You are on page 1of 1

EDITORYAL — Gutom at gahasa

Tuesday, November 20, 2007

NANG magbigti ang 11-anyos na si Marianeth


Amper noong November 2, marami ang
nagimbal. Paano nagawang kitilin ng bata
ang sariling buhay? Sa kanyang murang
edad ay nagawa niya ang ganoon kalagim na
pagpapakamatay. Mas lalo ang nagimbal sa
mga sunod na balita na may kaugnayan sa
pagpapakamatay ni Marianeth. Lumabas na
dahil umano sa kahirapan ng buhay ang
dahilan ng pagpapakamatay ng bata.

Maraming nagkaroon ng simpatya sa pamilya


ni Marianeth kaya bumaha ng tulong —
pagkain, pera at iba pa. Nakaaawa naman
ang kalagayan ng pamilya na masyadong hirap na hirap na sa buhay.

Ang kahirapang dinaranas ay isinulat ni Marianeth sa kanyang diary na


nakalagay umano sa ilalim ng unan nito. Masyado na raw ang hirap na
kanilang dinadanas. Bukod sa kahirapan, nabanggit din ang umano’y
madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang.

Isang araw makaraang mabalita ang pagkamatay ni Marianeth dahil sa


kahirapan, agad nagpalabas ng karagdagang P1-bilyong pondo si President
Arroyo para sa mga nagugutom o naghihirap.

Ilang araw ang nakalipas at tila lumalalim ang kontrobersiya sa


nagpakamatay na si Marianeth. Nagkaroon ng teoriya ang pulisya na hindi
ang kahirapan ng buhay ang nagtulak kay Marianeth para magpakamatay.
Mayroong malalim na dahilan kaya nagawa ng bata na kitilin ang sariling
buhay.

Lumabas ang teoriya na maaaring ginahasa ang bata kaya nagpakamatay.


Dahil sa tindi ng problema ay naatim magpakamatay.

At habang tumatagal ang isyu tungkol sa batang nagpakamatay, patuloy


namang nadadagdagan ang mga dapat imbestigahan sa kaso. Sabi ng pulis,
maaaring incestuous rape ang nangyari. Maaaring ginahasa si Marianeth ng
kanyang ama o ng dalawa nitong kapatid. Sabi naman ng ama ni Marianeth,
malayong gawin niya ang ganoon kasamang gawain sa kanyang anak. Handa
raw siyang magpaimbestiga kung kinakailangan. Bukod sa ama, ang
dalawang lalaking kapatid ni Marianeth ay pinaghihinalaan din ng pulisya na
sangkot sa panggagahasa.

Dalawa ang malaking problema ng bansa sa kasalukuyan — gutom at


malalang kriminalidad na kinabibilangan ng panggagahasa.

Ito ang dapat na iprayoridad lutasin ng gobyerno. Hindi lamang sa Davao


may nagaganap na ganitong kuwento kundi pati rin sa Metro Manila.

You might also like