You are on page 1of 10

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI JARAMELLA SHERALYD SAPALO

CHIVA NA IBINIGAY KAY Pat. Princess Ann Conserman DITO SA LOOB NG SILID
SIYASATAN NG REGIONAL ANTI-CYBERCRIME OFFICE 6, CAMP DELGADO,
FORT SAN PEDRO, ILOILO CITY NGAYONG BANDANG ALAS-NUWEBE NG
UMAGA, IKA- 29 NG MAYO 2021 SA HARAP NI Pat. Ellen Navarro AT IBA PANG
MGA SAKSI.
xx=============================================================xx
(PASUBALI: Ang nagsasalaysay ay pinahiwatigan o pinaalalahanan ng lahat ng kanyang
mga karapatan alinsunod sa itinatandhana ng ating Saligang Batas.)

MGA TANONG AT SAGOT


01. TANONG - Ikaw ba ay nakakabasa o nakakaunawa ng wikang tagalog?
SAGOT - Opo, nakakabasa at nakakaunawa po ako ng wikang tagalog.
(Lagda)
02. TANONG - Kung gayon maari bang malaman muli ang iyong pangalan, edad,
tirahan at iba pang mga bagay na maaring pagkakilanlan sa iyong
pagkatao?

SAGOT - Ako po si ARJHILYN DEVERA, 33 taong


gulang, isa pong empleyado, nakatira po sa Quezon City.

03. TANONG - Ano ba ang iyong dahilan at ikaw ay naririto sa aming tanggapan at
ikaw ay nagbibigay ng malaya at kusang loob na salaysay?

SAGOT - Upang pormal na magbigay ng aking kusang loob na salaysay at


tumayo bilang isang testigo laban kay Nilo Martinez sa kasong
RAPE na isasampa ni Maria Teresa Albao
(victim).

04. T- Paano mo nakilala ang iyong nabanggit na tao ?

S- Personal ko pong kilala si Nilo Martinez aka Nonong Lameg dahil


kami po noon ay mag kapitbahay sa Montalban Rizal.
05. T - Maari mo bang ibigay ang iyong iba pang nalalaman at
pagkakakilanlan ng taong iyong binanggit?

S - Opo, siya po si Nilo Martinez aka Nonong Lameg, 29 years old,


nakatira po siya sa Barangay San Isidro, Montalban, nag
tatrabaho bilang construction worker at siya po ay kilalang adik at
manginginom sa aming lugar.
06. T - Ikaw ba ay pinilit ng mga maghahabla o nino man para tumestigo?

S- Hindi po, ito po ay aking kusa dahil gusto ko pong tulungan ang
mga babaeng biktima.

07. T - Kung ganun, maari mo bang ilahad sa pagsisiyasat na ito ang lahat
ng iyong nalalaman?

S - Opo, ganito po iyon. Noong November 28, 2022 alas-10 ng gabi,


kakauwi ko lang galling sa trabaho at magluluto sana ng aking
hapunan nang may narinig po akong kalabog mula sa kabilang
apartment at may babaeng sumisigaw at humihingi ng tulong.

08. T - Ano ang sumunod na nangyari?

S - Nung nakarinig po ako ng pangalawang sigaw, dali dali ko po


itong pinuntahan at binuksan ang pinto tumambad po sakin ang
hubad na katawan ni Nonong Lameg at ng nagpupumiglas na
biktima. dali dali namang tumakbo si Nonong Lameg palabas dala
ang kanyang mga damit.

10. T- Ano ang sumunod na nangyari? Kung mayroon man.


S- Tinulungan ko po ang biktima na nooy umiiyak na magbihis at
nagpatulong ito na pumunta sa inyong tanggapan upang mag
sampa ng kaso.

14. TANONG - Pansamantala ay wala na muna akong itatanong sa iyo, may gusto
ka pa bang sabihin o ibawas sa mga nasabi mo na?

SAGOT - Wala na po.

15. T ANONG- Nais mo bang lumagda sa ibabaw ng iyong pangalan bilang


patunay na ito ay iyong isang malaya at kusang loob na salaysay?
SAGOT - Opo, ako po ay lalagda bilang patunay na ang lahat ng ito ay totoo
at aking kusa at malayang ibinigay na salaysay.

WAKAS NG SALAYSAY: (May 29, 2021 ika 10:00 ng umaga)

JARAMELLA SHERALYD SAPALO CHIVA


Nagsalaysay

CERTIFICATION
I HEREBY CERTIFY THAT I have personally examined the herein affiant under
oath and that I am fully satisfied that he/she voluntarily executed and understood his/her
statement.
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this May 29, 2021 at Iloilo City,
Philippines.

P/CAPT. EDUARDO S.
ORTINEZ
Administering Officer

ATTESTATION

I, PAT. PRINCESS ANN CONSERMAN, under oath do hereby certify that I


supervised the examination of the complainant/witness and that I faithfully caused to be
recorded the question asked of and corresponding answer that the witness gave, and I
also certify that neither I nor any other persons than present or assisting the witness
had coached the affiant of his answer.

IN WITNESSED WHEREOF, I have hereunto affixed my signature below this 29 th


of May 2021 at Iloilo City, Philippines.

Pat. Princess Ann Conserman


Affiant
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this May 29, 2021 at Iloilo City,
Philippines.

P/CAPT. EDUARDO S. ORTINEZ


Administering Officer

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI KIRSTEN KAETHE SILVEO


JARANILLA NA IBINIGAY KAY Pat. Princess Ann Conserman DITO SA LOOB NG
SILID SIYASATAN NG REGIONAL ANTI-CYBERCRIME OFFICE 6, CAMP DELGADO,
FORT SAN PEDRO, ILOILO CITY NGAYONG BANDANG ALAS-OTSO NG UMAGA,
IKA-2 NG AGOSTO 2018 SA HARAP NI Pat. Ellen Navarro AT IBA PANG MGA
SAKSI.
xx=============================================================xx
PASUBALI: Ikaw ngayon ay sumasailalim sa isang imbestigasyon patungkol sa
pangyayari na kung saan ay ikaw ay naloko ng isang nagpanggap na model
photographer sa Facebook na nagngangalang “Isiah Lopez” at “Mark Olmedo” na
kung saan ay nakuhanan ka ng iyong mga hubad na larawan at na upload ito sa isang
website. Nais mo bang ipagpatuloy ang imbestigasyon ito?

SAGOT: Opo (Lagda)

MGA TANONG AT SAGOT


01. TANONG - Ikaw ba ay nakakabasa o nakakaunawa ng wikang tagalog?
SAGOT - Opo, nakakabasa at nakakaunawa po ako ng wikang tagalog.
(Lagda)
02. TANONG - Kung gayon maari bang malaman muli ang iyong pangalan, edad,
tirahan at iba pang mga bagay na maaring pagkakilanlan sa iyong
pagkatao?

SAGOT - Ako po si Maria Teresa Albao, 25 taong gulang, isa pong working
student at kasalukuyang naninirahan sa San Isidro, Montalban.

03. TANONG - Ano ba ang iyong dahilan at ikaw ay naririto sa aming tanggapan at
ikaw ay nagbibigay ng malaya at kusang loob na salaysay?

SAGOT - Upang pormal na magsampa ng kaso at magbigay ng aking


salaysay patungkol sa panghahalay sa akin ni “Nilo Martinez aka
Nonong Lameg”.
04. T - Maari mo bang isalaysay ang pagkakakilanlan mo sa tinutukoy
mong si Nilo Martinez aka Nonong Lameg” na iyong nabanggit ?

S - Siya po ay aking personal na kilala dahil siya po ay nakatira sa


kabilang kwarto ng apartment na aking tinitirhan. Bago pa lamang
po ako sa lugar na iyon ang alam ko lamang po ay isa siyang
construction worker.

05. T - Maari mo bang isalaysay o i-kwento kung papaano at kailan


nangyari ang panghahalay?

S - Noong November 28, 2022, alas-9 ng gabi kumatok si Nilo


Martinez sa kwartong tinitirhan ko, nagpatulong po siya sa akin na
gumawa ng kanyang resume dahil mag aapply daw po siya ng
panibagong trabaho.

06. T - Ano ang sumunod na nangyari?

S- Walang pag aalinlangan ko pong pinapasok si Nilo Martinez dahil


maayos naman po ang kanyang pakikitungo sa akin, lingid po sa
aking kaalaman na may binabalak na po siyang masama sa akin.
Pag talikod ko po dahil kukunin ko ang aking laptop ako po ay
kanyang hinawakan ng mahigpit at pinipilit na hubaran, ako po ay
napaupo sa aking kama at doon niya na po ginawa ang lahat ng
kanyang kababuyan sa akin.

07. T - Ano ang sumunod na nangyari? Kung mayroon man.

S - Sa gitna ng aking pagpupumiglas at pag sigaw ako po ay mapalad


dahil may babaeng biglang pumasok sa aking kwarto at doon ay
biglang napatigil si Nilo Martinez sa kanyang ginagawa at
nagmamadaling tumakbo palabras dala ang kanyang saplot.
08. T - Naipost niya ba o naipakalat ang iyong mga larawan?

S - Opo, dahil hindi na po ako nagpadala ng malalaswang larawan na


gusto niya. Pinagkalat nya po ang aking mga hubad na larawan at
isinend sa aking mga kaibigan at pamilya, madami din pong nag
message sakin sa Facebook na hindi ko kilala at sinabi po na
mayroon nga daw pong nagpapakalat ng aking mga hubad na
larawan. At ang pinakamasakit po ay inupload po niya lahat ng
aking mga larawan sa isang pornsite na (XBREEZY.CO) na kung
saan ay mayroong TAG na “Kirsten Jaranilla Huasiong Iloilo
Scandal Photos” ito din po ay mayroong 13,437 views.

09. T - Matapos nito, ano ang iyong ginawa?


S - Ako po ay sobrang depressed at umabot po sa punto na gusto ko
na pong magpakamatay dahil po sa kahihiyaan. Ito pong nangyari
ay agad ko pong sinabi sa aking mga magulang.

10. T - Ano ang sumunod na nangyari?

S - Noong April 16, 2021, kasama po ang aking nanay na si Katrina


Silveo Jaranilla kami po ay nagtungo na sa Regional Anti
Cybercrime Office 6 sa Camp Delgado, Fort San Pedro, Iloilo
City upang humingi po ng tulong.

11. T- Matapos ninyong dumulog sa aming tanggapan, Ano ang sumunod


na nangyari?

S- Natuklasan ko po na madami na pong nabiktima itong Facebook


user na si “Mark Olmedo” at madami pa po siyang account na
ginagamit sa panloloko. Mayroon po ako nakita sa Facebook isa
pong biktima na si Mhery May Dalde at parehas na parehas po
ang istilo ng panloloko na nangyari sa amin. Nagkaroon po ako ng
pagkakataon na makausap din ang biktima at dito po ay nagsabi
siya na isang Jaramella Sheralyd Sapalo Chiva ang gusto pong
tumulong at tumestigo para sa aming kaso.

12. T- Nagkaroon ba kayo ng pagkakataong magkausap ng taong


tutulong sa inyo?

S- Opo, nagkausap po kami ni Jaramella Sheralyd Sapalo Chiva,


nagsend din po siya ng larawan ng gumagamit ng mga pekeng
Facebook account upang makapanloko. Ako po ay nagulat dahil
noong sinend niya po ang picture ng taong nanloko sa akin, ay ito
din po ang taong naka video call ko gamit ang account na “Mark
Olmedo”.

13. TANONG - Pansamantala ay wala na muna akong itatanong sa iyo, may gusto
ka pa bang sabihin o ibawas sa mga nasabi mo na?

SAGOT - Wala na po.

14. T ANONG- Nais mo bang lumagda sa ibabaw ng iyong pangalan bilang


patunay na ito ay iyong isang malaya at kusang loob na salaysay?

SAGOT - Opo, ako po ay lalagda bilang patunay na ang lahat ng ito ay totoo
at aking kusa at malayang ibinigay na salaysay.

WAKAS NG SALAYSAY: (Mayo 29, 2021 ika 9:00 ng umaga)

KIRSTEN KAETHE SILVEO JARANILLA


Nagsalaysay

PINATUTUNAYAN KO na si KIRSTEN KAETHE SILVEO JARANILLA, aking anak ay


aking inalalayan habang siya ay nagbibigay ng kanyang malaya at kusang loob na
salaysay ngayong ika 29 ng Mayo 2021.

KATRINA SILVEO JARANILLA


Mother/Guardian
CERTIFICATION
I HEREBY CERTIFY THAT I have personally examined the herein affiant under
oath and that I am fully satisfied that he/she voluntarily executed and understood his/her
statement.

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this May 29, 2021 at Iloilo City,
Philippines.

P/CAPT. EDUARDO S. ORTINEZ


Administering Officer

ATTESTATION

I, Pat. Princess Ann Conserman, under oath do hereby certify that I supervised
the examination of the complainant/witness and that I faithfully caused to be recorded
the question asked of and corresponding answer that the witness gave, and I also
certify that neither I nor any other persons than present or assisting the witness had
coached the affiant of his answer.

IN WITNESSED WHEREOF, I have hereunto affixed my signature below this


29th of May 2021 at Iloilo City, Philippines.

Pat. Princess Ann Conserman


Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this May 29, 2021 at Iloilo City,
Philippines.

P/CAPT. EDUARDO S.ORTINEZ


Administering Officer

You might also like