You are on page 1of 1

Babaeng tumatawid umano, patay nang mabundol ng

kotse sa NLEX (Balita)


Magandang umaga mga kamag-aral at kay binibining Roma, Ako si
Marthena De Leon nag-uulat sa inyo ng balita ngayong Agosto 29,
2023. Balitang-balita sa radyong sira, Babaeng tumawid umano,
patay nang mabundol ng kotse sa NLEX.

Sa mga oras na ito, mabigat ang daloy ng trapiko sa isang bahagi ng


southbound lane ng NLEX mula po yan sa Marilao, Bulacan at ang
tail end ay sa Philippine arena. Dahil po yan sa nangyari aksikdente
pasado ala-singko kaninang umaga. Patay ang isang hindi pa naki-
kilalang babae matapos umano siyang mabundol ng isang kotse sa
southbound lane ng NLEX Marilao. Ayon sa unang impormasyon na
nakalat ng mga Marilao pulis, Walang malinaw na sasakyan na
pinanggalingan ng babae. Kaya ang tinitignan nilang anggulo ay
possibleng umano tumatawid siya. May hawak pa raw siyang supot
ng pandesal ayon sa mga rumespondeng pulis. Hindi pa rin nai-aalis
yung bangkay at sasakyan kani-kanina lamang, at naroon lamang
sa side ang responders mula sa Bulacan Pulis at NLEX. Samantala
ang aksidente ay nagdudulot ng mabagal na daloy ng trapiko sa
lugar 2.6 kilometers na raw po yung haba ng traffic pero paglagpas
sa mismong pinaggalingan ay maluwag na ang highway.

Laging tandaan, Ang Pag-ibig ay parang pagtawid sa kalsada


kailangan mo tumingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid at
siguraduhin na walang paparating na sasakyan parang hindi ka
umuwing sugatan at luhaan.

Muli ako si Marthena De Leon nag-uulat sa inyo ng balita ngayong


Agosto 29, 2023. Maraming salamat sa pakikinig, sana marami kayo
natutunan mula sakin. Paalam

You might also like