Professional Documents
Culture Documents
Alamat ng Alagaw
Noong ikalabinlimang dantaon, humigit-kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang
balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangas
tulad sa ngayon ay di pa lalawigang natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa
ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Nang panahong iyon ay kaylimit
salakayin ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Hog Pansipit. Dahil dito'y
nagsanib ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ng pangangasiwa ng
lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban
sa Kamorohan.
Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galing kay Marahas. Patuloy
rin nang pagmamalasakit si Marikit sa halamang iniwan sa kanya ng kanyang giliw.
Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng
irog at taga-pagpaalaala ng kanyang katapatan.
Isang araw, ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang
makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik sa digmaan ay nagbalita at
nagpatotoong si Marahas, ay nasawi, nguni't nasawing taglayang karangalan sapagka't
sila'y nagtagumpay naman. Umuwi si Marikit na ang puso'y halos naawalat sa kapighatian.
Ang kanyang tanging aliw lamang sa sarili ay.ang pangyayaring ang kanyang mahal ay
namatay sa ngalan ng kabayanihan.
Gabi't araw ay dinilig niya ang halaman ng mga patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-
aalaga, ang halaman ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masinsin, at
namulaklak.
Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan... kinuha
sa salitang "Alaga raw," alaga araw-araw ni Makirit ang halaman.
Alamat ng Apoy
Noong unang panahon, wala kang mapapansing apoy sa paligid. Ang tanging apoy na
makikita mo ay binabantayan ng dalawang higante sa isang malaking yungib.
Tanging ang maabilidad na si Lam-ang ang nakaisip ng paraan. Tinawag niya ang ilang
hayop na kaibigan. Sinabi niya ang isang plano kung paano makaaamot ng apoy na
inaasam-asam.
Pinatayo ni Lam-ang ang Palaka sa kabukiran. Pinatindig niya ang Kabayo sa paanan ng
bundok. Pinagbantay niya ang Alamid sa buhanginan. Pinaghintay niya ang Aso sa palanas.
Pinagmanman niya ang Baboy-Damo sa lambak na malapit sa kwebang tirahan ng mga
higante.
Napakunot ng noo ang dalawang higante, "Bantay kami ng apoy na ito. Ikinalulungkot
naming hindi ka mabibigyan ng kahit na maliit na ningas nito."
"Maawa na kayo sa mga tao. Mapapabuti ng apoy ninyo ang kabuhayan ng mga kalahi ko."
"Akala ko ay nakikipagkaibigan ka, bakit kailangang ipakiusap ang hiling ng mga kalahi
mo?" nagtatakang usisa ng unang higante.
"Katulad ka rin ng iba na may masamang layunin sa paglapit sa amin. Naiiba ka lang sa
kanila sapagkat nakipagkaibigan ka muna bago ipinilit ang masamang layunin,"
nagngangalit ang mga ngiping sabi ng ikalawang higante.
Alamat ng Aso
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang
namumuhay sa loob ng kakahuyan.
Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay
maligaw. Inaalagaan nito ng pamilya.
Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan
ang taniman nito ng ubas, naging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa
kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.
Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig
nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng
pagkain.
Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa
isa't isa.
At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.
"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose.
Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at
umalis na kasabay na agos no ilog.
Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig
ang kanyang pagkagusto kay Damaso.
Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at
Jose upang humabol.
Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang
bata.
Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit
lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.
Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa
sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.
"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng
utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang
tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata
pagkawika niyon.
Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila
ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.
At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.
At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang
mga amo.
Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito sa mga
kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin
silang mawawala ang sumpa ng diwata.
Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa
ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.
Kaya't maging maingat tayong makasakit ng ibang tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong
sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na
loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hindi marunong magmahal na tulad ni
Magda.
Alamat
EPIKO
NG
VISAYAS