You are on page 1of 2

4 na anak paulit-ulit ginahasa ng ama

Inaresto ng mga pulis ang isang 47-anyos na padre de pamilya na may warrant of arrest sa
kasong panggagahasa sa kanyang apat na anak makaraang umuwi sa kanilang bayan sa
Pangasinan makalipas ang isang taon na pagtatago dahil sa akalang pinatawad na siya ng asawa.

Sadyang hindi na pinangalanan ang suspek para mapangalagaan ang pagkakakilanlan ng kanyang
mga anak.

Ayon kay P/Lt. Col. Rollyfer Capoquian, hepe ng San Carlos City Police, sariling mga anak ng
suspek ang naging biktima nito na paulit-ulit na hinalay kung saan inuna ang panganay na pitong
taong gulang pa lamang noon at isinunod ang mga kapatid nito.

Sa kuwento umano ng mga biktima, paulit-ulit na sinasabi ng kanilang ama na “Bago kayo
pakinabangan ng iba ay dapat ako muna” kasabay ng pananakot at bantang papatayin ang
kanilang ina.

Nagawang makatakas ng dalawang anak samantalang naiwan naman ang dalawa nilang kapatid
na mga bata pa.

Ang nakatakas na magkapatid ay kasalukuyang naninirahan sa Maynila at may mga sarili nang
pamilya habang ang bunso na 16-anyos na ngayon ang huling nabiktima ng ama at siyang
naglakas ng loob na magsumbong.

Ayon kay Capoquian, naisampa ang kaso noong Agosto 23, 2018 at makalipas ang dalawang
buwan ay naglabas ng warrant of arrest si Judge Jaime Dojillo ng San Carlos City Regional Trial
Court Branch 57 para maaresto ang suspek.

Nagtago ang suspek at nagtungo sa Quezon City pero makalipas ang isang taon ay bumalik sa
kanilang lugar dahil sa pag-aakalang pinatawad na siya ng kanyang asawa.

Agad namang isinagawa ng pulisya ang follow-up operation makaraang makita ang suspek sa
kanilang lugar at inaresto ito.

From

https://tonite.abante.com.ph/4-na-anak-paulit-ulit-ginahasa-ng-ama.htm
Dalagita, 14, 'ginahasa' ng amain; ina kinasuhan din
Naaresto ang isang lalaki matapos umanong gahasain ang kaniyang stepdaughter
habang nahaharap din sa kaso ang ina ng biktima dahil sa pagtangka umanong itago ang
krimen.

Dinampot ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit
noong Lunes ang suspek sa Cavite matapos ireklamo ng 14 anyos niyang stepdaughter o
anak ng kaniyang misis sa dati nitong asawa.

Nahaharap naman sa kasong intentional neglect o sadyang pagpapabaya ang ina ng


dalagita dahil sa pagturo umano nito sa biktima na manahimik na lang, ayon kay NBI
Special Action Unit chief Emeterio Dongallo.

"Bilang nanay o magulang, responsibilidad nilang pangalagaan 'yong bata. Dapat ang
gawin niya, siya mismo ang pumunta sa awtoridad, isama iyong bata at mag-file ng
reklamo. Sa pagkakataon na ito, baliktad," ani Dongallo.

Napilitan ang bata na lumapit sa kaniyang tiyahin dahil ilang beses umano siyang
sinasabihan ng ina na manahimik na lang tuwing magsusumbong ukol sa umano ay
panggagahasa.

"Nagsumbong siya sa nanay niya pero sinabi lang na huwag sabihin kahit kanino," sabi
ng tiyahin ng biktima.

Hinuli ang suspek sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong rape noong 2014 na isinampa
ng isang babaeng tauhan sa negosyo ng kaniyang pamilya. Naungkat ito matapos siyang
ireklamo rin ng rape ng stepdaughter.

Tinanggi naman ng suspek ang mga paratang.

Posibleng makulong mula anim hanggang 12 taon ang ina dahil sa reklamong intentional
neglect habang kulong naman ang suspek sa kasong rape.

From

https://news.abs-cbn.com/news/10/09/18/dalagita-14-ginahasa-ng-amain-ina-
kinasuhan-din

You might also like