You are on page 1of 4

Konseptong Papel

SALOOBIN NG FB USERS TUNGKOL SA NAPAPANOOD


NILA NA MGA NAGKALAT NA SEX SCANDAL

Rasyunal

Sa pagpasok ng modernisasyon, malaki ang tulong ng social networking sites sa


pagpapahayag ng damdamin at malayang pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol
sa iba’t ibang isyu. Ngunit ang mga ito ay may negatibong epekto na nakakaapekto sa
mga tao. Ang pagkalat ng sex scandal ay isa sa mga suliranin na dapat bigyang pansin.
Kahit anong video na may kinalaman sa sex scandal at kahit anong may kinalaman sa
voyeurism ay ang bilis makahatak ng manonood at atensyon. Sa pag-usbong ng
teknolohiya, mas naging mabilis ang pagkalat ng mga sex scandal. Isang click lang,
maaari na itong mai-upload sa iba’t ibang social networking sites lalong-lalo na sa
Facebook. Nagdudulot ito ng negatibong resulta na maaaring ikasira ng buhay ng biktima
at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang pornograpiya ayon sa Webster ay nagmula sa salitang Griyego


na pornographos na nangangahulugan na mga kasulatan tungkol sa mga patutot at
unang ginamit ang salitang ito noong 1858. Ayon naman sa UP diksiyonaryong Filipino,
ito ay paglalarawan o pagtatanghal ng sekswal na aktibidad sa literatura, pelikula at
katulad, upang pukawin ang pagnanasang sekswal ng mambabasa o manonood. May
dalawang pangkaraniwang uri ng pornograpiya, ang softcore at hardcore. Tanging hubad
na mga babae lamang ang nakikita sa softcore samantalang pati ang pagtatalik ay
makikita na sa hardcore. Sa karaniwang salita, bold o bastos ang tawag sa pornograpiya.
Ayon sa Wikipedia, ang sex scandal ay naglalaman ng mga alegasyon o
impormasyon tungkol sa mga gawaing sekswal ng isang tao na isinasapubliko ng walang
pahintulot. Ito ay maaaring larawan o video. Mga artista, politiko, atleta, tinedyer ang
karaniwang biktima nito. Ngunit sa patuloy na pagkalat ng sex scandal sa bansa, hindi
maipagkakailang mga ordinaryong tao at hindi kilala ang mga mas nabibiktima. Ito rin ay
isa sa mga isyu na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay Dr. Susan Kolod ng Psychology Today (2019), natural lamang na mas
kinahuhumalingan ng mga tao ang scandal ng isang sikat na personalidad. Ang scandal
ay nagdudulot ng excitement, entertainment, curiosity at satisfying na pakiramdam.
Pinapayagan daw na maranasan ng tao ang mas “mainam” na buhay sa kung anong
mayroon siya.

Marami ang nag-aakala na walang karampatang parusa sa pagpopost o


pagpublish sa internet ng mga sex video scandal o mga larawan ng sex scandal. Ayon
sa batas ang pag-post o pag-publish sa facebook, twitter o youtube ng larawan o video
recorded na sexual act o may kahalong sexual context o private area ng isang tao ay
isang krimen at pinaparusahan sa anti-photo and video voyeurism law o Republic Act No.
9995 at ito ay may parusang kulong.

Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay mailahad ang saloobin ng FB users tungkol


sa mga napapanood na sex scandal sa facebook o sa kung anumang social networking
sites. Malaki ang epekto ng sex scandal hindi lang sa manonood nito, mapa-bata man o
matanda.

Paglalahad ng Layunin
Sa pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang mga saloobin ng FB users tungkol
sa napapanood nila na mga nagkalat na sex scandal.

Sinubukan ding sagutin ng pag-aaral na ito ang sumusunod:


1. Anu-ano ang mga saloobin ng mga nakakapanood ng sex scandal?
2. Anu-ano ang mga dahilan ng panonood ng sex scandal?
3. Anu-ano ang mga epekto ng panonood ng sex scandal?
4. Paano maiiwasan ang panonood ng sex scandal?
Metodolohiya
Kukuha ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa mga aklat, artikulo at
napapanahong mga balita sa internet patungkol sa paksa. Gagawa rin sila ng
talatanungan para sa mga napiling respondente at magsasagawa ng interbyu sa isang
taong may karanasan tungkol sa paksa. Kabilang din sa mga ginamit sa pag-aaral na ito
ang pag-uugnay ng panonood ng sex scandal ng mga FB users sa mga kasalukuyang
suliranin katulad ng teenage pregnancy sa pamamagitan ng mga babasahin, aklat at mga
pahayagan.
Gagamitin ang paraang palarawan sa paglalahad at pag-iinterpret ng mga datos.

Inaasahang bunga
Inaasahan ng mga mananaliksik na malaman ang mga saloobin at dahilan ng mga
FB users sa pagnood nila ng mga nagkalat na sex scandal.
Ang pananaliksik na ito ay bubuuin ng 25-30 na pahina kasama ang talatanungan
at apendiks.
Listahan ng Sanggunian

Madarang, C. (2019, March 26). Why it's hard to stop people from viewing, spreading
video scandals. Retrieved March 28, 2019, from
http://www.interaksyon.com/celebrities/2019/03/26/146241/actress-lewd-video-
scandal-psychology-controversy/

Pagsusuri ng Kahalagahan at Epekto ng Social Media. (2016, November 12).


Retrieved April 6, 2019, from https://gamitngsocialmedia.wordpress.com

Pornograpiya. (2011, October 9). Retrieved March 19, 2019, from


https://breakthelight.wordpress.com/tag/pornograpiya/

Sex scandal. (2003, May 27). Retrieved March 19, 2019, from
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Sex_scandal

Valderama, M. (n.d.). E-Lawyers Online: Posting of nude photos or videos of a person or sex
scandals in Facebook, Twitter and other social networks is a criminal act with penalty of
imprisonment under R.A. 9995. Retrieved April 6, 2019, from https://e-
lawyersonline.com/static/page/posting_of_nude_photos_or_videos_of_a_person_or_sex_scand
als_in_facebook_twitter_and_other_social_networks_is_a_criminal_act_with_penalty_of_impris
onment_under_ra_

You might also like