You are on page 1of 2

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI ADRIENNE ESPAÑOLA y CATAGUE

NA KINUHA DITO SA LOOB NG SILID SIYASATAN NG WOMEN’S AND CHILDREN


PROTECTION DESK (WCPD) HIMPILAN NG PULISYA, LUNGSOD NG PASAY
NGAYONG IKA- 30 NG ABRIL 2019 SA GANAP NA 05:05 NG HAPON SA
PAGTATANONG NI PO2 JENNEELYN MARIE R. ANTE AT SA HARAP NG ILANG
SAKSI…………………………………………………………………………………………….D
M………………………………………………………………………………………………….D
TANONG : Ikaw ba ay marunong bumasa, sumulat at umunawa ng wikang Tagalog na
siya nating gagamitin sa pagsisiyasat na ito?
SAGOT : Opo.
Pasubali : Matapos kong mabatid ang ilan sa iyong mga karapatan alinsunod sa ating
saligang batas ikaw ba ay nakahanada pa rin magbigay ng isang malaya at kusang loob na salaysay
at lahat ng iyong sasabihin ay pawang katotohanan lamang?
SAGOT : Opo.
Lagda:____________________
02. T : Kung gayon maari mo bang sabihin muli ang iyong tunay na pangalan,
edad, tirahan at iba pang bagay ukol sa iyong buong pagkatao?
S : Ako po si ADRIENNE ESPAÑOLA y CATAGUE, 22 taong gulang
(DOB 03-08-1997), dalaga, tubong Angeles City, Pampanga, at kasalukuyang naninirahan sa
Unit 201 Evalber Residential Building, Mabolo Street, Pasay City.
03. T : Ano naman ang dahilan at ikaw ay narito sa aming himpilan at nagbibigay
ng iyong salaysay?
S : Para po magsampa ng kaso.
04. T : Ano naman ang isasampa mong kaso?
S : Pinatungan niya po ako at pinaghahalikan sa aking braso, leeg, mukha, at
sa ilalim ng aking taenga at hinubad niya ang aking jogging pants at panty at ipinasok ang daliri
niya sa aking ari.
05. T : Sino naman po ang taong ito na sasampahan mo ng kaso?
S : Si MICHAEL KEAN L. CAI, 27 taong gulang, binata, security officer ng
Mustang Security System, Inc., tubong Olongapo City at kasalukuyang naninirahan sa may
No. 2166-2168 Dr. M. Carreon Street, Sta. Ana Manila.
06. T : Kailan, saan at anong oras ba naman nangyari ang insidenteng iyong
nabanggit?
S : Mga bandang 10:30 ng Gabi, April 25, 2019 sa may Mustang Security
System, Inc. Compound, Msai Building, 89 Liman Street, Barangay 3, Pasay City.
07. T : Sa ikaliliwanag ng pagsisiyasat na ito maari mo bang isalaysay sa akin ang
buong pangyayari?
S : Nanunuod po ako ng tv noon nang umakyat po si Michael sa kwarto namin
sa itaas ng opisina ng Mustang Security Agency pag akyat niya (Michael) po ay pumasok siya
(Michael) sa loob ng kwarto namin at umupo sa paanan ko habang ako ay nakaupo sa kama. Tapos
po ay naramdaman ko nalang na hinalikan niya (Michael) ako sa aking binti, tagiliran at niyakap
niya (Michael) ako hinaplos haplos ang aking likod at hinalikan niya (Michael) ang aking leeg,
mukha, at nararamdaman ko ang ang dila niya (Michael) sa loob ng aking taenga at hinalikan niya
(Michael) ako sa aking balikat at biglang dinaganan niya ako at niyakap niya ako saka biglang
binaba ang aking suot na jogging pants kasama ang aking panty at hinawakan niya (Michael) ang
ari ko at pinasok niya (Michael) and daliri niya (Michael) sa aking ari at pinilit ko pong kunin ang
kamay niya sa aking ari sa pagkakahawak niya (Michael) at sabi ko sa kanya na sir huwag po
please at kinuha niya ang aking kamay pinuwersa niya na itinaas ito at bumulong siya (Michael)
sa akin habang hinahalikan ako sabi niya (Michael) huwag daw akong maingay at sabi niya
matagal na daw siyang may gusto sa akin at noong pinipilit kong makawala sa kanya pero ang
bigat po niya (Michael) at mas malakas kaysa sa akin. Kaya ang ginawa ko po ay pinilit kong
tumalikod at itinulak ko po siya (Michael) pagkatapos po noon ay bumangon na siya (Michael) at
m…………………………………………...may karugtong………………………………………d
m……………karugtong ng salaysay ni ADRIENNE ESPAÑOLA y CATAGUE ………..……d

tumawa at pinagmumura ako ng putang ina! Lumabas po siya (Michael) pero wala pang 2 minutes
umakyat siya (Michael) ulit at nasa sulok po ako noon yakap ko iyong unan hinawakan niya po
ako sa aking balikat at inihaharap niya ako sa kanya pero ayaw ko pong humarap. Bigla pong
tumunog ang cell phone niya agad siyang lumabas at kinuha ko na ang damit ko para maisauot at
bumaba po ako at nakita ko na lumipat po sa operation office si Michael at dumiretso na po ako sa
labas sinabi ko sa base guard na si S/G Dorado lalabas ako at tumayo po si Dorado para buksan
ako ng gate at humabol po si Michael sa akin at naghabulan po kaming dalawa ni Michael
hanggang sa bumalik ako sa opisina at ni lock ko ang pintuan pero nabuksan po ni Michael ang
pinto. Pagbukas po ng pinto nagtatakbo ako pero hinarang niya (Michael) ako at niyakap ako
bumalya kaming dalawa sa pinto at sinabi niya kausapin ako sumigaw na po ako at tinawag ko si
Dorado at narinig ako ni Dorado at paglabas ko ay nakasalubong ko na si Dorado sabi ko palabasin
mo ako ng gate ayaw ako palabasin ni Dorado nagalit na ako kasi hindi ako pinalabas ni Dorado
hanggang nakalabas na po ako ng gate.
08. T : Ano naman ang naramdaman mo pagkatapos ng insedenteng iyong
nabanggit?
S : Hindi ko po mapaliwanag pero masakit po. Masakit po ang aking balikat
dahil sa pwersa ng pagkatalikod ko sa kanya at nagkaroon po ako ng pasa sa dibdib mahapdi po
ang aking ari po.
09. T : May nakakita po ba sa pangyayaring iyong nabanggit?
S : Wala po kasi dalawa lang po kami at iyong base guard na duty sa gate na si
S/G Dorado.
10. T : Ano ang suot mo ng mangyari ang insedenteng iyong nabanggit?
S : Nakasuot po ako ng jogging pants at pangtaas na white t-shirt.
11. T : Ilang beses niya ng ginawa ang insedenteng iyong nabanggit?
S : Isang (1) beses lang po niyang ginawa sa akin.
12. T : Pagkatapos ng pangyayaring iyong nabanggit ano naman ang sumusunod
na nangyari kung mayroon man?
S : Wala na po.
13. T : Pansamantala ay wala muna akong itatanong sa iyo, may nais ka pa bang
idagdag o ibawas sa iyong salaysay?
S : Wala na po.
14. T : Hanada mo bang lagdaan at panumpaan ang salaysay mong ito bilang
patunay sa lahat ng nakasaad dito, na walang namilit o nanakot sayo?
S : Opo.
m……………………..Wakas ng salaysay ni………………………………d
April 30, 2019
Pasay City, Philippines

ADRIENNE ESPAÑOLA y CATAGUE


(Nagsalaysay)

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 30th day of April 2019 hereat, Pasay
City, Philippines.

This is to certify that I have personally examined the affiant and I am fully satisfied that
he/she voluntarily executed and understood the foregoing statement.

JOSEPH ANGELO J. GUILLEN


Police Inspector
Under R.A. 6975 Sec. 50

You might also like