Sa gayon ay maligayang
si Don Juan ay patayin; tumutol ay di magawa dadalhin ta ang Adarna,
kung patay na’y iwan natin, sa takot na mapalisya pagharap sa ating ama
ang Adarna nama’y dalhin.” umayon nama’y masama.” hiya natin ay wala na.”

1.Batay sa saknong I, ang inilalahad na suliraning panlipunan ay ang paggamit ng dahas laban sa kapwa.
Ano kaya ang maaaring solusyon sa suliraning ito?
a. Huwag piliting makamit agad ang iyong gusto, may tamang panahon ang lahat kaya manalangin
lamang upang ika’y magabayan.
b. Huwag gumamit ng dahas laban sa kapwa, bagkus maghanap ng ibang paarang malalamangan mo
ang kapwa.
c. Makinig sa payo ng ibang tao at gawing batayan sa paghiganti na hindi gumagamit ng dahas laban sa
kanila.
d. Huwag gumamit ng dahas ngunit ipanalangin na lamang ang ikababagsak ng ibang tao.
2. Masasalamin sa saknong II ang suliraning panlipunang pagkampi sa masama. Paano ito masosolusyunan?
a. Mag-isip ng magandang plano upang hindi malaman ng iba ang kasamaang ginawa.
b. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama.
c. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
d. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag ng makialam pa.
3. Ang crab mentality ay kilalang suliraning panlipunan na kinakaharap ng bansang inilahad sa saknong III.
Ano kaya ang nararapat na solusyon nito?
a. Pagpapakumbaba sa mga taong gusto lamang at iangat ang sarili.
b. Gumawa ng kahit anong paaran upang mangingibabaw ka sa lahat.
c. Bigyang pansin ang sariling kapakanan kaysa sa ikabubuti ng kapwa.
d. Pagpapakumbaba, kahit nasa taas ka na ay nakaapak pa rin ang paa sa lupa upang hindi mamuo ang
inggit.
Saknong II “Taglay ta ang karangalang
“Taglay ta ang karangalang magsabi na ng anoman,
magsabi na ng anoman, sampung mga kahirapan
sampung mga kahirapan Saknong I
sa ginawang paglalakbay.”
sa ginawang paglalakbay.”
4. Batay sa saknong I sa itaas, ang inilahad na suliraning panlipunan ay ang pandaraya. Ano kaya ang
nararapat na solusyon dito?
a. Manalangin na hindi masilaw sa anumang bagay at laging isipin ang magandang maidudulot ng
pagiging makatotoo.
b. Manalangin bago gawin ang isang pandaraya upang hindi maging mabigat ang kasalanang nagawa.
c. Pagsamantalahin ang kapangyarihan at gawin ang nais para sa sarili.
d. Gawing motibasyon ang pera upang maging matagumpay sa buhay.
5.Tumataas ang krimen sa ating bansa, ito’y ipinapakita rin sa saknong II sa itaas.
Paano kaya ito masosolusyunan?
a. Palihim na gagawin ang krimen upang walang makakaalam.
b. Paigtingin nang maayos ang batas upang ang lahat ay sumunod nito.
c. Maayos na disiplina ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng batas.
d. Maghanap ng maraming kakampi upang maging matagumpay sa krimeng gagawin.

Kailangang tandaan at huwag mong kalilimutan ang mga impormasyong nakatala sa loob ng kahon.
Ang suliraning panlipunan ay…
 Mga problemang nangyari ngayon sa lipunan o sa isang bansa.
 Mga suliranin o isyung kinakaharap ng mga taong bahagi ng isang lipunan.
 Ang mga suliraning ito ay dapat mabigyan ng solusyon.
Halimbawa: Diskriminasyon, Krimen, Pagsasamantala, Digmaan, Kahirapan, Pandaraya, Di-
Magandang Pag-uugali at marami pang iba.

5
Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kailangang masuri ang mga suliraning panlipunan bago mabigyan nang nararapat na
solusyon?__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panuto: Magbigay ng nararapat na solusyon sa mga sumusunod na mga pangyayaring nagpapakita ng


suliraning panlipunan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Mga Pangyayaring Nagpapakita ng Suliraning Panlipunan Nararapat na Solusyon
sa Suliranin
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kaniyang sariling kapatid dahil sa
pag-aagawan ng lupaing naiwan ng yumaong mga magulang.
Batay sa nakalap na datos, kasama sa listahan ang Pilipinas sa pinakakurakot na
bansa sa buong mundo. Nagsisimula ang korapsyon sa Pilipinas mula sa
baranggay paakyat sa mga ahensiya ng gobyerno.
Isa sa mga hamon ng bansa ay ang tumataas na bilang ng krimeng nagaganap
ngayon tulad ng pagpatay, pagnanakaw at panggagahasa.
Pinahiya ang katrabaho sa harap nang maraming tao upang maiangat ang sarili na
siya ang nararapat sa isang mataas na posisyon.
Hindi pantay na pagtingin o pagtrato sa isang tao dahil sa kaniyang estado sa
buhay.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang
papel.
1.Tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao na bahagi sa lipunan.
a. diskrimasyon b. pananalampataya c. suliraning panlipunan d. suliraning
pansarili
2. Alin sa mga sumusunod na suliraning panlipunan ang kinakaharap kapag hindi pantay ang pagtrato sa
kapwa
dahil sa kaniyang kulay at lahi?
a. crab mentality b. diskrimasyon c. pagbabalatkayo d. pandaraya
3.Batay sa saknong sa ibaba, ang inilahad na suliraning panlipunan ay pananakit.
Ano ang gagawin mo upang hindi na ito muling gagawin?
“Inumog na si Don Juan a. Maging mapagmatiyag sa kapaligiran upang hindi makitang ibang
na di naman lumalaban tao.
suntok, tadyak sa katawan b. Isumbong sa kinauuukulan upang mabigyan ng leksyon sa buhay.
kung dumapo’y walang patlang” c. Ilihim na lamang ang ginawa upang hindi mapahamak.
d. Tulungang gawing ang isang krimen.

4. Sa akda, makikita natin ang pagsang-ayon ni Don Diego sa balak ni Don Pedro kahit alam niyang masama.
Kung ikaw si Don Diego, ano ang dapat mong gawin?
a. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama para sa isang karangalan.
b. Mag-isip ng plano upang hindi malaman ng iba ang kasamaang ginawa.
c. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
d. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag ng makialam pa.
5.Isa sa mga suliraning panlipunang makikita sa akda ay ang pagbabalatkayo ng magkapatid na Don Diego at
Don Pedro. Ano kaya ang nararapat na solusyon nito?
a. ipagpatuloy ito upang magawa ang binabalak
b. maging totoo at huwag magkunwari
c. gumawa ng panibagong plano
d. tanggapin ang katotohanan

6
MODYUL 7

Paglalahad ng Sariling Saloobin at Damdamin


sa Napanood na Bahagi ng Telenobela o
Serye na may Pagkakahawig sa Akdang Tinalakay

Layunin
mdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
pagkakahawig sa akdang tinalakay. (F7PD-IVc-d-18)

Halina’t iyong tunghayan ang kapana-panabik na pangyayari sa pakikipagsapalaran ni Don Juan at


ang kataksilang kanyang nararanasan.Tingnan natin kung ano kaya ang iyong mararamdaman pagkatapos
mong mapanood ang bahaging ito.

Ang bidyong ito ay maaari mong mapanonood sa link na ito,


https://bit.ly/2BNyBy9 (Ibong Adarna: Ang Pagtataksil).
Kailangan mong panooring mabuti ang bidyong ito sa tulong
at gabay ng iyong mga magulang upang ikaw ay makasasagot sa
susunod na mga gawain. Ang kopya sa bidyong ito ay maaaring
hingin sa iyong guro.

Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag mula sa akdang napanood at ilahad mo ang iyong
sariling saloobin at damdamin hinggil dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Si Don Pedro ang may pakana sa masamang balak laban kay Don Juan. Sa palagay mo, anong klaseng
kapatid si Don Pedro? a. mabait b. taksil c. mapagbigay d. matulungin
2. Kung ikaw si Don Juan, ano ang iyong mararamdaman sa ginawang pagtataksil nina Don Diego at Don
Juan? a. magagalit b. malulungkot c. matutuwa d. maiiyak
3. Pinilit ni Don Pedro si Don Diego na makipagsabwatan sa kanyang masamang balak. Ano ang masasabi
mo sa pag-uugali ni Don Pedro?
a. Siya ay isang mapagmahal na kapatid. c. Siya ay isang matulunging kapatid.
b. Siya ay isang mapagbigay na kapatid. d. Siya ay isang masamang impluwensiya sa mga kapatid.
4. Pinatawad ni Don Juan ang kanyang mga kapatid sa kabila nang ginawang pagtataksil nila sa kaniya.
Ano ang iyong sariling saloobin ukol sa ipinapakitang pag-uugali ni Don Juan?
a. Kailangang magpatawad sa ating kapwa. c. Kailangang iwasan ang nagkasala sa atin.
b. Kailangang gantihan ang may sala sa atin. d. Kailangang pasalamatan ang nagkasala sa atin.
5. Binugbog at iniwan ng magkakapatid na Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa kaparangan at dinala
nila ang Ibong Adarna sa harap ng kanilang amang hari. Ano ang iyong sariling saloobin ukol sa ginawa
ng dalawa laban kay Don Juan?
a. Sila ay masamang kapatid na hindi dapat tularan.
b. Sila ay mapagbigay na kapatid na dapat tularan.
c. Sila ay matulungin na kapatid na dapat tularan.
d. Sila ay nakatatakot na kapatid na hindi dapat tularan.

7
Panoorin at unawaing mabuti ang bidyo sa link na ito, https://www.youtube.com/watch?v=BOZ5dx U5KBg&t=185s
(Daig Kayo ng Lola Ko: Don Juan Captures Ibong Adarna) sa tulong at gabay ng iyong mga magulang. Maaari
mo ring hingin sa iyong guro ang kopya ng bidyong ito.

Gawain
Panuto: Ilahad ang iyong saloobin at damdamin sa bahagi ng teleseryeng ito. Punan lamang ang “Bintana ng
Karunungan” para sa iyong sagot. Ang unang bintana ay pinunan ko na para sa iyo. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang magkakapatid ay 3.
kailangang magtutulungan
at hindi magbabangayan. 4

2. 4.

Laging tandaan, ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw


ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
Sa ganitong paraan ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang ideya o kaisipang makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang
pinag-uusapan. Sa paglalahad ay maaari mong maipalabas ang iyong sariling pananaw, saloobin, damdamin
o paniniwala sa isang bagay.

Upang mas mahasa pa ang iyong kasanayan sa panonood at kakayahan sa pagbibigay ng iyong
sariling saloobin at damdamin ay may panonoorin ka na namang video clip na gagawin mong batayan sa
pagsagot sa gawain.
Panuto: Ilahad ang iyong saloobin at damdamin sa mga sumusunod na pahayag na nakapaloob sa bahagi ng
teleseryeng iyong napanood. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang unang bilang ay ginawa na
para sa iyo Panoorin at unawaing mabuti ang bahagi ng isang teleseryeng “Ina, Kapatid, Anak” sa link na ito,
https://www.youtube.com/watch?v=1EryPywBno4 (Kim at Maja, muling nagkaayos). Ang kopya ng video clip
na ito ay maaaring hingin sa iyong guro.

8
Panuto: Panoorin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na bahagi ng teleseryeng “Kadenang Ginto”..
Pagkatapos, ilahad ang iyong sariling saloobin at damdamin ukol dito. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Hindi matanggap ni Marga na nalalampasan na siya ni Cassie pagdating sa klase. Ano ang iyong sariling
saloobin ukol sa ipinapakitang pag-uugali ni Marga?
a. dapat marunong tayong manghingi
b. dapat marunong tayong mangatwiran
c. dapat marunong tayong tumanggap ng pagkatalo
d. dapat marunong tayong tumanaw ng utang na loob
2. Naging sunod-sunoran ang mga kaibigan ni Marga sa kanya na kahit masama na ang ipinapagawa nito sa
kanila ay pumayag pa rin sila. Ano ang iyong sariling saloobin at damdamin dito?
a. dapat mayroon tayong sariling paninindigan
b. dapat hindi tayo padadala sa masamang utos
c. dapat hindi tayo maging sunod-sunoran lamang
d. lahat na nabanggit
3. Nang tinawag na ang pangalan ni Marga para umakyat sa entablado ay hindi kaagad siya tumayo. Sa iyong
palagay, ano ang dahilan nito?
a. Sinisi pa niya ang kaniyang mga kaibigan.
b. Natuwa siya sa kaniyang natanggap na parangal.
c. Wala siyang pakialam na tinawag na ang kaniyang pangalan.
d. Hindi niya matanggap na nasa ikalawang puwesto lamang siya.
4. Nangunguna sa klase si Cassie nang walang inaagrabyadong tao. Ano ang iyong sariling saloobin at
damdamin ukol dito?
a. Iasa mo lamang sa ibang tao ang iyong tagumpay.
b. Masarap lasapin ang tagumpay kapag wala kang inaapakang iba.
c. Ayos lang na gumawa nang masama basta sa ikatatagumpay natin.
d. Ang tagumpay ay maaring mong makamit kahit wala kang ginagawa.
5. Ang pag-uugali ng anak ay nakadepende sa pagpapalaki sa mga magulang. Ano ang masasabi mo tungkol
dito?
a. Iba-iba ang mga pag-uugali ng mga anak.
b. Walang kinalaman ang mga magulang sa pag-uugali ng mga anak.
c. Ang ugali ng magulang ay walang kaugnayan sa ugali ng mga anak.
d. Malaki ang ginagampanan ng mga magulang sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

9
MODYUL 8

Pag-ugnay sa Sariling Karanasan Batay sa Karanasang


Nabanggit sa Akda

Layunin
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasang akda. (F7PB-IVc-d-22)
a.1 Nababasa nang may pag-unawa ang nilalaman ng akda.

Pamilyar ba sa iyo ang salitang karanasan?


Ang karanasan na mula sa salitang-ugat na danas ay tumutukoy sa aktuwal na pagkakasangkot ng
isang tao sa isang pangyayari. Ito’y maiuugnay din sa kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan
ng paggawa ng isang bagay o maaari ring sa pamamagitan ng panonood ng ibang taong gumagawa ng isang
bagay o gawain.

Kapag tayo ay nakikipag-usap sa mga kaibigan natin, naririnig natin ang mga karanasang kanilang
pinagdadaanan sa pamamagitan ng kuwentuhan. Ang karanasang iyon ay karanasan ng taong kausap mo,
hindi sa’yo. Kailan natin masasabi na ang karanasang pinag-uusapan ay sarili mong karanasan?
Sariling karanasan kapag ikaw na mismo ang dumaranas sa bagay na tinutukoy o kaya’y
pinagdaanan mo na talaga ito.

Ang karanasan ay karaniwang hinahati sa apat na uri:


Uri Kahulugan at Halimbawa
Pangkatawan Ito ay tumutukoy sa pisikal na gawain katulad ng pagtatanim, pagluluto, pagbibisikleta, pag-
eehersisyo, at iba pa.
Pang-isip Ito ay isang pangkaisipang gawain katulad ng paglalaro ng damath, crossword puzzle, pag-
aaral sa aralin, at iba pa.
Pampuso Ito ay tumutukoy sa natututunan mula sa pagharap sa mga sitwasyong may kaugnayan sa
nararamdaman kagaya ng pag-ibig, pagkagalit, pagkatuwa, pagkamangha, at iba pa.
Pangkaluluwa Ito ay pagkatutong pang-espiritwal kagaya ng pagdarasal.

Unibersal ang pagmamahal, kaya lahat ng tao anomang edad, kasarian, at estado sa buhay ay
nakadarama ng pagmamahal. Marami kasing uri ng pagmamahal: pagmamahal sa magulang, kapatid,
kaibigan, pagmamahal sa kalikasan, pagmamahal sa Panginoon, pagmamahal sa taong tinitibok ng ating
puso at iba pa.

Ipikit mo ang iyong mga mata at muling gunitain ang mga matatamis na karanasang kasama mo siya.
Ano ba ang iyong naramdaman? Ano ang iyong naisip tungkol sa kaniya?

10
Gawain A
Panuto: Sa iyong notbuk o sagutang papel, kopyahin ang mga hugis sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa loob nito batay sa katanungang makikita sa ibaba ng mga hugis.

1. Ano ang iyong nadama? Masaya, malungkot, kinikilig? Bakit?


2. Ano ang iyong naisip tungkol sa mga naging karanasan mo kasama ang taong ito, mabuti ba o masama?
Bakit?

Gawain B
Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng piling saknong mula sa koridong “Ibong Adarna: Ang
Mahiwagang Balon.” Napatungkol ito sa pagiging mausisa ng isang tao tungkol sa kaniyang namamasid sa
paligid.
Bato’y lubhang nakaakit Kaya mahirap sabihing
sa kanilang pagmamasid balo’y walang nag-aangkin;
malalim ay walang tubig ngunit saan man tumingin Talasalitaan:
sa ibabaw ay may lubid. walang bahay na mapansin.
 pagmamasid –
Ang lalo pang pinagtakha’y Si Don Juan ay nagwika: pagmamatyag
ang nakitang kalinisan, “Balong ito’y may hiwaga,  sukal – kalat
walang damo’t mga sukal ang mabuting gawin kaya’y  nilalik – hinulma
gayong ligid ng halaman. lusungi’t nang maunawa.”  nag-aangkin –
nagmamay-ari
 hiwaga – kababalaghan
Ang bunganga ay makinis
batong marmol na nilalik
mga lumot sa paligid
mga gintong nakaukit.

Panuto: Gunitain o isiping muli ang iyong karanasan tungkol sa pagiging mausisa at iugnay ito sa sariling
karanasan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk. Gawing batayan ang rubrik sa
pagbibigay ng puntos na makikita sa susunod na pahina.

11
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
Pamantayan 5 4 3 2
1.Wasto ang pag-uugnay ng sariling karanasan batay sa binasa na binubuo ng isang talata.
2.Angkop ang ginamit na mga salita sa pag-uugnay ng karanasan.
3.Maayos at malinis ang sulat-kamay.
Pamantayan: 5 – Napakahusay; 4 – Mahusay; 3 – Medyo Mahusay;
2 – Nangailangan pa ng Pagpapaunlad

Isa sa pinakamasarap na emosyong maaaring madama ng isang tao ang pagmamahal ngunit ito rin ay
maaaring magdulot ng kapighatian kapag ang pagmamahal ay napalitan ng kataksilan, lalo na kung ang mga
taong gumawa nito sa iyo ay malalapit sa iyong puso o mga taong sadyang pinagkakatiwalaan mo at
napakahalaga sa iyo.

Gawain
Basahin at unawaing mabuti ang buod ng “Ibong Adarna: Ang Muling Pagkapahamak ni Don Juan at
ang Pagkatok ng Pag-ibig sa Kanyang Puso.”
Sa buod na ito, malalaman mo kung paano muling pagtataksilan nina Don Pedro at Don Diego ang
kanilang kapatid na si Don Juan. Malalaman mo rin ang magiging kaugnayan ng dalawang dalagang sina
Donya Juana at Donya Leonora sa puso ni Don Juan. Ano nga ba ang sakripisyong kayang gawin ng isang
pusong nagmamahal? Basahin mo nang iyong malaman.

Muling napagkasunduan nina Don Pedro at Don Diego na linlangin si Don Juan. Pinakawalan ng dalawa ang
Ibong Adarna habang natutulog si Don Juan na siyang nakatalagang tagabantay ng Ibong Adarna. Upang
maiwasan ang pagtatanong ng hari at matuklasan ang kasalanang ginawa ng kanyang dalawang kapatid ay
nilisan ni Don Juan ang palasyo at nagtungo sa bundok Armenya.
Hinanap at natagpuan ng dalawang prinsipe ang bunsong kapatid sa bundok Armenya at napagkasunduang
doon na sila manirahan. Naisipan ng tatlong prinsipeng mamasyal sa kabundukan at doon ay natagpuan nila
ang isang mahiwagang balon. Tanging si Don Juan ang nagtagumpay sa paglusong sa mahiwagang balon
dahil sa taglay na tibay ng loob at pananalig sa Diyos.
Natagpuan niya sa ilalim ng balon ang isang palasyo. Doon ay nanirahan ang isang dalagang nagngangalang
Donya Juana na agad na bumihag sa puso ng binata. Iniligtas ng prinsipe ang dalaga sa kamay ng higanteng
nagbabantay rito. Bago umalis sa ilalim ng balon, ipinakiusap ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang
nakababatang kapatid na si Donya Leonora na bihag naman ng isang Serpyenteng may pitong ulo.
Muling nabighani at napaibig si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora. Habang nag-uusap ang dalawa
ay dumating ang Serpyente at dito nagsimula ang paglalaban ng dalawa. Nagkaroon ng madugong labanan at
sa tulong ni Donya Leonora at sa matibay na pananalig sa Diyos, natalo ni Don Juan ang Serpyente at
napalaya mula rito si Donya Leonora.

Panuto: Bawat talata sa buod na binasa ay may pinakadiwa o pinakapaksa. Mamili ng isa sa mga talata na
makikita sa kahon na nasa ibaba. Iugnay ang iyong sariling karanasan batay sa paksang napili. Gawing
batayan ang rubrik na nasa pahina 9. Isulat ang sagot sa papel o notbuk.

Talata 1: Pagtataksil
Talata 2: Tibay ng Loob at Pananalig sa Diyos
Talata 3: Pagtulong sa Nangangailangan at Pagtibok ng Puso sa Unang Pagkakataon
Talata 4: Pagtulong sa Nangangailangan, Matibay na Pananalig sa Diyos, at Pagtibok ng Puso sa Ikalawang
Pagkakataon
Halimbawang Kasagutan:
Talata 2: Tibay ng Loob at Pananalig sa Diyos
Ang napili kong pinakapaksa na maiuugnay ko sa sariling karanasan ay ang “Talata 2: Tibay ng Loob at
Pananalig sa Diyos,” dahil marami akong hinarap na pagsubok sa buhay na kung saan hindi ako
sumuko.Hindi ko masosolusyon ang mga suliraning iyon kung wala ang tulong ng Panginoon. Siya ang aking
sandigan sa lahat ng pagkakataon, kagaya ng ginawa ni Don Juan sa binasang akda.

12
Anumang karanasan ang dumating sa buhay, gawin itong gabay upang magtagumpay. Matamis man
o mapait, pakatandaan mong lahat ng mga pangyayari o nararanasan sa buhay ay may maraming
dahilan. Kadalasan, kapag mapait na ang nararanasan, ang dami-daming katanungan. “Bakit
nangyayari sa akin ito? Bakit ako pa sa lahat ng tao ang nakaranas ng ganito?” Kaibigan! Iyong
tandaan, lahat ng pinagdadaanan ay may dahilan.

Maaaring sa ngayon hindi mo pa ito lubos na nauunawaan subalit darating ang takdang panahon, mapaglilimi
mo rin ang tunay na dahilan. Manalig ka lang. Kaya huwag matakot balikan ang mapapait na karanasan
sapagkat ito ay bahagi ng ating buhay at huwag kalimutang itatak sa iyong puso’t isipan ang mga karanasang
nagdulot sa iyo ng kasiyahang masarap balik-balikan.

Sa bahaging ito, babasahin mo ang mga sawikaing malugod na inihanda sa iyo. Nawa’y magustuhan mo.

1. Nasa Diyos ang awa, 5. Ang taong matiisin,


nasa tao ang gawa. nakakamit ang mithiin.

2. Ang tunay na kaibigan, 6. Sa pagsisikap ay nakasalalay,


sa gipit nasusubukan. ang pagtatagumpay ng buhay.

3. Daig ng maagap, 7. Kaibigan sa harapan,


ang taong masipag. kaaway sa tallikuran.

4. Minsan kang pinagkatiwalaan, 8. Ang masama sa iyo,


huwag mong pababayaan. huwag gawin sa kapwa mo.

Panuto: Mamili ng dalawang sawikaing angkop sa iyong karanasan bilang isang estudyante at iugnay ito.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

1.Gusto mong ibahagi ang iyong natatanging kuwento sa bansang Pilipinas. Anong paraan kaya ang maaari
mong gawin upang mapanood ito?
a. Ibabahagi sa facebook ang lahat ng larawan.
b. Ibabahagi ko ang aking kuwento sa kaibigan.
c. Ibabahagi ko kay Mel Tiangco ang aking kuwento.
d. Ibabahagi ko ang aking kuwento sa aking kapamilya.
2. Umagos ang mga butil ng luha sa pisngi ni Jodie dahil sa dinanas niyang kabiguan. Batay sa pahayag, sa
anong kuwento ng buhay ito maiuugnay?
a.masaya b. malungkot c. katawa-tawa d. kamangha-mangha
3. Ano kaya ang silbi ng iyong mga karanasan sa buhay?
a. Ito ay nagsisilbing gabay sa iyong paglalakbay sa mundong makulay.
b. Ito ay nagsisilbing biyaya upang maranasan mo ang kalungkutan.
c. Ito ay nagsisilbing dahilan upang tayo ay manalangin.
d. Ito ay nagsisilbing alaala upang gunitain.
13
4. Pinabasa ka ng iyong guro ng iba’t ibang kuwentong tagos sa puso at pinaugnay niya sa sarili mong
karanasan. Ano kaya ang motibo ng guro?
a.Gusto niyang matuto kang magbasa.
b. Gusto niyang matutunan mo ang aral na hatid ng kuwento.
c. Gusto niyang malaman mo ang mga kuwentong tagos sa puso.
d. Gusto niyang malinang ang iyong kakayahan sa pag-ugnay ng iyong sariling karanasan.
5. Ang nakararanas ng lihim na kalungkutan ang siyang nakakikilala ng lihim na kaligayahan. Ano ang nais
ipabatid ng pahayag?
a. Ang taong nakaranas ng kalungkutan ang tanging may karapatan na makaranas ng kaligayahan.
b. Kung hindi mo nararanasan ang kalungkutan hindi ka magiging masaya habambuhay.
c. Tumutukoy ito sa lihim na kalungkutan at kaligayahang nadarama ng isang tao.
d. Kailangan mong maging masaya sa kabila ng naranasang problema.

MODYUL 9

Pagsusuri sa Damdamin ng mga Tauhan sa Napanood na


Dulang Pantelebisyon o Pampelikula

Layunin
Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang
pantelebisyon/pampelikula. (F7PD-IVc-d-19)
a.1 Naipapaliwanag ang iba’t ibang damdaming namamayani sa isang tao.
a.2 Natutukoy ang damdaming namamayani sa tauhan ng pinanood na dulang pantelebisyon.

14
Ang unang bidyo ay nagpapakita kung saang kaharian
at sino ang mga tauhan sa koridong “Ibong Adarna”.

Matutunghayan sa ikalawang bidyo ang


paglalakbay ng unang prinsipe at ang damdaming
ipapakita sa mga hamong kaniyang haharapin.

Nakapaloob sa ikaapat na bidyo ang paglalakbay ng


pangatlong prinsipe at ang mga damdaming ipapakita sa
mga hamong kaniyang haharapin.

Makikita sa ikalimang bidyo ang pagtatagumpay ni


Prinsipe Juan sa pagdakip sa mahiwang ibong Adarna.

Gawain. Hanapin Mo, Damdamin Ko!


Panuto: Matapos mapanood ang unang bidyo, suriin at tukuyin ang mga pangyayari kung saan
nagpapakita ng lungkot o saya ang tauhan batay sa dalawang emotics na makikita sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain. Alamin Mo Pa!


Panuto: Hanapin at piliin ang angkop na damdamin ng tauhang nasa loob ng kahon ayon sa napanood na
dulang pantelebisyon. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.

15
HUGOT LINE
Kung ang pagiging masaya pala ang hanap mo,
Subukan mong makontento para matamo mo ito.

Sagot Ko

______________________________________________________________

Gawain. Kilos Ko, Damdamin Ko!


Panuto: Ang mga sumusunod ay pawang mga karaniwang kilos ng isang batang katulad mo. Ibigay ang
katumbas na damdaming ipinapakita ng bawat kilos sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Inutusan ka ng iyong ina na magsaing. Sumunod ka sa utos ngunit padabog mo itong ginawa.
2. May dala kang pagkain at itinago mo ito nang dumating ang iyong kapatid.
3. Nanalo ka sa laro kaya tumalon ka sa tuwa.
4. Umirap ang iyong mata nang dumaan ang iyong kaibigan.
5. Nakasimangot ang iyong mukha dahil hindi pa dumating ang iyong ina.

Panuto: Ibigay ang damdaming ipinapakita ng tauhan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Umalis si Prinsipe Diego nang may takot sa sarili.


2. Natakot si Prinsipe Pedro sa babaeng may ketong.
3. Tumakbo si Prinsipe Diego nang makita niya ang matandang babae.
4. Binigyan ni Prinsipe Juan ang matanda ng pagkain.
5. Magalang na kinausap ni Prinsipe Juan ang babae.
6. Pinagtawanan ni Prinsipe Diego ang matandang babae.
7. Kinuha ng dalawang prinsipe ang ibong Adarna kay Prinsipe Juan.
8. Kumanta ang ibong Adarna at gumaling ang hari.
9. Nahuli ni Prinsipe Juan ang ibong Adarna at ito’y kaniyang iningatan.
10. Nainggit ang mga kapatid ni Prinsipe Juan dahil siya ang nakahuli sa Adarna.

16
MODYUL 10

Paggamit ng Dating Kaalam an at Karanasan sa Pag-unawa at


Pagpapakahulugan sa mga Kaisipan sa Akda

Layunin
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa
akda. (F7PS-IVc-d-21)
a.1 Natutukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa akda.
a.2 Naiuugnay ang mga kaisipan sa akdang binasa sa mga pansariling karanasan; aktwal na naranasan,
nasaksihan, napakinggan o nabasa.

Ang kaisipan ay tumutukoy sa nais ibahagi ng isang indibidwal o grupo sa maaaring gustong ipahayag
kung ano ang naunawaan tungkol sa isang paksa.
Tumutukoy rin ito sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Ito ay pinakamahalagang
ideya ng teksto. Isinasaad nito ang sentrong kaisipan o kung tungkol saan ang teksto sa pangkalahatan.
Ang Panaghoy ni Donya Leonora
(bahagi ng “Ibong Adarna”)
Samantalang si Don Jua’y “Ano’t iyong natitiis
ako sa ganitong sakit,
patungo sa Reynong Cristal, di ba’t ikaw ang aking ibig
si Leonorang matimtiman
ang aliw ko kung may hapis?
araw-gabi’y nalulumbay.
“Di ba tunay, aking giliw
Araw-gabi’y tumatangis pangako mong walang maliw
sa kinalalagyang silid, ako’y iyong mamahalin,
walang laging nasasambit ano ngayo’t di mo tupdin?
Kundi si Don Juang ibig.
”Pitong taong pag-iisa
“O, kasi ng aking buhay hiningi sa iyong ama
lunas nitong dusa’t lumbay upang kung dumating ka
ano’t di ka dumaratal mabihis mo yaring dusa.
ikaw kaya’y napasaan?
“Pagkat di ko matanggap
“Hindi ka na nabalisa, makasal sa hindi liyag,
gayong ako’y nasa dusa, buhay ko man ay mautas
walang gabi at umagang pagsinta ko’y iyong hawak.
di ikaw ang aking pita?

“Kung narito ka, Don Juan, “Kaya lamang di mapatay


makikita yaring lagay, yaring mahina kong buhay
ang dibdib mo kahit bakal ay pananggol kong matibay
ang pagsinta mong dalisay.
madudurog din sa lumbay.

“Pag-asa ko, aking giliw,


“Bakit nga ba hindi, irog,
buhay ka at darating din,
lalo pa kung matatalos, darating ka’t hahanguin

ang hinagpis at himutok si Leonora sa hilahil.


kayakap ko sa pagtulog?
17
“Ayaw kong bigyang-laya “Pagkat kung di ka binuhay
munting ako’y mapayapa, ng lobo kong pinawalan,
panabay nang naro’ng iwa kaluluwa mo man lamang
sa dibdib ko, puso’t diwa.
sana sa aki’y dumalaw.”

“Iwang pagkaantak-antak
may mabagsik na kamandag Panaghoy ni Leonora
kamandag na umuutas pa’nong maririnig baga,
sa buhay kong kulang-palad. si Don Jua’y malayo na,
di na siya alaala.

Kaisipan sa Akda:
Kaakibat ng pagmamahal ay kalungkutan, lalong-lalo na kapag naiwang nag-iisa. Walang
ibang naramdaman kundi pawang pangungulila sa taong minamahal.

Kaisipang Maiuugnay sa Karanasan ng Mambabasa:


Marami sa mga kabataan ngayon, ang naiwan sa mga lolo’t lola o mga kamag-anak sa
kadahilanang ang mga magulang ay nagtatrabaho sa labas ng bansa o sa malayong lugar. Kaya
naiwan din ang mga anak na punong-puno ng pighati’t pangungulila na walang ibang iniisip at
pinapangarap kundi makapiling ang minamahal na mga magulang.

Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga saknong na nakakahon sa ibaba. Tukuyin ang
kaisipang nakapaloob dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong kaisipan ang inilalahad sa


saknong?

a. Ang pag-alis ng isang tao ay karaniwan lang.


b. Ang pag-alis ng isang taong mahalaga ay kailangang gawin.
c. Ang pag-alis ng isang taong mahalaga sa buhay, nakapagdulot ng kalungkutan.
d. Ang pag-alis ng isang taong mahalaga sa buhay, habang ang naiwan ay nalulungkot.

2. Anong kaisipan ang inilalahad sa saknong sa itaas?


a. Walang ibang iniisip kundi ang minamahal.
b. Walang ibang ginawa kundi ang pag-iyak nang pag-iyak.
c. Walang ibang bukambibig kundi ang minamahal na laging iniiyakan.
d. Walang sandaling hindi naaalala ang minamahal sa buhay habang siya ay nandoon sa
malayo.
18
3. Anong kaisipan ang inilalahad sa saknong sa itaas?
a. Ang paghihintay sa taong minamahal ay karapat-dapat.
b. Ang paghihintay ng pitong taon ay masyadong matagal.
c. Ang paghihintay sa pagbabalik ng taong minamahal ay hiniling sa ama.
d. Ang paghihintay sa pagbabalik ng taong minamahal ay ginagawa kahit walang
katiyakan.

Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang kaisipan sa akda na nasa unang hanay at iugnay ito sa sariling karanasan
na nasa pangalawang hanay. Isulat sa sagutang papel. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Kaisipan sa Akda Maiugnay na Karanasan (Nasaksihan o Napakinggan)


Pangungulila ng tao sa kaniyang mahal sa Labis ang kalungkutang nadama ko nang umalis ang aking
buhay. ama patungong Saudi.
Hindi tama ang kasakiman ng tao sa 1. _______________________________
kapangyarihan na kahit kadugo ay kaya niyang _______________________________
hamakin. _______________________________
Pagmamahal sa magulang at mga kapatid. 2. _______________________________
_______________________________
_______________________________
Pagkawala ng tiwala sa sarili na naging resulta 3. _______________________________
sa pagkainggit sa tagumpay ng kapwa tao. _______________________________
_______________________________

Ang paggamit sa dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa


kaisipan ay mahalaga upang matamo ang epektibong kumprehensiyon at maitanim sa isipan ng
mambabasa ang tunay na mensahe ng akda at ito rin ang magiging tulay na mag-uugnay sa dating
kaalaman tungo sa bagong kaalaman.

Gawain
Panuto: Gamit ang dating kaalaman at karanasan sa pagpapakahulugan ng akda, iugnay ang
kahulugan o katotohanan ng kaisipan sa iyong buhay o sa lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel o notbuk.

19
Panuto: Suriin ang mga nakatalang pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang kaisipang nakita sa akda at ekis (X)
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. pagiging mapanghusga sa kapwa
2. pagtupad sa pangako
3. pagiging malungkutin kapag iniwanan ka
4. pagiging masaya para sa minamahal kahit iniwan ka na
5. pagiging makasarili
6. paghahanap ng magagandang babae upang maging asawa
7. pagkamatapang at pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok
8. pagkabulag sa pag-ibig
9. pagiging suwail sa magulang
10. pagiging mapagmahal sa kapwa
20
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
IKAAPAT NA MARKAHAN
SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 7

Pangalan: ________________________ Seksyon: __________ Petsa: _________ Marka: _________


Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang bawat modyul bago sagutin ang mga katanungan.

A. GAWAING PAMPAGKATUTO TAYAHIN: Basahin at unawain ang bawat pahayag at


MODYUL 6 isulat ang titik ng tamang sagot.

1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____


PAGYAMANIN: Suriin ang mga suliraning
panlipunan sa mga saknong na dapat mabigyang MODYUL 9
solusyon at isulat ang titik ng tamang sagot
1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____ ISAISIP: Ipaliwanag ang kaisipang nais ipahatid ng
HUGOT LINE.
TAYAHIN: Basahin at unawaing mabuti ang mga Kung ang pagiging masaya pala ang hanap mo
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Subukan mong makontento para matamo ito
1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____
Sagot Ko
MODYUL 7

SURIIN: Basahin at unawaing mabuti ang mga


pahayag mula sa akdang napanood at ilahad mo ang
iyong sariling saloobin at damdamin hinggil dito.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____ TAYAHIN: Ibigay ang damdaming ipinapakita ng
TAYAHIN: Panoorin at unawaing mabuti ang mga tauhan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
sumusunod na bahagi ng teleseryeng “Kadenang titik ng tamang sagot.
Ginto” at ilahad ang iyong sariling saloobin at 1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____
damdamin ukol dito. Isulat ang titik ng tamang
sagot. 6. ____ 7. ____ 8. ____ 9. ____ 10. ___
1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____
MODYUL 10
MODYUL 8 SURIIN: Basahin at unawain ang mga sumusunod
na mga saknong sa kahon.Tukuyin ang kaisipang
ISAGAWA: Mamili ng isang sawikain at iugnay ito sa nakapaloob dito. Isulat ang titik ng tamang sagot.
iyong sariling karanasan.(5 puntos)
1. ____ 2.____ 3.____
_
________________________________________ TAYAHIN: Suriin ang mga nakatalang pahayag.
________________________________________ Lagyan ng tsek(√) ang kaisipang nakita sa akda at
________________________________________ ekis(x) naman kung hindi.

SAGOT 1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____


________________________________________
________________________________________ 6. ____ 7. ____ 8. ___ 9. ___ 10. ___
________________________________________

21

You might also like