You are on page 1of 8

SI SIMOUN INIHANDA NI: MARK RYAN C.

DATOON
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan
ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.

Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita


ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa
paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang
nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni
Simoun. Bukod sa kanyang huwad na
katauhan ay batid din ng binata ang binabalak
ni Simoun na himagsikan laban sa mga
mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang
layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan.

Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng


medisina at matubos sa pagiging alila ang
kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at
kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata
na walang kabuluhan ang buhay na hindi
inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay
dapat na maging malaya muna sila sa mga
mang-aalipin para makamit nila ang
mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni
Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi
ang binatang si Basilio.
ARAL
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-
kanyang pamamaran kung paano nila
makamtam ang mga layunin at adhikain nila
sa buhay.
SALAMAT SA PAKIKINIG MGA
KAPATID!!!

You might also like