You are on page 1of 5

Script

Narrator: Walong dalagita,  hinack ang account para sa pera! Isa nga lang ba ang Salarin?

Ginagamit ngayon ng mga kabataan ang social media bilang platform upang makipag-ugnayan sa mga
tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa
isang virtual na komunidad at mga network. Marami itong benepisyo, mas pinapadali nito ang gawain sa
pang-araw araw ng mga tao. Ngunit, sa kabilang dako’y ginagamit din ito ng mga taong nagbabala’t kayo
sa maling paraan. Pano natin ito maiiwasan?

Isang Associate in Computer Technology student ang hinuli sa Cabanatuan, Nueva Ecija noong ika-3 ng
mayo, taong 2017,  matapos nitong ihack at pagkakitaan ang mga account ng walong Babae. Ayon sa
kaniyang panayam, naghahanap daw siya ng mga masisilang imahe atsaka pinagkakakitaan.

*Iinterviewhin yung lalaki, ibublur yung mukha tas palalalimin yung Boses*

Que: Paano mo nagawang ihack ang accounts nila?

Suspect: Kinukuha ko po yung mga basic information nila sa kanilang social media post, para mas madali
pong mahack account nila. Tapos kinakalkal ko po yung account nila kung may pwedeng pakinabangan
na impormasyon, gaya ng mga malalaswang imahe tas yun po yung ipantatakot ko sa kanila at hihingi ng
pera.

Narrator: Ayon naman sa Isang dalagita, na biktima din ng kaparehong krimen, ang violation of Art. 294
of RPC o Robbery with violence and intimidation, nagkakatuwaan daw silang magkakaibigan habang
tumatambay sa bilihan nang may biglang nagpadala ng mensahe sa kaniya, at humihingi ng pera.

Narrator: ang tanong ng karamihan, Iisa nga lang ba ang suspect sa krimeng nagaganap?

Intro

(Screen typing)

The PNP CYBERCOPS arrested a computer technology student in Cabanatuan City, Nueva Ecija after
demanding money from his victim for not uploading and distributing her nude photographs and sex
videos on the social media.
Flashback:

Scene 1: may dalawang babae na nag-uusap (makikita sa kanilang kasuotan, pananalita, at mga gamit na
meron silang kakayahan sa buhay). Ang hindi nila alam, may patagong nakikinig sa kanila. (Lalaking
nakahoodie, simpleng nakaupo sa gilid).

Mahuhulog ng Isang babae yung ID niya, pupulutin ito ng lalaki, at dito na magsisimula yung kalbaryo ng
buhay niya.

Que: Anong ba ang nasa isip mo o motibo mo bakit mo iyon ginagawa?

Suspect: Sa sobrang hirap po ng buhay, wala akong mapagkunan ng gastosin sa pang-araw araw. Kaya
ginamit ko po yung skills ko sa IT, kasi yun po yung pinakamadaling paraan. Kung may pera at kakayanan
lang din po ako, hindi ko po yung gagawin. Sabi nila, lahat tayo ay may choice. Pero naniniwala po ako na
ang choice ay para lang sa mayaman. Humihingi po ako ng pasensya sa mga na-agrabyado ko.

Scene 2: Pagdating sa bahay nung hacker, isesearch niya yung name ng Babae (gawa tayo ng fake account
here, ipakita natin yung screen at kung paano niya ihahack). Kuha din tayo ng mga pictures sa social
media sa internet, mga sexy pictures, Pero ibublur natin. Ilagay na lang natin yung credits sa huli.

Que: So akala mo nung una prank lang iyon?

Victim: opo, pero nung nagsend na po siya ng mga litratong nakuha niya sakin doon na po ako natakot.

Scene 3: nasa coffee shop yung victim with her friends. While having conversation with them, biglang
may nagmessage sa kaniyang anonymous account. Chineck ng victim yung phone niya, pero
pinagsawalang bahala lang, cause maybe she thought na prank lang yun. Paguwi niya sa bahay
magmimissage ulit yung hacker, tas dun na nga siya magsisimulang manghingi ng pera sa victim. Sa
sobrang takot ng Babae ay magbibigay siya ng pera sa suspect at hindi ipagsasabi sa magulang.

*Ipapakita rin natin yung usapan/convo nila*

(Sa part na to, Tuloy Tuloy na yung interview)

Que: Anong una mong naisip na gawin sa mga panahong iyon?

Victim: Nung time po na yun tinatamaan na ako ng anxiety, diko na alam yung gagawin ko. Blanko po
yung isip ko, natatakot akong kumalat yung mga pictures ko sa social media.

Que: Ilan Ang binigay mong halaga?


Victim: 5000 po

Que: Binura ba niya yung mga larawan mo pagkatapos mong magbayad?

Victim: ang akala ko po nung una binura binura na niya

Que: Anong mga ginawa ulit ng suspect pagkatapos mong magbayad?

Victim: Mga ilang araw din po siyang nanahimik, tas Isang araw nanggulo ulit.

Que: Pagkatapos non, ano Ang inyong naging aksyon?

Victim: Hindi ko na po kaya, iniisip ko na Kapag nagbayad ako ulit, hindi niya yun buburahin,
magpapabayad siya ulit. Kaya sinabi ko na kay mama.

Scene 4: masayang nakikipagkwentuhan yung Babae sa parents niya kasi akala niya okay na ang lahat
kasi nakapagbayad na siya, then may matatanggap ulit siyang message. Tas dun na siya iiyak at
magsusumbong sa parents niya. Icocomfort siya ng mama niya at dun nga magkocomplain sila sa police
station.

*Ipapakita ulit yung convo*

Humihingi ulit ng pera yung lalake sa Babae, at nagset ng date at meeting place for money.

(Screen typing)

According to PSSUPT MARCOS, the mother of one of the victim who is a minor (17 year old) filed a
complaint on May 1, 2017 regarding her daughter who was victimized of hacking her Facebook Account.
Based on the initial investigation conducted by WCPS, the suspect was able to victimized eight (8) female
victims. The modus of the suspect is to monitor the Facebook Account of his would be victim.

Scene: Nagfile ng complaint yung mother sa Police Station.

Police Officer: Magandang Umaga po, ano pong maipaglilingkod namin. (Mother shows the conversation
of the victim and suspect) Tas dun nila plaplanohin kung pano ifeframe yung suspect. Magmimeet sila sa
meeting place, Pero police na ang makikipagmeet.

Narrator: At nahuli nga ng PNP CYBERCOPS ang computer technology student sa Cabanatuan City,
Nueva Ecija pagkatapos nitong humingi ng pera sa kaniyang mga biktima upang hindi maikalat ang mga
malalaswang larawan at sex content nang mga ito sa social media.
Scene: hinuhuli ang biktima sa meeting place nila, kung saan sila dapat magkita para sa pangalawang
bayad. (Setting: 7/11-Milktea shop/coffee shop)

Narrator: ayon sa PNP, sa pangunguna ni PSSUPT MARNI C MARACOS JR. Ginagamit ng  social
engineering technique ang nasabing suspect para makuha ang account password ng mga biktima sa
pamamagitan ng pagkuha ng kanilang contact number. Kapag nakuha niya na ang mga numero, nirereset
niya ang kanilang password at dun na nga sinisimulan ang krimen.

Scene: pinipicturan yung suspect sa prisento.

(Iinterviewhin yung police)*

Police: since he is an IT student, he is expert when it comes to technology. The suspect is using social
engineering technique to obtain passwords of the Facebook account of his victim through asking the
cellular phone of one of the friends of the victim. The purpose of asking the cellular number is to reset
the password of the Facebook account of his would be victims. If the password of the FB account was
reset, he will then look for saved nude pictures and sexual activities on their messenge.

Suspect: Kapag nakukuha ko po yung mga nudes picture nila, humihinhgi po ako ng pera kapalit ng
pagbura sa mga ito. Kapag di po sila nakakapagbigay, tinatakot ko po sila na iaupload ko po ito sa social
media at isheshare sa mga friends or followers nila.

Narrator; nakumpiska sa suspect ang Cherry Mobile Model Flare J1 Plus,  TM Prepaid sim, Nokia Model:
RM-1134, at payout Money na nagkakahalagang Php 2,500 at kalakip nito ang kaniyang school ID kung
saan nakalagay ang kaniyang buong pangalan at litrato.

Ang suspect at hahatulan ng violation of Art. 294 of RPC (Robbery with violence and intimidation)
committed by, through or with the use ICT pursuant to section 6 of RA 10175, RA 9995 (Anti-Photo and
Video Voyeurism Act of 2009), and section 33(a) (hacking) of Republic Act 8792 (E-Commerce Act of
2000). Payo naman ni Police Senior Superintendent MARCOS, na wag ishare lahat ng personal
Information sa Social media, Gaya ng Birthday, birthplace, full name, contact info, at kung nasaang lugar
ka.

Police: sa ating publiko, Sana iwasan natin ang pag-oovershare sa social media, do not to share and
saved sensitive pictures and videos on our social media accounts. Atsaka yung pag-aupload ng pictures
at videos ay parang we are giving part of our lives to cybercriminals and they are waiting opportunities to
get this information.
(Tas add na lang tayo ng mga information, informative about cybercrime or hacking na Pwedeng sabihin
ng mga narrator.)

You might also like