You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Probinsya ng Negros Oriental )


Lungsod ng Valencia )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si WENCISLAO CASIDSID, legal na edad, kasal, at naninirahan sa Brgy.


Valencia, Negros Oriental, matapos manumpa sa ilalim ng huramento alinsunod sa
batas, nakasaad dito ang kusang panunumpa at inilahad ang mga sumusunod:

Sa humigit kumulang 11:00 ng gabi noong ika-06 ng Pebrero taong 2023 na


kung saan ako ay patungo sa tindahan ng gulay sa Brgy. Calayugan, Negros Oriental
upang bumili ng gulay na aking ibebenta sa palengke, nasaksihan ko ang mga grupo
ng kalalakihan na kasama ang nakababatang kapatid ni Mayor Edgar Teves na si Don
Paulo Zartega Teves.

Sa nasabing lokasyon, habang ako ay nakikipag usap sa tindero ng gulay,


nakarinig ako ng malakas na putok ng baril mula sa lugar kung saan naroroon ang
grupo ng mga lalaki kasama si Don Paulo Teves. Noong narinig ko ang putok ng baril,
agad akong pumasok sa loob ng tindahan ng gulay.

Lumipas ang ilang minuto, ako ay sumilip sa lugar na pinangyarihan ng krimen,


nakita ko ang nakahandusay na katawan ng biktima. Di kalaunan, mayroong dalawang
lalaki ang papalapit sa bangkay ng biktima na nagmula sa kanilang sasakyan at may
hawak na kumot at plastic bag kung saan nila inilagay ang katawan ng biktima.

Ang probers ay nagsagawa na ng interbyu sa testigo malapit sa pinangyarihan


ng krimen at nagsagawa ng follow-up operation para sa pagkakakilanlan ng mga
suspek. Kanila na ring sinuri ang mga surveillance footage sa mga lugar kung saan
maaaring dinaanan ng mga suspek.

ANG TESTIGO AY WALA NANG KARAGDAGANG PAHAYAG:

BILANG ISANG SAKSI RITO, Inilagay ko ang aking lagda sa itaas ng aking
pangalan ngayong ika-07 ng Pebrero taong 2023, sa Valencia, Negros Oriental.

WENCISLAO CASIDSID
Nanunumpa
CRIME REPORT:

https://news.abs-cbn.com/news/02/07/23/kapatid-ng-mayor-sa-negros-oriental-
natagpuang-patay

You might also like