You are on page 1of 4

Araling Panlipunan VI

Unang Markahan
Sumatibong Pagsusulit 2

Pangalan:_____________________________________________________________ Iskor: ________________

Baitang at Seksyon:____________________________________________________ Petsa:________________
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____ 1. Sino ang tumutol sa pagkakahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor?
A. Baldomero Aguinaldo B. Daniel Tirona
C. Emilio Aguinaldo D. Marinao Alvarez
____ 2. Kilala siya sa tawag na “Lakambini ng Katipunan”.
A. Gregoria de Jesus B. Josefa Rizal
C. Marcela Agoncillo D. Melchora Aquino
____ 3. Kilala siya sa tawag na “Panggoy” at naging pangulo ng Lupon ng Kababaihan.
A. Gregoria de Jesus B. Josefa Rizal
C. Marcela Agoncillo D. Melchora Aquino
____ 4. Siya ang nanguna sa pagtahi ng opisyal na watawat ng Republika ng Pilipinas kaya siya tinawag na
“Ina ng Watawat ng Pilipinas”.
A. Marcela Mariño Agoncillo B. Marina Dizon Santiago
C. Melchora Aquino D. Teresa Magbanua
____ 5. Isa siya sa mga unang kababaihan na pinasimulan ng Katipunan at isa rin sa mga nag-ingat ng
mahahalagang dokumento ng samahan. Siya ay naging Kalihim ng Katipunan.
A. Marcela Mariño Agoncillo B. Marina Dizon Santiago
C. Melchora Aquino D. Teresa Magbanua
____ 6. Bakit pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula?
A. Ayaw nila ang pamamalakad ng mg Espanyol.
B. Nais nilang mapalitan na ito ng bago.
C. Hindi nila alam ang gamit nito.
D. Wala na itong bisa pa.
____ 7. Bakit hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Hindi nasunod ng dalawang panig ang nilalaman ng kasunduan.
B. Hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
C. Tutol ang mga Espanyol sa hinihiling ng mga Pilipino.
D. Kulang ang nilalaman ng kasunduan.
____ 8. Bakit hindi matatawaran ang ginawang kabayanihan ni Melchora Aquino?
I. Tinulungan niya ang mga Katipunerong nakipaglaban sa mga mapang-aping Espanyol.
II. Kinalinga niya ang mga Katipunero para makaiwas sa pagtugis ng mga Espanyol.
III. Pinakain at pinamalagi niya ang mga Katipunero sa kaniyang tahanan.
IV. Ginamot niya ang mga sugatang Katipunero.
A. I,II B. I, II, III C. II, III, IV D. I, II, III, IV

____ 9. Napagkasunduan ng mga pinuno ng katipunan at iba pang kasapi nito na simulan ang
panghihimagsik laban sa mga Espanyol noong Agosto 23, 1896. Kung ikaw ay nabubuhay sa
panahong iyon, paano mo ipapakita ang iyong suporta sa mga Katipunero?
A. Makikiisa ako sa mga katipunero upang maghimagsik laban sa Espanyol.
B. Isisiwalat ko ang planong panghihimagsik laban sa Espanyol.
C. Susuportahan ko ang mga pamamalakad ng Espanyol.
D. Magsasawalang kibo na lang ako para hindi madamay.

____ 10. Ang pagkahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor ay tinutulan ni Daniel Tirona
dahil
sa kulang daw siya sa pinag-aralan at walang kakayahan. Kung ikaw si Andres Bonifacio, ano
ang iyong magiging reaksyon tungkol dito?
A. Magagalit ako ngunit igagalang ko ang kanilang pasya.
B. Babalewalain ko ang naging reaksyon ni Daniel Tirona.
C. Magdadamdam ako dahil minaliit ang aking kakayahan.
D. Matutuwa ako dahil wala akong gagampanan sa samahan.

____ 11. Sa panahon ngayon, paano mo maipagmamalaki ang kabayanihan ni Melchora Aquino?
A. Pag-aralan ang kaniyang nagawang kabayanihan.
B. Huwag puntahan ang kaniyang bantayog o istatwa.
C. Kilalanin, pag-aralan at ipagmalaki ang kaniyang kontribusyon sa bansa.
D. Iwasang makilahok sa mga palatuntunan tungkol sa kaniyang kabayanihan.

____ 12. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pangyayaring tinawag na “Sigaw sa Pugad Lawin”?
A. Oo, dahil ito ang naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol upang
makamit ang kalayaan.
B. Oo, dahil tanda ito ng pagtutol sa pamamalakad ng mga Espanyol.
C. Hindi, dahil wala itong naidulot na maganda sa mga Pilipino.
D. Hindi, dahil nasayang lamang ang oras ng mga Pilipino.

____ 13. Dapat bang hangaan ang mga nagawa ni Trinidad Tecson sa Katipunan?
I. Oo, dahil isa siya sa mga iilang kababaihan sa sumama sa mga kalalakihang Katipunero na
nakipaglaban sa mga Espanyol na gumamit ng armas.
II. Oo, dahil tumulong siya sa pag-aaruga sa mga sugatang Katipunero.
III. Oo, dahil taga ingat siya ng mga lihim na dokumento ng katipunan.
IV. Oo, dahil mahusay siya sa pangangabayo sa pakikipaglaban.

A. I, II B. I, III C. I, IV D. I, II, III

____ 14. Anong katangian ang ipinakita ni Daniel Tirona nang kanyang tutulan ang pagkapanalo ni Andres
Bonifacio bilang Direktor ng Interyor?
A. Hindi siya marunong gumalang sa napagkasunduan ng samahan.
B. Mas pinairal niya ang kanyang isip kaysa sa kanyang damdamin.
C. Nais niyang maproteksiyunan ang mga miyembro ng samahan.
D. Wala sa nabanggit.

____ 15. Hindi naging matagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagtadhana sana ng pagwawakas ng
himagsikan dahil sa kawalan ng tiwala sa dalawang panig. Ano ang iyong naramdaman sa pangyayaring
ito?
A. Nalungkot ako dahil hindi nagkaroon ng katahimikan sa Pilipinas, bagkus lalo pang naging
marahas ang mga labanan.
B. Nalungkot ako dahil nagkaroon ng katahimikan sa Pilipinas at nag-agawan ang mga opisyal sa
posisyon.
C. Natuwa ako dahil nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na lumaban.
D. Wala akong naramdaman.

PERFORMANCE TASK
Ipaliwanag: Bilang isang mag-aaral, anong mga katangian ng mga kababaihan noong panahon ng
rebolusyon ang nagustuhan mo at bakit? Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa
kanila? Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagbuo ng kasagutan. (15 puntos)

Rubrik:
15 Puntos Mahusay na nakapagbigay ng 5 o higit pang pangungusap na paliwanag sa tanong.
Walang maling konsepto sa mga pangungusap.
13 Puntos Nakapagbigay ng isang (4) pangungusap na paliwanag. May mga maling konsepto sa
pangungusap.
10 Puntos Ang naibigay na paliwanag ay walang kabuluhan.

_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 6. A 11. C

2. A 7. A 12. A

3. B 8. D 13. A

4. A 9. A 14. A

5. B 10. C 15. A

You might also like