You are on page 1of 1

Pagsulat ng Balita:

Gumawa ng balita batay sa mga sumusunod na detalye:

- 1 kagawad ng Philippine National Police (PNP)


- 2 hinihinalang miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) Gang
- Sila ay nadakip kasabay sa pagkakadakip sa dinukot na 2 negosyante.
- Ang 2 negosyante ay pawang mga babae
- Mga elemento ng National Anti –Kidnapping Task Force ang nakadakip
- Nadakip sila matapos na maharang sa 1 checkpoint
- Nasa Angeles City, Pampanga ang checkpoint
- Kamakalawa ng gabi sila nadakip
- PO1 Abelardo Canabang- Siya ang kagawad ng pulis na nadakip.
Siya ay tatlumput pitong taong gulang. Taga Alapan,La Trinidad.
- Sakop ng Benguet ang La Trinidad.
- Nakatalaga siya sa Striking Force ng Baguio City Police
- Ang 2 pang suspek ay sina: Arnold Vines, 38 taong gulang
at taga Baguio City at si Isaias Pagayunan, 44 taong gulang
at taga Pulang Lupa, Las Pinas City.
- Nakilala ng pulisya ang 2 kidnap victim. Sila ay sina Norma Maximo
at Jocelyn Cancio. Si Norma ay 40 taong gulang at si Jocelyn ay
41 naman.
- Dakong alas-10 ng gabi nang abangan ng mga suspek ang mga biktima.
Nangyari ito sa kanilang pagbaba sa isang pampasaherong bus mula
sa terminal sa Dau na nasa Mabalacat sa Pampanga. Ito ay ayon sa
isinagawang imbestigasyon.
- Agad tinutukan ng baril ng mga suspek ang 2 negosyante nang
maispatan nila ito.
- Puwersahang isinakay ng mga suspek ang 2 negosyante sa 1 kulay
putting Nissan Urvan Escapade.
- Ang Nissan ay may plakang XEO-710.
- Nagkuwento ang mga biktima.Ayon sa kanila, habang sila ay nasa
loob ng sasakyan ng mga suspek ay nilimas ng mga ito ang kanilang
dalang pera at alahas.
- May mga nakasaksi sa pangyayari. Agad naming naipaabot ang pang-
yayari ng mga saksi.
- Nabawi ang 2 biktima sa mga suspek.
- Nasamsam ang mga sumusunod sa mga kinappers: .45 caliber pistol
na puno ng bala, cal. 9 mm na baril, P3,500. cash, 3 cellular phones,
1 gold bracelet, 1 gold ladies wristwatch at passbook.

You might also like