Vastique, na isinilid sa isang storage box at tinapon sa isang liblib na lugar sa Norzagaray, Bulacan, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad. Ayon sa imbestigasyon, pinalo umano sa ulo ang biktima ng 28 anyos niyang anak, si Raymond, sa kanilang bahay sa Barangay Villalamok, Pasig City noong 6:55 ng Marso 4. HOST:Nakuhanan pa ng CCTV footage noong Marso 6 ang suspek na hinahatak ang storage box palabas ng bahay. Makalipas ang 5 araw, natagpuan ng isang residente sa liblib na lugar sa Barangay Matictic, Norzagaray ang box, na agad nitong ini-report sa pulisya dahil sa maalingasaw na amoy. Nang puntahan ng mga tanod ang lugar, nakita nila ang box na naka-tape, at nang buksan ay bumungad sa kanila ang labi ng biktima. INTERVIEW:Nung naalis na po yung tape ay nakita po naming nakabaluktot po yung babae na para pong bata, tapos po ay topless siya pero mayroong short.
Nang imbitahan ng National Bureau of
Investigation (NBI) ang suspek para makausap, doon siya umamin sa pagpatay sa sariling ina. Sinamahan pa mismo ng suspek ang NBI sa Bulacan at itinuro kung saan iniwan ang labi ng biktima. Ayon sa autopsy report, blunt head trauma o paulit-ulit na pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Sa inisyal na imbestigasyo ng NBI, lumabas na may kinalaman sa pera at negosyo ang motibo sa pagpatay Nakita din umano mismo ng 6 na taong gulang na anak ng suspek ang pamamaslang sa kaniyang lola. Pero ayon sa suspek, nakapagsalita ng hindi maganda sa kaniya ang ina matapos nilang magkaroon ng diskusyon kaya niya nagawa ang krimen.
INTERVIEW:Sorry po, nag so sorry ako sa mga
ginawa ko. Sinasabi niya po, na di ako magiging succesful mga ganun, tapos po nag blackout nako, naggawa ko na po yung naggawa ko.
HOST:Ano yung nagawa mo?
INTERVIEW:Napalo ko na po yung mom ko, sa
head po. Nang mapansing wala nang malay ang biktima, nilagay at pinagkasya ito ng suspek sa box at itinago muna sa kuwarto. Patuloy pang iniimbestigahan ng NBI ang krimen at hinihingan ng salaysay ang pamilya ng biktima, kabilang ang 6 na taong gulang na saksi, bago isalang ang suspek sa inquest proceedings. Inihahanda na rin ng NBI ang kasong parricide laban sa suspek.
Hindi Inaasahan NG Isang Pamilya Na Galing Sa Japan Na Magiging Biktima Sila NG Salisi Habang Kumakain Sa Isang Fastfood Chain Sa Bayan NG Balagtas Sa Bulacan