You are on page 1of 2

Sa Bayan ng Palak, Nahalal si Mayor Bustamante bilang bagong Mamumuno nito.

Isang araw, ang mag ina nito na si Ginang Elena, at ang anak nilang si Isabel ay patungo sa Munisipyo
upang dalawin ang ama. Ngunit bago sila umalis ay ipinatiyak nila sa kanilang mekaniko na maayos ang
sasakyan at malinis ito.

Ginang Elena : Mang Rogelio! Linisin at siguraduhin mong maayos ang sasakyan namin papuntang
munisipyo.
Mang Rogelio : Sige ho Madam.

lingid sa kaalaman nila’y sinabutahe pala ni Mang Rogelio ang preno ng sasakyan kapalit ng malaking
bayad galing sa kalabang kampo sa pulitika.

Sa kanilang daan papuntang bayan, isang itim na pusa ang mabilis na dumaan. Tila kinabahan ang
drayber, ngunit agad din nitong inalis ang pansin sa pusa.

Drayber : huh! Nako wala iyon. ( sabi sa sarili )

Sa tuwa ng ginang na Makita ang asawa, inutusan nito ang drayber na bilisan ang pagmamaneho. Agad
naman itong sinunod ng drayber. Lingid sa kaalaman nito ang ginawa ng mekanikong si Rogelio,
Kalauna’y tila napansin ng drayber na wala na silang preno at sa bilis nila’y nabangga ang sasakyan nila.

Patay ang Ginang at si Isabel. Ngunit buhay and drayber.

Sobrang pag dadalamhati at galit ni Mayor Bustamante matapos malaman ang nangyari kaya agad
nitong pinadakip ang drayber sa mga pulis matapos icheck sa ospital para maimbestigahan.

Drayber : Bago kami maaksidente may dumaan na itim na pusa. Dahil sa itim pusa na biglang
dumaan,kaya kami naaksidente. ( POST HOC ERGO )

(sa munisipyo)

Iniisip ni Mayor ang kanyang nakaaway sa pulitika, na noon na palay nag babanta sa kanya. Agad niyang
pinuntahan ang drayber.

(sa precinto )

Mayor : Anong ginawa mo sa aking mag ina! Hindi ako naniniwalang aksidente iyon! Sila patay tapos
ikaw buhay? kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang aking mag-ina! Sino nag utos sayo
para patayin sila!? ( HASTY GENERALIZATION )

Inilayo na ng mga pulis ang suspect at dinala sa interrogation room.

( interrogation room )

Interrogator 1 : Sino ang nag utos sayo ? Ano ang inutos sayo ? ( COMPLEX QUESTION )
Drayber : wala po aksidente lang po ang lahat.
Interrogator 1 : Nakita sa imbestigasyon na planado ang aksidente! Sino ang nag utos sayo?

Ikaw ang drayber,at ikaw lamang ang kasama ng mag ina. Kung gayon ikaw ang pumatay sa kanila. (
ASSUMING TOO MUCH )

Drayber : hindi ho totoo iyan.

Interrogator 1 : Iyang pananahimik mo, ang papatay sayo! umamin kana! ( NON CAUSA PRO CAUSA. )

( Sa precinto )
Mayor : Marumi ang pulitika, magagawa mong pumatay dahil sa galit mo sa pagkatalo. Si Miranda
lamang ang kalaban ko sa pulitika, mayaman siya at masama kaya siya ang nagpapatay sa aking mag-ina.
( ACCIDENT )

ITUTULOY …..

You might also like