You are on page 1of 16

Seksuwalidad ng tao

Seksuwalidad ng tao
Ang seksuwalidad na pantao o seksuwalidad ng tao ay ang paraan ng isang
tao kung paano siya naaakit sa iba pang mga tao. Ang maaari nilang
maramdaman ay maaaring heteroseksuwal (naaakit sa katapat o kasalungat
na kasarian), homoseksuwal (naaakit sa kaparehong kasarian), o
kaya biseksuwal (naaakit sa kapwa mga kasarian). Ito ang kakayahan ng mga
tao na magkaroon ng mga karanasan at mga pagtugong erotiko.[1] Maaari
rin itong tumukoy sa paraan ng pagkaakit ng isang tao sa iba pang tao, na
bukod sa pagkaakit sa may katulad na kasarian o sa dalawang kasarian, ay
maaari ring sa lahat ng mga katauhang pangkasarian (panseksuwalidad), o
kaya ay hindi maakit kaninuman sa paraang seksuwal
(aseksuwalidad).[2] Ang seksuwalidad ng tao ay nakakaapekto sa
pangkalinangan, pampolitika, pambatas, at pampilosopiyang mga aspeto ng
buhay. Maaari itong tumukoy sa mga paksa
ng moralidad, etika, teolohiya, espirituwalidad, o pananampalataya. Subalit,
hindi ito tuwirang nakatali sa kasarian.
Pagsibol
Ang hangarin o pagkakaroon ng hilig sa gawaing seksuwal ng tao ay
tumataas kapag umabot na ang isang indibidwal sa panahon
ng kabagungtauhan.[3] Mayroong mga mananaliksik na naghihinala na ang
kaasalang seksuwal ay mapag-aalaman sa pamamagitan ng larangan
ng henetika, ngunit mayroon din namang iba na ipinipilit na ito ay
hinuhubog ng kapaligiran.[4] Ito ang tinatawag na pagtatalo hinggil sa
"kalikasan laban sa pag-aaruga" o nature versus nurture, kung saan sa
pariralang ito ang "kalikasan" ay ang mga katangian sa pag-uugali na sanhi
ng likas, katutubo, o talagang mga katangian ng isang tao katulad ng
mga instinto at mga motibasyon o "tulak" ng damdamin at isipan upang
makamit ang satispaksiyon o kabusugan ng pangangailangan. Samantala, ang
diwa ng pag-aaruga ay maaaring bigyan ng kahulugan bilang mga bagay-
bagay na pankapaligiran o estimulong panlabas na nakakaimpluwensiya sa
ugali, mga damdamin, at pag-iisip ng isang tao.[5] Kabilang sa mga
pagkakaibang pambiyolohiya at pisikal ang umiikot o umuulit na panahunan
ng pagtugon ng lalaki at ng babaeng tao sa seksuwalidad na kaugnay sa
kanilang pagiging tao.[6]
Ano ang kasarian pagkakilanlan?
Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng
pakiramdam ng isang tao tungkol sa sarili, at
ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae.
Ang kasarian pagkakilanlan ng isang tao ay
naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon,
na siya rin ay protektado sa ilalim
ng Alintuntunin. Ang kasarian pagkakilanlan ng
mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang
kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at
maaaring kabilang dito ang:
• Trans: Ang mga tao na ang karanasan
sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa
isang kasarian. Maaaring kabilang dito
ang mga tao na nakilanlan na
transsexual, at mga tao na
naglalarawan sa kanilang mga
sarili nasa isang “kasarian isprekto” o
nakatira sa labas ng mga kategoriya
ng “lalaki” o “babae.”
• Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang
isang kasarian nang sila’y ipinanganak,
pero na kumikilala sa kanilang sarili nang
naiiba. Maaaring anaghahanap sila o
nagpapasailalim sila ng isa o higit pang
mga medikal na pagpapagamot upang
iakma ang kanilang mga katawan sa
nararamdaman nilang pagkakilanlan sa
loob nila, tulad ng hormone therapy, sex-
reassignment surgery, o iba pang mga
pamamaraan.
•Intersex: Ang mga tao na hindi
madaling uri-uriin bilang
“lalaki” o “babae”, batay sa
kanilang pangkatawang
katangian sa kapanganakan o
pagkatapos ng pagkababae o
pagkalalake. Ang salitang ito ay
pumapalit sa hindi magandang
salitang “bakla.”
•Crossdresser: Isang tao
na, dahil sa damdamin at
sikolohiya kagalingan --
ay nagbibihis sa mga
kasuotankaraniwang
kaugnay ng “kabilang”
kasarian,
•Trans: Isang pangkalahatang
salita na ginagamit upang
ilarawan ang mga indibidwal
na, sa iba’t-ibang grado,
hindi tumutugma sa
karaniwang inalalarawan ng
lipunan bilang isang lalaki o
babae.
Mga teoriya at pananaw

Ang mga teoriyang nakatuon sa seksuwalidad, katulad ng kay Sigmund


Freud at ng kay Carl Jung, ay mahalaga sa pag-unawa ng seksuwalidad. Ang
mga ebolusyonaryong pananaw hinggil sa pagtatambalan ng tao, kasama
ang teoriya ng mga estratehiyang seksuwal, ay nagbibigay rin ng pananaw
ukol sa seksuwalidad,[7] pati na ang teoriya ng pagkatuto sa
pakikipagkapwa.[8] Kabilang sa mga aspetong sosyo-kultural (panlipunan at
pangkalinangan) ng seksuwalidad ang mga kaunlarang pangkasaysayan at
mga paniniwalang pampananampalataya, kabilang na ang mga pananaw
na pang-Hudyo ukol sa kasarapang seksuwal sa loob ng kasal at ang mga
pananaw na pang-Kristiyano hinggil sa pag-iwas sa mga kasarapang
seksuwal.[6] Ang pag-aaral ng seksuwalidad ay kinabibilangan ng mga
impeksiyon at mga sakit na nakukuha mula sa pakikipagtalik at mga
pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak.
Isyu ng sekswalidad
• Diskriminasyon at panliligalig
• Ang diskriminasyon dahil sa kasarian pagkakilanlan ay
anumang kilos batay sa kasarian ng isang tao, may intensyon
man o wala, na nagpapahirap sa isang tao o grupo at hindi sa
mga iba, o na hindi nagbibigay o naglilimit ng pagkuha sa mga
benepisyo na makukuha ng ibang mga miyembro ng lipunan.
Kahalagahan
Ayon kay Ludwin Molina, sa kanyang Human Sexuality, ang
seksuwalidad ay mayroong pangunahing gampanin sa buhay
ng mga tao, anuman ang edad, kasarian, o kabansaan ng mga
ito. Isa itong mahalagang bahagi ng mga gawain ng tao at ng
katauhan o kung sino at ano ang tao na dapat harapin ng
lahat ng mga tao. Isa rin itong mahalagang bahagi ng
personalidad, namamamalayan man o hindi, ng bawat isang
tao. Sabi pa ni Molina, ang seksuwalid ay kung minsan,
bagaman may hangganan o limitasyon, ay isa sa mga bagay na
nakapagkokonsumo ng oras ng pag-iisip at ugali ng tao na
pinag-iinugan ng bawat tapya ng buhay ng tao, bukod sa
pangangailangang kumain at matulog.[9]
Ang seksuwalidad ay isa sa mga paraan ng pagkaranas at
pagpapadama ng tao bilang isang seksuwal na nilalang.
Kabilang sa mga bagay na nagpapaunlad ng seksuwalidad ng
tao ang kasarian. Mahalaga ang kasarian sapagkat ito ang isa
sa pangunahing mga impluwensiya sa pag-unlad ng
seksuwalidad ng isang indibidwal.[9]
Paghahambing
iKaiba ang ugaling pangseksuwalidad ng tao
mula sa kaasalang seksuwal ng iba pang mga
hayop. Sa ibang mga hayop, na hindi kabilang
ang mga tao, at tinatawag na "mas mababang
mga uri o espesye ng hayop" ang tulak
sa pagtatalik ay dahil sa isang "puwersa" na
may kaugnayan sa pagpaparami
o reproduksiyon. Samantala, ang tao ay hindi
masigla sa pakikipagtalik dahil lamang sa
alang-alang sa paglalahi, sa halip ay mayroon
pang ibang mga bagay-bagay o kadahilanan
kung bakit masiglang lumalahok ang mga tao
sa mga gawaing pampagtatalik.[9]
• Inihanda ni: Alejandro B. Costillas
• Ipinasa kay:Dawn A Galicia

You might also like