You are on page 1of 3

Republic of the Philippines )

City of San Juan ) s.s.


x------------------------------------------x

SINUMPAANG KONTRA- SALAYSAY

Ako po si NICOLAS O. OBILLO, JR., Filipino, 34 taong gulang, nakatira sa


48-A. Bonifacio St., Brgy. Kabayanan, San Juan City, matapos makapanumpa ng
naayon sa batas ay naglalahad ng sumusunod para patunayan na walang
katotohanan ang reklamong isinampa sa amin ni CHRISTIAN L. SAWAL na
Unjust Vexation, Oral Defamation, and Other Forms of Threat na may NPS
Docket No. XV-15-INV-20J-00777-00779 at kasalukuyang dinidining sa
piskalya sa San Juan City:

1. Ang bintang laban sa akin ay pawang kasinungalingan, walang basehan at


gawa gawa lamang. Walang katotohanan na pinagsabihan ko si Christian
L. Sawal ng masasakit na salita at hindi din totoo na pinagbantaan ko
siya:

a. Noong November 18, 2020, bandang ala una ng hapon (1:00pm),


habang ako ay nag-aayos ng paninda sa harap ng bahay kasama ang
aking asawa na si Narolyn Obillo ay may narinig kami na ingay ng
bakal. Nang tingnan namin kung saan nanggagaling ang ingay ay
nakita namin si Christian Sawal na inuusog ang sampayan gamit ang
kanyang paa at ilang beses niya itong pinagsisipa hanggang sa halos
matumba;

b. Pabulong akong tinanong ng aking asawa kung bakit ganoon ang


ginagawa ni Christian Sawal sa sampayan at sinabihan ko naman si
Narolyn na “Hayaan mon a siya, ganyan talaga yan.”;

c. Ilang sandal ay sumugod papalapit sa amin si Christian at galit na


dinuro ako at sinabi, “Ano problema mo?” Sinagot ko siya at sabi ko,
siya ang may problema kasi bakit niya sinipa ang sampayan kung
pwede naman niyang iusog nang maayos;

d. Sumagot muli si Christian Sawal nang pasigaw at sinabi, “Bakit,


natumba ba?!” Sumagot naman ako na “Wag ganyan, kuya. Makisama
ka naman kasi nakikisama naman kami.” Habang inaayos ko ang
sampayan ay patuloy parin siya sa pagsasalita at pangiinis sa amin.
Ang mga sinabi niya ay hindi ko na lamang inintindi at ako ay
tumalikod na patungo sa aming tindahan;

e. Pagkatapos ay lumabas ang kapatid ko na si Marilyn O. Obillo upang


kuhanin ang kanyang mga sinampay. Sinigawan at dinuro ni Christian
Sawal si Marilyn O. Obillo kaya naman ito ay napaiyak;
f. Doon na bumaba ang aking kapatid na si Michael O. Obillo upang
harapin si Christian Sawal at nagkasagutan ang dalawa. Matapos ang
kanilang pagtatalo ay lumapit ang mga tauhan ni Christian Sawal at
humingi ng pasensya sa amin dahil sa mga ginawa at sinabi ng
kanilang amo.

g. Bilang karagdagang patunay, nakalakip dito ang Sinumpaang Salaysay


ng aking asawa na si Narolyn Obillo, bilang “Annex 1”.

2. Ang mga inilahad ni Christian Sawal sa kanyang Judicial Affidavit mula sa


San Juan Police Station ay hindi totoo at kasinungalingan lamang:

a. Hindi totoo na maayos niyang iniusog ang sampayan dahil ito ay


kanyang sinipa nang malakas at paulit ulit, at sadyang itinuloy pa niya
ang pagsipa nang makita niya na nakatingin kami ni Narolyn Obillo
sakanya;

b. Pagkatapos sipain ni Christian Sawal ang sampayan ay siya pa ang


sumugod sa amin at sinabi, “Ano ang problema mo?” at tila nang-
poprovoke ng gulo;

c. Hindi din totoo na sinabihan ko siya na “mayabang, akala mo kung


sino, at naghahariharian.” Ang mga ito ay gawa gawa lamang ni
Christian Sawal.

3. Hindi po makatarungang ako ay maakusahan ng Unjust Vexation, Oral


Defamation, and Other Forms of Threat dahil sa katotohanan ay si
Christian Sawal po ang aming dapat sampahan ng reklamo dahil sa mga
ginawa at sinabi niya sa amin;

4. Hindi po totoo na kinutya at siniraan ko si Christian Sawal. Hindi rin po


totoo na pinagbantaan ko siya ng kahit ano man.

5. Na aking boluntaryong pinanumpaan at nilagdaan ang kontra-salaysay na


ito upang patunayan ang aking inilahad, sagutin ang reklamo sa akin at
upang patibayin na wala akong nagawang anumang kasalanan o paglabag
sa batas.

6. Aking inilalagda ang aking pangalan sa ibaba ngayong ika-23 ng


Nobyembre 2020 sa Lungsod ng San Juan.

NICOLAS O. OBILLO, JR.


Nagsasalaysay
SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayong ika-23 ng
Nobyembre 2020. Pinatutunayan ko na ang mga nagsalaysay ay aking nasiyasat
at ako ay may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang nagsalaysay.

You might also like