You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Santa Rosa ) Sc.


Lalawigan ng Laguna )

REJOINDER-AFFIDAVIT
(SAGOT SA TUGONG-SALAYSAY)

Ako po si ROLANDO TAÑEDO MENDOZA, JR., 35


taong gulang na ipinanganak noong March 27, 1987, may
asawa, red cross volunteer at nakatira sa Block 8, Lot 2, Phase
2-B, Progressive Subdivision, Brgy. Tagapo, Santa Rosa City,
Laguna, matapos makapanumpa ayon sa batas ay nagsasaad ng
mga sumusunod, na:

1. Noong July 7, 2022, ako ay nakatanggap ng Sinumpaang


Salaysay ni PCMS Joselito A. Caparroso (PCMS Caparroso) na
kung isinaad niya na siya ang kumuha ng mga CCTV footages
sa nangyaring pamamaril sa biktima na kanyang inilagay sa CD.
Sinabi rin niya na ipinakita niya ang mga CCTV footges sa mga
testigo na sina Nomer Billones Gatchalian, Benjamin Diaz
Montilla at Juanito Rosario Macaseib at diumano’y positibo nila
akong kinilala na siyang bumaril kay Jeffrey Ingal Nataya.
Ipinakita rin nila ang isang mensahe sa Messenger na diumano’y
nagsasabing “madaling mawala yan buti di ako mkapag dala
ng BAREL kagabe”;

2. Pinabubulaanan ko ang lahat ng mga alegasyon ni PCMS


Caparroso dahil gawa-gawa lang niya ang reklamong ito laban
sa akin subalit wala siyang matibay na ebidensiya dahil ang
katotohanan ay ginawa lang niya ang mga salaysay ng mga
testigo at pinapirma sila kahit na wala silang alam tungkol sa
pagkakakilanlan ng pumatay kay Jeffrey Nataya;

3. UNA. Ang mga CCTV footages ay kinuha ni PCMS


Caparroso sa iba’t ibang lugar. Hindi siya ang may-ari ng mga
ito. Hindi rin siya ang operator ng mga naturang CCTV. Paano
malalaman kung authentic o tuna yang mga ito kung ang mga
may-ari o operator ay hindi man lang nagbigay ng salaysay kung
paano ito nakuha sa kanila at kung ang mga naturang CCTV
footages ay hindi inedit, pinutol, hiniwa-hiwalay o
pinagdugtung-dugtong. Walang nakakaalam kung saan ito
nakuha ni PCMS Caparroso. Walang papeles na nagpapakitang
nagbigay pahintulot ang mga may-ari o operator ng CCTV para
gamitin ang mga ito ni PCMS Caparroso. Kaya naman ang mga
CCTV footages na kanya diumanong kinolekta ay walang bisa
at walang saysay;

4. IKALAWA. Kung susuriin ang mga isinumiting CCTV


footages, makikita na may dalawang (2) tao na lulan ng
motorsiklo na nawala sa dilim. Pagkatapos ay may dalawang (2)
tao na lumabas sa dilim at habang naglalakad sila ay nakuhanan
ng CCTV. Ang isa (1) sa kanila ay naka-puting jacket at ang isa
(1) naman ay nakasuot ng animo’y asul o itim na jacket.
Makikita sa video footage na ang parehong lalaki ay payat ang
mga binti na hindi tumutugma sa laki ng aking mga binti at
katawan dahil ako ay may katabaan na pinatutunayan ng Arrest
Booking Sheets na ginawa sa akin ng mga pulis na inilakip
bilang ANNEX “1”. Makikita rin ang aking mga bagong
larawan na nakalakip bilang ANNEX “2” hanggang ANNEX
“2-C” na nagpapatunay na hindi tumutugma ang aking katawan
at mga binti sa nakuhanan sa video footage;

5. Hindi rin kita ang mukha ng mga salarin dahil bukod sa


madilim at malabo ang kuha ng video footage ay naka-face
mask din ang mga ito. Kung ikukumpara sa aking itsura ay
malayo sa mga taong nakuhanan ng video footage. Sa isa pang
video footage ay makikitang may isang (1) taong kulay puti ang
jacket na tumatakbo palayo sa camera at kapansin-pansin din
talaga na ito ay may mga payat na binti. Hindi naman makikita
kung may dala itong baril o wala. Sa isa pang video footage ay
may dalawang (2) tao na magkaangkas sa motorsiklo subalit
hindi kita ang kanilang mga mukha at hindi rin ipinakita kung
may dala silang baril;

6. IKATLO. Hindi ipinakita sa ipinasang chat sa Messenger


na naglalaman ng ganitong mga kataga: “madaling mawala yan
buti di ako mkapag dala ng BAREL kagabe” kung kanino ito
galing dahil ang nakalagay lamang sa screenshot na pangalan ay
ROLANDO at walang apilyido. Wala ring facebook link na
ipinakita para patunayan na ang pangalang ROLANDO na nasa
chat ay ako. Hindi rin malaman kung ang nasabing chat ay ang
kabuuan ng pag-uusap ng nag-send ng message at ang
tumanggap ng message dahil putul-putol ang isinumiting
screenshot ng chat. Hindi rin ipinakita kung anong gadget ang
ginamit ng nakatanggap ng chat para patunayan na ang mensahe
ay tunay o authentic;

7. IKAAPAT. Nakakapagtaka na nakilala raw ako sa


pamamagitan ng CCTV footage ng nagpakilalang testigo na si
Juanito Rosario Macaseib na sinabing binaril ko si Jeffrey
Nataya ng limang (5) putok habang siya ay nakatago sa saging.
Kung nakilala niya ako noong una pa lang na siyang bumaril
kay Jeffrey Nataya, lubos na nakakapagtaka na hindi man lang
siya nag-report o nagpa-blotter sa barangay dahil siya ay testigo
sa krimen. Ang Certification na may petsang July 13, 2022 ng
Barangay Pooc, Santa Rosa City, Laguna ay nakalakip bilang
ANNEX “3”;

8. Kataka-taka rin na bakit inuna ako diumanong sundan ni


Juanito Macaseib sa pamamagitan ng pagkubli sa saging
samantalang sinabi niya mismo na may tatlo (3) siyang pasahero
sa kanyang trolley. Hindi rin kapani-paniwala ang sinabi ni
Juanito Macaseib na nagpapahatid ako sa kanya sa kanyang
trolley sa Tower 5 dahil kung ito ay totoo, hindi ito tumutugma
sa nakuhanan sa CCTV footage dahil ang mga bumaril kay
Jeffrey Nataya ay magkaangkas sa motorsiklo. Ibig sabihin nito
ay mayroon silang dalang motorsiklo at hindi na kailangan pang
gumamit ng trolley para magpahatid pa sa lugar kung saan
naroon si Jeffrey Nataya. Kung totoong kilala niya ako, bakit
noon lang June 21, 2022 ako pinangalanan at ayon sa Spot
Report ng Santa Rosa City Police Station ay wala pang
pagkakakilanlan ang mga bumaril kay Jeffrey Nataya. Ang Spot
Report ay nakalakip bilang ANNEX “4”;

9. IKALIMA. Nakakapagtaka na nakilala rin daw ako sa


pamamagitan ng CCTV footage ng isang nagpakilalang testigo
na si Benjamin Diaz Montilla. Sinabi niya sa kanyang
Sinumpaang Salaysay na nakita raw niya akong may bitbit na
kalibre .38 na baril habang nakaangkas sa kulay puti at itim na
motorsiklo. Kung naka-motorsiklo nga ang mga bumaril kay
Jeffrey Nataya, si Juanito Macaseib ay hindi kapani-paniwala
kaagad na testigo dahil sa kanyang sinabing nakisuyo akong
magpahatid sa kanyang trolley sa Tower 5 samantalang mga
naka-motorsiklo pala ang bumaril kay Jeffrey Nataya;

10. IKAANIM. Hindi kapani-paniwalang testigo alinman


kina Benjamin Diaz Montilla o Nomer Billones Gatchalian.
Sinabi ni Benjamin Diaz Montilla sa kanyang Sinumpaang
Salaysay na:

“xxx habang ako ay nagduduty sa gate sa


Annex Phase-1 ng Golden City, Brgy. Dita,
Lungsod ng Santa Rosa Laguna humigit
kumulang 4:00 ng madaling araw ng ika-19 ng
Hunyo taong 2022 aking nakikita na may
dalawang lalaki na palakad lakad sa may riles
malapit sa aking pwesto kung saan ako
nagduduty at meron ding isang motor na
nakaparada sa gilid ng daan ngunit hindi ko lang
ito pinansin. Na bigla na lang ding nawala sa
aking paningin ang dalawang lalaki at ilang
sandali lamang narinig ko ang limang putok ng
baril.”

11. Sa Sinumpaang Salaysay ni Nomer Billones Gatchalian,


sinabi niyang niyaya ko siya at sinundo sa kanilang bahay sa
Purok 3, Brgy. Tagapo, Santa Rosa City, Laguna upang
makipag-inuman sa aking kaibigan na hindi niya pinangalanan
sa Barangay Pooc, Santa Rosa City, Laguna. Kanyang sinabi na
pagkatapos ng aming inuman bandang alas-4:00 ng madaling
araw noong June 19, 2021 ay sabay-sabay kaming lumabas ng
bahay (Brgy. Pooc) at sa may riles ay binaril ko diumano sa ulo
si Jeffrey Nataya. Ganito ang pagkakasabi ni Nomer Billones
Gatchalian:

“Nang matapos ang aming inuman humigit


kumulang 4:00 ng madaling araw ng ika-19 ng
Hunyo 2022 ay sabay sabay kaming lumabas ng
bahay, pagdating namin sa may riles ay doon na
naglabas ng baril si Rolando Mendoza, Jr, itinutok
niya ito kay Jeffrey at binaril niya ito sa ulo.”

12. Kung sa parehong oras na alas-4:00 ng madaling araw


noong June 19, 2022 ay nasa magkaibang lugar ako, paano ito
nangyari? Wala ring binanggit si Benjamin Diaz Montilla kung
gaano kalayo ang pwesto niya sa lugar kung saan binaril si
Jeffrey Nataya. Kung totoong sabay-sabay kaming umalis sa
bahay at sabay-sabay din na sumapit sa riles ng tren, dapat
maraming nakasaksi sa nasabing pamamaril ko kay Jeffrey
Nataya pati na ang isang di kilala ni Nomer Billones Gatchalian
(na maaring ang aking kaibigang binanggit niya na hindi niya
kilala na siyang nakatira sa bahay na pinagdausan ng inuman)
pero bakit hindi man lang tinunton ng mga pulis ang sinasabing
bahay at may-ari ng bahay na pinagdausan ng inuman kung
totoong nagkaroon nga ng inuman sa bahay na iyon ayon kay
Nomer Billones Gatchalian;

13. Hindi rin binanggit ni Benjamin Diaz Montilla kung


ano ang aking baril na ginamit sa pamamaril samantalang sinabi
niyang kitang-kita niya na binaril ko raw si Jeffrey Nataya dahil
tatlong (3) metro lang ang layo niya sa akin. Wala man lang
siyang nabanggit kung ano ang kanyang naging reaction sa
kanyang nakita at ano ang ginawa niya pagkatapos niyang
masaksihan ang pamamaril;

14. IKAPITO. Ayon sa Sinumpaang Salaysay ni Benjamin


Diaz Montilla, lumalabas na plinano ang pagpatay kay Jeffrey
Nataya dahil nakita niya ang dalawang (2) salarin na palakad-
lakad sa riles at may nakita siyang nakaparadang motor. Ito ay
tumutugma rin sa video footage. Subalit ayon naman sa
Sinumpaang Salaysay ni Nomer Billones Gatchalian ay
nagkaroon muna kami ng inuman kung saan ako at si Jeffrey
Nataya ay nagkaroon ng pagtatalo at nagbanta raw ako na
aabangan ko siya sa labas kaya noong lumabas kami ng sabay-
sabay papuntang riles ay binaril ko raw si Jeffrey Nataya sa ulo.
Wala ring binanggit si Nomer Billones Gatchalian kung ilang
putok ng baril ang kanyang nakita nang barilin ko raw si Jeffrey
Nataya. Labis na nakakapagduda ang maliliit na detalyeng hindi
man lang nasambit ni Nomer Billones Gatchalian sa kanyang
Sinumpaang Salaysay;

15. IKAWALO. Isang katawa-tawa ang ginawang proseso


ni PCMS Caparroso upang kilalanin ang isang (1) salarin sa
krimen. Imbes na ang Police Line Up na ginawa niya ay kumuha
ng maraming tao na ipapakita sa testigo upang kilalanin kung
sino sa kanila ang suspek, hindi ganito ang ginawa niya kundi
ako lang ang ipinakita niya sa mga sinasabi niyang testigo at
sinabing ako ay nahuling suspek sa pagpatay kay Jeffrey Nataya.
Wala akong kasama at mag-isa niya akong iniharap sa kanila.
Dahil sa ganoong ginawa ni PCMS Caparroso sa mga testigo,
wala na silang sasabihing iba kundi ituro ako dahil wala naman
silang ibang pagpipiliang tao kundi ako lang dahil mag-isa nga
lang akong ipinakita niya sa mga ito;

16. IKASIYAM. Walang katotohanan ang sinabi ni PCMS


Caparroso sa kanyang Sinumpaang Salaysay na nakita niya ako
habang pababa siya ng sasakyan kaya niya ako inaresto. Ang
totoo ay pumunta ako sa Santa Rosa City Police Station dahil
pinapunta ako doon ni Estella Levantino. Ito ay pinatutunayan
ng aming chat noong June 20, 2022 at June 21, 2022 noong nasa
Police Station na ako. Hinanap ko pa ang partido ni Estella
Levantino dahil naranasan ko na noon ang pambubugbog sa akin
ng mga pulis. Hindi na ako nakapag-chat muli kay Estella
Levantino dahil kinuha ng mga pulis ang aking cellphone na
isang Huawei P20 Lite. Ang mga chat namin ni Estella
Levantino noong June 20-21, 2022 ay nakalakip bilang ANNEX
“5” hanggang ANNEX “5-I”;

17. IKASAMPU. Ginawa akong fall guy ni PCMS


Caparroso bilang salarin sa pagpatay kay Jeffrey Nataya imbes
na gawin ang kanyang trabaho na hanapin ang hustisya gaya ng
pagtunton kung sino ang mga tunay na salarin at mapanagot sa
ilalim ng batas. Subalit sa ikinikilos ni PCMS Caparroso ay
nagmumukhang siya na ang tumatayong complainant imbes na
siya lamang ang umaaktong imbestigador sa reklamong
isinampa ng kapatid ni Jeffrey Nataya na si Jeniliza Nataya
Macaseib;

18. IKALABING-ISA. Walang ibang lagusan sa


Progressive Subdivision para daanan ng sasakyan o tao kundi
ang nag-iisa nitong gate sa tapat ng highway. Sa CCTV footage
na isinumite ko galing sa Progressive Village Homeowners
Association, hindi ako lumabas sa naturang subdivision mula
alas-5:00 ng hapon ng June 18, 2022 hanggang alas-7:00 ng
umaga ng June 19, 2022. Ang aking di paglabas sa subdivision
ng alas-5:00 ng hapon ng June 18, 2022 ay taliwas sa sinabi ni
Nomer Billones Macaseib na sinundo ko siya sa kanilang bahay
para yayain siyang makipag-inuman sa aking kaibigan sa
Barangay Pooc, Santa Rosa City, Laguna;

19. PANGHULI. Hindi na kailangan pang saktan ako at


bugbugin ng mga pulis para lang umamin sa krimen dahil hindi
ko naman talaga ginawa at hindi ko kayang gawin ang pumatay
ng tao. Kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi ako nagkaroon
ng anumang datos para manakit ng pisikal sa kapwa ko tao.
Inosente ako sa ibinibintang laban sa akin. Kung nagkaroon man
kami ng hindi pagkakaunawaan ni Jeffrey Nataya noong April
27, 2022 dahil sinapak niya ako sa walang kwentang bagay ay
nasabi ko na rin ito kay Estella Levantino na siyang nag-imbita
sa akin para dumalo sa birthday celebration ng kanyang anak;

20. Hinihiling ko sa Kagalang-Galang na Tanggapan ng


Pampublikong Tagausig na kagyat na IBASURA ang reklamong
criminal na isinampang Murder (paglabag sa Article 248 ng
Revised Penal Code) laban sa akin dahil sa maliwanag na
kakulangan ng batayan para ito ay isampa sa hukuman.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumagda


sa aking pangalan sa ibaba ngayong ika-14 ng Hulyo 2022 dito
sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

ROLANDO T. MENDOZA,
JR.
Inirereklamo/ Nagsalaysay

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa harapan ko


ngayong July 14, 2022 dito sa Santa Rosa City, Laguna.
Pinatutunayan ko na nabasa at naiintidihan ng Nagsalaysay ang
kanyang Rejoinder-Affidavit at ito ay malaya at kusang-loob
niyang ginawa.

_________________________
Pampublikong Tagausig

-1-

You might also like