You are on page 1of 1

PANUTO: Maglagay ng “slug” at magbigay ng isang headline lamang para sa balitang ito.

Ayusin ang
pagkakasunod-sunod or isulat muli ang mga talata ayun sa mga panuntunan ng pagsulat ng balita.

Dalawang estudyante ang sugatan matapos mauwi sa pananaksak ang isang awayan sa harapan ng
kanilang eskuwelahan sa bayan ng Laurel, Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Ang mga biktima na itinago sa mga pangalang John at Mark; na nagkakaedad 17 at 14-anyos ay kapwa
high school students sa ‘di tinukoy na paaralan.

Sa ulat ng CALABARZON Police, nangyari ang insidente sa Brgy. Poblacion 1 ng naturang bayan alas-
5:25 ng hapon. Kasalukuyang nakaupo ang dalawang biktima sa harapan ng kanilang eskuwelahan
nang biglang sumulpot ang suspect na nakilalang si Ronel de Millo, 30-anyos, hanggang sa nakipag-
argumento sa mga biktima.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo, bigla na lamang umanong bumunot ng patalim si Millo at


pinagsasaksak ang mga biktima saka siya mabilis na tumakas.

Isa sa mga biktima ay nagtamo ng saksak sa dibdib habang sa ulo ang isa at magkahiwalay silang
isinugod sa pagamutan sa Talisay at Batangas City.

Bumulwak ng dugo sa mukha ng isang dalagang estudyante makaraang saksakin ng kaklaseng lalaki
habang nag-uusap ang kanilang mga magulang upang maayos sana ang isyu ng “cyber bullying” sa
pagitan ng dalawa, na naganap sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Brgy. Magdiwang, Noveleta
ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoobserbahan sa St. Martins Hospital ang biktima na kinilalang si Chelsy Honeylade, 21-
anyos, at residente ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite.

Nakakulong naman at nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek na nakilalang si John Roy Virata, 21-
anyos, ng T. Gomez Street, Caridad, Cavite City.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Armine Matro, may hawak ng kaso, nakatanggap sila ng tawag
mula sa security guard ng isang kilalang fast food chain sa Brgy. Magdiwang hinggil sa umano’y may
naganap na saksakan dito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, alas-5 ng hapon, nasa loob ng fast food chain ang biktima at suspek kasama
ang kani-kanilang mga magulang hinggil sa pinag-uusapan ang naganap na pambu-bully sa pagitan ng
kanilang mga anak.

Gayunman, nagulat na lamang sila nang biglang sinaksak ni Virata sa mukha ang babaeng kaklase ng
hawak nitong tinidor.

Dito agad na bumulwak ang dugo sa mukha ng dalagita at agad na itinakbo sa St. Martins Hospital at
kasalukuyang inoobserbahan.

Inaresto naman ang suspek at dinala sa pulisya, napag-alaman na matinding pambu-bully ang
namagitan sa mag-kaklase.

You might also like