You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG PASIG )S.S.


X---------------------------------------------X

PINAGSAMANG SINUMPAANG SALAYSAY

KAMI, PSSg KRIZALDY REGLO AT PCpl LORREIN CANO, NASA HUSTONG


GULANG, MIYEMBRO NG PAMBANSANG KAPULISAN NG PILIPINAS (PNP) AT
NAKA ASSIGN SA STATION DRUG ENFORCEMENT UNIT NG MANDALUYONG
CITY POLICE STATION, NA MATAPOS MAKAPANUMPA NG NAAAYON SA ATING
BINAGONG SALIGANG BATAS AY NAGSASAAD NG MGA SUMUSUNOD;

1. Na, kami ay mga lehitimong miyembro ng Philippine National Police at


kasalukuyang naka-talaga bilang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit
(SDEU) na parehong may broken hour tour of duty;

2. Na, aming sasampahan ng reklamong paglabag sa Sec. 5 (Sale of


Dangerous Drugs), Sec. 11 (Possession of Dangerous Drug) at Sec. 15 (Use
of Dangerous Drugs) ng Art. II ng RA 9165 si LOUIE SEDANO @ LA, female,
21 y.o, single and resident of 143 Mapagmahal Street barangay Hulo
Mandaluyong City.

3. Na, nagbunsod ang aming reklamo sa nabanggit naming tao mula sa


ginawa naming buy-bust operation nitong humigit kumulang 2:30 ng gabi ika- ng
February 2022 sa brangay Hulo, Lungsod ng Mandaluyong, na naganap ayon sa
mga sumusunod;

4. Na, nitong hapon ng ika-17 ng Hunyo, 2021 nang dumating sa aming


tanggapan ang isa sa aming babaeng regular na confidential informant. Agad
niyang ipinaalam sa akin (PSSg Krizaldy Reglo) na kaya niya raw makapagsara
ng transaksyon sa kilala niyang tulak na si alyas “LA” o Louie Sedano at handa
niya raw kaming tulungan upang mahuli ang nabanggit niyang tao;

5. Na, ang nabanggit na tao ng aming inpormante ay kabilang sa talaan ng


NCRPO sa Drug Watch List;

6. Na, agad kong (PSSg Reglo) ipinaalam bilang isa sa mga team leader ng
aming tanggapan sa aming Hepe na si PMAJ JINNY MARCELO ang ulat ng
aming inpormante kaya agad niyang iniutos na magsagawa ng isang buy-bust
operation para sa ikahuhuli ni alyas LA. Ako (PSSg Krizaldy Reglo) ang inatasan
na maging poseur-buyer na sasama sa aming inpormante para makabili ng isang
bulto na nagkakahalaga ng Php 8,000.00 na Shabu sa pakay naming tao habang
ako (PCpl Cano) ay siya namang magsisilbing pangunahing back-up;

7. Na, napagkasunduan din namin na aking (PCpl Cano) kakamutin ang


aking ulo sa sandaling maisakatuparan namin ang pagbili ng Shabu kay alyas
“Wakaru”. Binigyan din ako ng aming tanggapan ng isang piraso ng limang
daang pisong papel na may serial number na EZ533215 na aking minarkahan ng
ng AAS at kasama ng naturang pera ang tig-lilimang piraso ng isang libong
papel at limang daang pisong papel na boodle money na lahat ay may mga serial
numbers na KA000000 upang makabuo ng walong libong piso (Php 8,000.00) na
siyang gagamitin namin na buy-bust money;

8. Na, tumungo sa tanggapan ng PDEA ang ilan naming kasamang mga


operatiba upang humingi ng koordinasyon sa naturang tanggapan at kami
naman ay kanilang binigyan ng koordinasyon na may Control Number na 10001-
012022-0849;

9. Na, matapos ang pagbigay sa amin ng koordinasyon ay dito na


nagsimulang makipag-palitan ng komunikasyon ang aming inpormante sa pakay
naming si alyas LA gamit ang kanyang (referring to the Confidential Informant)
personal na cellphone. Ilang sandali pa ay nakipagkasundo si alyas LA sa aming
inpormante na makipagkita sa may Brgy. Hulo Lungsod ng Mandaluyong sa
ganap na 2:30 ng haponi sa parehong petsa;

10. Na, tumawag na ako (PSSg Reglo) ng DOJ at Media Representative at


positibo naman silang tumugon na pupunta sa sandaling mahuli na ang pakay
naming tao dahil natatakot raw silang sumama sa aming aktuwal na operasyon
dulot ng panganib na maari nilang harapin at tumawag na rin ako sa tanggapan
ng Barangay Hulona nagsabi rin na tutungo na lamang ang kanilang kagawad sa
naturang lugar matapos makumpirma na ang pagkakahuli ng pakay naming tao;

11. Na, dahil sa may napagkasunduan na kaming oras ng pagkikita ay


tumulak na kami patungo sa napagkasunduang lugar lulan kami (PCpl Cano and
Lady Informant) ng aking personal na motorsiklo habang ang aming Mobile
Service Vehicle na may body number MC 3222 ay nakasunod kasama ang iba
pang operatiba ng aming tanggapan lulan rin ng kan-kanilang mga pribadong
motorsiklo;

12. Na, una na kaming (PSSg Reglo and informant) bumaba sa aking
personal na motorsiklo sa lugar na may tamang layo mula sa napagkasunduang
lugar upang hindi masunog ang aming operasyon. Nilakad na lamang namin
patungo sa may kanto ng L. Rizal Street at Fernandez Street, Brgy. Hulo,
Lungsod ng Mandaluyong upang kaharapin si alyas LA, ayon na rin sa
napagkasunduan nila ng kasama kong inpormante;

13. Na, pagdating namin sa lugar na napagkasunduan humigit kumulang 2:30


ng hapon sa parehong petsa ay nakita ng kasama kong (PSSg Reglo)
inpormante ang pakay naming si alyas LA na tila kami ay inaabangan na at
naghihintay. Agad kaming lumapit sa kaniya dahil kami ay kanya ng inaasahan
bunsod ng usapan nila ng kasama kong inpormante;

14. Na, dahil magkakilala si alyas LA at ang kasama kong inpormante ay


madali kaming nakalapit na walang pag-aalinlangan sa pakay naming tao. Agad
naman akong (PSSg Reglo) ipinakilala ng kasama kong inpormante na kanyang
boyfriend at siyang nagpapakuha ng Shabu;

15. Na, dahil palagay si alyas LA sa kasama kong babaeng inpormante ay


dali-daling siyang naglabas mula sa kanyang bulsa ng kulay berdeng coin purse
at mula rito ay naglabas ng isang transparent heat-sealed plastic sachet na
naglalaman ng hinihinalang Shabu (later on marked KSR 2/3/2022 affixed with
signature). Agad iniabot ni alyas LA ang naturang sachet sa akin (PCpl Reglo)
dahil ako ang itinuro ng kasama kong inpormante na siyang may dala ng
pambayad. Matapos nito ay inilagay ko sa aking (PSSg Reglo) kanang bulsa
ang naturang sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu na nang mga
sandaling yun ay walang laman bukod sa gagamitin naming buy-bust money na
nagkakahalaga ng walong libong piso na akin na ring binunot bilang kabayaran
sa naturang sachet ng hinihinalang Shabu;
16. Na, matapos tanggapin ni alyas LA at bago pa niya malaman na peke ang
ilang sa mga perang aking ibinayad ko sa kanya ay agad ko na rin siyang
dinamba upang hulihin at hindi na makatakas pa;

17. Na, sa puntong yun ay mabilis na akong (PCpl Cano) tumakbo kasama
ang ilang operatiba patungo kila PCpl Reglo at sa pakay naming si alyas LA na
ng mga sandaling yun ay dinamba na ni PCpl Cano at tinulungan na lamang
naming siyang tuluyang mahuli si alyas LA. Dito na kami nagpakilala na mga
Pulis SDEU at sinabihan ko siya (referring to alyas LA) ng kaniyang mga
karapatan alinsunod sa ating batas pati na rin ang kakaharapin niyang reklamo
mula sa amin;

18. Na, habang binabasahan ng kaniyang mga karapatan ang hinuli naming si
alyas LA ay agad ko (PSSg Reglo) na rin siyang kinapkapan. Nakuha ko mula
sa kanyang kanang bulsa ang kulay berdeng coin purse kasama ang binayad
kong buy-bust money at nang aking buksan ang naturang coin purse at
naglalaman ito ng apat pang medium size heat-sealed transparent plastic
sachets na naglalaman hinihinalang mga Shabu. Agad kong ibinalik sa loob ng
naturang coin purse ang mga naturang kontrabando at pansamantalang
kinustodiya kasama ang ginamit kong buy-bust money at isang kulay abong
cellphone na nakuha ko rin sa kanyang (referring to the arrested suspect) pag-
iingat upang gamiting karagdagang ebidensya sa hinuli naming suspek na si
alyas LA na kalauna’y nakilala namin na si LOUIE SEDANO.

19. Na, upang hindi na magtagal pa ay sinimulan ko (PSSg Reglo) ang


pagmamarka. Inilabas ko mula sa aking kanang bulsa ang unang sachet na
aking nabili mula kay alyas Wakaru, nilagyan ng masking tape at minarkahan ng
KSR 2/3/2022 na nilakipan ko ng aking lagda. Matapos nito ay inilabas ko na rin
ang kulay berdeng coin purse at mula rito ay inilabas ko ang apat pang mga
medium size na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng mga
hinihinalang Shabu, nilagyan ko rin kada isa ng masking tape at minarkahan ng
KSR-1 2/3/2022 hanggang KSR-4 2/3/2022 kalakip ang aking lagda bawat isa.
Maging ang berdeng coin purse at kulay abong cellphone ay aking nilagyan ng
masking tape at minarkahan ng KSR-5 2/3/2022 at KSR-6 2/3/2022 kalakip ang
aking lagda ayon sa pagkakasunod;

20. Na, matapos ang ginawa naming pag mamarka ng ebidensiya ay amin ng
dinala sa aming tanggapan sa SDEU ng Mandaluyong ang aming hinuling
suspek kasama ang mga nakalap at minarkahang kong (PSSg Reglo) mga
ebidensya. Aking ibinigay ang mga minarkahang kong drug evidence at
Inventory Receipt Form kay Police Major Marcelo, inbestigador ng aming
tanggapan upang gawan ng kaukulang mga dokumento para sa aming ihahaing
reklamo laban sa suspek;

21. Na, tuluyan naming nakilala ang katauhan ng suspek matapos siyang
dumaan sa booking at mug-shot procedures sa aming tanggapan;

22. Na, gumawa ng kaukulang dokumento si PSSg Marcelo para sa referral


sa EPD Forensic Unit na matatagpuan sa may Brgy. Mauway, Mandaluyong City
upang isailalim sa Chemical Testing ang mga drug related evidence at isailalim
na rin sa Drug Test ang suspek;
23. Na, anumang mga karagdagang insidente na hindi namin nabanggit sa
kasulatang ito ay aming ilalahad sa harap ng paglilitis ng kagalang-galang na
hukuman na siyang maatasang didinigng aming inihaing mga reklamo;

24. Na, aming inilalakip ang aming mga pangalan at lagda sa kasulatang ito
bilang patunay na lahat ng aming isinalaysay ay totoo at pawang katotohanan
lamang;

Mga Nagsalaysay;

PSSg KRIZALDY REGLO PCpl LORRIEN CANO

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______ of February 2022 at


Mandaluyong City, Philippines.

I hereby certify that I have personally examined the affiant/s and I am satisfied
that he/she/they voluntarily executed and fully understood the foregoing statement.

ADMINISTERING OFFICER

You might also like