You are on page 1of 3

1

EL FILIBUSTERISMO SCRIPT
“Kabanata 6: Si Basilio”
Narrator: Nang mangsimulang tumunog ang kampana ng simbahan para sa Misa
De Gallo, dali-daling nagtungo ang mga tao sa simbahan. Palihim na pumunta si
Basilio patungo sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayo’y pag aari n ani Kapitan
Tiago. Huminto siya sa tabi ng isang bunton na mga bato.
Basilio: (Huminto, inalis ang sombrero, at nag dasal.)
Narrator: Dun naka libing ang kanyang ina, si Sisa.
Basilio: Inay, bibisitahin ko ang mag-anak ni Kabesang Tales bukas, kaya
samantalang dumalaw ako ngayon.
Narrator: Umupo siya sa isang bato, at nag isip nang malalim. Naalaala niya ang
araw na ito, labintatlong taon.

(Flashback)
Narrator: Habang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina, isang di kilalang lalaki
ang lumapit sa kaniya at gumawa ng siga. Kanya itong sinunod, at siya’y naguha ng
kahoy. Nang siya’y bumalik, Nakita niya ang isang bangkay na di-kilala sa tabi ng
bangkay ng kaniyang ina. Ang nag-utos ay tumulong sa kaniya sa pagsunog sa
bangkay ng lalaki, at tinulungan siyang humukay sa pinaglibingan ng kaniyang ina.
Di-kilalang lalaki: Oh eto, pera. Bibigyan kita ng pera at wag na wag ka nang
bumalik sa lugar na ito.
Narrator: Umalis siya sa bayang iyon at nagtungo sa Maynila upang paalila at mag-
aral. Walang tumatanggap sa kaniya sapagkat maysakit, napakarumi at gula-
gulanit ang damit. Sa kaniyang paglalakad ay marami siyang kahirapang dinanas.

Basilio: (Kumatok sa pintuan) Magandang araw sa inyo po senyor, galing po ako sa


bayan at walang pamilya, pwede ho niyo bang-
2

Senyor: Aba ang kapal ng mukha mo! Lumayas ka sa harap ko o tatawag ako ng
guwardiyang sibil! (sabay bagsak sarado ang pintuan).

Narrator: Matamlay at walang pag-asang pagala-gala siya sa mga lansangan nang


matanaw niya si Kapitan Tiago at Tiya Isabel. Lungkot na lungkot si Kapitan Tiago
sa sitwasyon ni Basilio, tinanggap siya nitong alila na walang bayad at ginawang
tagapag-utos.

Kapitan Tiyago: Basilio, papatirahin kita sa amin at pag-aaralin sa San Juan Letran.

Basilio: Maraming salamat po. Mag aral po ako ng Mabuti upang ibayad sa
kabutihan niyo, Kapitan Tiago.

Narrator: Ipinaaral siya sa San Juan de Letran. Pinagtiisan niya ang di-mabuting
pakita sa kaniya ng kaniyang guro at mga kamag-aral. Naging mabuti-buti lamang
ang kaniyang kalagayan nang siya’y makarating sa pangatlong taon.

Narrator: Nang magmongha si Maria Clara ay namuhi na si Kapitan Tiyago sa mga


prayle. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Lalong naging matiyaga at
masigasig sap ag-aaral si Basilio.

Narrator: Nagtapos siya ng pagkabatsilyer sa gitna ng kagalakan ng kaniyang mga


propesor at sa paglilitis ay ipinagmalaki siya sa harap ng mga hahatol na dominiko
na panaroroon upang magsiyasat.

Basilio: Kapitan Tiago, dahil sa hilig ko, medisina ang kunin ko.

Kapitan Tiyago: Oh ganun ba? Gusto ko ang pagkamanananggol ang kunin mo


sana, pero papaya ako ako na medisina kunin mo upang makakuha ako ng lason
na mailalagay sa tari ng aking manok.
3

Narrator: Pagkatapos ng tatlong taong pagsisikap, ay nagsimula na gumanda ang


kaniyang hinaharap. Yaon na ang huli niyang taon, at sa loob ng dalawang buwan
ay magiging doctor, babalik siya sa bayan at papakakasalan si Huli.
BASILIO: MONLEON
SISA: ROBLE
DI-KILALANG LALAKI: RICKSFORD
BANGKAY: LORO
SENYOR NA MASUNGKIT: GASCON
KAPITAN TIAGO: MONGCAS

You might also like