You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURT


Coron-Busuanga-Gaudencio E. Abordo
Province of Palawan

PEOPLE OF THE PHILS., CRIM. CASE NO. 4408


Complainant,

-vs- for

EDGAR D. ENIEGO, VIO. OF SEC. 113 OF RA 10654


Accused, known as the Fisheries Code
Of 1998
x-------------------------------------------x

Kontra-Salaysay

AKO, EDGAR D. ENIEGO, nasa wastong gulang, Filipino,


may asawa, isang enhinyero at nakatira sa Brgy. San Roque, San Jose,
Occidental Mindoro, pagkatapos manumpa ng ayon sa batas, ay
naglalahad ng mga sumusunod:

1. Na, noong ika-__ ng Agosto 2023, nakatanggap po ako ng isang


subpoena na may petsang June 07, 2023, galing sa Kagalang-
galang na Hukumang ito;

2. Na, nakasaad din sa nasabing subpoena, ako ay binibigyan ng


sampung (10) araw upang sagutin ang mga paratang laban sa
akin sapagkat ako po ay nasampahan ng kasong aking
nabanggit sa itaas dahil diumano’y mayroon akong tatlong (3)
tauhang mangingisda na walang katampatang lisensya;

3. Na, sa loob po ng sampung araw, aking sinagot ang nasabing


paratang laban sa akin at minabuting makipag-ugnayan sa mga

1
kinauukulan upang mabigyang linaw ang bagay na aking
kinasasangkutan;

4. Na, hayaan po ninyo akong sagutin at ilahad ang buong


katotohanan sa bagay na ito:

a. Na, sa kanilang Criminal Complaint na inihain, ako po ay


inaakusahan ng PNP-Maritime Group ng:

. . . for employing three (3) unlicensed fisherfolks


namely (1) Bienvinedo A. Disabelle, Jr., . . . (2) Jerus
T. Caras, . . . and (3) Benjamin T. Quiroz for
violation of Sec. 113 of RA 10654, an Environmental
Case, committed as follows:

That on May 19, 2023 at about 4:27pm at the


vicinity waters more or less One Hundred (100)
meters from the shoreline of Brgy. Delian, Coron,
Palawan, with grid coordinates, Lat 11.8334 N Long
120.3225 E that resulted to the apprehension of one
(1) Fishing Vessel marked as “HABAGAT” color[ed]
white and maroon within the jurisdiction of this
honorable office, the above-named person did then
and there, wilfully, unlawfully, with intent to gain,
committed an offense of Employing Unlicensed
Fisherfolks of the said fishing vessel and to the
damage and prejudice of the Philippine
Government.

b. Na, noong mangyari ang sinasabing panghuhuli sa mga


tauhang sakay ng aking bangka, ako po ay wala doon sa
pangyayari at nalaman ko na lang ito noong ako ay
tawagan ni ________ na siyang kapitan ng bangka;

2
c. Na, nais ko pong ipagbigay alam na ang nasabing bangka,
noong mga pagkakataong nahuli, ay hindi ko pinayagan o
inutusang mangisda sa karagatan ng Coron, Palawan o
saanman sa ating karagatan sapagkat alam kong
kailangan mayroong katampatang permit o lisensya para
legal na makapangisda sa ating karagatan gamit ang isang
bangka tulad ng nakarehistro sa aking pangalan;

d. Na, nandoon po ang aking bangka sa Coron, Palawan


sapagkat ito po ay bago pa lamang at sinusubukan kung
pwedeng magamit pang negosyo sa hinaharap;

e. Na, ako po ay walang alam o ideya na mayroon pong


sakay ang aking bangka na walang mga lisensya upang
mangisda sapagkat wala naman po akong intensyong
utusan silang mangisda nang pagkakataong iyon;

f. Na, hindi ko rin po kilala ang kanilang mga binanggit na


pangalan at kilala ko lamang po ay si _______;

g. Na, nitong kamakailan ko na lamang po nalaman na ang


aking bangka pop ala ay nasangkot sa ganitong legal na
isyu kung minabuti ko pong sagutin ang reklamo laban sa
akin;

5. Na, kung ang atin pong pagbabasehan ang aking mga pahayag
sa itaas, maliwanag pong hindi ako dapat makasuhan ng
Violation of Sec. 113, RA No. 10654 sapagkat hindi ko naman po
kilala at empleyado ang mga sinasabi nilang tao;

6. Na, sa nasabi nilang Sec. 113, RA No. 10654, kailangan ay


empleyado ko ang mga walang lisensyang fisherfolks subalit
walang patunay na sila po ay aking mga empleyado;

3
7. Na, isa pa pong banda, noong mahuli po sila, malinaw pong
hindi pangingisda ang ginagawa ng mga nasabing tripolante
sapagkat wala naman pong isinama sa listahan ng ebidensyang
nakalap na isda kundi ang naimbentaryo lamang po ay ang
mismong bangka at ang makina nito;

8. Na, kapansin-pansin din pong 4:27pm sila nahuli. Kung gayon,


hindi po pangingisda ang ginagawa nila ng oras na iyon
sapagkat wala naman pong nangingisda ng hapon;

9. Na, sa mga kuha ding litrato na ginamit bilang ebidensya ng


mga kapulisan, wala pong makikitang isda dito, patunay lamang
na hindi po talaga nangingisda ang sinasabi nilang mga
tripolante ng bangka;

10. Na, ang mga alegasyon din po sa criminal complaint ay


malabo o hindi sapat para magkaroon ng tamang sakdal;

11. Na, dahil dito, nais ko pong hilingin na ma-dismiss ang kasong
ito, sapagkat walang legal o factual na basehan;

BILANG PATUNAY, inilagda ko ang aking pangalan ngayong


ika-16 ng Agosto 2023, dito sa San Jose, Occidental Mindoro.

SINUMPAAN AT NILAGDAAN dito sa aking harapan


ngayong ika-16 ng Agosto 2023, dito sa San Jose, Occidental
Mindoro.

4
Copy furnished:

PAT. MAXIMO B. FERNANDEZ JR.


Complainant
PNP-MARITIME GROUP 2nd Special Operations,
Coron Maritime Special Boat Crew
Brgy. Tagumpay, Coron, Palawan

You might also like