You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Caloocan City, Metro Manila

ALEXANDRA SANCHEZ y BALAORO


Assisted by her mother Racquel Balaoro y Turqueza,
Complainant,

-VERSUS- NPS DOCKET NO. XV-02-INV-22L-


04021
FOR: Physical Injury in rel. to RA 7610
EDITH SALAMAT y MASULO,
Respondent.

x-------------------------------------------------------------x

KONTRA-SALAYSAY

Ako si EDITH SALAMAT y MASULO, Pilipino, nasa hustong


gulang, at may address na #158 Zamora St. Brgy. 19, Caloocan City, ay
matapos na makapanumpa ng naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na
nagsasalaysay ng mga sumusunod na:

1. Ako ang respondent sa kasong ito na isinampa ni ALEXANDRA


SANCHEZ y BALAORO, 17 taong gulang, at kasalukuyang nakatira sa No.
#140 P Zamora St. Brgy. 17, Caloocan City.

2. Mariin kong itinatanggi ang mga bintang sa akin sa kasong ito.


Walang katotohanan ang mga ibinibintang ni Alexandera sa akin sa kanyang
Reklamong Salaysay dahil sa katunayan ay ako ang biktima dito at ako ay
nagsampa rin ng kaso sa Office of the City Prosecutor ng Caloocan na
nakadocket bilang: XV-02-INV-23A-00167 kung saan kabilang sa mga
inireklamo ko ay si Alexandra Sanchez para sa pananakit at seryosong
pagbabanta sa aking buhay.

3. Ang mga totoong pangyayari ay ang mga sumusunod:


a. Noong bandang 2:00PM ng November 30, 2022,
habang ako po ay nakikipagkwentuhan sa aking kaibigan na
nagtitinda ng sigarilyo malapit sa saklaan sa lugar namin ay
lumapit si Alexandra kasama ang kanyang kaibigan na galing
saklaan at bumili ng sigarilyo.

b. Habang bumibili sila Alexandra at ang kanyang


kaibigan ay nagtanong ito kung magkano ang itlog pero dahil
wala noong mga panahong iyon ang nagtitinda ng itlog ay ako
na ang sumagot na “trese” 13 pesos ang itlog.

c. Pagkasabi ko ng presyo ng itlog kay Alexandra ay


sumagot ito sa akin na “bakit ikaw ba ang tinatanong ko?!” na
para bang namimilosopo at dito bigla nalang din niya akong
pinagmumura. Sinabi ko lang sa kanya na sinagot ko lang ang
tanong niya tungkol sa presyo ng itlog pero patuloy siyang
nagmumura sa akin.

d. Nakita ito ng kanyang tiyahin at nilapitan siya nito


para pauwiin pero gumilid lang si Alexandra at patuloy na
nagmumura sa akin. Dito ay nilapitan ko na siya at pinatigil ko
sa kanyang pagmumura dahil una sa lahat ay hindi ko naman
siya kakilala.

e. Dahil sa patuloy na pagmumura ni Alexandra sa akin


ay nagpang-abot na kami. Pagkatapos nito ay umuwi siya sa
bahay nila ng kanyang ka-live in partner na si alias “Jolo” na
kapatid ni Zarah Rivera at kaibigan nila ni Desiree Ramos.

f. Dito pala ay pinagplanuhan nila ako at nang lumabas si


Alexandra ay sumisigaw ito na peperahan daw niya ako dahil
menor o bata daw siya. Hindi pa din siya tumigil sa kanyang
pagmumura at sinabi pa niyang sinadya niya ang nangyari
dahol may plano daw siya.

g. Sa puntong ito habang ako ay nasa labas ay dinamba


ako ni Desiree mula sa aking likuran at dito at napaluhod ako.
Habang sinasabunutan ako ni Desiree ay patuloy ang
pagpukpok ng cellphone sa ulo ko. Sinubukan umawat ng aking
asawa pero pati siya din ay napukpok ni Alexandra ng
cellphone sa mata at nagtano ito ng blackeye.

h. Sumali na din sa pambubugbog sila Raquel Balaoro na


ina ni Alexandra, si Levi Khaye Sanchez na ate ni Alexandra, si
Zarah Rivera na hipag ni Alexandra at kaibigan ni Zarah na si
Desiree. Hindi nila ako tinigilan sa kanilang pananakit sa akin.

i. Maging ang tatay ni Alexandra na dapat sana ay inawat


ang kanyang anak ay binubuyo pa o tinutulak si Alexandra na
ituloy ang pambubugbog sa akin na kung saan ay pinagbantaan
na din ako ni Alex Sanchez na papatayin daw niya ako.

3. Nagdulot na ang mga pangyayari ng labis na pagkaabala, pangamba


sa aking buhay at kaligtasan. Sa katunayan ay nagkaroon kami ng mga
paghaharap sa barangay para sana magkaayos kami ng nagrereklamo pero
hindi nagkaroon ng pagkakasundo at hindi din maipaliwanag ang labis na
galit niya sa akin gayong hindi ko naman siya kakilala.

4. Ang kasong ito ay isinampa lamang ng mga nagrereklamong si


Alexandera laban sa akin upang gipitin, mangharass at gumanti sa hindi
malamang dahilan o upang ako ay perahan. Dahil sa kanilang pagnanakit o
pambububogbog sa niya sa akin maging mga kanyang kaanak ay nagsampa
din ako ng karampatang kaso laban sa kanila.

5. Base sa mga kadahilanan at mga diskusyong nabanggit, ay


nararapat lamang na ibasura ng kagalang-galang na Public Prosecutor ang
malisyoso at walang basehang kasong ito ni Alexandera laban sa akin dahil
sa kawalan ng “probable cause”.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this


___________2023 in the City of Manila.

EDITH SALAMAT y MASULO


Respondent-Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN before me, a Notary Public this


___________ in City of _________, affiant exhibiting to me competent
proof of his identity, _______________________.
Notary Public

Doc. No.___:
Page No.___:
Book No.___:
Series of 2023.

I hereby certify that I have personally examined the affiant/s and I am


satisfied that s/he/they voluntarily executed and understood this foregoing
affidavit.

Investigating Prosecutor

You might also like