You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Puerto Princesa) S.S.


SINUMPAANG SALAYSAY
Ako, si VICTOR SIMON BADAGUAS JR y PALISOC, nasa hustong gulang, may
asawa at kasalukuyang naninirahan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City,
matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay kusang-loob na nagsasalaysay ng
mga sumusunod:
1 Na, ako ay empleado ng DJ Balcony Restaurant and Bar na matatagpuan sa
North National Highway, Barangay Tiniguiban bilang isang Sound Technician
at electrician;
2 Na, ang eskedyul ng aking trabaho ay mula alas 5:00 ng hapon hanggang ala
2:00 ng madaling araw;
3 Na, habang oras ng aking duty noong April 23, 2016 humigit kumulang alas
11:45 ng gabi habang ang grupo nina Engineer Rolly ay nagdaraos ng
kanyang birthday party sa naturang restaurant, isang kaguluhan ang
nangyari;
4 Na, bago ang pangyayaring iyon, ako ay napadaan sa grupo ng mga apat na
kalalakihan na nag-uusap habang nakatayo sa aking daraanan, na dalawa sa
mga lalaking iyon ay malalaki ang bulas na tinatayang may 57 ang taas. Sa
apat na lalaking iyon, nakita ko kasama ang anak na bunso ni Engineer So na
nakilala ko na si John Michael So. Na paglampas ko sa kanilang apat, ako ay
biglang nagulat at biglang napalingon na nakita ko sa malapitan na
sinusuntok si John Michael So ng isang lalaki na nakasuot ng jacket na
napag-alaman ko na si DEAN D. FORMENTO;
5 Na, ako ay meron lamang humigit-kumulang dalawang (2) metrong distansya
sa pinangyarihan ng gulo;
6 Na, habang nagkakagulo, nakita ko si PO3 ALEXANDER BERMEJO na agad
tumakbo papunta sa pinangyarihan ng gulo at nagpakilala na pulis ako at
kanya inawat ang isang lalaking naka suot ng tshirt na itim na napag-alaman
ko na si ZYKIE DIAZ, at kanya itong dinala sa may bandang dingding para
tumigil ang away.
7 Na, sa pagkakataong iyon natigil panandalian ang gulo dahil sa ginawang
pag aawat ni PO3 ALEXANDER BERMEJO;
8 Na, hindi ko nakita na hinahawakan ni PO3 BERMEJO si RALPH ZYKIE
DIAZ para ito ay ipasuntok kay LOLITO LINGA gaya ng kanilang paratang sa
naturang alagad ng batas;
9 Na, habang napatigil ang away at habang nakatalikod si PO3 BERMEJO kay
RALPH ZYKIE DIAZ, biglang tumakbo si RALPH ZYKIE DIAZ papunta sa
may bandang unahan at biglang nag basag ng bote ng red horse mula sa
mesang kanilang pinag inuman hanggang sa siya ay nakatakbo palabas ng
DJ Balcony.
10 Na, ang salaysay na ito ay aking ginawa upang patunayan ang lahat ng
nabanggit sa itaas ay pawang katotohanan lamang, at pabulaanan ang lahat

ng mga paratang laban kay PO3 BERMEJO, at ito ay kusang loob kong
ginawa.
SA KATUNAYAN NITO, ako ay lumagda ngayong ika____ ng Hunyo
2016 dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.
VICTOR SIMON P. BADAGUAS JR
May salaysay
NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika ____ ng Hunyo 2016 dito
sa Lungsod ng Puerto Princesa. AKING PINATUTUNAYAN na personal kong
nakaharap at nakausap ang nagsasalaysay, ako ay lubos na naniniwala na batid niya
ang mga nilalaman ng kanyang Salaysay at ang mga nilalaman nito ay kusang-loob
niyang ibinigay, siya ay hindi tinakot, pinilit, pinangakuan o binigyan ng ano man bilang
kapalit.

You might also like