You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT


NATIONAL POLICE COMMISSION
Valencia Police Municipal Station
Negros Oriental

SINUMPAANG SALAYSAY NA INIHAYAG AT IPINAGPATUPAD NI WENCISLAO CASIDSID KAY RICO


JOHN MANIMTIM NG INVESTIGATION UNIT NG VALENCIA, PROBINSYA NG NEGROS ORIENTAL
NGAYONG IKA-07 ARAW NG PEBRERO TAONG 2023 SA HUMIGIT KUMULANG 10:00 NG UMAGA,
(Ang mga karapatang konstitusyonal ng pumirma ay ipinaliwanag sa kanya nang lubusan.)

Tanong: Nagpunta ka ba dito ng malaya at kusang loob upang magbigay ng pahayag?


Sagot: Opo, Sir.

Tanong Handa ka bang sabihin ang katotohanan at pawang katotohanan lamang sa imbestiganyong
ito?
Sagot: Opo, Sir.

Tanong: Bakit ka pumunta rito ngayon?


Sagot: Gusto ko pong magbigay ng pahayag na may kinalaman sa pamamaril sa kapatid ni Mayor
Edgar Teves na si Don Paulo Zartega Teves.

Tanong: Alam mo ba na ang lahat ng sasabihin mo dito ay maaaring gamitin laban sa iyo?
Sagot: Opo, Sir.

Tanong: Gusto mo bang kumuha ng abogado? Kung wala kang kakayahang kumuha, kami ay
magbibigay sa iyo ng legal counsel nang walang bayad.
Sagot: Hindi, Sir, hindi ko po kailangan ng abogado.

Tanong: Maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong buong pangalan?


Sagot: Ako po si WENCISLAO CASIDSID, dalawampu’t isang taong gulang, at nakatira sa
Valencia, Negros Oriental.

Tanong: Ano ang gusto mong sabihin ngayong umaga?


Sagot: Nasaksihan ko po ang mga taong pumatay sa kapatid ni Mayor Edgar Teves na si Don
Paulo Zartega Teves sa barangay Calayugan at nakarinig rin ako ng putok ng baril.

Tanong: Paano mo nakita ang taong ito?


Sagot: Pumunta po ako doon sa lugar na pinangyarihan upang bumili ng gulay na ibinebenta ko sa
palengke. Habang naghihintay ako ng mga gulay, mayroong grupo ng kalalakihan ang
dumating malapit sa lugar na aking kinakatayuan at nakita ko rin si Don Paulo Teves
kasama ng grupo.

Tanong: Ano ang kasunod na nangyari?


Sagot: Pagkalipas ng sandali, nakarinig ako ng putok ng baril, at agad akong tumakbo sa loob ng
tindahan ng gulay na aking pinagbibilhan. Sumilip ako ng kaunti at doon ko nakita ang
dalawang lalaki na may hawak ng kumot at plastic bag kung saan inilagay nila ang bangkay
ng biktima.

Tanong: Makikilala mo ba ang mga itsura ng mga suspek?


Sagot: Hindi po, Sir.

Tanong: Mayroon ka pa bang sasabihin na may kaugnayan sa kasong ito?


Sagot: Wala na po, Sir.

Tanong: Maaari mo bang pirmahan ang sinumpaang salaysay na ito?


Sagot: Opo, Sir.
(Sgd.)
WENCISLAO CASIDSID
Affiant

Pinatutunayan ko na personal kong sinuri ang pumirma at kusang loob niyang isinagawa at naunawaan
ang kanyang affidavit.

(Sgd)
LEMUEL ABASTILLAS
Associate Provincial Prosecutor
Republic of the Philippines)
Municipality of Valencia )
Province of Negros Oriental) S. S.

JOINT AFFIDAVIT

Ako si RICO JOHN MANIMTIM, na sa legal na edad, miyembro ng Valencia Police Municipal
Station, at kasalukuyang kabilang sa Investigation Section, Matapos na marapat na manumpa alinsunod
sa batas, naririto ang kusang loob na panunumpa at sabihin ang mga sumusunod:

Ako ang imbestigador na may responsibilidad na gawin ang imbestigasyon sa kasong may
kinalaman sa pamamaril kay Don Paulo Zartega Teves, 42 anyos, nakatira sa Brgy. Valencia, Negros
Oriental at nakababatang kapatid ni Mayor Edgar Teves na kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima
sa Barangay Calayugan ng naturang bayan nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa salaysay ng saksi, noong ika-06 ng Pebrero taong 2023, bandang 11:00 ng gabi, habang
patungo si WENCISLAO CASIDSID, 21 anyos, at naninirahan sa Brgy. Valencia, Negros Oriental, sa
tindahan ng gulay sa Barangay Calayugan upang bumili ng mga paninda sa palengke, nakita niya ang
grupo ng mga kalalakihan kasama ang biktima na si Don Paulo Teves. Sa hindi inaasahang pangyayari,
nakarinig siya ng malakas na putok ng baril at agad siyang tumakbo sa loob ng tindahan ng gulay.
Lumipas ang ilang minuto, sumilip siya at nakita niya ang dalawang lalaki na may dalang kumot at plastic
bag kung saan doon inilagay ang bangkay ng biktima.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Valencia Police Municipal Station upang matukoy ang mga hindi pa
nakikilang suspek sa pamamaril at kung ano ang kanilang motibo. Napag alaman rin ng aming grupo na
walang koneksyon sa gobyerno o politika si Don Paulo Teves, at wala rin siyang kaugnayan sa New
People’s Army (NPA).

ANG KARAGDAGANG PIRMA AY NAGSASABI NG:

SA SALAYSAY NG MGA SAKSI, pumirma kami sa itaas ng aming pangalan ngayong ika-07 ng
Pebrero taong 2023 sa Brgy. Valencia, Negros Oriental.

WENCISLAO CASIDSID
Affiant

SUBSKRIBO AT SINUMPAAN ito ngayong ika-07 ng Pebrero taong 2023 sa Brgy. Valencia,
Negros Oriental. Pinatutunayan ko na personal kong sinuri ang pumirma at kusang loob nilang isinagawa
at naunawaan ang kanilang affidavit.

CARLITOS M. REYNA
Police Superintendent
Chief of Police Administering Officer
CRIME REPORT:

https://news.abs-cbn.com/news/02/07/23/kapatid-ng-mayor-sa-negros-oriental-natagpuang-patay

You might also like