You are on page 1of 14

Alamin Natin

Sa Modyul 7 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog-


Silangan Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong Asya.
Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng
mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang maging interaktibo
ang pagtalakay sa mga aralin.
Ang ikapitong modyul ay magsisimula sa:
Modyul 7: Dula ng Pilipinas
Panitikan ………………………. ..Tiyo Simon
Wika…………………………….....Pagpapalawak ng Salita sa Pamamagitan ng
Pagbabago ng Estruktura nito
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa


kasiningan ng akda F9PN-Ig-h-43
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang
estruktura nito F9PT-Ig-h-43

Subukin Natin
K

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.
1. “…Kasi matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan.” Ano ang ibig
ipakahulugan ng salitang pagtalikod?
A. umalis sa simbahan C. hindi nananalig
B. napanghinaan ng loob D. nagmatigas loob
2. Dinukot ni Tiyo Simon sa kanyang lukbutan ang isang manikang maliit. Ano ang ibig
sabihin ng salitang lukbutan?
A. bag B. bayong C. bulsa D. supot
3. “Naulinigan kong tila may tinututol si Boy…” Ano ang ibig sabihin ng salitang
tinututol?
A. binubulong B. narinig C. minamaktol D. sinisigaw
4. “A, ang ateistang iyon…” Anong ibig sabihin ng salitang ateista?
A. walang pinaniniwalaan C. hindi naniniwala sa Diyos
B. naniniwala sa ibang dios D. hindi nagsisimba
5. “Namatay na hindi nakapag-Hesus dahil sa tigas ng kalooban.” Anong ibig sabihin
ng hindi nakapag-Hesus?
A. napatawad C. nagsisi
B. nagbalik-loob D. nabendisyunan
6. Alin sa mga salita ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Control B. kontrolin C. makontrol D.napigil
7. Akdang pampanitikan na nahahati sa yugto.
A. dula B. nobela C. sanaysay D. tula

1
8. Tinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula.
A. banghay B. iskrip C. tanghalan D.tauhan
9. Dulang nagtataglay ng mga malulungkot na pangyayari ngunit nagwawakas ng
masaya.
A. drama B. melodrama C. saynete D. trahedya
10. Sino ang may-akda ng Tiyo Simon?
A. Maauro R. Avena C. N.P.S. Toribio
B. Rogelio Sikat D. Romulo N. Peralta
11. Alin sa mga akdang pampanitikan ang hindi dula?
A. Walang Sugat C. Ang Ama
B. Tiyo Simon D. Sinag sa Karimlan
12. “Maiiwan po ako rito kasama ko si… ni Tiyo Simon…? Sabi ni Boy. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pahayag?
A. Malaki ang impluwensya ng amain kay Boy
B. Tinatamad siyang magsimba
C. Ayaw niyang sumama sa ina
D. Gusto makipaglaro ni Boy sa ibang bata
13. Natutong tumalikod sa Diyos sa kanyang kapansanan.
A. Adrian B. Lolo C. Tiyo Ben D. Tiyo Simon
14. Kinagigiliwan ni Boy na pakinggang ang kanyang mga ikinukuwento.
A. Adrian B. Lolo C. Tiyo Ben D. Tiyo Simon
15. Namatay siyang na hindi nakapag-Hesus dahil sa tigas ng kalooban sa pagtalikod sa
Diyos.
A. ama ni Boy B. amain ni Boy C. Lolo ni Boy D. Tiya ni Boy

Aralin 7 DULA NG PILIPINAS


A. Panitikan Tiyo Simon ni N.P.S Toribio
B. Wika Pagpapalawak ng Salita sa Pamamagitan ng
Pagbabago ng Estruktura nito

Balikan Natin
Sa panibagong modyul na iyong kakaharapin ay susukatin ang iyong kaalaman
sa genre ng panitikan na ating pag-aaralan sa linggong ito. Sigurado hindi na bago sa iyo ang
aralin na ito kaya’t simulan na natin.

GAWAIN 1: AYUSIN MO
PANUTO: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang katawagang inilalarawan ng
sumusunod:

1. Ang sumasaksi sa pagtatanghal DOAONOMN

2. Pinakakaluluwa ng dula IRPKSI

2
3. Ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip RRIOTDKE
4. Ang nagbibigay buhay sa dula KROAT

5. Ganapan ng mga pangyayari sa isang GAANLHTAN


pagtatanghal
6. Tawag sa pinaghahati na mga bahagi sa OGTUY
dula
7. Tawag sa paglabas-masok sa tanghalan OTGAP
ng mga tauhan
8. Akdang panitikan na layon ay itanghal UADL

9. Tawag sa paksa ng dula EATM

10. Pagpapalitan ng salita ng mga tauhan OYDAOGLI

Tuklasin Natin
Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Cardo Dalisay? Sa bahaging ito ng
modyul ay pakinggan at suriin ang liriko ng awiting Ililigtas Ka Niya na bahagi ng OST ng
teleseryeng Ang Probinsyano. Halika na’t alamin ang mensahe na nais iparating ng awitin na
ito.

GAWAIN 2: HIMIG-SURI
PANUTO: Pakinggan ang awit ni Gary Valenciano “Ililigtas Ka Niya”. Maaari mong pakinggan
ang melodiya ng awitin sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=Gf6biVwJAt4

ILILIGTAS KA NIYA Anumang Pagbusbok may dahilan


Minsan walang kasagutan
Kay daming tanong
Sa gitna ng unos pangako Niya’y
Walang sagot
‘Di ka iiwanan
Nasasaktan
Ilang ulit nang Kanyang napatunayan
‘Di alam ang dahilan
Ililigtas ka niya
May nakakabibinging bulong
Ililigtas ka niya
Natatakot
Di maintindihan ng
Minsan nawawalan ng loob
Sugatang puso’t isipan
Susuko na tila nakalimutan
Manalig ng hindi maligaw sa dilim
Na hindi siya nang-iiwan
May sasagot sa dalangin
Sa ingay ng mundo
Huwag kang matakot
Pangako niya’y ‘Di nagbago
Huwag mabahala
Tanggapin mo ng buo sa iyong puso
Kung bumuhos ang ulan

3
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa iyong palagay kanino ipinapatungkol ang awit? __________________________
2. Ano kaya ang maaaring dahilan kung bakit siya napanghihinaan ng loob na kanyang
pinagdaraanan? ______________________________________________
3. Anong mensahe ang ibig iparating ng awit sa pinatutungkulan? ________________

Naibigan mo ba ang awit habang iyo itong sinasabayan? Tiyak naging madali
sa iyo na maunawaan ang mensaheng hatid nito. Gaya rin ng pagsasaksi sa isang
pagtatanghal ng dula na hindi lamang naririnig ang usapan ng mga tauhan maging ang
kanilang kilos at galaw ay nakatutulong nang lubos upang madaling maunawaan ang
mensaheng hatid nito.

Sa dulang iyong babasahin ay ilalarawan ang isang pangyayari na


sumasalamin sa buhay ng tao.

TANDAAN!

Ang Dula ay isang akdang pampanitikan na ang layon ay itanghal sa


entablado sa pamamagitan ng kilos at galaw na naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay
ng tao. Nahahati sa yugto ang bawat tagpo. Tagpo naman ang tawag sa pagpasok at
paglabas ng mga tauhan sa tanghalan.
Mahalaga ang iskrip sapagkat ito ang pinakakaluluwa ng dula. Ang direktor
naman ang nagbibigay pagpapakahulugan sa iskrip at pagdidirehe sa mga aktor na
magbibigay buhay sa mga tauhan sa dula. Sa entablado o tanghalan na madalas
nasasaksihan ng mga manonood ang pagtatanghal ng dula.
Impormasyon mula sa Panitikang Asyano 9

Talakayin Natin
Sa bahaging ito, iyong babasahin ang dulang “Tiyo Simon” ni N.P.S. Toribio.
Alamin ang mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na nagpabago ng kanyang
paniniwala.

TIYO SIMON
ni N.P.S. TORIBIO

MGA TAUHAN:
Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa
at may mga paniniwala sa buhay na hindi maunawaan ng kaniyang hipag
na relihiyosa
Ina - ina ni Boy
Boy - pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang
.
TAGPO:
Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga
langis at pomada sa buhok, toniko, suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng
tokador,nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng

4
Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana
sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng
kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas
sa mukha ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.
(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng
gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako
kay Tiyo Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa
kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap
sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban
Boy: Pero...
Ina: Husto na sabi, e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit
sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng
mahinang pagkatok sa pinto.)
Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan?
Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang
kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ...
Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama
kay Mama.
Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa
simbahan ...
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si
Boy.)
Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...
kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis ... Magsisimba
tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang
ina ay napamangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang
dalawa. Pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)

Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon
sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ...
Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e,
hindi ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw
ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na
isa ring ...

5
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas
lamang si Boy.)
Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-
Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtaliko sa simbahan. Pareho silang
magkapatid, sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang
makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang
buhay na ...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi
pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa
pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at saka
tutunguhin ang pinto.)
Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan muna kayo
ni Boy, Kuya ...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin
ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni
Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)
Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina
ang katawang at …….. (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay
ang kaniyang may kapansanang paa. Matatawa.)
Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng
Diyos? ...
Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?
Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw
kasi ...
Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos
...
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw
ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi
maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay
malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat ... ngunit kung
anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay
Bathala.
Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong
tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang
pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging
maligaya.

(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala.


Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal
nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga
si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina
at saka titingin kay Boy).
Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod,
hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage
ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon,
ngunit hindi ako naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa
akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang

6
sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking
paningin.
Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...?
(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang
bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.)
Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa
kaniyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan
ng isang trak at siya’y nasagasaan... Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang
isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko, ng dalawang mata, ako
noo’y naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya
nakuha ko ang manikangito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na
waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...
Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking
sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang
isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng
pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay walang
kamatayan...
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy.
Muling maririnig ang tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili
nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga
si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring
iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang
tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang
hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip:
kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong
bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya
sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian... upang may
makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na
papalapit. Susungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan
kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po
tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo
na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa
pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas,
habang bumababa ang tabing.)

Gawain 3: Pag-Unawa sa Binasa


A. Pagpapalawak ng Salita
PANUTO: Isulat ang mga salitang maari mabuo sa mga sumusunod na salita sa pamamagitan
ng pagbabago ng estruktura at ibigay ang kahulugan nito.

Tiyo sama
aa

7
B. Pagtalakay sa Binasa

1. Bakit natutong tumalikod si tiyo Simon sa Diyos?


2. Paano nanumbalik ang kanyang pananalig sa Diyos? Isalaysay
3. Anong kaisipan ang nais ituro sa iyo ng dula? Ipaliwanag
4. Anong uri ito ng dula? Ipaliwanag
5. Isa-isahin ang mga kulturang Pilipino inilarawan sa dula?

TANDAAN:

URI NG DULA
Melodrama – dulang nagtataglay ng malungkot na pangyayari ngunit nagwawakas ng
kasiya-siya sa pangunahing tauhan.
Trahedya – pagkabigo o kamatayan ang nagiging wakas sa pangunahing tauhan.
Saynete – dulang katawa-tawa na ang paksa ay tungkol sa karaniwang ugali
Impormasyon mula sa https://www.myph.com.ph/2011/09/dula.html#.XumVuG5uLIU.

Pagyamanin Natin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

GAWAIN 4: PAGSUSURI SA TAUHAN


PANUTO: Suriin ang karakter ng mga tauhan na lumutang sa diyalogo mula sa mga piling
usapan sa dulang binasa.

Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng
gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako
kay Tiyo Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa
kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...

Karakter ng Tauhan Patunay ng makatotohanang


Tauhan na nangibabaw sa pagganap sa karakterisasyon
diyalogo ng tauhan sa diyalogo

8
Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng
Diyos? ...
Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?
Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw
kasi ...
Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos
...
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw
ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi
maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay
malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat ... ngunit kung
anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay
Bathala.

Karakter ng Tauhan Patunay ng makatotohanang


Tauhan na nangibabaw sa pagganap sa karakterisasyon ng
diyalogo tauhan sa diyalogo

GAWAIN 5: SALAMIN NG BUHAY


Upang lubos mo pang makilala ang pangunahing tauhan suriin natin kung
paano hinarap at nalampasan ni Tiyo Simon ang mga pagsubok niya sa buhay.

PANUTO: Gamit ang grapik sa ibaba tukuyin ang sanhi, bunga, at solusyon sa karanasan
ni Tiyo Simon na mawalan ng pag-asa sa buhay batay sa binasang dula.

SANHI BUNGA SOLUSYON

GAWAIN 6: SIMBOLISMO, IPALIWANAG MO


1. Ibigay ang ibig ipakahulugan ng mga larawan at mga kaisipang ibig iparating.

9
Tandaan Natin
Kahanga-hanga ang iyong dedikasyon sa paglalaan mo ng oras na masugatan
ang modyul na ito. Sa iyong pagpapatuloy, punan ang bawat patlang ayon sa hinihingi nito.

GAWAIN 8: SHARE MO LANG…


PANUTO: Ano ang malinaw na pagkatuto na iyong nakuhang kaalaman?

 Matapos kong mabasa ang dulang “Tiyo Simon” ay nalaman ko na ______________


 Nadama ko ang damdamin ng pangunahing tauhan sa _______________________
 kaya naunawaan ko na ________________________________________________

Isabuhay natin
Bilang panghuling gawain sa aralin na ito, basahin ang awput na kinakailangan
para sa linggong ito.
PANUTO: Sumulat ng isang panalangin na nagpapasalamat sa Maykapal sa kanyang pag-
iingat sa iyo at sa iyong pamilya sa pandemya. Isulat sa isang buong papel.
Ibibigay ng guro ang pamatayan sa gawaing ito.

PANALANGIN NG PASASALAMAT

Tayahin Natim

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.
1. Ito ay dulang nagtataglay ng malungkot na pangyayari ngunit nagwawakas sa
masayang kaganapan sa tauhan.
A. dula B. komedya C. melodrama D. trahedya
2. Ito ang bagay-bagay na mula noon ay hindi inilalayo ni Tiyo Simon sa kaniyang
sarili.
A. kuwintas B. kotse-kotsehan C. manika D. rosaryo
3. Ito ang nangyari sa ama ni Boy.
A. Sumakabilang-buhay C. Nawalan ng trabaho
B. Nagtungo sa ibang bansa D. Wala sa nabanggit

10
4. Ayon sa Ina ni Boy, ito umano ang parusa kay Tiyo Simon.
A. natanggal sa trabaho C. iniwan ng pamilya
B. kapansanan sa paa D. nagkaroon ng malubhang sakit
5. Naging daan upang manumbalik ang pananalig ni Tiyo Simon sa Diyos?
A. kaniyang kapatid C. batang naaksidente
B. Boy D. Ina ni Boy
6. Ito ay akdang pampanitikan na naglalayong maitanghal sa entablo.
A. Dula B. Maikling kuwento C. Sanaysay D. Tula
7. Saan patungo ang mag-anak sa akda?
A. mamamasyal B. paaralan C. pamilihan D. simbahan
8. Sino ang naging daan upang pumayag na sumama ang batang si Boy?
A. ina B. kaibigan C. kapatid D. Tiyo Simon
9. Ito ang aklat na nabasa ni Tiyo Simon na nakaimpluwesiya sa kaniya ang
pangunahing tauhan.
A. The Wandering Jew C. The Human Bondage
B. The Human Warrior D. The Great Human
10. Para kay Tiyo Simon, ito ay hindi masamang lugar o bagay na hindi dapat
tinatanggihan.
A. paaralan B. pamilihan C. pasyalan D. simbahan
11. Dito ginanap ang unang tagpo sa dula.
A. kalye B. paaralan C. simbahan D. tahanan nina Boy
12. Ito ang tawag noon ng ina ni Boy sa kaniyang Tiyo.
A. ateista B. relihiyoso C. tambay D. walang takot sa Diyos
13. Bakit naiyak ang ina ni Boy ng maalala ang kaniyang asawa?
A. maaga itong nawala C. dahil namatay ito na hindi nagkumpisal
B. dahil sa kahirapan D. dahil sa sinapit nito
14. Ito umano ang ikukuwento ni Tiyo Simon sa kaniyang pamangkin ayon sa ina
ni Boy.
A. buhay niya noon bata pa C. kalapastanganan sa banal na Panginoon
B. problema ng bayan D. sinapit ng ama
15. Ang ina ni Boy ay isang _____________.
A. magagalitin B. malungkutin C. masiyahin D. relihiyosa

Gawin Natin
PANUTO: Sumulat ng sariling repleksyon na iyong natutuhan sa dulang “Tiyo Simon”
gamit ang pagpapaskil sa Twitter. Maaari mong iugnay sa kasalukuyang
suliranin ng bansa dulot ng pandemya. Ibibigay ng guro ang pamantayan
sa gawaing ito.

11
Repleksyon ng Natutuhan
PANUTO: Isulat ang sarili mong “Pagkatutong Repleksyon” batay sa Dula ng Pilipinas na
“Tiyo Simon”. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
nasa loob ng kahon. Ang iyong malalim at malikhaing pamamaraan sa
pagpapahayag ay ang magsisilbing susi mo sa matagumpay na pagkatuto.
Magaling Ka, Kaya Mo ‘Yan!

Sanggunian
Casanova. Arthur P. 1996. Sining ng Komunikasyon (Pandalubhasa). Quezon City: Rex Printing
Company, Inc.
Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc & Nestor S. Pinagyamang
Pluma III. 2004. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.
https://www.myph.com.ph2011/09/dula.html#XumVuG5uLIU. June 17, 2020.
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module. June 15, 2020.
https://www.youtube.com/watch?v=Gf6biVwJAt4.June 15, 2020.
Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Cariño, Eric O., Lugtu, Ma.Aurora C., Tabora, Marygrace A.,
Trinidad, Jocelyn C., Molina, Shiela C., Carpio, Lucelma O., Rivera, Julieta U. & Ambat, Vilma C. 2014.
Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City: Vibal Group, Inc.
https://www.bing.com/images/search?sp= .June 15, 2020.

12
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: JHONY C. OMBID
Editors: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
Content Evaluator/Language Evaluators: MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO
Illustrator/Layout Artist: ROSYL V. ANOOS
CLARISSA R. SENOSA
MARITA LACANLALE
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

13

You might also like