You are on page 1of 1

Sekswalidad: Paano Ito Tinitingnan ng Isang Indibidwal

Ang seksuwalidad na pantao o seksuwalidad ng tao ay ang paraan ng isang tao kung
paano siya naaakit sa iba pang mga tao. Ang maaari nilang maramdaman ay
maaaring heteroseksuwal (naaakit sa katapat o kasalungat na kasarian), homoseksuwal
(naaakit sa kaparehong kasarian), o kaya biseksuwal (naaakit sa kapwa mga kasarian). Ito
ang kakayahan ng mga tao na magkaroon ng mga karanasan at mga
pagtugong erotiko.[1] Maaari rin itong tumukoy sa paraan ng pagkaakit ng isang tao sa
iba pang tao, na bukod sa pagkaakit sa may katulad na kasarian o sa dalawang kasarian,
ay maaari ring sa lahat ng mga katauhang pangkasarian(panseksuwalidad), o kaya ay
hindi maakit kaninuman sa paraang seksuwal (aseksuwalidad). Ang seksuwalidad ng tao
ay nakakaapekto sa pangkalinangan, pampolitika, pambatas, at pampilosopiyang mga
aspeto ng buhay. Maaari itong tumukoy sa mga paksa
ng moralidad, etika, teolohiya, espirituwalidad, o pananampalataya. Subalit, hindi ito
tuwirang nakatali sa kasarian.

You might also like