You are on page 1of 2

PANGALAN: _______________________________BAITANG AT SEKSYON: ________________

PANUTO: Basahin at sagutin ng maayos ang mga katanungan.

I. Paglalakbay ni Don Juan at Sa Dulo ng Paghihirap


1. Ano ang dahilan ng pagtungo ni Don Juan sa Reyno Delos Cristales? Naging madali ba ang kanyang ginawang
paglalakbay patungo rito?Bakit?

2. Bakit sinasabing may ginintuang puso ang matanda sa akda? Mayroon pa bang mga taong katulad niya sa
kasalukuyan?Patunayan.

3. Ano ang nangyari matapos maubos ni Don Juan ang tubig na bigay ng matanda? Naniniwala ka ba sa milagro o
himala? Magbigay ng patunay.

4. Ano-ano ang mga naranasan ni Don Juan sa kanyang ginawang paghahanap sa Reyno Delos Cristales?Naging
madali ba para sa kanya ang kanyang ginawang paglalakbay? Bakit?

5. Ano ang sinisimbolo ng kapirasong tela o barong ibinigay ng ermitanyo kay Don Juan?Bakit kaya mahalaga ito sa
mga ermitanyo?

6. Sa iyong palagay ano kaya ang nangyari kay Don Juan kung hindi siya tinulungan ng dalawang ermitanyo?Bakit?

II. Si Don Juan sa Reyno delos Cristales


1.Ano ang naramdaman ni Don Juan nang Makita niya si Donya Maria?

2.Makatwiran ba ang ginawang pagtatago ni Don Juan sa damit ng prinsesa?Bakit?

3.Kung ikaw si Donya Maria, patatawarin mo rin ba agad si Don Juan sa kanyang naging kasalanan?Bakit?

4.Bakit mahalagang humingi agad ng tawad sa mga kamalian o kasalanang nagawa?

5.Anong gintong aral ang iyong natutunan mula sa akda?Paano mo ito isasabuhay?

III. Pagsubok ni Haring Salermo at Pagpapatuloy ng mga Pagsubok


1.Ano-ano ang sianbi ni Maria Blanca kay Don Juan? Bakit ayaw ng prinsesang mapabilang ang prinsipe sa mga
lalaking humanga sa kanya na napahamak dahil sa kalupitan ni Haring Salermo?

2.Kapanipaniwala ba ang hiling ng harI?Bakit oo o bakit hindi?

3.Sa iyong palagay , tama bang ipaalam ni Donya Maria kay Don Juan ang sikreto ng kanyang ama?Bakit?

4.Kung ikaw si Donya Maria, sino ang higit na pahahalagahan mo, ang iyong ama o ang iyong mangingibig ?
Pangatwiranan.

5.Sa iyong palagay mapagtatagumpayan kaya ni Don Juan ang pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kung hindi
siya tinulungan ni Donya Maria? Bakit?

6.Sa iyong palagay, sapat na bang batayan sa pagkilala sa tunay na kalooban ng isang tao ang pagdaan niya sa
mga pagsubok?
PANGALAN: _______________________________BAITANG AT SEKSYON: ________________
ARALIN 2
I. Ang Gantimpala ng Karapat-dapat at Bunga ng Pagpapakasakit

1.Sino ang nakita ni Don Juan sa dampang pinuntahan niya?

2.Anong bagay ang nakita niya sa dampa na nagbigay ng ideya sa kanyang may kaugnayan ang matandang leproso
sa ermitanyo?

3.Ano ang ipinayo ng ermitanyo kay Don Juan upang magtagumpay siya sa paghuli sa ibong adarna?

4.Paano niya napaglabanan ang antok nang magsimulang umawit ang mahiwagang ibon?

5. Paano nanumbalik sa pagiging tao mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego?

6. Bago sila umalis ano ang hiniling ni Don Juan na gawin ng ermitanyo para sa kanya?Anong katangian ang higit na
nakita sa katauhan ni Don Juan nang dahil sa kanyang hiniling sa ermitanyo?

II. Ang Bunga Ng Inggit at Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng Paghihirap
1.Ano ang naisipang gawin ni Don Pedro upang makaligtas sila sa kahihiyang dala ng pagbabalik sa Berbanya nang
talunan samantalang si Don Juan ay nagtagumpay? Bakit hindi agad pumayag si Don Diego sa mungkahi ng
nakatatandang kapatid?

2.Nang hindi pumayag si Don Diego sa unang mungkahi , ano ang sumunod na iminungkahi ni Don Pedro?

3.Bakit hindi umawit ang Ibong Adarna nang madala ito sa kaharian?

4.Ano ang sinapit ni Don Juan sa kamay ng kanyang mga kapatid?

5.Ano ang kanyang mga naiisip at naaalala sa harap ng matinding sakit at pagpapahirap ng kalooban?

6.Sa iyong palagay, makakaligtas pa nga kaya si Don Juan sa kanyang kaawa-awang kalagayan?

II. Ang Unang Pagtibok sa Puso ni Don Juan at Si Donya Leonora at Ang Serpiyente
1.Bakit labis na namangha ang prinsipe nang makita niya si Donya Juana? Masasabi nga bang pag-ibig sa unang
pagkikita ang naganap kina Donya Juana at Don Juan?

2.Sa iyong palagay,bakit nabighani ang prinsesa sa prinsipe kahit sandal pa lamang niya nakikilala ang binata?

3. Kung ikaw si Donya Juana, agad-agad mo bang tatanggapin ang iniaalok na pag-ibig ni Don Juan batay lamang
sa ipinakitang lakas at tapang?Bakit oo o bakit hindi?

4.Saan inihalintulad ni Don Juan si Donya Leonora?Ano naging reaksiyon ni Don Juan nang Makita ang dalaga?

5.Masasabi mo bang wagas ang inaalok na pag-ibig ni Don Juan kay Donya Leonora?Magbigay ng patunay sa iyong
sagot.

You might also like