You are on page 1of 2

Bawat lipunan ay may kanya-kanyang paniniwala at pagtanggap sa kasarian ng isang tao.

Ang konsepto ng
kasarian ay malalim na nakakintal sa lipunan at mga institusyon nito. Malaki ang papel ng kasarian sa
pagkakakilanlan ng sarili.

Konsepto ng Kasarian at Seksuwalidad


Sekso (Sex) - ay tumutukoy sa pisikal, pisyolohikal, at biyolohikal na katangian ng isang tao na nauuri sa
pagiging babae at lalaki.
Ito ay likas na pananda batay sa mga sexual organ na taglay ng isang tao sa kanyang kapanganakan. Ilan sa
mga katangiang biyolohikal ay ang pagkakaroon ng buwanang regla at kakayahang magbuntis para sa mga
kababaihan, habang ang pagkakatoon ng testicles at sperm cells naman para sa mga kalalakihan.

Kasarian (Gender) - Ang kasarian (gender) naman ay tumutukoy sa mga gampanin, tungkulin, at aktibidad na
itinatalaga sa isang tao ng lipunan batay sa kanyang sekso.
Tumukoy sa mga saloobin, damdamin, at pag-uugali na nauugnay sa pananaw patungkol sa pagkakakilanlang
sekso ng isang tao.
Nakabatay sa kultural ng pagkakakilanlan sa isang lipunan.

Gender-normative-Ang pag-uugali na katugma sa mga inaasahan ng kultura sa isang kasarian

Gender nonconformity.-pag-uugali na tiningnan bilang hindi kaayon sa mga inaasahan na ito ay tinatawag na

Binary concept of gender-ipinapaliwanag na may dalawang kasarian lamang lalaki at babae.

GENDER ROLE
Ang kaugalian, pagpapahalaga, at gampanin na itinuturing na angkop para sa isang kasarian sa kanyang
lipunan. Hindi permanente ang gender roles, bagkus ito ay maaaring magbago batay sa sitwasyon o kaangkupan
ng isang gampanin ng tao sa kanyang lipunan. Maaaring magbago ang mga gender role ngunit mayroong
gampanin sa mga tradisyonal at konserbatibong lipunan na hindi napapalitan (tulad ng pag-aaruga sa mga
sanggol). Mayroon namang lipunan o bansa na liberal o moderno ang pag-iisip, kung kaya nagkakaroon ng
pagpapalit ang gender roles.
Ang gender ay isa ring social construct o pananaw na hinubog ng lipunan batay sa paniniwalang panlipunan,
kultura, at tradisyon ng mga miyembro nito.

DALAWANG KATEGORYA NG GENDER ROLE


MASCULINITY - Tumutukoy sa mga gampaning kaakibat ng pagiging lalaki (o mga gawain na panlalaki),
FEMINITY - Tumutukoy sa mga gampaning kaakibat ng pagiging babae (o mga gawain na pambabae)

Gender Identity (kasariang pagkakakilanlan)


Ito ay ang pansariling pananaw at pagkakakilanlan sa sariling kasarian na maaaring bilang isang lalaki, babae, o
transgender. Samakatuwid, maaaring magkaparehas o maaaring magkaiba ang kasarian sa kapanganakan (sex)
at sa sariling pananaw ng isang indibidwal sa kanyang sarili (gender identity). Gayundin, maaaring ang
gagampanang gender role ng isang indibidwal ay nababatay sa kanyang gender identity.

Gender Expression
Ito naman ay tumutukoy sa panlabas na pagkakakilanlan batay sa kasariang pagkakakilanlan ng isang tao.
Karaniwan itong ipinahahayag sa pamamagitan ng pag-uugali, pananamit, gupit ng buhok, o boses, at nakabatay
sa gender identity ng isang tao. Ang gender expression ay maaari o hindi maaaring sumunod sa lipunan, kung
paano tinutukoy ng lipunan ang pag-uugali at mga katangian sa pagiging masculine o feminine.

Sexual Orientation
Ito ay ang pagkakakilanlang seksuwal at emosyonal ng isang tao sa ibang tao. Ang isang tao ay maaaring maakit
sa kalalakihan, sa kababaihan, sa parehong kasarian, o maaaring hindi rin siya naaakit sa anumang kasarian.
Ang mga indibidwal ay maaaring kilalanin bilang heterosexual (lalaki o babae), homosexual (lesbian, gay),
bisexual, transsexual, asexual, at iba pa.

Ang konsepto ng sekso, kasarian, gender identity, gender expression, at oryentasyong seksuwal ay magkakaiba,
bagama’t magkakaugnay sa isa’t isa. Hindi maaaring pag-isahin ang mga konsepto na ito dahil ang konsepto ng
kasarian ay maituturing na fluid o nagbabago-bago.
Halimbawa, ang isang biyolohikal na babae (sekso) na mahilig sa mga panlalaking pananamit at gupit ng buhok
(gender expression) ay hindi maituturing agad na tomboy o lesbian (gender identity) dahil lamang sa pananamit
at buhok. Isa pang halimbawa ay ang isang biyolohikal na lalaki (sekso) na nagsusuot ng panlalaking damit
(gender expression) na may karelasyon na isang transgender (oryentasyong seksuwal) ay hindi agad maituturing
na bakla o gay (gender identity).

You might also like