You are on page 1of 2

“ANNEX 1”

Republic of the Philippines )


San Juan City ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako po si, NAROLYN OBILLO, may sapat na gulang, mamamayang


Pilipino, at kasalukuyang naninirahan sa 48-A. Bonifacio St., Brgy. Kabayanan,
San Juan City, pagkatapos manumpa ng ayon sa batas ay malayang nagsasabi
at nagsasalaysay ng buong katotohanan ng mga sumusunod:

1. Na ako po ay nakasaksi sa pangyayari noong ika-18 ng Setyembre 2020,


bandang ala una ng hapon. Noong araw na iyon po ay nag-aayos ako ng
paninda sa labas ng aming bahay kasama ang aking asawa nang ako ay
magulat sa narinig kong pagkaskas ng bakal. Pagtinging ko ay nakita ko
na sinisipa ni Christian Sawal ang sampayan namin. Nang makita niya
na kami ay nakatingin ay lalo pa niyang sinipa ang sampayan. Hindi siya
tumigil at muli pa niya itong sinipa nang paulit-ulit. Dahil dito, ako ay
napabulong sa aking asawa na si Nicolas Obillo ng, “Bakit ganoon?” at
pabulong din naman niya akong sinagot ng, “Hayaan mo na yan, ganyan
talaga yan.”;

2. Nagulat na lamang po kaming mag-asawa nang makita namin na


sumusugod si Christian Sawal sa aming tindahan at sinabihan niya ang
aking asawa na “Anong problema mo?!” sa tonong pasigaw. Sumagot
ang aking asawa at sinabi, “Ikaw ang may problema, pwede mo naman
sabihin sa amin na iusog ang sampayan at hindi mon a kailangan sipain.”

3. Dito ko na po tinawag ang aking hipag na si Marilyn Obillo upang


sabihin sakanya ang pangyayari, at siya po ay lumabas upang kunin ang
kanyang mga sinampay. Habang kinukuha ni Marilyn Obillo ang
kanyang mga sinampay, sinabi niya kay Christian Sawal na, “Ikaw
naman, ang laki talaga ng problema mo dito sa lugar na ito.” Matapos
noon ay sinigawan ni Christian Sawal si Marilyn Obillo habang nakaduro
at sinabi niya, “Ano ang nirereact mo diyan, hindi naman natumba!”
Tuloy-tuloy pang binungangaan ni Christian Sawal si Marilyn Obillo
hanggang sa umiyak na si Marilyn. Dahil dito, nasabi ni Marilyn ang mga
katagang: “Kakarmahin ka din sa sama ng ugali mo.”

4. Pagkatapos po nito ay sumilip si Kuya Michael Obillo, kapatid ni Marilyn


Obillo, sa bintana at nang makita niya na ang kanyang kapatid ay
umiiyak at sinisigawan ni Christian Sawal ay agad siyang bumaba upang
tulungan ito. Nagalit si Michael Obillo sa kanyang nakita kaya
nagkasigawan sila ni Christian Sawal ngunit malayo pa lamang ay
naawat na namin si Michael at hindi na ito nakalapit kay Christian.
5. Matapos ang insidente ay lumapit sa amin ang mga kasamang tauhan ni
Christian Sawal upang humingi ng pasensya sa amin dahil sa mga
ginawa at sinabi ng kanilang amo.

BILANG PATUNAY, ako ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan ngayong ika-


23 ng Nobyembre 2020 sa San Juan City.

NAROLYN OBILLO
Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayong ika-23 ng


Nobyembre 2020. Pinatutunayan ko na ang mga nagsalaysay ay aking
nasiyasat at ako ay may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang
nagsalaysay.

You might also like