You are on page 1of 2

Construction worker, patay sa

bumagsak na firewall!
Isang construction worker ang patay nang mabagsakan ng gumuhong firewall habang
nagtatrabaho sa loob ng isang construction site sa Malate, Manila nitong Martes ng hapon.

Tinangka pa ng mga doktor ng Ospital ng Maynila na isalba ang biktimang si Jeson Tulin, 21,
ngunit binawian rin ito ng buhay bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ni PSMS Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section,
nabatid na dakong alas-3:00 ng hapon ng Martes nang maganap ang insidente sa loob ng
construction site na pinagtatrabahuhan ng biktima, na matatagpuan sa Quirino Avenue, kanto
ng Asuncion St. sa Malate.

Kasalukuyan umanong abala sa pagtatrabaho ang biktima, kasama sina Gerry Maunes, 48; at
Billy Joe Morely, safety officer, nang bigla na lang bumagsak ang firewall ng katabing lote sa
loob ng construction site.
Dahil dito, nadaganan ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan ng kanyang mga
kasamahan ngunit binawian drin ng buhay.
2 drug pusher na dumayo
sa Abra para magbenta ng
‘marijuana’, huli sa buy-
bust operation
BANGUED, Abra –  Dalawang drug pusher na dumayo pa sa lalawigan ng Abra para
magbenta ng umano’y marijuana ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust
operation sa isang bus terminal nitong Martes, Setyembre 27.

Kinilala ang tinaguriang Street Level Individual ng illegal drugs ang nadakip na sina Alex
D. Mendiola, 33, alyas Kumaw, ng Dalandan St., Las Pinas City at Nelson Ore Orong,
alyas Dodong, 32, ng Barangay Kanluran Longos Zapote V. Bacoor City, Cavite.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong pirasong cling wrapped elongated roll containing
marijuana dried leaves, stalks afruiting tops na may timbang na 1,000 Grams at may
Standard Drug Price na P120,000.

Sa report ni Col. Cula, provincial director ng Abra Provincial Police Office, kay BGen.
Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang dalawang
suspek ay ka-transaksyon ng mga intelligence operatives, hanggang sa pumayag ang
mga ito na idedeliver ang marijuana sa Bangued, Abra.

Ayon kay Cula, dakong alas 9:30 ng gabi ng dumating sa Bangued ang bus na kanilang
sinakyan mula Maynila at dito isinagawa ang buy-bust operation sa mga suspek ng
magkasanib na tauhan ng Abra PPO.

Ang operation sa pagdakip sa dalawang suspek ay ginamitan ng ay Alternative


Recording Device (ARD) na sinaksihan ni Marlbour Valera, Barangay Kagawad ng
Calaba, Bangued, Abra at media representative.

Narekober din ng pulis ang 38 piraso ng P100 bill na boodle money; dalawang pirasong
genuine P1,000 bill; isang red and black shopping bag; isang small brown envelope;
tatlong pirasong Blue Water Filter Housing at isang black mobile phone.

You might also like