You are on page 1of 1

Elani, Jhoana Mae

10 - Einstein

3-anyos sinunog nang buhay ni tatay


March 22, 2018 Filed under Probinsya Posted by Angelli Catan RSS Feed

Ni YAS D. OCAMPO

DAVAO CITY – Inaresto ng pulisya ang isang ama matapos umano niyang sunugin nang
buhay ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae nitong Lunes ng madaling-
araw, sa Davao City.

Nakapiit na sa Sasa Police Station si Randy Cueva Cadiente, 44, may asawa, isang
construction worker, ng Malagamot, Panacan.
Si Cadiente ang itinuturong pumatay sa kanyang anak matapos umanong buhusan ng
gasolina at silaban ng lighter.
Natukoy ng City Prosecutor’s Office ang probable cause upang kasuhan ng parricide si
Cadiente.
Sinabi naman ng testigo na si Leonardo Contemplo Abli, 54, na nagising siya sa
pagpalahaw ng iyak ng nasusunog na sanggol, na kaagad niyang binuhusan ng tubig.
Kaagad ding humingi ng police assistance si Abli upang mailigtas ang biktima, na
bagamat nadala pa sa pagamutan ay binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.
Narekober sa crime scene ang isang plastic container na naglalaman ng gas at isang
disposable lighter.

-http://balita.net.ph/2018/03/22/3-anyos-sinunog-nang-buhay-ni-tatay/

You might also like