You are on page 1of 2

Cagnayo, Anthony John H.

April 27, 2020


BSBA-1 Rizal: Activity #2

El Filibusterismo
(Kabanata 36-39)

Matapos makalaya ni Basilio sa pagkakakulong gawa ng maling bintang patungkol sa


kaniyang pagsapi sa paghihimagsik, dumiretso ito sa bahay ni Simoun at agad na pinarating ang
kagustuhang umanib sa mga plano ng ginoo na dati ay kaniyang tinaggihan. Malugod na
tinaggap ni Simoun ang pag prisinta ng binata at nilahad niya ang kaniyang planong
pagpapasabog gamit ang isang lampara na gagamitin sa nalalapit na malaking kasalan sa bayan
na dadaluhan ng mga mayayamang pamilya, prayle, at mga kawani ng pamahalaan. Dumating na
ang panahon ng matagal na pagpla-plano, dumating si Basilio sa lugar kung saan magaganap ang
malaking piging upang mag masid at kaniyang nakasalubong ang kaibigang si Isagani. Sa di
kalayuan, nakita ng dalawang binata na bumaba sina Paulita at Juanito sa sasakyan bilang
bagong kasal; nahabag si Basilio para sa kaibigang si Isagani. Sinubukan ni Basilio na ayain ang
kaibigan sa binabalak na himagsikan at inilahad ang planong pagpapasabog gamit ang lampara
na sa kaunting sandali na lamang ay sisiklab na, ngunit tinaggihan siya ng binata sa katwirang
wala pa namang pasakit na nararanasan ito upang magkaroon ng rason. Nakita ni Basilio na
pumaroon sa loob ng kasalan si Simoun dala ang lampara na pampasabog. Mayroong pagbabago
ng desisyon si Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pagsabog mula
sa lampara, ngunit siya’y hindi pinapasok dahil sa madungis nitong itsura. Sa gitna ng masayang
pagsasalo-salo, nawalan naman ng ilaw ang lampara, itataas na sana ang mitsa ng ilawan nang
pumasok ang isang di kilalang tao na siyang hindi rin naman namukaan ng mga bisita. Kinuha ng
taong ‘to ang lampara at kumaripas ng takbo palabas upang itapon sa ilog.

Ilang araw ang nakalipas ng isang planong paghihimagsik ang nakarating sa kinauukulan
ngunit hindi umayon sa plano ang mga kaganapan kung kaya’t ang mga tulisan ay nahuli at
napilitang isiwalat ang ngalan ng pinuno na siyang pinangalanan nilang alyas Matanglawin.
Naging pala isipan kung sino ang tao sa likod ng alyas Matanglawin na ito, at nang lumaon
naging buo ang isip ng mga nasa itaas na maaring si Simoun ang may sala dahil kasalukuyan na
ring nawawala ito. Samanatalang ang mag aalahas na si Simoun naman ay sugatang pumaroon sa
Cagnayo, Anthony John H. April 27, 2020
BSBA-1 Rizal: Activity #2

tahanan ni Padre Florentino na walang pag uusisang pinatuloy siya. Isang telegrama ang
dumating sa pari na pumapatungkol sa pagdakip kay Simoun, ipinarating niya ito sa ginoo ngunit
nabatid niya ang hindi pagnanais na tumakas sa mukha nito. Iniwan saglit ng pari si Simoun at
nang bumalik ay nalamang niyang uminom ito ng lason, tinangka ni Padre Florentino na
humanap ng lunas ngunit pinigilan siya ni Simoun. Sa pagkakataong ito ipinagtapat ni Simoun
ang lihim na kaniyang matagal nang itinatago – ang kaniyang tunay na pagkatao; inamin niya na
siya si Juan Crisostomo Ibarra. Isinalaysay niya rin na ang kaniyang mga kabiguan sa buhay ang
nag paliyab ng kaniyang puso upang magplano ng himagsikan, bukod dito ikinwento rin niya
kung paano niya ginamit ang kayamanan ng pamilya upang maging matagumpay sa
pangangalakal at kung paano siya naging malapit sa kasalukuyang kapitan Heneral na naging
kaniyang sunod-sunuran sa paggawa ng mga kabuktutan.

Mahaba ang naging pagtatapat ni Simoun, at ayon sa pari ay igalang nalamang ang kalooban
ng Diyos. Batid man ng ginoo ang wari ng pari ngunit hindi niya maiwasang magtanim ng sama
ng loob sa kung bakit siya’y hinayaang maghirap ng Panginoon kahit na ang kaniyang layunin ay
kalayaan ng bayan at kaligtasan ng marami pang sibilyang biktima ng baluktot na sistema ng
pamahalaan. Sa kabila ng poot na nadarama ni Simoun, sinagot siya ng pari na ang Diyos ay
makatarungan. Dagdag pa niya na and Diyos ang nagpaparusa sa kakulangan nang pananalig at
kaisipang hindi maganda ng bawat indibidwal. Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot;
pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang
kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig. Datapwat ang kalayaan na minimithi
ni Simoun ay di raw dapat usigin sa tulong ng kaharahasan, bagkus ay marapat ipaglaban nang
naayon sa katwiran at karangalan ng tao.

You might also like