You are on page 1of 21

Magandang BUHAY

KLASE !!!
Maligayang Pagdating sa ating Klase!

HAZEL P. ENRIQUEZ
Guro sa Filipino
MGA ALITUNTUNIN NA DAPAT TANDAAN SA LOOB NG
KLASE
1. Limitahan ang pakikipag-usap sa katabi nang malapitan.
2. Sikaping mapanatili ang pagsuot ng face mask sa loob ng paaralan.
3. Itaas ang kamay kung may nais sabihin.
4. Maging magalang sa pagsasalita at makilahaok sa talakayan.
5. Kung walang uniporme, magsuot ng puting t-shirt ngunit makakabuti rin kung naka-
uniporme.
6. Laging magdala ng sariling gamit upang maiwasan ang panghihiram sa kaklase.
MGA LAYUNIN
A. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka
at haiku. (G9,Q2) F9PB-IIa-b-45)
B. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula F10PN-IIc-d-70
C. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula F10PB-IIc-d-72
D. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit
sa tula F10PU-IIc-d-70
E. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
F10PU-IIc-d-72
F. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
F10WG-I IC-d-65
PANALANGIN
A. POKUS NA TANONG

Mabisa bang paraan ang tula sa paglalarawan


ng karanasan at damdamin?

Paano nakatutulong ang mabisang paggamit ng


matatalinhagang pananalita sa pagsulat ng tula?
B. BALIK-ARAL
Balikan Mo, (Paunahan sa Pagsagot)
Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na katanungan.
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban
sa:
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga Diyos at kanilang kabayanihan
2. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay
nanlilisik ang kanyang mata. Ano ang damdaming ipinahayag sa
pangungusap?
A. pagkaawa B. pagkalungkot C. pagkagalit D.
pagkatuwa

3. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng


Hari ng mga Higante upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan
nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa
masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing
napaglalalangan din.
4. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan
ng ________.
A. pag-aalala B. pagmamahal C. paghihiganti D.
pagtanaw ng
utang na loob
5. Ano-ano ang mga naging paligsahan na pinaglabanan nina Thor sa
kaharian ni Utgaro-Loki?
A. Pabilisan sa paglangoy, sa pagputol ng malaking puno, pagpapaamo
sa mabangis na tigre.
B. Pagpapatulog sa alagang pusa, paggawa ng kastilyo, pagbuhat sa
malaking bato.
C. Pabilisan sa pagkain, sa pagtakbo, paramihan ng maiinom na alak.
D.Pagalingan sa pagkanta, patalasan ng isip, pagkumpuni sa nasirang
damit ni Utgaro-Loki.
C. PAMAGAT NG ARALIN: Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee-Sonnet 43)
Tula mula sa Inglatera

Panitikan ni: Elizabeth Barrett Browning

Salin ni: Alfonso O. Santiago


ANG AKING PAG-IBIG
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
D. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Panuto: Magbanggit ng matatalinhagang salita na nabasa mo sa
tulang “Ang Aking Pag-ibig”, ibigay ang kahulugan nito at gamitin
sa makabuluhang pangungusap.
E. PAG-UNAWA SA BINASA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ipaliwanag
ang inyong sagot.
1. Sino ang nagsasalita/persona sa tula?
2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?
3. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa at
pinakikinggan ang tula?
4. Paano mo maipadarama o maipapakita ang pagmamahal sa
iyong ina?

5. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinhagang


salita upang maihatid ng may-akda sa mga mambabasa ang
mensahe?
ANG TULA AT MGA URI NITO
Ang tula ay isang akdang pampantikang
naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,
pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag
sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw. Ito
ay nagtataglay ng mahahalagang elemento o
sangkap upang higit na maging masining ang
paglalahad.
Tula ay isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sat ula
ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan
at kadakilaan.
 Ang tula ay isang akdang pampantikang naglalarawan ng
buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating
damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may
angking kariktan o aliw-iw. Ito ay nagtataglay ng
mahahalagang elemento o sangkap upang higit na
maging masining ang paglalahad.
F. TAKDA
A. Basahin At Pag-aralan: “Sintahang Romeo at Juliet”
Isinalin ni Gregorio C. Borlaza
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang damdaming namayani kay Romeo nang makita si Juliet?
2. Ilarawan ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Ano ang Nakita nilang
balakid sa kanilang Pag-iibigan?
3. Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang kanilang pag-iibigan?
4. Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina
Romeo at Juliet?
5. Bakit umiiral ang gayong pamantayan o kalakaran sa pag-ibig sa
panahon ni Shakespeare?Ano ang iniingatan ng pamantayang ito?
Ipaliwanag.
6. Paano pinadalisay nina Romeo at Juliet ang konsepto ng pag-ibig?
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig ph. 201-215

You might also like