You are on page 1of 3

(Kabanata 9) KATUPARAN NG TAIMTIM NA DALANGIN Talasalitaan:

1. 2. 3. 4. 5.

kapuspalad-mahirap lunong-luno-malungkot na malungkot nanambitam-nakiusap palamara- taksil nalinsad-nabakli (fracture)

Gumagapang sa hirap si Don Juan dahil sa sugat na nakuha sa pambubugbog. Tumawag sa Diyos at humingi ng tulong. Tinawagan din niya ang Inang Birhen. Sinabi niya sa Birhen na huwag kalilimutang iligtas sa panganib ang kanyang ama. Di na baling siyay maghirap huwag lamang ang kanyang ama. Di siya nagtanim ng galit sa kanyang 2 kapatid na nambugbog sa kanya. Inihihingi niya ng patawad sa Diyos ang kamalian ng kanyang mga kapatid. Naisip din ni Don Juan sa kayang kalungkutan at sakit ang kanyang minamahal na ina. Napapaluha siya dahil sa hirap na naranasan. Sa gilid ng bundok ay biglang may lumitaw na matanda. Nilapita siya nito at inihiga ng mahusay. Ang kanyang katawan ay ginamot nito. Sinabi sa kanya ng matanda na pagtiisan ang hirap dahil may makakamit ding ginhawa sa hinaharap. Kaagad na nagbalik ang lakas ni Don Juan. Nawala ang sugat at naayos ang butong nalinsad. Niyakap siya ng matanda at pinasalamatan siya ni Don Juan. Pinauuwi na siya ng matanda sa Berbanya para raw makita ang ama. Nagkamay sila bago tuluyang maghiwalay. I.
1. 2.

Sagutin ang mga sumusunod: Ano ang buting naidudulot ng pagtawag sa Diyos? Bakit kaya ipinagdasal pa ni Don Juan ang kanyang mga kapatid sa halip na isumpa ito? Ano ang ginawa ng matanda kay Don Juan? Bakit kaya may mga panalanging madaling tuparin at mayron din namang matagal bago ipagkaloob? IBONG ADARNA (Kabanata 5-8)

3. 4.

I.
_____ _____ _____ _____

Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.


1 2 3 4 Ano ang natagpuan ni Don Juan sa kanyang paglalakbay? a. matandang sugatan b. pusang sugatan c. asong sugatan d. multo Sino ang binigyan ni Don Juan ng tinapay? a. leproso b. kuneho c. katulong d. aso Ano ang ibunuhos sa 2 bato para ito maging taong muli? a. dugo b. mantika c. tubig d. pabango Saan natagpuan ni Don Juan ang ermitanyo?

_____ _____ _____ _____ _____ _____

5 6 7 8 9 10

a. bundok b. lambak c. dampa d. kulungan Ilang dayap ang ipinagkaloob kay Don Juan ng ermitanyo? a. 7 b. 8 c. 3 d. 3 Saan ipinasok ang adarna makaraang mahuli ito? a. supot b. hawla c. kahon d. bayong Sino ang kahawig ng ermitanyo? a. Moises b. Abraham c. Hesukristo d. San Jose Sino ang gumamot sa sugatang si Don Juan? a. Maria Blanca b. Lobo c. kalapati d. ermitanyo Ilan ang natira kay Don Juan na tinapay? a. 1 b. 2 c. 0 d. 3 Ano ang ibinigay na pantali ng ermitanyo kay Don Juan? a. lubid b. kuwitis c. sintas d. laso

II.

Saguti ang mga sumusunod:

1. Bakit inihingi ng patawad ni Don Juan ang mga kapatid na gumawa ng masama laban sa kanya? 2. Ano ang ginawa ni Don Juan nang siya ay halos wala ng malay na sugatan sa kagubatan?
Tags: ibong adarna, summary, talasalitaan, reviewer, aralin1, arali2, aralin3, aralin4, aralin5,aralin6, aralin7, aralin8, aralin9, filipino Prev: Literature Vocabulary Words Next: HE QE reviewer :P

IBONG ADARNA (Kabanata 6) PAG-AANI SA ITINANIM Talasalitaan:


1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

namamanglaw-nalulungkot lumpo- paralitiko nakaratay- nakahiga dahil sa sakit leproso-taong may sakit sa balat na nakakahawa dampa-bahay labaha-kutsilyo dayap-parang kalamansing bunga

Nakita ni Don Juan ang leproso na nanghihina. Humihingi it okay Don Juan ng pagkain. Ibinigay ni Don Juan ang nag-iisang tinapay na baon sa matanda. Tuwang-tuwa ang leproso kay Don Juan. Tinanong siya nito kung ano ang sadya niya sa kabundukan. Sinabi ni Don Juan na hinahanap niya ang ibon na makapagbibigay lunas sa karamdaman ng kanyang amang hari. Bukod dito, sinabi rin niyang hinahanap din niya ang 2 niyang kapatid na prinsipe na may 3 taon nang di bumabalik sa kanilang kaharian. Sinabi ng matanda kay Don Juan na mag-ingat ito para di matulad sa kanyang mga kapatid na naging bato. Itinuro ng leproso kay Don Juan ang isang dampa sa ibaba ng bundok na tinitirhan ng isang ermitanyong magtuturo sa kanya ng kinaroroonan ng ibon. Bago umalis ay ibinabalik ng matanda ang tinapay na ibinigay sa kanya ni Don Juan. Subalit tumanggi ito na kuning muli ang ibinigay na tinapay. Narating ni Don Juan ang tahanan ng ibon pero naisip niya bigla na dapat niyang makipagkita muna sa ermitanyo na sinabi ng matandang leproso Nang magkita sila ng ermitanyo ay sinabi nito kay Don Juan ang mga dapat niyang gawin sa paghuli sa Adarna.

Nagsalo sila sa pagkain. Nagtaka si Don Juan dahil nakita niya ang tinapay na ibinigay niya sa matandang leproso. Kaya, naisip ni Don Juan na ang matandang leproso at ermitanyo ay iisa. Inilahad ni Don Juan sa ermitanyo ang kanyang mga hirap na naranasan sa paghanap sa ibon dahil lamang sa pagmamahal niya sa kanilang amang hari. Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan ang mga impormasyon sa ibong Adarna. Dumarating ito kung hatinggabi sa Piedras Platas sa Tabor na kabundukan. Pitong awit ang kanyang inaawit at pitong beses na nagbibihis ng balahibo. Binigyan siya ng isang labaha at pitong dayap na hinog. Binigyan din siya ng sintas nag into at hawla sa paghuli sa ibon. Sa tuwing aawit ang ibon ay kailangang hiwain niya ang kanyang palad at patakan ng dayap para matagalan ang awit ng ibon at nang hindi sila makatulog. Ito ay para maiwasan ang pagtulog at mapatakan ng dumi ng ibon. Dumudumi ang ibon matapos umawit.

You might also like