You are on page 1of 4

GIYERA 1.

Gamit ang kahit na anong pormat ng story map ay ibigay ang buod ng kwentong Giyera. Nasa ibaba ang dapat ilagay sa story map at
mga gabay na tanong

. A. Pamagat at Awtor

B. Tauhan - sino ang mga tauhan sa kwento? Ipakilala

C. Tagpuan - ilagay ang lugar at panahon kung kailan naganap

D. Paksa/Tema - ano ang tema ng kwento

E. Banghay –

Panimula - paano sinimulan ang kwento?

- Suliranin - ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan

- Reaksyon

- Paano hinarap ng tauhan ang problema?

- Kinalabasan- Ano ang kinalabasan?

F. Wakas

2. Anong teorya ang ginamit sa akda?


Banghay
Matapos kumalat sa San Martin ang pagpapaganda ni Bernie sa mukha ng yumaong anak ni Donya Estela na si Estrelita sa paraang halos hindi na
ito makilala ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak, di magkamayaw ang mga tao sa pagpapaayos nila ng buhok at mukha kay Bernie, lalong-
lalo na tuwing may espesyal na okasyon gaya ng binyag, kasal, debut, pagtatapos at flores de mayo.

Pagkatapos mahalal si Romano Alvares Jr. bilang punongbayan, apat na baryo sa San Martin, kabilang na ang pamilya ni Bernie, ang
sapilitang inilikas sa mga karatig-bayan upang magtayo ng planta ng kuryente sa dalampasigan.

Pagkauwi ni Jaime pabalik ng San Martin mula Los Baños, dumalaw ito sa parlor ni Bernie at nalungkot sa nasaksihan: sira na ang mga
lupain sa San Martin, maitim ang usok na nanggagaling sa may planta at kakaunti na ang mga huli ng mga mangingisda sa dagat.

Tatlong bangkay ng mga magsasakang nakatali ang mga kamay at paa, wasak ang mukha at luwa ang bituka ang natagpuan sa bundok ng
Matalim na kidlat; pinapalabas ng mga bodyguard ng alkalde na NPA ang mga biktima pero alam ng taong bayan na ang tanging kasalanan ng
tatlo ay ang pagtanggi sa pag-alis sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay at puno ng mangga na masasagasaan ng itatayong planta.

Muling nahalal si Romano Alvares Jr. bilang alkalde at sa ikapitong taon ng operasyon ng planta, sa araw mismo ng kapistahan ni San
Martin, pinaslang sina Jaime at apat pa nitong kasamahan.

Kumalat ang balita tungkol sa napakalaking donasyon na ibinigay ni Donya Estela sa kura ng parokya para sa kapistahan ng San Martin
kaya't nang tumakbo ito sa pagka-alkalde laban sa maybahay ni Romano Alvares Jr., nanalo ito.

Biyernes ng gabi, nakatulog na sa harap ng telebisyon si Bernie nang maalimpungatan sa mga katok ni Gabriel, kaibigan ni Jaime na may
pagbabanta sa buhay; pinatuloy ni Bernie si Gabriel at inayusan (ginupitan, kinulayan ng kulay mais ang buhok, nilagyan ng foundation ang mga
pisngi) para hindi ito makilala pagpunta nito sa estasyon ng Bus patungong Maynila kinabukasan.

Wakas

natagpuan na lamang ang bangkay ni Bernie sa loob ng kanyang parlor na tadtad ng pasa at saksak.
Tauhan
Bernie- may-ari ng pinakasikat na parlor sa bayan ng San Martin. Siya ang taga-ayos ni Donya Estela Salvador.

Jaime- kaibigan ni Bernie. Nag-aral siya ng agrikultura sa pamantasan ng Los Baños. Hayagan ang naging laban niya at ng kanyang
grupo sa pagpapatigil ng operasyon ng planta. Madalas silang magmartsa ng mga magsasaka at mangingisda patungo sa
munisipyo at magpiket sa harap nito.

Gabriel- kaibigan ni Jaime. Sumasama rin siya sa mga pagkilos.

Mandy at Vanessa- mga baklang parlorista ni Bernie. Itinakwil sila ng kanilang mga ama pero tinanggap rin nang mag-umpisang mag-
akyat ng pera sa bahay.

Romano Alvares Jr.- alkalde ng San Martin. May mga nagdududa sa pagkapanalo niya bilang alkalde sa pangalawang pagkakataon.
Mayroon siyang magarang Pajero at dose-dosenang bodyguards. Siya ang nagpatayo ng planta.

Donya Estela Salvador- pinakamayamang donya sa San Martin. Isa siya sa limang panginoong-maylupa na nagmamay-ari ng San
Martin. Tinalo niya sa pagka-alkalde ng San Martin ang asawa ni Romano Alvares Jr.

Rico- kapatid ni Bernie na namatay sa unang buwan ng operasyon ng planta.

Paksa/Tema
 Pera at kapangyarihan
Ang mayayamang angkan nina Romano Alvares Sr. at Donya Estela Salvador ang nag-aagawan sa mga posisyon sa San Martin.

Tagpuan
San Martin
Nangyari ito pagkatapos mahalal si Romano Alvares Jr. bilang punongbayan sa apat na baryo sa San Martin, at nagtayo ng
planta ng kuryente sa dalampasigan na nagdulot ng pagkasira ng kanilang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao.

You might also like