You are on page 1of 1

________________________________

________________________________

MAYNILA—Arestado ang isang buntis matapos umanong mag-abot ng droga sa isang preso sa
Sampaloc Police Station sa Maynila Lunes ng gabi.

Kuwento ni alyas Rose na 7 buwang buntis, binisita niya ang asawa na nakakulong doon dahil sa kaso ng
pagnanakaw.

Nilapitan umano siya ng isang preso para magpabili ng shabu.

"Natakot ako kasi 'pag hindi ko sinunod, baka saktan 'yong asawa ko," aniya.

Napansin ng mga pulis ang pag-abot ni Rose ng droga na dahilan sa kaniyang agarang pagkaaresto.

"Tiwala siya na porket nakapkapan na siya noong una, makakabalik siya nang malaya. However, noong
lumapit na siya sa custodial facility natin, inobserbahan na siya," ani Police Capt. Rey Bundalian ng
Manila Police District (MPD) Station 4.

Inamin ni Rose na kikita sana siya ng P100 sa pagbili ng droga na may halagang P600.

Humihingi naman ng pasensiya ang preso na nag-utos sa kaniya.

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

MAYNILA—Arestado ang isang motorcycle rider matapos siyang makuhanan ng droga sa Tandang Sora,
Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Sandie Caparroso ng Batasan Police Station, nagtangkang tumakas sa checkpoint
ang 22 anyos na suspek.

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P40,000.

Giit ng suspek, tumakbo siya dahil wala umano siyang lisensiya at itinanggi na sa kaniya ang
nakumpiskang droga.

You might also like