You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region I
La Union Schools Division
San Gabriel District
LACONG INTEGRATED SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6

Pangalan: ___________________________________ Iskor:___________


Paaralan: ___________________________________ Petsa:__________

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Basahin at unawaing mabuti ang talaarawan at sagutin ang sumusunod na tanong.


Enero 23,2023

Mahal kong Talaarawan,


Kaarawan ko. Naghanda ng mga pagkain si Nanay para sa mga bisita ko. May dalang isang
buwig na saging ang Tiyo kong galing sa probinsiya. Napakarami kong kaklase ang dumalo.
Nagkaroon pa ng munting kantahan, sayawan at mga palaro.Umaapaw ang aking kasiyahan.

-Monica
Sariling Katha ni: Rodaliza R. Milan

________ 1. Anong okasyon ang naganap?


A. binyag B. kaarawan C. pasko D. pista

Basahin at unawaing mabuti ang anekdota at sagutin ang tanong.

Pagtulong ng isang Batang Kalye

Isang araw,kasalukuyan akong naglalakad sa isang mahabang pasilyo sa aming lugar. Bigla
akong natapilok dahil mabato ang aking nadaanan. Sinikap kong tumayo ngunit masakit.Nakakita
ako ng dalawang batang kalye at nakiusap akong tulungan ako.Tumakbo ang isa na mas maliit at
naiwan ang mas malaki.maluha-luha akong nagpupumilit na tumayo hanggang may dumating na
dalawang lalaki kasama ang batang tumakbo kani-kanina lang.Nagpasalamat ako sa pamamagitan
ng aking pagngiti at paghipo sa kanyang ulo.Kahit maliit pa man, ang bata ay sadyang matulungin
na.

________ 2. Ang nangyari sa may-akda ay ______________. Ano ang tamang sagot na isusulat sa
patlang?
A. nawalan ng malay C. nasagasaan ng sasakyan
B. hinabol siya ng isang aso D. natapilok dahil mabato ang daanan

________ 3. Ano ang tawag sa huling pangyayari ng isang kuwento?


A. gitna B. simula C. kuwento D. wakas

________ 4. Ano ang tawag sa malikhaing isip ng tao at naipahahayag ito sa pamamagitan ng
pagsulat, pagda-drama o sa pagsasa-pelikula ?
A. anekdota B. kuwento C. pabula D. talaarawan

________ 5. Ano ang tawag sa kayarian ng pang-uri na binubuo lamang ng salitang-ugat?


A. inuulit B. maylapi C. payak D. tambalan

________ 6. Matitigas na mga kahoy ang ginamit ni Pedro sa paggawa ng kanyang bahay. Anong
kailanan ng pang-uri ang salitang nasalungguhitan na ginamit sa pangungusap?
A. isahan B. dalawahan C. tatluhan D. maramihan

________ 7. Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos?
A. imperpektibo B. katatapos C.kontemplatibo D.perpektibo

________ 8. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa na simuno
o paksa ng pangungusap?
A. aktor B.layon C. pandiwa D. pokus

________ 9. Ano ang tawag sa salitang nagsisilbing panuring sa pandiwa, pang-uri at pang-abay?
A. pang-abay B.panghalip C.pangngalan D. pang-ukol

________ 10. Dahil sa malnutrisyon ng ina, nagkakaroon ng mga anak na mababa ang timbang at
mahihina. Alin sa mga sumusunod ang bunga ng pangyayari sa pangungusap?
A. dahil sa malnutrisyon ng ina
B. malnutrisyon ng ina nagkaroon ng anak
C. nagkakaroon ng mga anak na mababa ang timbang at mahihina
D. dahil sa malnutrisyon ng ina,nagkakaroon ng mga anak na mababa ang
timbang at mahihina

________ 11. Ano ang tawag sa salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay?
A. Pang-abay B.panghalip C.pangngalan D. pang-ukol

________ 12. Anong uri ng sulatin ang madali at hindi gaanong malalim ang mga salitang ginagamit?
A. liham B.sulat C.sulating di-pormal D. sulating pormal

________ 13.Base sa talaarawan sa itaas, ano ang dala ng Tiyo ni Monica mula sa probinsiya?
A. abokado B. mani C. papaya D. saging

________ 14. Unawaing mabuti ang kuwento. Nakita ni Mary Joyce na ang salamin ng bintana ay
malabo na. Maraming agiw sa kisame. Maalikabok ang mesa at silya. Kumuha siya ng
basahan. Sa iyong palagay, alin ang katapusan ng kuwento?
A. Naglaro si Mary Joyce. C. Sumayaw si Mary Joyce.
B. Naglinis si Mary Joyce. D. Namasyal si Mary Joyce.

________ 15. Si Berto ay nagkaroon ng bungang-araw sa leeg dahil sa init. Anong kayarian ng pang-
uri ang salitang nasalungguhitan sa pangungusap?
A. inuulit B.maylapi C.payak D.tambalan

________ 16. Ibinili ko ng pasalubong na sapatos ang kapatid kong babae. Anong pokus ng
pandiwa ang pangungusap?
A. pokus sa aktor C. pokus sa lugar
B. pokus sa layon D. pokus sa tagatanggap

________ 17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pang-abay na


pamanahon?
A. Siya ay tumakbo ng mabilis.
B. Ang hirap sumakay sa plasa.
C. Ang bata ay nahulog sa bangin.
D. Pagkalipas ng isang taon, bumalik siya sa kanyang pamilya.

________ 18. Ano ang maaring bunga ng sitwasyong ito?


Dulot ng sakit na COVID-19.
A. Maraming tao ang nabuhay.
B. Maraming tao ang namatay.
C. Ang mga matatanda ay lalong lumakas.
D. Ang mga tao ay nagkaroon ng malusog na pangangatawan.

________ 19. Ang pamilya ni Jose ay masaya. Ang salitang nasalungguhitan ay ginamit
bilang_________ .
A. pang-abay B. panghalip C.panngalan D. pang-uri

________ 20. Anong bahagi ng liham pangangalakal ang nasa loob ng kahon?
Paaralang Elementarya ng Tumapoc
Burgos, La Union
Ika-24 ng Enero, 2023

A. bating panimula C. pamuhatan


B. lagda D. patunguhan

________ 21. Gamit ang nabasang talaarawan (bilang 1) ni Monica, bakit kaya umaapaw ang
kanyang kasiyahan?
A. Binigyan siya ng pabuya. C. Dumalo ang kanyang mga kaklase.
B. Mataas ang kanyang marka. D. Nilibre siya ng kanyang mga kaibigan.

________ 22. Ano kaya ang maaaring wakas ng kuwentong “DARNA” kung sakaling maging
masamang tao si Darna?
A. Masaya ang mga tao.
B. Hihinto ang mga krimen.
C. Kukunti ang mga magnanakaw sa paligid.
D. Malulungkot ang mga tao at dadami ang gagawa ng krimen.

________ 23. Ang kulay ng kanyang damit ay pulang-pula. Ayon sa salitang nasalungguhitan,anong
kayarian ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap?
A. inuulit B. maylapi C. payak D. tambalan

________ 24. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pokus sa direksyon?


A. Pupuntahan ng lola ang apo.
B. Ikinagalit ko ang pag-alis mo.
C. Ipinagluluto ko ng lugaw ang maysakit.
D. Ang nanay ay bumili ng bagong sapatos sa Mall.

________ 25. Umuubo ako at nakakaramdam ng matinding init paminsan-minsan. Anong uri ng
pang-abay ang pangungusap?
A. pang-abay C. pang-abay na pamaraan
B. pang-abay na pamanahon D. pang-abay na panlunan

________ 26. Ano ang maaaring bunga ng pangyayari na nasa loob ng kahon?

Pagpuputol ng mga punongkahoy.

A. Pagdami ng tao.
B. Paggalaw ng lupa.
C. Pagkamatay ng mga isda.
D. Pagkawala ng mga hayop.

________ 27. Anong salita ang ginamit na pang-abay sa pangungusap?

Nagdasal siya nang taimtim.

A. nagdasal B.siya C. nang D. taimtim

_________ 28. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangangalakal?


A. tiyak ang layunin at anyo
B. taglay ang mahahalagang bahagi
C. may mahalagang impormasyon tulad ng katangian ng sumulat
D. titik A,B at C

_________ 29. Basahin at suriin mo ang anekdota sa loob ng kahon.

Enero 21, Sabado

Tanghali na nang ako ay magising. Nagising ako sa sigawan ng mga


tao.May sunog sa aming lugar.Wala akong malay gawin dahil sa takot.
Pulu-pulutong ang mga taong tumulong sa paghahakot ng mga
kasangkapan.
Ano kaya ang kanyang ginawa nang makita niyang may sunog sa kanilang lugar?
A. Sumayaw habang may sunog.
B. Walang malay gawin dahil sa takot.
C. Tumakbo papalayo sa kanilang lugar.
D. Tumulong sa paghakot ng mga kasangkapan.

________ 30. Sa iyong pagsusuri, ano ang wakas ng nabasang kuwento na pinamagatang
“ Ang Prinsesa at Dagahito”?
A. Ikinasal si Prinsesa Dagahita at Dagahito
B. Matagal nang naninirahan sa kanyang kaharian si Prinsesa Dagahita.
C. Nagpadala si Dagahito ng mga prutas at gulay kay Prinsesa Dagahita.
D. Nagpadala ang Duke ng dalawang rosas sa Prinsesa tanda ng kanyang pagmamamhal.

________ 31. Paano ginagamit sa paglalarawan ang kayarian ng pang-uring payak?


A. Binubuo lamang ng salitang-ugat.
B. Binubuo ng salitang ugat at panlapi.
C. Inuulit ang unang pantig ng salitang ugat.
D. Pinagsama ang dalawang magkaibang salita at makabuo ng bagong kahulugan.

________ 32. Paano ginagamit ang pokus sa gamit?


A. kung ang pokus ay ang sanhi o dahilan ng kilos
B. kung ang pokus ay ang kagamitang ginamit sa kilos
C. kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa
D. kung ang paksa sa pokus ng pangungusap ay ang lugar o pinangyarihan ng kilos

________ 33. Kailan ginagamit ang pang-abay na panlunan?


A. sumasagot sa tanong na bakit C. sumasagot sa tanong na saan
B. sumasagot sa tanong na kalian D. sumasagot sa tanong na paano

________ 34. Aling bahagi ng pangungusap ang nagpapahayag ng bunga ng pangyayari?


Dahil sa kanyang walang humpay na pagtulong sa kapwa, marami ang
nagtitiwala at umaasa sa kanya.

A. marami ang nagtitiwala


B. walang humpay na pagtulong
C. marami ang nagtitiwala at umaasa sa kanya
D. Dahil sa kanyang walang humpay na pagtulong sa kapwa.

________ 35. Masayang naglalaro ang mga bata. Ang salitang may salungguhit na ginamit sa
pangungusap ay ______________.
A. pang-abay B. pandiwa C. panghalip D. pang-uri

________ 36. Anong uri ng liham ang naglalarawan sa pormal, maikli,tiyak at malinaw na ipinapadala
sa isang tanggapan o bahay kalakal?
A. liham pangkaibigan C.liham pangangalakal
B. liham ng pamimili D. liham suskripsiyon

________ 37. Gamitin ang wastong pang-abay na bubuo sa diwang ipinahahayag ng pangngusap.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
Napakasaya ko sa ________________________ nakikita kong natututo ang mga bata.

A. kinabukasan B. mabilis C. sa tumana D. tuwing

________ 38. Ibigay ang sanhi.

Nasa klinika ng paaralan si Yuri ____________________________.

A. dahil marami siyang pera


B. dahil masakit ang ngipin niya
C. dahil magaling siyang sumayaw
D. dahil sa kanyang magandang boses

________ 39. Kailan ginagamit ang pang-abay?


A. nagbibigay turing sa panghalip
B. nagbibigay turing sa pangngalan
C. nagbibigay turing sa pandiwa,pang-uri at pang-abay
D. nagbibigay turing sa pandiwa, panghalip at pang-uri

________ 40. Ang mga sumusunod ay isinasaalang-alang sa paggawa ng isang sulating pormal
maliban sa isa.
A. Paggamit ng salitang nasa ikatlong panauhan.
B. Pag-iwas sa paggamit ng mga salitang palasak.
C. Hindi gaanong malalim ang mga salitang ginagamit.
D. Pag-iwas sa paggamit ng pagdadaglat at pinaikling salita.

Inihanda ni:

MARITES L. OLANIO
Guro Iniwasto ni:
MARY JANE l. ALMOITE, Ph.D
Principal III
FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SUSING SAGOT

1. B 11. A 21. B 31. A


2. D 12. C 22. D 32. B
3. D 13. D 23. A 33. C
4. B 14. B 24. D 34. C
5. C 15. D 25. B 35. A
6. D 16. D 26. D 36. C
7. D 17. D 27. D 37. D
8. D 18. B 28. D 38. B
9. A 19. D 29. B 39. C
10. C 20. C 30. A 40. C

You might also like