You are on page 1of 1

Ang nasawing pulis ay nakilalang si Cpl.

Noel Ogano, nakatalaga sa QCPD-SWAT, habang napatay


din ang suspek na si Martin Luther Nuñez, 42, dating kadete ng PMMA at residente ng Palmera
Homes, Nova East, Maligaya Parkland, Brgy. 177, Caloocan City.

Samantala, sugatan ang hepe ng SWAT team na si LtCol. Jerry Castillo na ngayon ay nasa maayos
ng kondisyon.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District
(QCPD), nabatid na dakong alas-4:15 ng hapon kamakalawa nang maganap ang engkwentro sa
harapan ng tahanan ng suspek sa Caloocan.

Bago ang engkwentro, nakatanggap ang QCPD ng reklamo mula sa mga residente ng Bougainvilla
St., Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik Proper, Quezon City, hinggil sa pagwawala ng
lasing na suspek na walang habas na nagpapaputok ng baril sa isang lamayan dakong alas-10:00 ng
umaga.

Matapos magpaputok ay umalis umano ang suspek, sakay ng Toyota Grandia patungo sa direksiyon
ng Caloocan.

Agad namang nagsagawa ang SWAT Team sa pangunguna ni LtCol Castillo, ng hot pursuit
operation at hinanap ang bahay ng suspek sa Caloocan.

Gayunman, habang papalapit na ang mga awtoridad sa tahanan ni Nuñez ay sinalubong na sila nito
ng mga putok ng baril.

Dito na umano tinamaan ng bala si PCP Ogano, gayundin ang kanyang hepe.

Gumanti na rin ng putok ang mga pulis at napatay si Nuñez.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang nabaril na mga pulis ngunit binawian ng buhay si Cpl.
Ogano.

Kaugnay nito, nabatid na plano ni QCPD Director BGen. Nicolas Torre III na kasuhan ang ina ni
Nuñez, matapos umanong magmatigas nang pakiusapan nilang isuko ang anak at piyansahan na
lang.

“Yong nanay niya, aming kakasuhan ng accessory or principal direct participation. Pinag-aaralan ng
ating mga abogado,” anang heneral.

Isang pulis- quezon citty at isang dateng kadite ng Philipine Merchant Marine Acacade my (PMMA)
ang nasawe habang 1 pagn ofisyale nga nausgatn sa sa engkwEntron g na ga nap sa Caloocan ity,
kamaka lawa n g hapon

You might also like