You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Justice
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
CALOOCAN CITY
3 Floor, Judicial Complex, 10th Avenue, Caloocan City
rd

MARIAFE TILOG y ORTIZ,


Complainant,
N.P.S. Docket No. XV-02-INV-19C-
-versus- 0837
For: Serious Physical Injury.
RICHARD REQUELLO y
DIMUNAES, & MARCELINO
GARCIA y MALGA
Respondents.
x-------------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si, MARCELINO M. GARCIA, na may sapat na taong gulang,


Pilipino at naninirahan sa #413, 2nd Street, 5th Avenue, BMBA Compound,
Brgy. 118, Caloocan City, matapos na manumpa ng naaayon sa saligang batas,
na nagsasabi:

1. Noong gabi ng Enero 12, 2019, may kaguluhang nangyayari na kung


saan ay pinagtulungang bugbugin si Edsel Bantulo o maskilala sa Edsel
ng limang (5) tao. Sila ay ang pamilya ni Mariafe Tilog.

2. Noong gabi sa pagitan ng 9:15 humigit kumulang, ay nandoon ako sa


computer café. Nang ako ay pauwi na, nakita ko si Edsel na duguan at
sinabi niya sa akin na ginulpi siya ng mga kasama niya sa compound na
tinitirhan nila.

3. Mga lasing ang mga bumugbog kay Edsel. Ito ay ang asawa, kapatid at
pamangkin ni Mariafe Tilog at ang dalawang nakatira sa kanila.

4. Doon na nangyari ang batuhan at ako po ay humanap ng lugar na


masisilungan upang hindi ako matamaan ng bato.

5. Wala po akong kinalaman sa mga nangyari kay Mariafe Tilog at mariin


kong itinatanggi ang kaniyang mga bintang laban sa akin.

6. Ako ay itinuturo ni Mariafe dahil may balak silang perahan ako, dahil
sinasabi nila na magbayad na lamang ako ng Forty Thousand Pesos
upang hindi nila ako kasuhan.

7. Ngunit hindi ako pumayag sapagkat ako ay inosente at wala akong


kasalanan.

1|Page
BILANG PATUNAY, ako ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan
ngayon ika- 9 ng Mayo, 2019.

MARCELINO M. GARCIA
Affiant

SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayon ika-9 ng


Mayo, 2019. Pinatutunayan ko na ang nagsalaysay ay aking nasiyasat at ako ay
may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang nagsalaysay.

Administering Officer

2|Page

You might also like